THE BROKEN SOUL'S PLEA

By CeCeLib

47.1M 1.4M 471K

Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER - SIBLINGS
SPECIAL CHAPTER - Verdect (SPOILER)

CHAPTER 24

678K 24.1K 9.6K
By CeCeLib

CHAPTER 24

NAHIHILO PA RIN si Lucky nang magising siya sa isang estrangherong silid. Agad siyang bumalikwas at inilibot ang tingin sa kabuuan ng kuwarto.

Inatake siya ng kaba at takot dahilan para masapo niya ang dibdib na kumikirot.

Si Blake! Tiyak na hinahanap na siya ngayon ni Blake! Siguradong nag-aalala na ito sa kanya. Siguradong hinahanap na siya nito ngayon!

I have to see Blake. I have to be with him. Blaze was shot!

Ilang beses siyang huminga nang malalim nang maramdamang parang kinakapos siya ng hangin.

Calm down, Lucky! Calm down!

Habol niya ang hininga hanggang sa bumukas ang pinto at pumasok doon ang dalawang lalaki. Agad siyang napaatras, may takot sa mga mata niyang nakatingin sa dalawa.

"A-ano ba'ng kailangan n-n'yo sa 'kin? S-sino ba kayo?" kinakabahang tanong niya sa dalawang lalaki na may mga baril sa baywang.

Parang magigiba ang puso niya sa sobrang takot at kaba.

"S-sino k-kayo—"

Sa halip na sumagot, hinawakan siya ng mga ito sa magkabilang pupulsuhan at marahas na hinila palabas ng kuwarto.

Nanlamig siya sa takot. "No... let me go... Let go!"

Pilit siyang nagpupumiglas pero wala iyong silbi. Mas malakas ang mga ito sa kanya at nanghihina siya dahil kumikirot ang dibdib niya.

Please, heart, please not now. Don't give up on me now.

Blake still needed her! She had to make sure that she was okay for Blake to be okay. Hindi puwedeng mapahamak siya dahil masasaktan si Blake.

Nilabanan ni Lucky ang takot sa puso niya. Pilit niyang nilalabanan ang sakit ng dibdib kahit halos mawalan na siya ng ulirat sa sobrang sakit.

Nang paupuin siya ng dalawang lalaki sa pang-isahang sofa, agad niyang sinapo ang dibdib at namilipit siya sa sakit.

"Calm down. Wala naman akong balak na masama sa 'yo," sabi ng boses na nagpaangat ng tingin sa kanya.

Napatitig siya sa lalaking nakasuot ng Amerikana at halatang may-edad na. Nakatingin ito sa kanya na parang pinag-aaralan ang mukha niya. He had a dangerous air around him, scaring her even more.

"S-sino ho kayo?" kinakabahan niyang tanong sa nanginginig na boses habang sapo pa rin ang sumasakit na dibdib. "A-ano ho ang kailangan n'yo s-sa 'kin?"

"Relax, hija," sabi nito na parang pilit na pinapalambot ang boses para hindi siya matakot. "Wala naman akong planong saktan ka. Ang totoo niyan, matagal na kitang ipinapahanap."

Lucky shrunk on her seat when the man walked towards her. "D-don't come near me..." she begged.

"Relax. I'm not gonna hurt you."

Her lips trembled. "I don't believe you." She gripped her aching heart. "Please... ibalik n'yo na ako sa apartment ko. Please..."

Biglang tumalim ang mga mata ng lalaki. "Why would I do that? Kaya nga kita ipinahanap, 'di ba? Hindi ako makakapayag na sa mumurahing bahay nakatira ang anak ko!"

Napakurap-kurap si Lucky sa lalaki at unti-unting nanlaki ang mga mata niya habang unti-unting nagsi-sink in sa isip niya ang sinabi nito.

"I-I'm not your c-child..." nanginginig ang mga labi na bulong niya. "I-I'm not... y-you're not my f-father..."

Nakangiting dumukwang palapit sa kanya ang lalaki, saka malamig na ngumiti. "Sigurado akong ikaw ang anak ko." Ngumisi ito. "Kahawig na kahawig mo ang mommy mo. Such a pretty woman."

Umiling siya habang nanginginig ang mga labi at nanunubig ang mga mata. "N-no... t-that's not true... No..."

Sinubukan siyang hawakan ng lalaki pero mabilis siyang umalis ng sofa at umatras palayo rito. "H-hindi... h-hindi ikaw ang ama ko... H-hindi..." She clutched her chest as she was having difficulty breathing. "M-my father r-raped my m-mom... n-no... no... don't touch me! Don't touch me..."

