The Vampire's Kiss

By supladdict

1.5M 75.3K 20.3K

Bloodstone Legacy #3 Laurelia Therese is a girl who strive hard on her study, hoping that it will help her to... More

Prologue
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epilogue

Chapter 19

29.4K 1.6K 768
By supladdict

A/N: Sa mga nagtatanong kung si Therese ba ang nasa cover, nope po. Wala siyang portrayer. But honestly, ang inspiration ko sa features niya ay si Dasha Taran. Search niyo para kahit papaano, ma-visualize niyo hehe.

------

Kiss

Sumandal siya sa kaniyang kotse at tumingala. He looks so frustrated. His adam's apple moved up and down before he ran his fingers through his hair. Nameywang siya at tumiim-bagang.

I almost lost my balance. Napasulyap siya sa akin at tila lalo siyang naging iritado. I smiled at him and sat in front of his car. Sinapo ko ang ulo at sinuklay ang buhok. I look around and realized that my vision is still unstable.

"I feel like floating..." I uttered. Itinaas ko ang kamay sa aking harap at tinitigan. Napahagikhik ako at nilingon siya. "Look, I have two palms in one hand!"

"You are fucking drunk," mababa ang boses na saad niya. He clenched his jaw and eyed me with his sharp eyes.

Nanlaki ang aking mata. I put my hands on my cheeks and act shock.

"You cussed! Bad iyon, Sir. Tsk, tsk. In front of your student!"

Napailing siya at sinapo ang ulo. Humagikhik ako sa hitsura niyang problemado. Akala ko ay lumalabas na ang kaluluwa niya dahil nagiging dalawa siya sa paningin ko, but then I remember that I am drunk. Napangiti ako at kumurap-kurap. I feel so good and happy!

"You're so drunk. Damn!" he cussed again. "Ang dami pang nagtangka sayo. Few even touched you!" his voice spits madness.

I chuckled and stood. Halos matumba pa ako ngunit agad niya akong inalalayan habang bumulong ng malulutong na mura. Kumapit ako sa mga braso niya at nakangiti na tiningala siya. His jaw clenched and stared at me. Halos nakasandal na ang katawan ko sa kaniya dahil wala na akong kontrol. I feel like I am heavy.

"Huwag ka ng magalit, Sir. Hmm? Don't be mad?" malambing kong saad at hinaplos ang kaniyang panga. Lalo iyon nagtagis. I felt his arm enveloped around me. Ngumiti ako at sumubsob sa kaniyang dibdib. "You smell so good, Sir."

Sinamyo ko ang kaniyang bango at napakapit sa dibdib niya. Naaamoy ko na siya noon pero mas maganda pala kapag ganito kalapit. It feels so good, too, to be on his strong arms.

"Fuck. You're so flirty when you're drunk. You'll never drink alcohol again when I'm not around," he whispered with his husky voice. Humaplos ang kaniyang palad sa aking likod. I shivered and look at him again.

Pagmulat ko ay nakatitig siya sa akin. He look at my eyes down to my nose and down to my lips. I unconsciously licked my lips and smiled at him. Umawang ang kaniyang labi. Marahan akong napatawa habang pinagmamasdan ang kaniyang guwapong mukha. Madilim ang ginto niyang mga mata habang mariin na nakatitig sa akin.

Napanood ko kung paano nawala ang galit sa kaniyang mga mata at naging mapungay. Napahagikhik ako at hinaplos ang kaniyang mukha. I'm so lucky to be hugged by my professor who is also my friend! I stared on his slightly open lips. Umangat ang kamay ko at hinaplos iyon. It is so soft and inviting.

"What are you thinking now, huh?" paos niyang tanong.

"You have a soft lips, Sir."

"A student shouldn't touch her professor's lips," aniya. I smiled and nodded. Binaba ko ang kamay at tumitig sa kaniya. His eyes remain on my lips

"And a professor shouldn't stare on his student's lips like that," I uttered.

