Bakit ba may mga taong ipinanganak na maswerte? Iyong pagflip lang ng hair ay hinahangaan na ng mga tao samantalang iyong iba kailangan pang magparebond at gumastos ng conditioner araw-araw upang mapansin kung gaano kaganda ang hair nila. Iyong iba isang kahig kailangang pagkasyahin sa tatlong tuka habang iyong iba isang pitik lang sa hangin nasa harap na ang pagkain nila. Ang swerte.
Gusto niyang mapabuntong-hininga at pinagpatuloy ang pagbabasa ng manga na nasa harap ng kanyang computer screen. Iyong binabasa kasi niyang Japanese manga ay iyong bidang lalaki as usual mayaman habang iyong babae naman ay maraming utang kaya naging slave ng devil na guy. Nakakaasar talaga ang mga mayayamang mayayabang.
"Kawawa naman iyong babae." Usal niya.
"He is here!" mabilis pa ala una niyang iminimize ang browser at ini-open ang Microsoft word at nagkunwaring nagtype ng dapat 'kuno' niyang itype. Bilang head executive assistant A.K.A head secretary nang CEO ng ZYKE Hotels hindi siya pwedeng mahuli na may ginagawang kababalaghan gaya nalang ng pagbabasa ng manga during her free time o kaya naman ay ang magbasa ng wattpad depende kung alin ang may new update.
Katatapos nga lang niyang basahin iyong onepiece kahit na ilang beses na niya iyong binasa at favorite part pa rin niya iyong iyak siya ng iyak ng mamatay si Ace. Naninikip ang heart niya, mahirap kasi kapag ikaw lang mag-isa sa ibang bansa habang iyong pamilya mo ay nasa Pilipinas. Hindi ganoon kadali maging OFW lalo na isang bansa na hindi naman English ang first language.
Nandito siya sa Singapore, she quit her old job dahil hindi naman niya feel ang ganoong trabaho masyadong demanding. Maraming hindi pwede at hindi niya hawak ang time niya. At kagaya niyang hindi naman galing sa mayamang pamilya ang tanging pwedeng gawin niya ay ang pumunta sa abroad sayang din ang chance at saka malaki din ang sahod niya. Three years na rin siya dito and so far wala naman siyang reklamo in terms sa sweldo at mga bonuses. Ang boss siguro niya ang pinakagalante sa lahat ng boss.
But it doesn't mean na gusto niya ang boss niya, iyong sweldo lang niya ang gusto niya sa trabaho niya. Kung hindi lang talaga sa pero nungkang magtatagal siya sa double face na boss niya na akala mo kung sinong gwapong bumaba galing sa Mt. Olympus. Sa harap ng maraming tao sobrang bait at kuntodo smile pa pero kapag kaharap siya ay pinahihirapan siya nito sa dami ng trabaho.
"Ang gwapo talaga niya." Kinikilig na bulong ng isa sa mga secretary nitong si Selena na katulad niya ay Pilipina din. Karamihan sa mga staffs ng hotel ay mga Pilipina, Pilipino din kasi ang may-ari.
"Hi, beautiful ladies. How's your day?" tsk. Meet Reigan Buenaflor, her boss... her own nightmare.
Hindi na niya tiningnan ang mga kasama niyang secretary na kanina pa nagpapahid ng mga kolorete sa mukha para lang mapansin ng amo nila.
"Happy na sir dahil nakita na namin kayo." Kinikilig na wika ni Rose. Tinapos na niya ang pagtipa ng memo na dapat ay kanina pa niya tinapos pero masyado siyang nawili sa pagbabasa.
"That's good to hear." At nasabi na ba niyang tatlo silang secretary nito? Pero iba-iba ang description ng trabaho nila. Si Selena ay ang secretary na sinasama nito kapag may parties and special meetings. Selena is beautiful at pwedeng idate sa mga party. Si Rose naman ay kapag kailangan ng out of town na meetings, efficient din naman kasi ito sa trabaho. Siya naman sa office lang talaga siya, siya ang gumagawa ng mga paperworks siya din ang nag-aayos ng mga minutes of the meeting. Hindi naman kasi siya ang tipo ng babaeng pwede nitong isama sa mga parties and events at mas lalo namang hindi sila pwedeng magsama ni Reigan-ng boss niya sa mga out of town dahil mag-aaway lang sila.
Everyone in the company knows that she and her boss wasn't in good terms but they are both professional kaya napagtatiyagaan nila ang ugali ng isa't isa. Sa mga mata ng mga kasamahan niya sa trabaho isa siyang empleyadong walang galang sa boss dahil inaaway at binabara niya ito. Masyadong magaling magtago at magbalat-kayo ang lalaking iyan.
Isinumpa niya pa ito sa salamin ng lola niya na suot niya at ang lumang damit na rin ng yumaong lola, sumalangit nawa.
