548 Heartbeats (Published)

By peachxvision

3.9M 64.5K 39.6K

Nalilimitahan nga ba ang bilang ng tibok ng puso para sa isang tao? Ang gusto lang naman ni Xei, isang estudy... More

Preface
Chapter 1: Mr. Heart
Chapter 2: Under My Umbrella
Chapter 3: Song of His Heart
Chapter 4: Wishes
Chapter 5: Fall to Pieces
Chapter 6: Roses Are White
Chapter 7: Stars and Dances
Chapter 8: Distance and Darkness
Chapter 9: On My Own
Chapter 10: My Fall, His Fall
Chapter 11: Santan with Six Petals
Chapter 13: Best Friends and Secrets
Chapter 14: The Moment of Truth
Chapter 15: Destiny Meets Destiny
Chapter 16: His Heartbeat
Chapter 17: First Times
Chapter 18: Complicated
Chapter 19: The Saddest Day of My Life
Chapter 20: The Bridge Is Falling Down . . . Almost
Chapter 21: My First Attempt
Chapter 22: First Step: Be Calm
Chapter 23: Try Harder
Chapter 24: Last Step: Be Hers
Chapter 25: They Are and They Will Be
Chapter 26: I Need an Umbrella
Chapter 27: Their Happy Days and My Happy Ending
Chapter 28: Teardrops on My Guitar
Chapter 29: More Cries, Less Smiles
Chapter 30: Make Me Forget Who He Was
Chapter 31: Closed
Chapter 32: The Songs Speak
Chapter 33: This Is How We Go
Chapter 34: Numbness
Chapter 35: Wounded and Healed
Chapter 36: My Ferris Wheel
Chapter 37: Lips of an Angel
Chapter 38: My Heart
Chapter 39: Heart for Christmas
Chapter 40: Weird
Chapter 41: Secrets and Revelations
Chapter 42: War of the Worlds
Chapter 43: His Thoughts
Chapter 44: Apologies
Chapter 45: A Bit of Jealousy
Chapter 46: The Day of Our Birth
Chapter 47: Night Knight
Chapter 48: Don't Go
Chapter 49: Lips Stick
Chapter 50: 143 < 548
Chapter 51: When the Night Seems to End
Chapter 52: A Toast to Goodbye
Chapter 53: Not Really Moving On
Chapter 54: The 548th Heartbeat
Self-Published: 548 Heartbeats Anniversary Edition

Chapter 12: The Beginning

23.4K 791 275
By peachxvision

Siguro kung hindi lang talaga kita kapatid ngayon, kababaliwan kita.

Pinaulit-ulit ko sa utak ko yung mga sinabi niya. Tipong magsesepilyo na nga lang, mapapangiti ako dahil naalala ko yung mga sinabi niya. Kapag maliligo ako, maiisip ko yung sinabi niya bago ko ibuhos yung tubig sat abo sa mukha ko, pero di ako nagigising sa pagkahibang ko. Haharap ako sa salamin at mapapangiti dahil maririnig ko yung boses niya sa utak ko habang sinasabi niya yung mga salitang 'yon.

Siguro kung hindi lang talaga kita kapatid ngayon, kababaliwan kita.

Aaaaaaaaaaaaaaa! Ako ang nababaliw! Ako ang nababaliw! Kulang na lang, hanapin ko sina Basilio at Crispin, e. Mababaliw na 'ko—ay mali. Baliw na 'ko!

Ano ba naman? Halos ilang linggo na ang nakalilipas nang sinabi niya 'yon, pero hanggang ngayon, binibingi pa rin ako ng mga salita niya. Grabe, nakakaadik.

Summer na at tapos na ang klase. After ng araw na 'yon, di na kami nakapagusap. The next day kasi, hindi na siya pumasok. And the next day and the next day and the next day and—forever na yata. Sabi ni Chris, tinamad na raw kasi siya pumasok. Tutal, finishing of clearance na lang naman na. E, inaasikaso na raw ng adviser nila (dahil spoiled sila ng adviser nila). Ang daya nga, e. Kahit pa sinabi ng prinicipal na required pumunta sa graduation ng fourth year para may pumalakpak, di pa rin siya pumunta.