Nagkatitigan kami. Kumawala ako sa kaniyang hawak at muli akong nawalan ng balanse ngunit nasalo niya. His strong arms caught me by my waist. Nadikit ako sa kaniya muli. I giggled and now, he looks mad again. His eyes darkened like something triggered him. Marahan akong natawa sa pagbabago ng emosyon niya.

Humaplos ang kaniyang kamay sa aking mukha.

"Can I kiss you?" he whispered. I laughed while he remain serious.

"May code of ethics kayo na sinusunod at nakasaad doon na—"

"It was made by human. I'm not a human. I'm not bound to follow their rules. And I wouldn't follow it when it is against about anything that has something to do with my beloved. So drop that thought. Can I kiss you?"

I smiled and nodded. I closed my eyes when his lips covered my lips. His lips feel cold but then it became warm. He slowly kissed me and I felt a tingling sensation ran all over me. It ignited every corner of my body. I closed my eyes tightly when he sucked my lower lip. Humaplos ang kaniyang kamay sa aking pisngi pababa sa panga at leeg. I shivered on his touch. He slowly licked my lips before pulling away.

Niyakap niya ako nang mahigpit. I heard him sighed multiple times. Humihingal siya at tila kinokontrol ang sarili. Ako naman ay sumubsob sa kaniyang dibdib at humikab. I feel so sleepy. Humigpit ang yakap niya sa akin. I felt something on my stomach. Yuyuko sana ako para tignan iyon ngunit pinigilan niya ako. Humikab ako muli.

"Sir Azriel, what are we? I mean, our relationship?" I sleepily asked.

"What do you think?" bulong niya, nananatiling yakap ako.

"Friends? Because you asked me for friendship."

He chuckled and kissed my head.

"The last time I checked, friend knows your favorites, problems, and secrets. Not how soft your lips is. Not how sweet it is," he said. I nodded and closed my eyes. That's the last thing I remember before I fell on a deep sleep.

Tulala ako paggising. Wala akong maalala kung ano ang nangyari kaya pilit ko pang inaalala.

"Oh, gising ka na? Ikaw, ha? Maswerte ka talaga roon sa professor mo!" humagikhik si Lucy.

Nanlaki ang mata ko at unti-unti ng pumasok ang alaala sa utak ko. Uminit ang aking pisngi.

"Lasing na lasing ka! Pwede ka na niya iuwi sa lugar niya at gawin ang kahit ano pero inuwi ka pa rin niya rito. Gentleman, 'di ba?" she giggled again.

Hindi ako nakasagot. Nang umalis siya ay pabagsak kong sinubsob ang mukha sa unan. Nanggigigil ako sa sarili kaya sa unan ko iyon tinuon. I want to shout, out of frustration and embarassment. That is too much! I lost my inhibitions. Ang kapal ng mukha ko! I want to cry!

Natigilan ako at natulala. I was flirty. May gusto ako kay sir Azriel pero hindi aabot sa ganoong punto kung matino ako! And oh my, he kissed me! Tinanong niya ako at nagpaalam, and I permitted him without hesitation. Without thinking twice!

Gusto ko na lamang magpalamon sa lupa at mawala ng parang bula. Paano na ngayon? Paano ko siya kahaharapin? Paano ko siya pakitutunguhan?

At bakit ba ginusto niya akong halikan?

But then, maybe I triggered him. Unconsciously, I seduced him. Pero wala akong maalala na ginawa ko 'yon. I just smiled, laughed and giggled! He asked for permission naman na pinayagan ko kaagad.

Mariin akong napapikit at napapadyak sa hangin. Just, what the heck?

Nataranta ako nang maalala si Halsey. Inabot ko ang aking cellphone at binuksan ang messages. Ang daming messages mula sa tatlo pati na rin missed calls.

I immediately texted her. Ilang segundo ay nagreply na siya.

