Fated To Be

By BampirangPuyat

1.2M 45.7K 4.3K

MIDNIGHT CREATURES SERIES 1 "I am the king, but you are my ruler. I am a demon, but you are my religion. I go... More

DISCLAIMER
DEDICATION
Prologue
Obsession 1
Obsession 3
Obsession 4
Obsession 5
Obsession 6
Obsession 7
Obsession 8
Obsession 9
Obsession 10
Obsession 11
Obsession 12
Obsession 13
Obsession 14
Obsession 15
Obsession 16
Obsession 17
Obsession 18
Obsession 19
Obsession 20
Obsession 21
Obsession 22
Obsession 23
Obsession 24
Obsession 25
Obsession 26
Obsession 27
Obsession 28
Obsession 29
Obsession 30
Obsession 31
Obsession 32
Obsession 33
Obsession 34
Obsession 35
Obsession 36
Obsession 37
Obsession 38
Obsession 39
Obsession 40
Obsession 41
Obsession 42
Obsession 43
Obsession 44
Final Obsession
Panda's Obsession
Special Obsession
I'm the Vampire Boss' Probinsiyana
BampirangPuyat
Caldrix and Gresha
Other Characters (Male)
Other Characters (Female)
Instagram

Obsession 2

32.7K 1.2K 136
By BampirangPuyat

Gresha

Dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mga mata ay napamulat ako.

Hinigpitan ko muna ang kapit sa aking kumot at nag-inat saka tuluyang tumayo na.

Another day.

Napahaba ang tulog ko dahil sa pagod. Hindi na nga ako nakapaghapunan kagabi.

I'm hungry.

Tinahak ko ang mini kitchen at naghanda na ng aking makakain.

Habang kumakain ako kay biglang may kumatok sa pinto kaya pinagbuksan ko kung sino man ito.

"Good morning, Gresha. Can you do my homework? May lakad kasi ako. Babayaran na lang kita," nakangiting pahayag ni Cathy.

Nakabihis siya ng maayos, mukhang may lakad na naman sila ng boyfriend niya.

"Masyado bang matagal ang lakad na iyan?" tanong ko pabalik sa kanya.

Ayaw kong masanay siya na palagi na lang sa akin pinapaggawa ang homework niya. She needs to learn to do it on her own.

Ngumiti siya ng alanganin.

"Ah. Hindi naman, ngunit hindi ko talaga kayang sagutin eh. Kaya ipapagawa ko na lang sa'yo, dating gawi." Tumawa pa siya.

Tinanggap ko na lang dahil alam kong magpupumilit na naman siya, tulad ng nakagawian niya.

Nang makaalis na siya ay muli kong isinara ang pinto.

Naging emotionless muli ang aking mukha. Ganito ako palagi. Ganito ako pinalaki ng aking ina.

I was raised in isolation. I was distant to everyone. She would always remind me to never give my trust to someone easily. Hindi ko alam kung bakit, ngunit hinayaan ko na lang dahil wala naman akong problema sa pagpapalaki niya sa akin.

Ngunit nang mawala siya ay tuluyang nagbago ang takbo ng buhay ko. Kailangan kong makisalamuha sa karamihan upang maigapang ko ang aking sarili. Sinusubukan kong ibahin ang natural kong pakikitungo.

Ngunit kung mag-isa lang ako tulad ngayon ay bumabalik ang aking pagiging malamig, ang aking orihinal na pagkatao.

Kumuha ako ng lapis at pinagpatuloy na ang aking agahan habang sinasagutan ang homework ni Cathy. Hindi naman masyadong mahirap. Kung makikinig lang siya sa kanilang guro ay sigurado akong masasagutan niya ito, ngunit isa siyang iresponsabling estudyante.

Inuuna niya ang kanyang boyfriend sa lahat ng bagay. Hindi niya man lang natatanaw kung gaano siya kaswerte na may mga magulang pa siya na sumusuporta sa kanya.

*

Masiglang paligid ang sumalubong sa akin ng makalabas ako sa village na tinutuloyan ko. Tinahak ko na ang daan papunta sa pinagtatrabahuan ko tuwing Linggo.

Nasa Ipil-ipil Street ito, nasa kabilang village lang at hindi gaanong kalayo mula rito. Ang kasunod na village ay naroroon ang unibersidad na aking pinapasokan, at nilalakad ko lang din ito tuwing may pasok. Sayang sa pamasahe kung sasakay pa ako.

