Falling In Love With The Baby...

By Shinukira

5.6K 245 4

Papayag ka bang ma-iscam tapos baliktad, kasi ikaw ang makakakuha ng pera? Mananatili ka bang kalmado kung hi... More

~Falling In Love With The Babysitter~
~Notice~
Chapter 1: Ganito ba mamuhay ang mga Vertueza?
Chapter 2: Hindi ako nag-apply bilang yaya!
Chapter 3: Sino masusunod? Ang Babysitter o ang 'Baby'?
Chapter 4: Simula ng pagkikilala kay Laurence
Chapter 5: Nang dahil sa Facebook Profile
Chapter 6: Buhay ni Jinkie bilang isang anak
Chapter 7: Sisihin si Mrs. Vertueza!
Chapter 8: One milyon, nagkatotoo ka sana!
Chapter 9: Panibagong trip ni Laurence
Chapter 10: Sa labas kasama si Laurence
Chapter 11: Double date ba 'to?
Chapter 12: Oo, Double date ito at ako Ang Fifth Wheel
Chapter 13: Adobong pinakbet
Chapter 14: Pagkikilala kay Mamita
Chapter 15: Jinkie vs Laurence
Chapter 16: Uwi na, Walang Nanalo
Chapter 17: Ikot pa
Chapter 18: Dinner Dare
Chapter 19: Sana Hindi na Lang
Chapter 20: Comfort Zone
Chapter 22: Banghay para sa kinabukasan ni Laurence
Chapter 23: Balik sa totoong buhay
Chapter 24: Pagtanggap
Chapter 25: Huling salita
Book 2 Request

Chapter 21: Ang Pagbabalik ng mga Vertueza

175 11 0
By Shinukira

Isa sa mga nagpasiyahan ni Mamita ang sumama sa paglipad ng mga magulang ni Laurence sa pilipinas para bisitahin ang apo at muling tanawin ang ganda ng bansa.
Pinasama nito ang dalawa sa kaniyang mga guwardya, dalawang housemaid, at isang personal assistant na palaging nag-aasikaso sa kaniya para sa pang-araw-araw niyang paghahanda.

Nakarating na sila sa pilipinas at ngayon ay nasa airport pa lamang sila.
Binuksan ng isa sa mga guwardiya ang magarang na puting sasakyan bago pumasok si Capucine Mathieu-Vertueza, ang lola ni Laurence na nakapulang bestido. Sa kabilang sasakyan naman sin Lauren at Lucas, gamit ang kanilang kotse.

Maarte si Capucine, lalo na sa mga bagay na hindi masyado malinis. Kung pasokin mo ang tinitirahan niyang malaking bahay sa pransiya, sinisigurado nitong walang anumang dumi ang nagtatagal sa sahig at mga gamit doon.
Galing siya sa mayaman na pamilya. Kung tutuusin ay mas may pera siya kumpara kay Hogno Vertueza, ang pumanaw niyang asawa. Ngunit inaamin niya na siya ang unang nagkagusto kay Hogno nang dahilan para sila'y magpakasal.

Halos tatlong dekada nang hindi nakakapunta si Capucine sa pilipinas. Ayaw niya sa mainit na lugar, at mas pipiliin na magbisita ng bansang tulad ng Japan, Sweden, o kaya'y Greece na talaga namang madalas niyang pinupuntahan.
Ngunit sa oras na ito ay gusto niyang makita ang kaniyang apo. Kaya hinayaan na lang muna niya ang init ng panahon sa pilipinas na hindi niya nakakasanayan.

𝓕𝓪𝓵𝓵𝓲𝓷𝓰 𝓘𝓷 𝓛𝓸𝓿𝓮 𝓦𝓲𝓽𝓱 𝓣𝓱𝓮 𝓑𝓪𝓫𝔂𝓼𝓲𝓽𝓽𝓮𝓻

Kakatapos lang namin kumain ni Laurence ng pang-almusal. Sinabi ko nang hindi niya ako kailangan tulungan sa mga pinggan na hinuhugasan ko pero hindi siya nakikinig. Buti naman at bumalik na sa dati; ang pilosopo niyang ugali.

Siya ang nagbabanlaw nito habang ako naman ang nagtatrapo sa mga plato. Dito namin narinig ang pagbusina ng sasakyan na parang nasa malapit lang. Napatingin sa akin si Laurence na para bang kumukwestyon kung sino iyon at tinaas ko naman ang balikat ko, na kung sa salita ay hindi ko rin alam.

Paulit-ulit itong bumubusina kaya naman nagmamadali akong lumabas para buksan ang gate, at sumunod na rin si Laurence para tingnan rin kung sino ba ito.

