My Superstar Housemate (Super...

By sincerelyjeffsy

10.7K 2.8K 160

The C.U.P.I.D. Boyband Series Book 3 I, Sandy Guevarra, hated Uriah Khan to the core and I swore destroy his... More

Foreword
Prologue
Flash News!
Chapter 1: A Superb First Meet
Chapter 2: Truth and Consequences
Chapter 3: A Reporter's Revenge
Chapter 4: Trap
Chapter 5: One-Woman Picket
Chapter 6: Writer's Block
Chapter 7: Order To Vacate
Chapter 8: A Rainy Night
Chapter 9: Peace Offering
Chapter 10: Fever
Chapter 11: Housemate
Chapter 12: Housemaid
Chapter 13: Back Pay and Pay Back
Chapter 14: Meeting
Chapter 15: Housewarming
Chapter 16: Overnight
Chapter 17: Horseback Riding
Chapter 18: Operation Sagip Sandy
Chapter 19: Love Stories
Chapter 20: Favor
Chapter 21: Childhood Photos
Chapter 22: Saudi Arabia
Chapter 23: Tour
Chapter 24: Secret Vault
Chapter 25: Jewelries
Chapter 26: Saving Sandy
Chapter 27: Pregnant
Chapter 28: Separation
Epilogue: Déjà Rêvé

Chapter 29: Explanations

288 49 1
By sincerelyjeffsy

BAGAMAN halos natatakpan ang buong mukha nito dahil sa suot nitong shades at face mask ay nakilala pa rin ni Lexi ang lalakeng nakatayo mula sa malayo. Mabuti na lang at wala pang nakakakilala rito, maliban sa kaniya, dahil sa bagong hairstyle nito.

She knew that she should be running away from him right now lalo na at nagsimula na itong maglakad palapit sa kaniya. Kaso, hindi siya makakilos. Mistulang napako siya sa kinaroroonan niya hanggang sa tuluyan na itong sumapit sa harapan niya.

Inalis nito ang suot nitong shades dahilan para makita niya ang nanlilisik nitong mga mata sa kaniya. Sigurado siyang kung nagbubuga lang ng apoy ang mga iyon ay kanina pa siya naging abo. She was expecting him to hurl hurtful words at her or, worse, ay saktan siya nito dahil sa ginawa niya rito. Pero, nagkamali siya. Sa halip ay bigla siya nitong hinigit palapit sa katawan nito at niyakap nang mahigpit.

“Please, 'wag mo nang uulitin 'to,” pagmamakaawa ni Uriah sa kaniya. “’Wag mo na 'kong iiwan ulit nang gano’n-gano’n na lang. Kasi, sobrang bigat sa pakiramdam.”

And, just like that, all her resolve crumbled down to dust. Maluha-luhang niyakap niya rin pabalik si Uriah habang pinagpupukpok niya ng kamao niya ang matigas nitong likuran.

“Siraulo ka!” she accused him. “Bakit tinago mo sa 'king nabuntis mo si Jewel?! Bakit nagawa mo 'yon, gago ka?! 'Di mo ba alam kung ga'no kasakit sa 'kin nang malaman ko pa 'yon mismo kay Jewel?!”

“’Di totoo 'yang sinasabi mo,” tanggi ni Uriah sa kaniya. “Oo, totoong alam kong nagdadalang-tao si Jewel. Pero, 'di ako ang nakabuntis sa kan'ya.”

“Kung gano'n ay sino?” kunot-noong usisa niya rito.

“Sino pa ba? E di syempre, si Tanner!” walang pag-aalinlangang sagot nito.

“Pero, pa'nong nangyari 'yon?” nagtatakang usisa niya rito. “Mahigit dalawang buwan nang buntis si Jewel, 'di ba? Kelan lang sila naging magkasintahan ni Tanner.”

“Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Jewel?” ganting-tanong nito sa kaniya.

Just like that, everything dawned at her. Now, everything fell into its proper place like pieces of the puzzle. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit ayaw ipasabi sa kaniya ni Jewel na nabuntis ito ni Uriah dahil hindi naman talaga si Uriah ang nakabuntis dito. At malamang ay iyon din ang dahilan kung bakit tinatanggi ni Uriah ang batang nasa sinapupunan ni Jewel dahil hindi naman talaga nito anak iyon. Dapat ay naniwala siyang hindi magagawa ni Uriah na hindi kilalanin ang sariling anak nito dahil, higit sa lahat, ay ito ang nakakaalam ng pakiramdam kung paano lumaki nang walang ama.