Ayan tuloy. Naloloka pa rin ako hanggang ngayon sa mga huli niyang sinabi bago kami nagkahiwalay: Siguro kung hindi lang talaga kita kapatid ngayon, kababaliwan kita. Kung hindi ako nababaliw at nababangang, di ko na alam ang ibig sabihin ng baliw at bangag.

Isa pang naging resulta ng araw na 'yon ay ang pagkakaroon na 'ko ng insomnia. Hindi na 'ko makatulog. Ang tulog ko, alas dos o alas tres. Ang malala, ang gising ko, alas sais ng umaga. Tatlo o apat na oras lang ang tulog ko.

Si Lord talaga. Galing mag-joke. Hay.

Kung sana may picture lang talaga ako ni Kyle, siguro kanina ko pa 'yon hinahalikan. Oo na. Hibang na talaga ako.

Naisip ko tuloy, nakakadiri na ba ako na ganito yung pagka-hopless romantic ko? Ako 'tong si Ms. Asa, as in A-S-A—asa.

"Asa ka naman, Xeira," sabi ko sa sarili ko habang nakatingin ako sa salamin no'ng isang araw. "Oo, pinapansin ka na niya. Pero alam mo 'yon, hinding-hindi kayo magiging kayo. Tingnan mo, may tumubo na ngang pimple diyan sa gitna ng ilong mo. Nag-iisa pa. At dahil diyan"—pinindot ko yung pimple—"papangalanan kitang Kyle."

Buong summer, ang ginawa ko lang ay matulog, kumain, tumugtog ng gitara, magkompyuter, tapos minsan, nagbabasketbol din. Favorite sport ko kasi 'yon. Bukod sa ang sarap sa pakiramdam ng napapasok yung bola, nakaka-exercise pa ako.

In short, wala ako nagawa this summer.

In fact, excited na nga ako magpasukan dahil makikita ko na ulit si Kyle.

Isa pa, na-cut lahat ng communication lines ko. Before grad, pinatanggal na ni Mama yung phone line dahil wala naman daw tumatawag at saka may cell phone naman daw kami. Taposm nahulog pa sa batsa na may bleach yung cell phone ko. Buti na nga lang at black and white 'yon, kaya di ako masyadong nanghinayang. Ang pinanghihinayang ko lang, ando'n kasi yung number ng mga kaibigan ko sa dati kong school pati yung number ni Chris.

Kaso, wala akong number ni Kyle. Kaya lalo ako hindi nanghinayang. Haha!

Siyempre, 'no! Nakakahiya naman hingin sa kanya yung number niya. Sabihin pa, e, nakikisali ako sa mga federasyon ng mga babaeng may gusto sa kanya.

Isisikreto ko na lang 'to habambuhay.

Weh? Kaya mo 'yon, Xeira? pagkontra ko sa sarili ko sa utak. Tingnan lang natin.

Anyway, research lang talaga yung ginawa ko. Gusto ko na magpasukan. Gusto ko na siya makita.

***

Habang nakahiga ako sa kama, biglang sumigaw si Mama na ako na lang daw bumili ng sarili kong school supplies, tutal kahit ano naman daw gawin niya, e, ako na rin ang masusunod.

Ayoko no'ng una, pero mapilit si Mama. Pag hindi raw ako bumili ng gamit ko ngayon, siya raw ang pipili ng mga notebooks ko. Si Mama pa naman yung tipong kuripot na kahit high school na 'ko, ang bibilhin pa rin yung pang grade 1 notebooks na may artista pa sa front page para lang makatipid.

Ayoko nga na gano'n yung mga gamit ko! Kaya, no choice. Ako na lang.

At dahil ginagawa pa ang SM Taytay, pumunta ako sa Sta. Lucia East Grand Mall, yung susunod na pinakamalapit na mall, na 2,500 pesos lang ang dala. Magkakasya kaya dito lahat ng gamit ko? Ewan. Kung bakit ba naman kasi grade 6 pa lang biological kong kapatid. Kaya ayan. Wala siyang naitutulong sa 'kin kahit man lang sa paglalaba. Lagi kasing tamad.

Pero masaya namang magkaro'n ng kapatid na babae.

Bigla ko tuloy naalala si Kyle. Wow, may kapatid na rin akong lalaki. Nako, okey lang naman na magkatuluyan kami, di ba? Hindi naman talaga kami magkapatid after all. Haha. Heto na naman ako, umaasa na naman.