From: Halsey

You have a lot of explaining to do. Kaya 'di na ako nag-alala dahil nilapitan niya si Ysmael bago ka ihatid pauwi para i-inform kami. Then he sent me a photo of you na nakahiga na at inaasikaso ng girl na kasama mo riyan. You made me feel so nervous, Laurese. Kung saan-saan ka nakararating!

Nagtipa ako at humingi ng paumanhin sa kaniya. Nag-asikaso na rin ako para sa pagpasok ko sa trabaho. Kanina ay medyo masakit ang ulo ko ngunit agad din na nawala. Sumama sa akin si Sandra dala ang resume niya. She asked me about my work and to my surprise, she knows how to make coffee! Ang nasabi niya lang ay may coffee shop ang pinsan niya noon at naging barista roon. Nag-aalangan lang siya dahil wala siyang NCII but I think, she'll just show her skill at iha-hire na siya ni sir Eliot.

I proceed on my work while she's being interviewed. Hindi pa tuluyang nagbubukas ang shop ay pinakilos siya ni sir sa bar at pinagawa ng kape. And she really knows what she's doing. Gumawa rin siya ng latte art and she's so good!

"Ayan, wala ng magiging problema. Hindi na masyadong stressing!" bulong sa akin ni Pamela.

Sandra was hired. Halos magiging magka-duty kami dahil parehong may klase. She looks so happy while listening to Pamela. Pina-familiarize na kasi siya sa recipe ng ibang drinks. Sir Eliot gave her copies para mabilis makabisa.

Napatingin ako sa pinto nang tumunog iyon. Nakahinga ako nang maluwag ng delivery guy ang dumating. All day, I feel so nervous that I'll meet sir Azriel. Hindi ko alam kung paano siya kahaharapin. Nakakahiya!

Hindi siya dumating sa maghapon ko na duty. Nakahinga ako nang maluwag ngunit may lungkot din na nararamdaman dahil hindi siya nakita. But then, it's better dahil hindi pa ako handa.

"Sir, uwi na po kami," paalam ko. Kasabay ko si Sandra dahil maghapon din siya nanatili, under training ni Pamela.

"Sige, sige, ingat. Sandra, aasahan na kita simula bukas. Nga pala, Therese. Iaaccept mo na si Jared at A. Ako ang pinagbubuntunan ng mga iyon dahil ako lang inaccept mo!" saad ni sir Eliot. Alanganin akong ngumiti at tumango bago kami umalis at sumakay na ng jeep.

I smiled at Sandra when I noticed that she's staring.

"Yung lalake na naghatid sayo kagabi, siya 'yong dinala mo no'ng nakaraan 'di ba?" marahan niyang tanong. I nodded. "Professor mo?" she added.

"Oo, Sandra," marahan kong sagot. Kumunot ang noo niya at tumango.

"Iba ang pakiramdam ko sa kaniya. Parang gusto ka niya," saad niya.

Nanlaki ang mata ko at umiling. Sumagi sa isip ko ang paghalik niya sa akin pero hindi pa rin iyon sapat para sabihin na gusto niya ako. Sir Azriel is my professor. Kahit gusto ko siya ay parang mahirap tanggapin. Malayo ang agwat namin. And he's a man of principle.

Nagkibit siya ng balikat at umiwas ng tingin. Ako naman ay nalunod na naman sa pag-iisip.

Sa mga sumunod na araw ay halos 'di ako makatingin kay sir Azriel sa klase. Nagmamadali rin ako lagi sa pag-alis para hindi niya ako naisabay patungo sa coffee shop. Hiyang-hiya pa rin ako sa nangyari!

Si Sandra naman ay pumapasok na rin sa trabaho. She looks so happy on her work. Masaya rin ako para sa kaniya dahil nasabi niya sa akin na pakiramdam daw niya ay malaya na siya. And I understand that. Her previous work might feel like it's caging her. Hindi niya gusto ang trabaho na iyon.