“Aaminin ko,” Uriah continued. “Nagkulang din ako dahil 'di ko in-open ang tungkol sa 'min ni Jewel dati. Hindi dahil sa apektado pa rin ako sa kan'ya dahil mahal ko pa rin s'ya. Kung 'di dahil sa wala na 'kong pakialam sa kan'ya dahil wala na 'kong nararamdaman para sa kan'ya. At lahat ng 'yon ay nangyari simula nang makilala kita, Sandy…”

Uriah touched her chin and gently lifted her face up. Kitang-kita niya ang sinseridad sa mga itim nitong mata.

“A-ano ba talaga ang nangyari sa 'nyo ni Jewel?” utal niyang tanong dito.

“Mahabang kuwento,” sagot ni Uriah sa kaniya. “Humanap muna tayo ng makakainan dahil gutom na gutom na 'ko’t siguradong gano'n din kayo.” Pagkatapos ay tiningnan nito si Nigel na nasa tabi niya at kanina pa silang pinapanood na dalawa. “Tama ba 'ko, 'kulit?” Then, he ruffled Nigel’s hair and smiled at him.

🏠🏠🏠

FINALLY, Sandy was enlightened.

Ayon kay Uriah ay ito raw talaga ang nakipaghiwalay kay Jewel and not the other way around. Nakipaghiwalay raw si Uriah kay Jewel dahil bukod sa nalaman ni Uriah na nakikipagsabwatan si Jewel kay Tanner para bantayan ang bawat kilos ni Uriah ay nahuli pa ni Uriah na nakikipagtalik si Jewel kay Tanner nang gabi bago ang AAA Night. Iyon din ang dahilan kung bakit nakita niya ang dalawang ito na nag-aaway nang AAA Night. Taliwas iyon sa sinabi ni Tanner sa kaniya nang huli silang nagkitang dalawa na kaya nakipagrelasyon si Uriah kay Jewel ay para malaman ni Uriah ang lahat ng kilos ni Tanner at kaya naghiwalay si Uriah at si Jewel ay dahil mas pinili ni Jewel si Tanner kesa kay Uriah.

“Pero, pa’no mo nasabing kay Tanner talaga ang pinagbubuntis ni Jewel?” tanong ni Sandy kay Uriah. Kasalukuyan silang nasa isang restaurant at nagtatanghalian. “Ni minsan ba'y walang nangyari sa 'nyong dalawa?”

“Kailangan mo pa bang malaman 'yon?” ganting-tanong ni Uriah sa kaniya.

“Oo, Uriah,” sagot niya rito. “I want an honest, true and direct answer.”

“M-meron,” utal na wika ni Uriah.

Biglang lumambong ang mukha niya. Alam niyang wala na siya dapat na pakialam kung sino mang mga babae ang naikama ni Uriah bago pa maging sila dahil nakalipas na iyon at nararamdaman niyang siya na ang mahal nito. Kaso, hindi niya talaga maiwasang hindi masaktan dahil doon lalo na at si Jewel ang pinag-uusapan nila. Actually, she felt insecure of Jewel. Siguro ay dahil 'di hamak na mas maganda talaga si Jewel kesa sa kaniya, mas sikat at mas nababagay kay Uriah.

“P-pero, alam kong imposible talagang mabuntis ko s'ya dahil gumagamit ako ng proteksyon,” pagpapatuloy ni Uriah. “Sa 'yo lang hindi dahil sigurado na 'kong ikaw lang talaga ang tanging babaeng gusto kong makasama habambuhay.”

Nag-init ang magkabilaang pisngi ni Sandy dahil sa sinabi sa kaniya ni Uriah. Siguro nga mas nababagay sina Uriah at Jewel sa isa't isa dahil parehas silang artista, sikat at gwapo at maganda, respectively. Pero, nararamdaman niyang siya lang ang tanging babaeng mahal ni Uriah at sapat na dahilan na iyon para sa kaniya iyon.

“Ang korni mo talaga!” kantyaw niya rito. Pero, deep inside ay nagliliparan na ang mga paruparo sa loob ng sikmura niya. “Manahimik ka nga r'yan! May bata tayong kasama, oh!”

Then, sinulyapan nila si Nigel. Abala ito sa pagkain ng halo-halo at mukhang walang pakialam sa Rated SPG na pinag-uusapan nilang dalawa.