Binuksan ko na ang gate. Nagtataka ako nang makita ko ang hindi pamilyar na sasakyan, pero may kasunod ito. Doon ko nakilala ang sasakyan nina Mr. Vertueza. Siguro ay bisita lang ito kaya naman binuksan ko na ang gate.

Dumiretso na itong pumasok at nagparking don sa may bakuran. Nakita kong lumapit sa maputing sasakyan si Laurence at nagpatuloy naman ako sa pagsasara ng gate.

Unang lumabas ang isang lalaking kalbo na matangkad sa kotse na iyon at lumapit sa pangalawang hilera upang buksan ang pinto nito, kung saan isang matandang dayuhan na babae ang lumabas galing dito.

Nakikita kong hinagkan ito ni Laurence sa pisngi bago ko mapansin na papalapit na rin pala sina Mr. At Mrs. Vertueza sa kanila. Sa hitsura pa lang at outfit ng matanda ay masasabi ko nang lola ito ni Laurence. Naikuwento niya kasi sa akin noon ang tungkol sa kaniya.
Sa ngayon, may pa re-union silang pamilya at di ko alam saan muna ako lulugar.

Unang pumasok sa bahay pagkatapos tingnan ng lola ni Laurence ang labas ng bahay. Mukhang inoobserbahan niya ang desinyo nito. Sumunod naman ang mga magulang ni Laurence na mukhang papasok na rin sa loob ng bahay.
Papasok na nga si Laurence, kaso napalingon muna siya sa akin at lumakad patungo sa kinatatayuan ko.

"Ano'ng tinatayo mo diyan? Halika, pumasok tayo," pagyaya niya sa akin pero nanatili akong nakatayo dito sa posisyon ko.

"Sige na, mauna ka muna. Susunod lang ako."

Napasimangot lamang si Laurence.
"Bakit? May gagawin ka ba?" Tanong niya.

"Uhm..."
Sa totoo lang nahihiya ako. Nandito na iyong buong pamilya niya. Isa pa, hindi ko alam paano magpakilala o kunin ang atensiyon ni Mrs. Vertueza. Sa totoo lang, si Mrs. Vertueza lang ang nakakasundo ko at si Laurence.

"Wag ka na mag-rason pa. Hali ka na."

Nagulat ako nang hilain ako ni Laurence sa braso at pinilit na pumasok sa bahay nila, kung saan nandoon nakaupo sa sala ang mga pamilya niya.

Agad ko namang tinanggal ang kamay ni Laurence sa braso ko bago pa man nila ito makita, at mapag-isipan kami ng masama. Si Laurence kasi, hindi nag-iisip pag may gustong gawin e.

Lumapit na si Laurence sa kanila habang nanatili na naman ako sa tabi ng pintoan. Hindi ko lang talaga alam kung ano ang gagawin ko. Babatiin ko ba si Mrs. Vertueza o hindi?
Teka, may naisip ako.

Habang kinakausap ni Laurence ang lola niya ay dumiretso na ako sa kusina, at doon ay nagtimpla ako ng apat kape.  Naalala ko kung paano ko maglingkod sa mga bisita namin. Sakto naman iyon kung ganoon din ang pakikitungo ko sa kanila.

Linagay ko ito sa isang ceramic tray at naghanda muna bago pumunta sa sala. Ayaw kong pumalpak at mapahiya. Lumakad na ako palapit sa kanila habang lahat sila nakaupo, kasama si Laurence na kinakausap ang kaniyang lola.

"M-mag kape muna ho kayo." Linapag ko sa mesa ang hawak kong tray. Pagkatapos ay yumuko ako sa kanila.

Hindi ko lang alam kung bakit napatahimik sila sa pag-uusap. Doon ko napansin na nakatingin pala sa akin ang lola, na may kuryusidad sa mukha.

Nagsalita siya habang nanatiling nakatingin sa akin. Hindi ko iyon naintindigan pero ina-assume kong pransiyang lengwahe iyon. Sumagot naman si Mr.Vertueza ng medyo mahaba, na hindi ko rin naiintindihan.

(The actual convo)
Mamita: Qui est cette fille?(Sino ang babaeng ito?)
Lucas: C'est la fille qui s'occupe de Laurence, Mamita. Elle s'appelle Jinkie. (Mamita, siya po ang nag-babantay kay Laurence habang wala po kami dito. Jinkie po ang pangalan niya.)

Ipagpatuloy...

Nawala ang kuryus na pagtingin sa akin ng lola at agad itong napalitan ng gulat na ekspresyon. Saka niya ako tinitigan ng pataas sa pababa, na mas lalong hindi ko ikinakomportable.