It is raining so hard. Biglaang bagsak iyon. Nasa may waiting shed ako sa labas ng village at naghihintay ng jeep patungo sa coffee shop. Marami akong kasama ngunit ako lang ang galing sa Montecarlos.

Napabuntong-hininga ako nang makita ang mga pamilya na sa kalsada nakatira. Nagsisiksikan ito upang makasilong. Ang ama ay sinalba ang mga karton na ginagawa nilang higaan. I felt my heart hurt upon seeing the children chilling. Basa na sila at walang magawa kung hindi tiisin iyon.

Ang mga street vendor ay nagkagulo at naghahagilap ng ipantatakip sa paninda. I feel so bad. I look up to the sky and sighed. Sana tumigil na ang ulan. Rain is important too, ngunit ngayon na biglaan ay naging perwisyo sa nakararami.

Fortunately, it stopped. Hindi dahan-dahan na humina, kung hindi ay biglaan. Ang mga kasama ko sa waiting shed nag-alisan na. Napangiti ako nang tila isang pag-asa ang pangyayaring iyon para sa marami.

Naging alerto ako nang may mga parating ng jeep. Akmang papara ako nang kay tumigil na kotse sa harap ko. Napalunok ako nang bumaba ang salamin at ang seryoso na si sir Azriel ang nakita.

"Sumakay ka na," he uttered.

Sunod-sunuran ang katawan ko na binuksan ang pinto sa tabi ng driver seat at umupo. Isinuot ko ang seatbelt matapos isara ang pinto. I just look straight on the road. Deafening silence filler the air.

"You're ignoring me for the past few days, until now. Laurelia, what should I do?" he asked. I can hear the frustration on his voice.

I sighed and glanced on him. Nagkasalubong kami ng tingin at agad akong umiwas.

"H-hindi kita iniiwasan," pagsisinungaling ko.

"You are ignoring me. Don't deny it. Dahil ba iyon sa—"

"Hindi!" agad kong sinabi para hindi niya mabigkas iyon. Sinulyapan ko siya at tumaas ang sulok ng kaniyang labi.

"..halik. Dahil sa halik nga," aniya.

Uminit ang aking pisngi at ginusto na lumubog sa kinauupuan. Matagal na katahimikan ang pumainlang. Hininto niya ang sasakyan nang maabutan ng red light. I sighed.

"M-mali iyon, sir A. Mali iyon at hindi pwedeng magkaroon ng kakaibang ugnayan sa pagitan natin. Work ethics, sir Azriel. It's no—"

"At sinabi ko na rin sayo na hindi ko 'yan susundin. Especially when it has something to do with my mate," matigas niyang turan. Kunot ang noo na pinanood ko ang pagtagis ng kaniyang bagang.

"Mate? Ano 'yon?" nagtatakhang tanong ko.

Sumulyap siya sa akin bago pinaandar muli ang sasakyan.

"Something important for vampires," he uttered. "Beloved."

"Beloved? Minamahal?"

"It's more than that, Laurelia," seryoso niyang saad.

Kumunot ang noo ko ngunit tumango. It means, he's ready to break the rules and go against the ethics para sa kaniyang beloved? May minamahal ba siya ngayon? Napayuko ako at pinaglaruan ang mga daliri.

He went against his work ethics when he kissed me. But that doesn't mean, that I'm the mate he's pertaining to. Wala naman siyang sinabi at imposible na magugustuhan niya ako. Para sa mga bampira iyon and I just turned into one. I'm not qualified.

I'm just his student.

Pagkarating ay inaya niya ako na magkape but I politely refused. Dumiretso na ako sa aking trabaho kahit maaga pa. Maya-maya ay dumating na rin si Sandra at umalalay na kay Pamela sa bar.

Naglilinis ako ng table nang tinawag ako ni Pamela. Iniwan ko ang ginagawa at lumapit sa kaniya.

"Pakibigay 'to kay sir A. Order niya," saad ni Pamela. Tatanggapin ko na sana ngunit humarang si Sandra.