“Bakit ba gano'n na lang ang galit sa 'yo ni Tanner?” tanong niyang muli kay Uriah. “Dahil ba sa nangyari sa na-disband n’yong co-ed group na T.R.I.?”

Tumango si Uriah bilang sagot. “Iniisip kasi ni Tanner hanggang ngayon na nabuwag ang T.R.I. dahil sa 'kin. Dahil umalis ako sa grupo namin para sumali sa C.U.P.I.D..”

Naaalala pa niya ang kuwentong iyon. Isa iyon sa mga articles na ginawa niya laban kay Uriah nang mga panahong magka-away pa sila. Pero, sa pagkakakilala niya ngayon kay Uriah ay alam niyang hindi nito basta-basta gagawin iyon nang walang sapat na dahilan.

“What is the real reason, then?” usisa niya rito. “Bakit ka ba talaga umalis sa T.R.I.?”

“Si President Claude pa no'n ang namamahala sa E.O.S. Entertainment nang i-launch ang T.R.I.,” panimula ni Uriah sa pagkukuwento. “Pagkalipas nang ilang buwan ay sinabi n'ya sa 'kin na idi-disband na raw n'ya ang grupo dahil 'di raw 'to patok at wala raw talent at appeal sina Tanner at Jewel sa masa. Kilala lang daw ang grupo dahil sa 'kin. Kaya naman inalok n'ya 'kong kukunin n'ya 'kong muli bilang miyembro ng isang bagong boyband na binubuo n'ya na kalaunan ay nakilala bilang C.U.P.I.D.. Syempre, nang umpisa'y 'di kaagad ako pumayag dahil ayokong maghiwa-hiwalay kami nina Tanner at Jewel. Para na kasing magkakapatid ang turingan namin sa isa’t isa. Sabay-sabay kaming natanggap sa E.O.S. bilang trainees, sabay-sabay kaming lumago't sabay-sabay rin kaming nangarap kaya mahirap sa 'kin ang iwanan sila lalo na nang malaman kong tatanggalin na rin sila ni President Claude sa E.O.S. Entertainment 'pag na-disband ang T.R.I. So, nakipagkasundo 'ko kay President Claude. Sinabi kong papayag akong maging miyembro ng boyband na binubuo n'ya basta 'wag n'yang aalisin sa E.O.S. Entertainment sina Tanner at Jewel hanggang sa makakita s'ya ng paglalagyan sa kanilang dalawa. Pumayag naman s'ya dahil mahirap daw makakita ng katulad ko. Pagkatapos niyon, tuluyan ngang nabuwag ang T.R.I. at naging miyembro ako ng C.U.P.I.D. Bumalik naman sina Jewel at Tanner sa pagiging trainees hanggang sa nakakita nga ng paglalagyan si President Claude sa kanilang dalawa – si Jewel bilang miyembro ng M.A.J.Y.X. at si Tanner naman bilang solo artist ng E.O.S. Entertainment.”

“’Yon naman pala, eh,” wika ni Sandy kay Uriah matapos ang mahabang kuwento nito. “Wala ka talagang kasalanan sa nangyari sa kanilang dalawa. Sa totoo lang ay ikaw pa pala ang dahilan kung bakit nasa E.O.S. Entertainment pa rin silang dalawa hanggang ngayon. Alam ba nila ang ginawa mo para sa kanila? Dahil kung oo ay 'di dapat gan'yan ang pakikitungo nila sa 'yo!”

“’Di nila alam ang ginawa ko para sa kanila,” wika nito sa kaniya. “'Di ko sinabi sa kanila dahil ayokong masaktan sila 'pag nalaman nila ang sinabi ni President Claude sa kanila no'n na kulang sila sa talent at wala silang appeal sa masa.”