Habang bumibili ako ng mga notebook, iniisip ko kung anong klaseng notebook naman ang binibili niya. Sabi na, e, adik na talaga ako. Pati ba naman notebooks niya, iniisip ko?

Matapos kong bilhin lahat ng kailangan ko, pumila na ako sa cashier. Inabot ako ng 1,400 pesos. Kung ano-ano pa kasi ang binili ko, e. Di ba nga, medyo may pagka-grade conscious, o GC, ako? E, ako yung tipo ng tao na takot na takot maubusan ng supplies, kaya bumili ako ng bond paper, art paper, oslo paper, construction paper, at kung ano-ano pa. Crayons nga, bumili pa ko.

Nang hawak-hawak ko na yung dalawang mabibigat na plastic plus plastic cover, nagsisisi tuloy ako kung bakit ko binili yung mga bagay na 'yon, e, puwede ko naman 'yon bilhin pag pasukan na. Ang bigat tuloy ng dala ko!

"Miss, kailangan mo ng tulong?"

Dugdug. Dugdug.

Kilalang-kilala ko yung boses na 'yon. Parang gumaan yung dala ko, pero yung puso ko, biglang bumigat. Tipong hindi man lang ako makatayo at di man lang ako makatingin sa kanya.

"Xeira!" tawag niya. Di pa rin makaangat yung ulo ko. Iniisip ko kasi kung anong sasabihin ko. Puwede bang isa pang tawag?

"Xei?"

"Kyle?" tanong ko, nagkukunwari na ngayon ko lang siya narinig.

"Whew!" sagot niya. "Akala ko naman nagkamali na 'ko! Akala ko di ikaw! Di ka kasi sumasagot." Tapos napatingin siya sa mga dala ko. "Sus! Ang dami naman niyan. Akin na nga."

Di pa man ako nakakasagot sa mga sinabi niya, kinuha na niya yung dalawang plastic na may lamang mga notebook. Ang hawak ko na lang ay yung plastic cover.

"Uy, t-teka!" pagpigil ko. "Alam mo ba kung sa'n yan dadalhin?"

Natural, alam kong hindi niya alam. Kaya nga medyo weird ang dating ng tanong ko. Natawa naman siya do;n kaya masaya ako.

"Oo, alam ko," sabi niya.

"Weh, sa'n nga?"

"Sa Jollibee."

Bigla siyang tumakbo. Natural, hinabol ko siya. Mukha nga kaming tanga na naghabulan, e. Kahit ang bigat ng dala niya, nauna talaga siya sa 'kin. Sorry na. Makupad lang talaga ako.

Na-imagine ko tuloy yung mga love story sa mga movies na naghahabulan yung dalawang bida. Haha!

Pagkarating ko sa Jollibee, hinahanap ko siya agad. Nakita ko siyang nakaupo sa may gilid habang nagte-text. Nakarating kami do'n na di man lang talaga nag-uusap o sinasabi kung bakit niya ako pinahabol. Labo, 'no?

"Ang kupad mo pala, kapatid!" tukso niya.

"Hoy! Hindi, a! Nagkataon lang talaga na maraming tao."

"'Yon nga, e. Marami na ngang tao, dalawang mabigat na plastic pa ang dala ko, pero nauna pa rin ako."

"E, teka, sino bang nagsabi sa 'yo na dalhin mo 'to sa Jollibee?" tanong ko, kahit bas a isip-isip ko, Woo. Pa-hard-to-get ka pa, Xeira. E, gustong-gusto mo naman.

"Ako," sagot niya. "Bakit, may angal?"

"Wala," sabi ko, natatawa. "Bakit ka andito?"

"Binili ko yung kapatid ko ng cake. Birthday niya, e."

"O? Kailan?"

"Bukas. Nang paalis na 'ko, nagkataong nakita kita."

"Asan na yung cake?"

"Pinadala ko sa bahay. Gusto ko kasi surprise."

Ang sweet naman ni Kyle. Mahilig pala siya sa surprise, ano? Parang siya—pasorpresa din siyang dumating sa buhay ko.

Sana makatanggap din ako ng cake mula sa kanya, 'no? Haha. Wala namang masama mangarap.