"Good morning Yvonne." Nakangiting bati nito sa kanya, kailan ba iyan hindi nakangiti kapag maraming tao? Hindi niya ito sinulyapan pero sumagot na rin siya.
"Good morning sir." Ganting bati niya.
"Mas maganda ang morning kapag nakatingin ka sa akin." Narinig niya ang tawanan ng mga kasama niyang sekretarya. Inis na hinarap niya ito while adjusting her eyeglasses to cover half of her face.
"Good morning sir." Balik na bati niya dito.
"That's better, I want the files." Iyon lang at pumasok na ito sa opisina nito.
"Ang swerte mo talaga bruha naku kung ako naging head secretary I swear hindi na ako lalabas sa opisina ni Sir Reigan."
Kung pwede lang tayong magpalit ng trabaho. Gusto sana niyang sabihin.
"Kung alam niyo lang." tanging nasabi niya. Kinuha niya ang files na magdamag niyang tinapos upang hindi na siya makarinig ng kung anumang masama mula dito. Sa paningin kasi ng boss niya ang trabaho lang ang pwede niyang ipagmalaki. Inayos niya ang kanyang buhok na maayos na nakabun sa ulo niya, ni minsan ay hindi pa niya inilulugay ang mahabang buhok niya sa harap ng mga katrabaho. Her floral blouse is neatly tucked in her long black skirt and her brown penny loafers finished her secretary look.
She knocks thrice as usual.
"Come in." lumabi pa siya at saka binuksan ang pintuan ng opisina nito. Now, kaharap na naman niya si Mr. Devil at sana hindi ito topakin ngayon. Tumingin ito sa kanya tapos ay tiningnan siya mula ulo hanggang paa at biglang napangiwi.
"Here are the documents, sir." Aniya at inilapag sa harap nito ang yellow folder. Binuksan nito ang mga iyon at binasang mabuti alam niya ang trip ng amo niya, maghahanap ito mistakes sa report niya tapos ay ipapagawa uli sa kanya but too bad inayos na niya iyon. He closes it and placed his fingers on his cheeks. "Pwede na ba akong lumabas?" she asks.
"Your outfit is a sore eye." Here they are again, kapag bored it at kapag wala itong mahanap na pagkakamali niya ay babaling ito sa pinakamaling bagay na ginawa niya sa buong buhay niya sa paningin nito at iyon ay ang isuot ang pinaglumaang damit ng lola niyang sumalangit na ang kaluluwa.
"Hindi pa naman po namumula ang mata niyo sir kaya wala pa kayong sore eyes if ever po na nagkasore eyes po kayo dahil sa suot ko pwede naman po kayong magpahinga." And don't show your face until my contract ends.
Eksaheradong bumuntong-hininga ito. "I am paying you right Yvonne, every Monday ay iyan ang suot mo. Ginawa mon a yatang uniform ang dating damit ng lola mo. Do you want me to raise your salary and change your wardrobe?"
Sinibukan niyang ngumiti dito, "I would love the raise but you don't have to change my wardrobe." They are both smiling at each other but at the back of their head they already want to rip off their throats.
"I think you need a makeover."
"What I need sir is peace of mind."
"Ayoko ng pangit sa paningin ko." Reklamo nito na nakangiti pa rin.
She smirks at him. "Pumikit po kayo sir," she said sweetly. Sanay na siya sa mga patutsada nito, he is a devil! Padala si Reigan ng Diyos upang sirain ang araw niya.
Calm down Yvonne, pasasaan ba at hindi mo na siya makikita. She still have three weeks left before her contract ends and once it ends pwede na siyang bumalik sa Pilipinas at magtayo ng negosyong gusto niya. Graduate naman kasi siya ng business management.
"I can't."
"You can."
Hinimas nito ang chin nito habang tinitingnan siyang mabuti, kahit gaano pa kagwapo ang lalaking ito she will never have a crush on him. Sa tagal ba naman niya dito eh di sana matagal na siyang nahumaling sa gandang lalaki ng boss niya pero hindi eh. Hindi naman kasi iyon ang hanap niya sa isang lalaki. Gusto niya iyong mabait. At saka wala pa sa isip niya ang magkaroon ng boyfriend sa ngayon dahil may kapatid pa siyang pinapaaral. Gagraduate pa lang sa high school ang kapatid niyang babae.
"You are good at your job it's such a waste I can't bring you to any parties I attended ayokong pagtawanan ako doon."
He just insulted her again and the way he said it ay iyong may smile sa mga labi nito. This man, he will never change.
"I'd rather do all the paper works here sir than attend some boring parties with you."
Napailing nalang ito sa kanya, ganyan kasi katigas ang ulo niya. "Well, time comes I can make you dance above my palms Yvonne."
She scoffed. "Kahit na sumayaw pa ako sa harap mo ngayon ay gagawin ko sir." She rolled her eyes at para inisin lang ito ay ginalaw niya ang katawan niya na para bang isa siyang multo na walang buto. He broke into laughter making her rolled her eyes again.