“Pero, tingnan mo, ikaw naman ang sinasaktan nila ngayon,” sermon niya rito. “Sa maniwala ka o sa hindi'y naiintindihan kita, Uriah. Nasanay ka na kasing nagtatago ng mga malalaking sikreto tulad ng totoo mong pagkatao. Kaya, minsan, 'yong mga maliliit na bagay tulad nang ginawa mo para kina Tanner at Jewel, 'yong 'di mo pagsasabi sa 'kin tungkol sa pagbubuntis ni Jewel at 'yong pagtatago mo sa totoong nangyari nang AAA Night ay hinahayaan mo na lang. Not even realizing na malaki ang nagiging epekto n'on sa relasyon mo sa ibang tao. Pero, 'di kita masisisi. Kinalakihan mo na kasi 'yan. Kaso, sana ngayong narito na 'ko'y matutunan mong sabihin sa 'kin lahat nang tumatakbo r'yan sa isip mo’t lahat ng nangyayari sa ‘yo. ‘Di kita huhusgahan at makikinig ako sa 'yo. I’ll be that somebody to care for you starting from now on. Okay?” Pagkatapos ay masuyo niyang inabot ang kamay nito at hinawakan.

“Salamat,” Uriah sincerely thanked her with a smile at saka nito marahang pinisil ang kamay niya. “Ikaw rin. Sabihin mo sa 'kin lahat ng bumabagabag sa 'yo't 'wag ka basta-bastang naniniwala sa mga sinasabi ng iba tungkol sa 'kin. Tanungin mo muna 'ko. At palagi mong iisiping wala 'kong kahit na anong gagawin para tuluyan kang mawala sa ‘kin.”

“Tama ka, Uriah,” she agreed with him. “And, I also wanted to grab this opportunity to apologize to you para sa lahat ng kasalanan ko sa 'yo.”

“’Wag mo nang isipin pa 'yon,” wika nito sa kaniya. “Dahil wala 'kong pinagsisisihan sa mga nangyari't kung bibigyan ako ulit ng pagkakataon para baguhin ang lahat ng pangyayari'y 'di ko gagawin 'yon dahil masaya 'kong nakilala kita dahil sa pangyayaring 'yon.”

“Same with me,” pagsang-ayon niya rito. “By the way, you’ve got to tell Tanner and Jewel now para tigilan ka na nila.”

“Nakausap ko na sila,” ani Uriah.

“Talaga?” 'di makapaniwalang usal ni Uriah. “Kailan pa?”

“Kanina lang,” sagot nito sa kaniya. “Habang nasa eroplano 'ko’y tinawagan ko si Jewel. At, pagkatapos kong sabihin sa kan'ya ang tungkol sa kasunduan namin ni President Claude no’n ay nakonsensya raw s'ya. Kaya naman pinagtapat n'ya sa 'kin na s’ya ang may kagagawan kung bakit mo ‘ko iniwan. Na kaya mo raw ako hiniwalayan ay dahil tinakot ka n'yang ipalalaglag n'ya ang batang nasa sinapupunan n'ya 'pag 'di mo 'ko nilayuan.”

“Pero, pa'no na ngayong alam na rin natin ang katotohanang si Tanner nga ang ama nang pinagdadala n'ya?” she inquired him. “Ano nang gagawin n'ya?”

“Magpa-public apology daw s’ya para sa ‘kin,” Uriah replied. “’Tapos ay itatama raw n'ya ang lahat ng maling ispekulasyon tungkol sa 'kin simula't sapul. Ipagtatapat n'yang 'di ko naman talaga s'ya sinaktan nang AAA Night. Totoong nagtatalo kami. Pero, 'di ko s'ya tinulak. Hawak ko ang mga kamay n'ya no'n. Kaso, nagpumiglas s'ya't nabitiwan ko s’ya. Dahil do'n ay nawalan s'ya nang balanse't natumba. Saka, aaminin na rin daw n'yang si Tanner talaga ang nag-planong sabihin na ako ang ama nang dinadala n'ya para parehas nilang makuha ang gusto nilang mangyari. Si Tanner – ang makapaghiganti sa 'kin sa pamamagitan nang tuluyan kong pagkatanggal sa C.U.P.I.D. At si Jewel – para raw bumalik ako sa piling n'ya. Nangako rin s'yang 'di na n'ya 'ko guguluhin kahit kailan at kakausapin n'yang muli si Tanner para panagutan ang anak nilang dalawa. Sapat na raw ang tulong na binigay ko sa kanila kaya nakapanatili sila sa E.O.S. Entertainment nang maraming taon. Oras na raw para tuluyan na silang umalis sa kompanya.”

“Okay. Enough of your explanations,” awat niya rito. “Malinaw na sa 'kin ang lahat. Kumain na muna tayo.”

Tumapyas siya ng kapiraso mula sa black forest cake na in-order niya nang mapansin niyang nakatitig si Uriah sa kaniya.