Habang nagalalakad ay hindi ko maiwasang marinig ang patungkol sa kumakalat na balita.

Another victim.

Sana naman mahuli na ng mga pulis ang may kagagawan nito at matapos na ang karumaldumal na krimen.

"Magandang araw, Mang Agustine," bati ko sa nakatalikod na may katandaang lalaki. Siya ang amo ko tuwing Linggo.

"Napaaga ka na naman, Gresha. Nakapagpahinga ka ba ng maayos?"

Alam niya ang kasalukuyang sitwasyon ko. Alam niyang ako na lang ang sumusuporta sa akin at nag-aaral pa ako. Kaya in-adjust niya ang oras ng aking trabaho. Ginawa niyang 9am ang aking pasok.

"Ayos lang po yun, tapos na naman ako sa mga gawain ko," sagot ko at pumunta na sa maliit na counter.

"Oh siya, dahil nandito ka na ay iiwan ko na ang shop sa'yo. Hintayin mo na lang si Allan."

"Sige po. Magpahinga na muna kayo."

Nagpaalam na siya. Nasa kabila lang ang kanyang bahay.

Ito ay isang shop ng mga vintage at antique na bagay.

Gusto ko ang trabahong ito, dahil gusto ko ang mga makalumang bagay. I feel that a part of me belongs to antiquity. Old things hold a great amount of memories. Hindi ko alam kung ilang taon na ang lumipas simula ng ginawa ang mga ito, ngunit isa lang ang alam ko, tumagal ito hanggang ngayon dahil pinahalagahan sila ng kanilang mga nakaraang may-ari. Kaya gusto ko rin silang ingatan tulad ng pag-iingat nila.

All around ang trabaho ko rito --assistant, saleslady at cashier. Ang sahod ay 400 pesos. Masyadong maswerte na rin ako dahil hindi naman matagal ang oras ng aking trabaho. Ang pasok ko ay 9am at ang labas ay 4pm. Libre rin ang lunch ko.

Medyo marami naman ang costumer ng shop dahil hindi naman karamihan ang vintage shop sa buong bayan. May mga mamimili pa nga minsan na dayo mula sa karatig bayan.

"Masyado mo namang inagahan, Gresha." Napataas ako ng tingin.

"Ganyan talaga, Kuya Allan. Daig ng maagap ang masipag." Nginitian ko pa siya.

"Ngunit pareho kang maagap at masipag," nakangisi niyang tugon.

Ilang sandali lang ng pag-uusap ay pumunta na siya sa kanyang trabaho.

Siya ang guwardiya ng shop. Siya rin ang tumutulong sa mga kostumer kung may kabigatan ang kanilang bibilhin.

Tuwing Linggo lang nakabukas ang shop. Tuwing weekdays kasi ay ang pag-aangkat ng mga makalumang bagay. Medyo masuri si Mang Agustine kaya natatagalan ang proseso bago tuluyang itinda ang mga ito. Maigi niyang sinisuri ang bawat gamit kung totoo bang antique ito at hindi isang huwad lamang.

"Aling Matilda, naparito ka," bati ko sa mayordoma ni Mang Agustine. Siya rin ang tagahatid ng pananghalian namin.

"May pinapasabi kasi si Sir Agustine."

"Ano yun?"

"Pupunta raw ang kapatid niya ngayon sa shop, ihatid mo raw siya papunta sa loob ng mansion. Mula siya sa malayong lugar at ngayon lang nakabalik dito kaya pagod yun," pag-iimporma niya sa akin.

"Sige po, Aling Matilda. Makakaasa kayo."

Agad ding siyang nagpaalam sa akin dahil may gagawin pa siyang gawaing-bagay.

Naging alerto naman ako nang may dumating na kostumer.

*

Tahimik akong kumakain ng aking pananghalian sa loob ng shop. May nakalaan namang maliit na space para sa aming pagkain. Medyo marami rin ang pumuntang mamimili ngayong umaga.