Marahas siyang umiling habang umiiyak at nagpupumiglas sa hawak ng lalaking nagpakilalang ama niya. Ang lalaking gumahasa sa mommy niya! Ang lalaking lumapastangan sa mommy niya! Hindi puwede!

"L-let me g-go! Let me go! Please let me go!" Panay ang atras niya. "D-don't touch me. Y-you're a bad man. Y-you're a m-mons...ter! Don't touch me! Don't touch me!"

"You're my child—"

"No—" Hindi niya natuloy ang sasabihin dahil bigla na lang sumalakay ang nakakawalang ulirat na sakit sa dibdib niya.

Parang nayanig ang buong katawan niya sa naramdamang sakit at natulos siya sa kinatatayuan. Kapagkuwan ay bumagsak ang kamay niyang nakasapo sa kanyang dibdib.

Kahit hirap na hirap, pinilit niyang ihinakbang ang mga paa palapit sa sofa at doon napahawak para hindi matumba.

Hirap na hirap na siyang huminga. Isinisigaw ng isip niya si Blake pero alam niyang walang darating na Blake para tulungan siya. She was all alone. She had to survive alone for Blake.

"You're scaring her, Kuya Leandro." Boses iyon ng isang lalaki sa likuran niya. "She's sick, remember?"

"Ayusin mo ang babaeng 'yan, Leo." Dinuro nito ang lalaking nasa likuran niya. "Kailangang makausap ko siya nang maayos mamaya. Ginagalit niya ako. Wala akong pakialam kung anak ko pa 'yan, makakatikim 'yan sa 'kin."

Naramdaman ni Lucky ang pagkalma ng puso nang mawala ang lalaking nagpakilalang ama niya. Pero bumalik uli ang takot nang may humawak sa baywang niya at hinaplos ang pang-upo niya.

"Ang ganda naman ng pamangkin ko," sabi ng boses na bumulong sa tainga niya. "Manang-mana sa ina niya."

Mabilis siyang humakbang palayo sa lalaki at dahil kulang pa siya sa lakas, natapilok siya at napasubsob sa mahabang sofa.

Napadaing si Lucky nang sumalakay na naman ang sakit sa dibdib niya. Wala siyang nagawa kundi ang lumuha nang buhatin siya ng lalaki at maayos na ihiniga sa mahabang sofa.

"Okay ka lang ba?" Napakasuyo ng boses nito pero may kakaibang kislap ang mga mata na ikinakatakot siya.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata para hindi makita ang lalaki sa harap niya. Blake. Blake. She clutched her heart again. "Oh, God... please, no..."

Lucky's breathing was getting shorter and shorter, especially when she felt the man's hand on her waist again, moving down to her thighs.

She was catching her own breath in fear. Lumilikha ng malakas na ingay ang paghabol niya sa sariling hininga.

"I will call the family doctor," sabi ng lalaki, saka umalis at iniwan siya.

Siya naman ay mas humigpit pa ang pagkakasapo sa dibdib hanggang sa unti-unting nawawalan siya ng malay.



LUCKY OPENED HER EYES. Nasa kaparehong silid siya na nagisnan kanina at naka-oxygen mask. Tinanggal niya iyon at kahit nanghihina pa rin, bumangon siya at umalis ng kama, saka sinubukang umalis ng kuwarto pero naka-lock ang pinto.

Nanghihinang napaatras siya at napatitig sa doorknob.

Blake. I'm sure he's worried now. Blakey...

Bumalik sa alaala niya ang lalaking nagpakilalang ama niya at nandoon na naman ang kirot sa dibdib niya.

He raped her mother! He violated her! He was a monster! Her father was a monster! No! He was not her father! Mas gugustuhin pa niyang wala siyang ama kaysa isang masamang tao ang magpapakilalang ama niya.

She would never accept that man. Never!

Bumagsak ang luha sa mga mata niya.

Why do I have to meet him? Why do I have to meet the man who violated my mother? The man who hurt her. The man who made me. The man who broke my mom.

Gusto niyang kalimutan ang mga sinabi ng lalaking 'yon kanina. Gusto niya iyong burahin sa isip niya. Ayaw niyang paniwalaan ang mga sinasabi nito pero hindi iyon mawala sa isip niya.

He's my father. Kahit ano'ng gawin ko hindi mababago na siya ang ama ko.

Sinapo niya ang sariling mukha, saka napasabunot sa sariling buhok habang walang ingay na umiiyak. "No... no..."

Napatigil siya sa pag-iyak at mabilis na tinuyo ang mga luha bago nag-angat ng tingin nang bumukas ang lock ng pinto.

Agad siyang nilukob ng takot sa isiping baka ang lalaki 'yon na nagngangalang Leo, pero agad siyang kumalma nang isang batang lalaki ang pumasok sa kuwarto at agad na isinara iyon.