"Ako na! Sige na, Therese. Ipagpatuloy mo na ang ginagawa," aniya at ngumiti sa akin.

Pilit akong ngumiti at tumango. Bumalik ako sa mesa na nililinis at pinanood ang paglapit niya sa banda ni sir A. Nag-angat siya ng tingin mukhang hindi inaasahan na iba ang naghatid sa kaniya. May sinabi si Sandra ngunit pinili ko na ibaling sa iba ang atensyon. Kumunot ang noo ko at diniinan ang pagpunas. Pag-angat ko ng tingin ay kinakausap pa rin siya ni Sandra. Nagsalubong ang aming tingin. Ngumiti siya at tumawa naman si Sandra. Pinaglapat ko ang labi at mabilis na tinapos ang ginagawa. Dumiretso ako sa kusina at doon inabala ang sarili.

Pagtapos ng duty ko ay natanggap ko ang una kong sahod. I feel so happy seeing the money I earned with hardwork.

"Sandra, dinner tayo! Ililibre kita. Kaso fastfood lang," saad ko.

"Sigurado ka ba? Marami ka yatang gastu—"

"Hindi, tara na!" I excitedly said. Nagliwanag ang kaniyang mukha at tumango.

Sa hindi kalayuan mula sa coffee shop ay magkakatabi ang fastfood chain kaya nilakad na lamang namin. Pareho namin gusto iyong may malaking bubuyog. I ordered for us and talked while waiting for our order.

"Ang saya magtrabaho sa coffee shop. Friendly environment," saad ni Sandra. I can't help but to agree. "Ang bait pa ng boss natin. Thank you talaga. Dahil sayo nagkaroon ako ng maayos na trabaho," aniya.

Nginitian ko siya, "Wala iyon, Sandra."

Nangalumbaba siya at nakangiti na tumitig sa akin.

"Suki ba roon iyong professor mo? Si Azriel?" she asked.

Nawala ang ngiti ko sa labi. Kumunot ang noo ko sa huli niyang sinabi. Tama-tama ay dumating ang order kaya inayos ko 'yon sa mesa namin.

"O-okay na po, Maam?" tanong ng crew. I smiled at him and nodded. He immediately left.

"Let's eat!" saad ko.

"So, ano nga? Suki talaga siya? Laging naroon eh," aniya. Nakangiti si Sandra.

Sumimsim ako sa inumin at pinipilit burahin ang seryoso kong ekspresyon. I tried to smile. I'm feeling something weird.

"Oo. Suki siya, Sandra."

She giggled and nodded. Nagsimula kaming kumain.

"Ang gwapo niya! He's so hot. Nakakasawa na ang mga lalake sa campus because they are boys. While Azriel is a man. Hmm.." she sighed dreamily. Tila inaalala ang hitsura ng lalake.

Kumunot ang noo ko at nginuya ang balat ng manok. She's even calling him on his name. Walang sir. I can even remember that they talked earlier. Ilang minuto rin iyon. He even smiled on whatever their topic is.

May ibang nararamdaman ang dibdib ko. It seems like, I don't like what Sandra is saying. I don't like it.

Noong nakaraan lang ay may opinyon siya kay sir Azriel at parang nakalimutan niya na iyon.

"Tapos professor pa siya. He's intelligent, for sure. May girlfriend kaya iyon?"

Ibinaba ko ang kutsara at tinidor. Napatingin sa akin si Sandra at nawala ang ngiti sa kaniyang labi.

"Okay ka lang?" she asked.

"Yeah."

Nagpatuloy siya sa pagpuri kay sir Azriel sa harap ko. Ako naman ay nawawalan na ng gana sa pagkain. I get it. She likes him. Kahit sino ay hindi imposibleng magkagusto sa kaniya. Sa pisikal pa lamang ay siya ang pangarap ng babae. May maganda pang propesyon. He's a total package.