"A, e, bakit tayo nasa Jollibee?" tanong ko ulit.

"Dahil nagugutom na 'ko."

"Di pa 'ko gutom."

"Eto naman!" pabiro niyang sinabi. "Sige na, kapatid. Libre mo 'ko, a?"

"T-teka! Wala 'kong pera—"

"Libre mo 'ko ng tissue."

"Ha, ha, ha," sarcastic kong sagot kahit na pinipigilan ko yung kilig sa loob-loob ko. "Ang corny mo. Tatawa na ba ko?"

"Sure."

Nagtawanan kaming dalawa. Galing ko talaga magpanggap. Puwede na 'ko makatanggap ng Famas.

Napatingin ako sa kanya. Ang cute niya talaga, e. Di ako makapaniwala na nagkita kami dito. Tapos dinala pa niya 'ko sa Jollibee. Ano na ba 'to . . . destiny?

"Ano order mo?" tanong niya. "Libre ko."

"Burger steak," sagot ko.

"Iyon lang?"

"Favorite ko 'yon, 'no."

"Abusihin mo na dahil minsan lang 'to."

"Puwedeng Swirly Bitz?"

Natawa siya. "Akala ko mahihiya ka pang—"

"H-hala! Wag na nga!"

"Joke lang," sabi niya. "Hintay ka dito, a."

Pagtayo niya para pumila at bumili, napaisip ako, Wait. Totoo ba 'to?

Parang kahapon lang no'ng paulit-ulit sa utak ko yung sinabi niya. Ngayon naman, kasama ko na siya. At nilibre pa niya 'ko sa Jollibee!

Pagdating niya, na-conscious ako bigla. Okey kaya yung suot ko? Baka may tinga pa ako sa ngipin. Kailangan kong masigurado na hindi labas yung ngipin at gilagid ko kapag tatawa o ngingiti ako. Hay nako. The Kyle effect!

"Xei," bigla niyang umpisa pagkatapos na pagkatapos kong sumubo ng isang kutsarang burger steak. "Pa'no kung may nagsabi sayo ng 'I love you'?"

Nabulunan ako, pero di ako umubo. Kinontrol ko kasi. Sakit nga sa pakiramdam, parang lalabas yung kanin sa ilong ko. Uminom na lang ako ng soft drink para di niya mahalata. Of all the places naman kasi, of all time . . . bakit ngayon niya tinanong? His question came out of nowhere. Sinong hindi mabibigla?

"H-ha? bakit mo naman natanong?"

"Masama ba?" sinagot niya ng tanong yung tanong ko.

"Hindi naman. E di, sabihan niya 'ko ng 'I love you.' Wala namang problema do'n e," sabi ko, tapos sumubo ulit ako.

"I love you."

Dugdug. Dugdug.

At nabulunan ako ulit. This time, nakita na niya at hindi ko na napigilan. Nakakahiya nga, e. Buti di ko naibuga yung kinakain ko sa kanya.

"K-Kyle!" sigaw ko matapos kong uminom ng tubig. "Wag mo nga lang bitawan basta yung mga salitang 'yon! Nye, nye, nye." Pero kung totoo, wala namang problema sa 'kin.

"Bakit ba naman kasi walang nalilink sa 'yo?"

"Nag-'I love you' ka dahil do'n?" tanong ko, nagtatapang-tapangan kahit gusto ko na talaga sumagot ng I love you too. Nakita ko lang siya tumawa. Nakakainis. "Isa pa," dagdag ko, "nalilink sa 'kin si Chris, di ba?"

"E di, inamin mo na rin na may gusto ka kay Chris."

"Nalink lang naman yung sinabi mo, e. Tinutukso kami, pero wala 'yon sa 'kin."

"Wala ka ba talagang gusto?"

"Wala nga."

"Ang abnormal mo naman."

"Porke wala ng crush abnormal?" sagot ko. "Sige, crush ko ang math."

"Napaka-GC mo talaga. Pati ba naman math, crush mo?"

"E, sabi mo abnormal ang walang crush. Ayan, may crush na 'ko."

"Lalo ka tuloy naging abnormal."

"Kulit nito, o. May crush ako, abnormal. Wala akong crush, abnormal. Wag mo na nga ko awayin," komento ko. "Bakit, ikaw, may crush ka?"