"Siya yaya? Ba qet dala ga? (Siya ang yaya? Bakit dalaga?)"
Sabi ng lola. Iyon ng naintindihan kong linya galing sa kaniya dahil halatang tagalog ito.

Napansin kong napakagat ng labi si Mrs. Vertueza habang hindi naman makasagot si Mr. Vertueza. Ramdam ko rin na nanlalamig ang katawan ko sa nerbyus.  Mukhang iba na talaga ang naiisip niya.

"Mamita, bakit naman hindi? Elle est gentille et attentionnée. Je ne me suis jamais senti seul pendant qu'elle est là. (Mabait siya at maalaga. Hindi ko nga naramdaman na maging malungkot habang nandito siya e.)

Nagsalita rin siguro ng salitang pransiya si Laurence. Kaya naman wala akong naintindihan sa kanila. Pero ayos lang iyon, ayaw ko naman maging chismosa.

"Et pourquoi la défendez-vous? Est-ce la raison pour laquelle vous ne pouviez pas me rendre visite? (At bakit naman pinagtatanggol mo pa siya? Ikaw, hindi ka man lang dumalaw sa pransiya. Hindi mo ako gustong bisitahin, ano?)"

"Mamita! Ce n'est pas comme ça! C'est très amusant ici aux Philippines. (Hindi naman sa gano'n! Ang saya nga dito sa pilipinas o!)"

Habang todo sa pag-uusap ang dalawa at nanatili naman akong nakastatuwa dito, tinawag ako ni Mrs. Vertueza at inimbitahan akong lumabas sa bahay nila upang kausapin ako.

Nang dito na kami sa may terrace, huminto siya sa harapan ko.

"Pasenisya ka na at hindi naman sainyo nasabi na ngayon kami uuwi." Ani Mrs. Vertueza.

"Ah, hindi po, ayos lang po iyon. Baka busy rin po kayo kaya hindi kayo nakahanap ng oras para ibalita sa amin," Sagot ko kay Mrs. Vertueza.

Nginitian lang niya ako pabalik.

"Kung ganon... Puwede ka nang umuwi sa inyo. Tutal may mga kasama naman si Mamita na puwedeng maglingkod sa amin. Tapos na sa ngayon ang trabaho mo. Siguro, kailangan mong magmadali kasi mukhang hindi komportable si Mamita sa presence mo. Pasensiya ka na, Jinkie." Pakiusap ni Mrs. Vertueza.

Pagkarinig ko doon ay nadama ko ang pagiging outcast ko, na hindi naman talaga ako nabibilang sa mga tao sa bahay na ito. Tama lang talaga na umuwi na ako.

"O, eto." may kinuha siyang maliit na sobre sa loob ng kaniyang Luis Vuitton bag, at inabot sa akin ito.

"25,000 pesos iyan. Dinagdagan ko na rin ng 5,000 as a bonus."

Inabot ko ang sobre. Sa totoo lang, ngayon ako nakahawak ng ganitong kalaking pera, katas ng sariling trabaho ko. Napangiti ako at napatango.

"Maraming salamat po," sabi ko sa kaniya.

"Walang anuman. Maraming salamat sa pagbabantay kay Laurence. Siya, diyan ka na muna. Ipakuha ko ang mga gamit mo sa mga yaya," aniya.

"Ay, hindi na po. Ako na po ang kukuha—"

"Hindi, diyan ka lang. Huwag ka na muna pumasok sa bahay." Agad na pagputol ni Mrs. Vertueza sa akin.

Napatahimik na lang ako at napatango ulit.
"...Sige po."
Parang ilang segundo lang nag-iba ang aura ni Mrs. Vertueza. Pero ayos lang, kailangan ko naman atang bilisan ang pag-alis ko.

Nakuha na ng mga yaya ang gamit ko at sa likod pa sila nanggaling hindi sa main door. Pagkatapos ko makuha ang mga gamit ko ay kinuha ko na ang bike ko. Binuksan na rin mismo ng mga yaya ang gate para sa akin.
Lalabas na sana ako, kaso napalingon muli ako sa bahay na nasa likod ko.
Gusto ko munang magpaalam kay Laurence, kaso baka hindi puwede.

Doon ay lumabas na ako. Sinimulan kong sumakay sa aking bike at nagmaneho pabalik sa bahay.

Continue Reading

You'll Also Like

4.8M 179K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...
43.3K 2.5K 50
A group of students, worked together to tackle different paranormal mysteries and entities and solving them, to this journey they have formed a bond...
11.9M 291K 45
League of Billionaire series #1 Breadwinner Julian Tezan gets the biggest twist of her life when she unexpectedly crosses paths again with billionair...
25.5M 734K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...