At hindi ko nagugustuhan ang kaisipan na 'yon. I hate it. I can feel something inside me awakening. Alam ko na maraming may gusto sa kaniya pero iyong harap-harapan na sinasabi sa akin ay ang hirap tanggapin.

Pero wala naman akong karapatan. Katulad lang din nila ako na hinahangaan siya. Walang pinagkaiba.

Tahimik lamang ako habang nakikinig kay Sandra. Minsan ay nakapagbubukas siya ng ibang topic ngunit babalik kay sir Azriel. Hanggang pag-uwi ay 'di na niya malimutan.

Kinabukasan ay nagising akong hindi maganda ang mood. Nanatili akong tahimik kahit buhay na buhay si Sandra. I feel bad that I hate what she's talking about. Tinulungan niya ako at heto ako, naiinis sa kaniya. This is not good.

Pinilit ko ang sarili na maging normal ang pakikitungo. Sa klase ay naririnig ko na pinag-uusapan din siya ng iilan at mas lalong sumama ang pakiramdam ko.

"Did you see his arms? His calloused palm? Imagine, ipipirmi ka niya sa pwesto mo gamit ang mga iyon habang gumagalaw.."

"Ahhhh! Oh my gosh!"

Napasimangot ako at pinunit ang isinusulat ko na tula na nauwi sa mga kung anu-anong guhit. Padabog akong tumayo at nagtapon sa basurahan.

"Oy, okay ka lang?" Cindy asked when she saw my grumpy mood. I just shrugged and went back on my seat.

Tumayo siya at lumapit. Dinaldal niya ako at napagdiskitahan na ayusan. Kahit papaano ay kumalma naman ako.

"Bagay sayo 'tong dewy make-up," aniya habang pinapahiran ng lipgloss ang aking labi. I tried to smile at her.

Inayos din niya ang buhok ko at naglagay ng iilang hibla sa gilid ng aking mukha. Hinahayaan ko lang siya gawin ang kung anong gusto niya at dumaldal sa akin. Atleast hindi ko na maririnig ang kung ano pa na pinag-uusapan ng iba.

Nang matapos ay pinicturan niya ako at sumama rin siya sa iba. Tuwang-tuwa siya sa kinalabasan. Katulad ni Halsey ay magaling din siya magmake-up.

"Cr lang ako," paalam ko. She just nodded while she's staring on our pictures.

Naglakad ako patungo sa cr at natigilan nang makita sa 'di kalayuan si sir Azriel. Patungo na sa room namin ngunit hinarang siya ni Sandra. Napaismid ako at dumiretso sa cr.

Nakasimangot ako pagpasok kaya napaiwas ang mga nasa loob. Pumasok ako sa isang cubicle at doon kinalma ang sarili. Matapos umihi ay lumabas ako at tumingin sa salamin. My cheekbones and nose are defined because of highlighter. Parang natural ang make-up ko ngunit medyo makintab nga lang. Cindy loves to put make-up on me.

Naglakad ako palabas ngunit natigilan nang malapit na ako sa classroom at nasa may gilid ng pinto si Sandra at sir Azriel. Kumunot ang noo ko. Napatingin sa akin si Sir. Mariin kong pinaglapat ang labi at dumiretso sa paglakad.

"Therese, you're here!" saad ni Sandra ng makita ako.

"This is my classroom, Sandra," saad ko.

She laughed and nodded. Ako naman ay nanatiling seryoso. Nagkatinginan kami ni sir Azriel. Ang seryoso niyang mukha ay unti-unting naging mapaglaro.

"Sige, dito na ako, Therese..Azriel. May last class pa ako," Sandra giggled.

Kumunot ang noo ko at pinagmasdan ang pag-alis niya.

"Azriel, huh?" I uttered.

Hindi ko iyon napigilan sabihin. I clenched my jaw. Nagkatinginan kami at naroon ang ngisi niya. I rolled my eyes and entered the classroom. Agad na bumati ang mga kaklase ko at kinilig naman ang iba sa likod.