“Anong tinitingin-tingin mo r'yan?” siya niya rito. “Kumain ka na nga!”

Hindi na lang niya pinansin ito. Kaso, bigla siyang may naalala. “Sandali. Last na. Pa'no mo pala nalamang narito kami sa General Santos?”

“Ginamit ko ang mga koneksyon ko,” mayabang nitong sagot. “Saka, naalala ko no'n na parang may nasabi sa 'kin si Mang Bong na may mga kamag-anak ka rito sa General Santos.”

“Nasabi n'ya sa 'yo?” nagtatakang tanong niya rito. “At natatandaan mo pa talaga 'yon?”

“Oo naman,” Uriah replied sweetly. “Natatandaan ko ang lahat ng bagay tungkol sa 'yo.”

Sandy's cheeks reddened as her lips curved into a shy smile. Hindi niya alam kung paano siya napapakilig ni Uriah sa simpleng mga banat nito. “Kumain na nga ulit tayo,” she changed the topic. Nang tuluyan niyang maisubo ang kapirasong cake ay napangiwi siya nang may nakagat siyang matigas. Kulang na lang ay madurog niyon ang ngipin niya.

“What’s wrong?” nagtatakang tanong ni Uriah sa kaniya.

Niluwa niya ang matigas na bagay na nakagat niya at hinawakan. Laking gulat niya nang malamang ang engagement ring niya pala iyon na binigay sa kaniya ni Uriah dati.

Bigla namang lumuhod si Uriah sa harapan niya. Dahil doon ay pinagtinginan tuloy sila ng mga tao sa loob ng restaurant ngayon. Si Nigel naman ay nakamasid lang din sa kanilang dalawa at bakas sa mukha ang pagtataka dahil sa nangyayari.

“Anong ginagawa mo r'yan? Tumayo ka na r'yan! Pinagtitinginan na tayo, oh!” wika niya habang hinihila ito. Pero, hindi nagpatinag si Uriah. Magkahalong hiya at excitement ang nararamdaman niya ngayon dahil sa ginagawa nito. Mukha namang namukhaan na ng mga tao sa loob ng restaurant si Uriah kaya naman kumuha na ang mga ito ng cellphone at sinimulang kuhaan sila ng pictures at videos.

“Sandy,” usal ni Uriah sa pangalan niya. “Alam ko inalok na kita no'n ng kasal at um-oo ka naman. Kaso, gusto kong malaman kung sigurado ka pa rin bang pakasalan ako, maging ina ng mga anak ko’t makasama ko habambuhay? Gusto mo pa rin bang maging Mrs. Alexandra Guevarra Khan?”

Then, everything flashed before her eyes – mula sa kung paano sila nagkakilala, naging mortal na magkaaway, nagkabati, naging housemaid nito, nag-bonding sa Saudi, niligtas nito sa tiyak na kapahamakan, nagkaaminan ng totoong nararamdaman, naging engaged, sinubok ng mga problema at, ngayon, their second chance. Masaya siyang hindi siya sinukuan at pinabayaan ni Uriah.

“Of course, Uriah!” she answered surely. “There’s nothing more I wanted to be in life than to be your wife, the mother of your children and to grow old with you. So, it’s a big yes! I’ll definitely marry you.”

Kinuha ni Uriah ang solitaire ring sa kamay niya at sinuot iyon sa daliri niya. Pagkatapos ay tumayo ito mula sa pagkakaluhod at inunat nito ang kamay nito sa kaniya. Inabot naman niya iyon at hinila siya nito patayo. Then, when their eyes met, Uriah pressed his body against her and crashed his lips onto her. Wala na siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao tungkol sa kanila. Wala na siyang pakialam pa kahit i-upload pa ng mga ito ang kissing video nila sa social media at mag-trending sila. Sanay na siya roon. What’s important to her right now is that she’s officially going to be Mrs. Alexandra G. Khan!



Author's Note:

Please, read, vote, comment and share. Thanks! 😊

Published last August 19, 2020.

Continue Reading

You'll Also Like

133K 4.1K 33
They break all the rules and let's discover what they don't. "Maniego"
569K 15.9K 30
Transferee at nag-iisang Pinay na estudyante si Mara Santacruz sa Sakura High School na matatagpuan sa Osaka, Japan. Dahil magkakilala ang mga estudy...
205K 3K 38
Sojiro Yamazaki and Grace Paosal story🖤
2.9M 42.5K 62
Dice and Madisson