"Meron," sagot niya habang nakangiti. "Ikaw."

Meron. Ikaw. Shocks. May bago na naman ako iisipin gabi-gabi. Nakakaloka na talaga siya.

"Ha, ha," sagot ko na may saracastic na tono. "Tumigil ka na nga. Ikaw, ganyan ka ba sa lahat ng babae? Mag-aral ka kaya muna." Gusto kong pigilan yung bibig ko dahil kung ano-ano ang lumalabas kapag nagtatapang-tapangan ako, kahit na nanginginig na talaga ako sa kaba at kilig.

Tapos tinukso niya ako, "Yiii! Nagbla-blush ka!"

"Di ako marunong magblush."

"Anong hindi? E, namumula ka nga! S-sandali . . . pag masama pakiramdam mo, sabihin mo sa 'kin, a!"

"Ano ka ba? Di naman siguro ako mahihimatay sa mall."

Nagtawanan kami. Hinayaan ko siya magkuwento. Sinabi ko naman sa kanya na hindi talaga ako conversation starter. At iyon, nakita ko na naman yung cute niyang dimples. Grabe, ang cute niya talaga. Lalo tuloy ako naging thankful kay Lord dahil bigla kami naging close, tipong gusto ko kumanta, Himalaaaaa! Kasalanan bang humingi ako sa langit ng isang . . . Kyle?

Pagkatapos namin kumain, bigla akong kinilabutan. Feeling ko kasi, nagte-telepathy si Mama at sinasabing umuwi na 'ko.

"Uh . . . Kuya," sabi ko. "Kailangan ko na umuwi."

"Hintayin mo na lang yung sundo ko. Sabay ka na sa 'min," suhestiyon niya. "Ipapahatid na lang kita sa inyo."

"W-wag na! Ano kasi . . . Uh . . . Bawal kasi ang l-lalaki sa bahay."

"Hindi naman ako papasok sa bahay niyo, e."

"Kahit na. Bawal talaga, e," sabi ko. "Baka nakaabang na nanay ko sa gate ngayon tapos magugulat siya na bumaba ako sa sasakyan."

"Sige na nga. Hatid na lang kita sa may jeep."

Kung ako lang, siyempre, gusto ko. Sayang naman kasi ang pagkakataon. Kung puwede lang sana, makakatabi ko pa siya sa sasakyan nila.

Nang nakasakay na 'ko sa jeep, parang gusto ko bumaba. Gusto ko pa siya makasama. Sakto namang tumugtog sa jeep yung chorus ng "At the Beginning" ni Donna Lewis at Richard Marx. Sosyal, naisip ko dahil ngayon ko lang narinig 'tong kantang 'to sa isang jeep.

Sumilip ako sa bintana, at grabe yung talon ng puso ko nang nakita ko siya do'n, nakangiti.

"Ingat ka, ha," sabi niya. "Salamat sa oras."

"Wala 'yon, Kuya," sabi ko. "Ako nga dapat mag-thank you dahil sa libre, e."

"Hindi 'yon basta wala."

"A-ano?"

Dugdug. Dugdug.

"Ngumiti ako nang hindi pilit . . . for the first time this summer."

Ngumiti ako at nagpaalam dahil kailangan na umandar ng jeep. Nakita ko siyang magpaalam hanggang sa tumalikod na siya. At . . . ewan. Ayokong pa siyang iwan. Gusto ko pa siyang makasama.

Sana laging ganito—yung napapasaya ko siya . . . na di ko alam na napapasaya ko siya.

Continue Reading

You'll Also Like

27.5K 1K 40
BL / MLM! Soul had always been the envy of everyone he knew. As a famous model, he possessed a captivating smile, a handsome face, and striking gray...
16.8M 210K 31
Mars Ochoco wishes for nothing but to have her treasured first kiss with her crush, Ezekiel Bautista. Just as she thought her chance finally came, he...
325K 11.6K 45
ALWAYS HAVE BEEN, ALWAYS WILL BE Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize const...
1.8M 53.8K 30
Rejecting Iya's confessions is Jacob's norm. After sharing three kisses that Jacob claimed as meaningless, will Iya finally give up--or will she keep...