"Good afternoon," bati niya pabalik. Pinaupo niya kami.

"Sir.." malambing ang boses ng kaklase ko nang tinawag si Sir.

Huminga ako nang malalim at umayos ng upo. Pinanood ko ang paglapit ng kaklse kong babae sa desk ni sir Azriel dala ang iilang papel.

"Kaya po ako absent last time dahil sa UTI. Ito po ang medical certificate," aniya.

Tinanggap iyon ni sir Azriel at nakita ko ang sadyang paghaplos ng kaklase ko. The confidence! Tumaas ang kilay ni sir at lumipat sa akin ang tingin. Now, he looks amused. Umiwas ako ng tingin.

Bumalik na ang kaklase ko sa pwesto niya. Sir Azriel has this playful smile on his lips while talking about his lesson kaya lalong kinikilig ang mga kaklase ko. Halos ngayon lang ito dahil palagi siyang seryoso. Dahil ba nakausap niya si Sandra kaya good mood siya? Mariin kong hinawakan ang ballpen at nagsulat nang kung anu-ano.

Nagtaas ng kamay ang isa at may tinanong. Sunod ay nagtawanan sila. Pinunit ko ang papel at nilukot iyon.

Pag-angat ko ng tingin ay uminit ang aking pisngi nang mapansin na naagaw ko ang atensyon nila.

"Laurelia, are you okay?" seryoso niyang tanong ngunit may tinatagong ngiti. I just nodded and played with my fingers.

Nag-angat ako ng tingin at nagkatitigan kami. Pagkurap ko ay malawak na ang ngiti niya. While I feel weird. Pakiramdam ko ay matagal ang lumipas bago ako nakakurap.

When the class ended, my classmates bid their goodbye. Agad na rin akong lumabas ngunit naharang ako ni Cindy.

"Be! I think he's gay!"

"Huh?" I asked, clueless what she's talking about.

"Si sir Azriel! He's wearing a lipgloss! Napansin ko no'ng naglelesson siya!"

"Eh baka gusto niya mukhang glossy ang lips niya. Ikaw naman!" kontra ni Joanna.

Hindi ko napansin iyon.

"Sana hindi bakla. Sayang, ang gwapo at ganda ng katawan tapos gano'n lang!" saad ni Cindy at tumitig sa akin. Naningkit ang kaniyang mata. "Nasaan naman ang lipgloss mo? Bakit nawala? Kaunti na lang natira. Kinakain mo ba?" she asked.

Agad akong umiling.

"No. Kapag may nakalagay sa lips ko ay hindi ko pinapakialaman," tanggi ko.

Kinuha ko ang aking phone at pumunta sa camera. Tinignan ko ang labi at nakapagtatakha nga na wala na ang lipgloss. Baka natuyo?

*******

Short update lang. Ang lagi ay 5000 words but now, 3800 lang hahaha. Bawi next time. Hope that you liked it!

Supladdict<3

Continue Reading

You'll Also Like

2M 26.9K 57
(COMPLETED) He chose her over me but.. I love him, that's all that matters. (This story is all about family, lies, forgiveness and pain.)
3.2M 127K 50
(Bloodstone Legacy #2) "Sometimes, it takes a pure and innocent beauty to tame the beast of a demon." Every girl wishes to be a princess. To live in...
27K 865 21
[𝑷𝑼𝑩𝑳𝑰𝑺𝑯𝑬𝑫 𝑼𝑵𝑫𝑬𝑹 𝑰𝑴𝑴𝑨𝑪 𝑷𝑼𝑩𝑳𝑰𝑺𝑯𝑰𝑵𝑮 𝑯𝑶𝑼𝑺𝑬] Revenge is her game, and let that game begin.
2.9K 141 30
It's the story about two characters living in different time and world. Nasha is a Prince from Therwania Kingdom while Althea Reign Madrigal is the h...