The kid stared at her for a long minute before speaking. "Ayos ka lang ba? Nakita kitang nahihirapang huminga kanina sa sala, maayos na ba ang pakiramdam mo?"

Nagtataka man kung sino ang bata ay tumango pa rin siya. "I-I'm feeling better now."

"Mabuti naman," sabi nito, saka inilahad ang kamay sa kanya. "Let's go?"

Napakurap-kurap siya sa kamay nitong nakalahad. "S-saan tayo pupunta?"

"Sasaktan ka ni Daddy sigurado," wika nito sa mahinang boses, saka sumama ang mukha. "Ayokong saktan ka niya. Baka mapaano ka, may sakit ka pa naman."

Nang hindi siya kumibo, lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya, saka hinila siya.

"Halika na," sabi nito.

Naging sunod-sunuran si Lucky sa bata hanggang sa makalabas sila ng kuwarto. Halatang alam nito ang pasikot-sikot ng bahay dahil walang pag-aalinlangan ang bawat hakbang.

"Teka—"

"Sshh!" he shushed her. "Be quiet," pabulong nitong sabi, saka mas binilisan pa ang paglalakad habang hila-hila siya.

Eksperto nilang napagtataguan ang mga bantay hanggang sa makarating sila sa basement.

"What now?" hinihingal na tanong ni Lucky.

May inilabas na cell phone ang batang lalaki sa bulsa nito, saka binuksan ang flashlight bago mahigpit na hinawakan ang kamay niya at hinila na naman siya patungo sa isang makipot na daan.

Gumapang si Lucky sa semento para lang magkasya siya hanggang sa makalabas sila sa makipot na daan na pinasukan.

"N-nasaan tayo?" tanong niya habang inililibot ang tingin.

"Sa garahe," sagot ng bata, saka may iniabot sa kanyang susi. "Kinuha ko 'yan sa bulsa ni Uncle Leo kanina. At ito..." May iniabot pa ito sa kanyang parang remote control. "That controls the gate. Bilisan mo, ha. Para hindi ka nila maabutan."

Napatitig siya sa bata. "W-who are you?"

The kid smiled. "I'm Bailey."

"Why are you helping me?" puno ng pagtatakang tanong niya.

"Ayoko lang na saktan ka nila," wika nito. "Mom can't get out, but you can." Pagkatapos ay may inilabas itong kuwintas sa bulsa nito, saka mabilis na inilagay iyon sa bulsa niya. "Sabi ni Mommy, alam mo na raw ang gagawin sa kuwintas na 'yan."

Napakurap-kurap si Lucky kay Bailey habang pinagmamasdan ito. He looked familiar. The way he smiled earlier and the way his eyes sparkled as he talked... they were similar to the twins she knew...

Blake and Blaze.

"Sige na, umalis ka na," pagtataboy nito sa kanya. "Sasaktan ka nila rito at hindi mo kakayanin 'yon kasi may sakit ka."

That made her worry. "Nasaan ang mommy mo? Sumama na lang kayo sa 'kin," yaya niya. "May kilala akong magbabantay sa 'tin. Hindi nila tayo pababayaan. Sumama na lang kayo."

Umiling si Bailey. "Ayaw ni Mommy. Hindi raw puwede." Malungkot itong ngumiti, saka pilit siyang itinutulak patungong sasakyan. "Go. Leave. And don't come back."

Napipilitang sumakay si Lucky, saka tiningnan muna si Bailey bago niya binuhay ang makina ng sasakyan.

Bailey opened the garage door for her.

"Thank you," sabi niya.

Bailey smiled and he really reminded her of the twins. Habang tumatagal na nakikita niya ang bata ay lalong nagiging magkamukha ito nina Blake at Blaze.

Lucky looked at Bailey one last time before driving the car with its full speed.

At tulad ng sinabi ni Bailey, binilisan niya ang pagmamaneho ng sasakyan at hindi siya tumigil hanggang sa makarating siya sa ospital.

BLAKE WAS CONFLICTED. He had to choose between Blaze and Lucky. Blaze was in the operating room while Lucky was missing. Hindi sumunod si Lucky sa kanya tulad ng plano, hindi nito sinasagot ang tawag niya at gustong-gusto na niyang hanapin ito pero hindi niya maiwan-iwan ang kakambal niyang nanganganib din ang buhay.

He was torn between his brother and his beloved!

Ihinilamos niya ang palad sa mukha, saka napatitig sa pinto ng OR.

I have to look for Lucky!

Akmang hahakbang siya paalis pero hindi naman niya magawa. His twin needed him. But Lucky might need him as well!