Ninanamnam ko ang sarap ng pagkain. Magaling magluto si Aling Matilda. May background din ako sa pagluluto dahil minsan na akong pumasok sa isang karinderya noong summer. Naging waiter ako, at kalaunan ay naging cook na rin. Ngunit masyadong full time ang trabaho ko roon kaya nagpaalam ako na aalis muna noong pasokan na. Mabuti naman at naintindihan nila ang aking sitwasyon.

Dahil tahimik naman ang paligid ay narinig ko ang usapan nina Kuya Allan at ng isang mamimili. "Ma'am, kasalukuyan po muna kaming close dahil kumakain pa ang assisstant ng may-ari ng shop."

Mahigpit na ibinilin ni Mang Agustine na isasarado muna ang shop tuwing oras ng pananghalian. Sabi niya ay banal na oras tuwing kumakain ang isang tao dahil tinatanggap niya ang biyaya mula sa Maykapal. At hindi raw dapat ito ipagsabayan sa ibang bagay, lalo na sa trabaho. Masyadong nang makaluma ang paniniwala niya, ngunit ginagalang ko ito.

"Hindi ako naparito upang bumili ng kung ano, may mahalaga akong sadya sa may-ari ng shop na ito. Kapatid niya ako."

Bigla akong napatigil sa pagkain dahil sa aking narinig mula sa kanya. Tumigil ako at agad na inayos ang aking sarili.

"Kuya Allan, ibinilin siya sa akin ni Mang Agustine," pag-iimporma ko sa kanya, kaya malugod niya namang tinanggap ang babae.

Hindi pa naman siya masyadong matanda, siguro nasa 40 pataas na ang kanyang edad. Istrikto ang kanyang mukha. Hindi ganoon kagara ang kasuotan niya, ngunit napakapormal nito.

"Sundan niyo po ako, ma'am. Pinapahatid ka niya sa akin papunta sa mansion," nakangiti kong alok sa kanya.

Tinignan niya lang ako mula ulo hanggang paa. Pagkaraan ay umarko ang kanyang kilay kaya napalunok ako ng hangin.

Her strict aura is intimidating. Sobrang layo sa magalak na pagkatao ni Mang Agustine.

"Don't bother."

Napakagat ako sa aking labi.

"I want him to accompany me instead," patukoy niya kay Kuya Allan.

Wala na akong nagawa at hinayaan na lang siyang umalis kasama si Kuya Allan.

Nag kibit balikat na lang ako at tinapos ang aking pagkain.

*

Natapos na akong kumain ngunit hindi pa bumabalik sina Kuya Allan. Siguro may pinag-uusapan pa sina Mang Agustine at ang kanyang kapatid.

Naisipan ko munang ayusin ang iilang antique na bagay na medyo nagulo kaninang umaga.

Tahimik lang akong nag-aayos ng bigla kong marinig ang marahas na pagbukas ng pinto ng shop. Dahil sa pagkagulat ay nalaglag ko tuloy ang babasaging vase na ililipat ko sana.

Biglang kumalat ang kaba sa aking katawan. Hindi dahil sa marahas na pagbukas ng pinto, kundi sa pagkalaglag ng vase. Sobrang mahal ang isang yun.

Ilang sandali pa ay narinig ko na ang pagkabasag nito na biglang bumura sa pag-asa kong masalo pa ito.

Sampong libo.

Sampong libo lang naman ang halaga ng vase na aking nabasag. Saan ako kukuha ng pambayad?

"Veronica, you're taking too much of my precious time!" singhal ng isang lalaki.

His voice is too deep and manly. Nakakatakot ang boses niya. Ngunit dahil sa pagkataranta sa nabasag na vase ay hindi ko na siya napagtuonan ng pansin.

Napaupo ako at pilit na kinukuha isa isa ang nabasag na bahagi ng vase sa pag-aakalang kaya ko pa itong buoin ulit.

Nakarinig ako ng mabibigat na yabag papunta sa kinaroroonan ko.

"Where the hell is Veronica?" sigaw niya na nagpatigil sa akin.

Bigla akong natuod at doon ko napagtanto na umiiyak na pala ako dahil sa pagkataranta at takot.

Natatakot akong mapagalitan ni Mang Agustine. Natatakot akong paalisin niya ako sa trabaho. Natatakot akong hindi mabayaran ang halaga ng vase na nabasag. Bakit kailangan pang sumabay ang ganitong klaseng pangayayari? Marami ang aking bayaran sa paaralan ngayon.