"You are really funny Yvonne." She bowed as if she performed in a theater. Sa halip na patulan ang pang-iinis nito sa kanya ay sinasabayan na lamang niya ang takbo ng utak nito.
"Thank you Sir I entertained you today so can I go out now and mind my own business?" atat na atat na siyang makaalis sa opisina nito. She doesn't like the atmosphere here.
"Okay, you may go now. And tell Rose to send my schedule for today."
"Yes, Sir." Sumaludo pa siya. Aalis na sana siya ng tawagin na naman siya nito kaya humarap na naman siya dito. "Yes, Sir?"
"Hindi ka ba nagkakakuto at nagkakabalakubak sa higpit ng pagkakatali mo sa buhok mo?" nakangising tanong nito.
She took at deep breath and breath out slowly, nanginginig na ang mga angry cells niya pero hindi siya padadaig dito. Hindi pa rin nawawala ang nakaplaster na ngiti sa kanyang labi.
"Don't worry sir if I have some pets in my head I won't share it to you, bow, thank you." And she dashed out from his office na nakakuyom ang kamao niya ang sarap talagang magwala as in sobra pa.
"Bakit ka parang papatay ng tao?" takang tanong ni Rose ng mapatingin sa kanya.
"Huwag mo kasing awayin si Sir bakit ba hate na hate mo siya samantalang ang bait-bait naman niya?" tanong ni Selena na naglalagay na naman ng lipstick sa mga labi nito.
Hindi niyo kasi siya naririnig kapag kinakausap niya ako. Bwisit!
"Siguro crush mo si Sir at dahil hindi ka niya pinapansin kaya naiinis ka sa kanya at sinusungitan mo siya. Naku, normal lang na magkacrush kay sir sige na atin-atin lang naman amin amin din pag may time." Tukso ni Rose sa kanya.
Inis na binagsak niya ang mga palad niya sa ibabaw ng mesa nito kaya bahagya itong namutla habang nakatitig sa kanya.
"You and your wild imagination, hinihintay ko lang na matapos ang kontrata ko dito at uuwi na ako ng Pilipinas. At kung siya lang din naman mabuti ng huwag na." she said sweetly and venomously at Rose. "And he said he wants his schedule emailed ASAP."
Bumalik na siya sa kanyang mesa at tiningnan ang mga post it kung saan nakasulat ang mga dapat niyang tapusin. Nasa tabi lang ng wall sa opisina ni Reiga-ng boss niya ang kanyang table. It was made from glass pero unlike sa ibang glass wall hindi transparent iyon, hindi nila nakikita ang boss nila mula sa side nila at hindi rin sila nakikita ng boss nila from his side.
"No offense meant Yvonne ha, if you change your style baka may chance kang mapansin ni boss pero with your style talo mo pa iyong old maid na principal ko way back high school."
"Hindi kayo pinapakialaman ng outfit ng lola ko kaya tsupi."
"Ew, talagang sa lola mo iyan?"
"Yup, gusto niyo ng proof? I'll ask her if she can visit you tonight."
Kunot-noong tumingin si Selena sa kanya. "Wasn't she dead?"
Ngumisi siya sa tanong nito. "Five years na."
"Ahm, I think naniniwala na akong sa lola mo iyan. It's okay there is no need for a visit." Pinigil niya ang tawa niya dahil sa reaksyon ng mga kasama. Kahit na medyo atribida ang mga iyan ay hindi naman sila magkaaway ganyan lang talaga siya mag-usap.
Naalala tuloy niya ang sinabi ng amo niya kanina, darating daw ang panahon na sasayaw siya sa ibabaw ng mga palad nito? That will never happen, it will never happen dahil aalis na siya bago pa man dumating ang araw na iyon. She wasn't dumb not to know that dealing with her boss means she needs to deal with a devil.
RE-UPLOADED: OCTOBER 25, 2019
<<3 <<3 <<3
a/n: Sisimulan ko na ito pero hindi everyday ang update, hanggang hindi ko pa natatapos ang MS5 ay hindi ko talaga ito masisimulan ng tuloy-tuloy kaya aja! And take note, sure na talaga ito this will be light. Hindi ko alam kung ano ang nangyari dahil dapat iyong MS5 ang light pero nag-iba ang ihip ng at hindi ko na alam kung ano ang nangyari. As much as possible I want to make this happy and gay, ahahahaha... relax-relax muna tayo bago ko simulan ang MS7 na story ni Dane.
And NO, Yvonne is not Dane. Dane's full name is Yue Dane and Yvonne is another character. Dane has her own story at kagaya ng sinabi ko dati her story will be darker, I don't know how will I do that but I have a plot paying inside my head for her.
So, ayun lang. Let's start na this. Chapter One will be updated really-really-really soon. Kapag tapos na ang MS5.