"Are you deaf?" Dahil sa nagsalita sa aking harapan ay napataas ang tingin ko sa kanya.

I meet his ocean blue eyes, and I feel something...something...I can't explain.

His eyes are drowning me. It's like dragging me to another dimension.

Mula sa mga mata ko ay lumandas pababa ang kanyang tingin.

Agad siyang yumuko at mas inilapit ang mukha niya sa akin. Doon ko lang napagtanto ang perpekto niyang mukha.

He is too handsome to behold.

Every inch of his face looks like being carved perfectly by the most exquisite artist.

He's a sculpture of perfection.

Marahas niyang inabot ang aking leeg at sinakal ako.

Napamura ako sa aking isipan.

"No one dares to ignore me!" galit niyang sabi.

Nagpumiglas ako ng walang kahirap hirap niya akong itaas sa ere habang sinasakal niya pa rin ako.

Is he crazy? He can kill me for godsake!

I tried to shout for help but I can't find my voice because of his tight grip.

Napatingin lang ako sa lalaki na sumasakal sa akin. His eyes are cold. Walang emosyon na nababakas. Ngunit nakangisi siya na mukhang nagagalak pa sa kanyang nasasaksihan ngayon.

He's a psycho!

Masyado siyang malakas. Ilang sandali lang ay alam kong mawawalan na ako ng hininga kung hindi niya ako bibitawan, kaya mas nagpumiglas ako.

Dahil sa ginawa ko ay naramdaman kong nasira ang aking suot na kuwintas na natatakpan ng aking damit.

Hindi ko alam ngunit mas bigla akong kinabahan.

Nakakatawa dahil mas nag-aalala pa ako sa kuwentas ko kesa sa kalagayan ko ngayon.

Ngunit sa pagkakaalala ko, ni minsan ay hindi pa natanggal ang kuwentas na ito sa aking leeg. Lumaki akong suot na ito. Laging bilin sa akin ni mommy na hindi ito alisin sa aking leeg ano man ang mangyari. Kahit noong nag-aagaw buhay siya, ang paalalang iyon ang huli niyang binigkas sa akin.

Yeah right, this necklace holds a great part of me. It holds my mom's wish and my last promise to her. Lumaki na akong suot ito. Araw-araw itong pinapansin ni mommy kaya nakasanayan ko na rin.

Napansin kong napapikit ang lalaking kaharap ko at mukhang sininghot ang paligid.

Naramdaman kong nanginig siya sa kaba kaya agad niya akong nabitawan.

Napaismid ako ng maramdaman kong nadaplisan ng bubog mula sa nabasag na vase ang aking talampakan

Naramdaman ko ang kirot kasabay ng pagdaloy ng kaunti kong dugo dahil sa sugat.

"What happened here?" narinig kong sigaw ng kakapasok pa lang na babae.

Ang kapatid ni Mang Agustine.

Agad siyang lumapit sa kinaroroonan namin. Nanlaki ang mga mata niya ng mapatingin sa aking talampakan na dumudugo.

Agad niyang pinunit ang ibabang parte ng kanyang palda at itinali sa aking sugat. Namangha pa ako sa lakas niya dahil madali niyang itong napunit kahit gawa ito sa makapal na tela. Siguro dahil sa adrenalin rush.

Mabilis kong hinabol ang aking hininga. Kinapa ko ang aking dibdib. Nanlamig ako ng malamang wala roon ang kuwintas ko.

Hinanap ko ito at nang makitang nasa sahig ay agad ko itong isinuot pabalik sa aking leeg.

The man in front of me moans in protest.

Napatingin ako sa kanya. Marahas niyang binuksan ang kaninang nakapikit niyang mga mata.

I gulped when I saw his ocean blue eyes turned into bloody red for a split second.

It's only my imagination, wasn't it?

Continue Reading

You'll Also Like

89.8K 5.5K 32
MIDNIGHT CREATURES SERIES 3 "Seven, you are not just a part of my journey, you are my destination." (Isa)ng kotse and nabunggo ng construction truck...
21.7M 551K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...
11.7M 579K 53
Kallaine Seraphina Verlas is a vampire with a white curse-a curse that every creature feared the most. She already accepted her existence alone, trap...
694K 32.8K 47
Harper Esmeralda Gazellian