"Fuck!"

"Blake." Boses iyon ni Evren na bagong dating. "We came as soon as we heard from Mang Danny."

"Kumusta si Blaze?" tanong ni Dark.

"I don't know," sagot niya.

"Is he okay?" tanong ni Andrius.

"I'm not sure," sabi niya.

"Who's the doctor?" tanong ni Phoenix.

"I have no idea," sagot niya.

"Who did this? Need backups?" tanong ni Titus.

Napasabunot siya sa sariling buhok. "I don't know. Our enemy I guess... I'm not sure. Hindi pa ako nakakalabas ng ospital. Nawawala si Lucky— fuck! Mababaliw na ako!"

"Chill—" sabi ni Slate na pinutol agad ni Cadmus.

"That's the worst advice ever. He can't chill," sabi ni Cadmus. "Hindi siya kakalma sa sitwasyon niya ngayon."

"Yeah..." Namaywang si Nate. "Need something? I'm available. I have no cake to bake today, well except from that weird count but he can wait."

Mahigpit siyang napasabunot sa buhok niya. "Can, ahm, can you stay with Blaze? Nag-aalala ako kay Lucky. Dapat sumunod na siya sa 'kin dito kanina pa. Dapat nandito na siya pero maggagabi na, wala pa rin siya. Baka may nangyari nang masama sa kanya."

"Sure," agad na sagot ni Thorn. "Go. Kami nang bahala rito."

Nagsisang-ayunan ang mga kaibigan nila dahilan para makahinga siya nang maluwag.

"Call me when Blaze gets out of the OR." Humakbang siya paatras.

"I will," sabi ni Khairro. "Go. Look for your wife."

Tumango si Blake, saka akmang tatakbo palabas ng ospital nang mapatigil siya dahil nakita niya ang wirdong Espanyol na karga-karga ang walang malay niyang kasintahan.

"Lucky!" Agad niyang nilapitan si Velasquez, saka kinuha rito si Lucky. "What happened?"

Knight shrugged. "She was kidnapped then she miraculously got away before I can enter the mansion and be cool. Sinundan ko ang getaway car niya at dito ako dinala. You're welcome by the way—"

Nilampasan niya ito, saka nagmamadaling itinakbo si Lucky patungong ER para mabigyan ito ng paunang lunas.

"Please, be okay, baby." Hawak niya ang kamay nito at hinahalikan iyon. "Please, be okay. Please. I need you right now. Please... don't leave me."

Blake mind was in chaos. Nahahati 'yon kay Blaze at kay Lucky. Hindi niya alam kung sino ang uunahin niya.

"Fuck. Fuck. Fuck."

Hinaplos niya ang noo ni Lucky, saka hinalikan ito roon at pinakatitigan habang naka-oxygen mask ito. She looked so pale.

"I'm sorry," he whispered. "I'm sorry hindi kita naprotektahan tulad ng ipinangako ko. I'm sorry, Lucky... please forgive me." Pinisil niya ang kamay nitong nanlalamig. "Nandito na ako. Hindi na mauulit 'to. Hindi na kita iiwan. Sorry, I'm so sorry... I'm so sorry."

Ihinilamos niya ang mga palad sa mukha nang pumasok si Axel sa ER at agad na inasikaso si Lucky.

"What the fuck happened?" Axel asked. "Blaze is in the OR?"

Tumango siya. "He was shot."

Axel was in Macau this morning for his convention. Mabuti na lang at agad itong umuwi nang malaman ang nangyari kaya naasikaso nito ngayon si Lucky.

"Who shot him?" Axel asked, his jaw tightening.

"Our enemies, I guess." Bumuga siya ng marahas na hininga. "Baka nalaman nilang buhay pa naman talaga kami."

"Fuck..." Axel murmured while looking at Lucky. "Blake, her heart..."

Agad siyang natakot at kinabahan. "What?"

Parang natatakot na tumingin ito sa kanya. "It's beating too slow."

In his vocabulary, that meant he was losing her. "No. Make it beat faster, damn it!"

Axel looked bothered. "The pacemaker should be doing its job, steadying her heartbeat." He used the stethoscope to listen to Lucky's heart. "I can barely hear it."

Nanghina siya at nanlamig ang buong katawan niya. "W-what do I do? A-ano'ng puwede kong gawin? Tell me. Tell me what to do!"

"I don't know what's happening but if this continue, she will really need a transplant."

Nanghihinang napasandal siya sa pader na malapit sa kanya. "Pero wala pa tayong heart donor..."

"I know that—fuck! It's back!" Axel exclaimed. "Her heartbeat is back to normal, Blake."

Nakahinga siya nang maluwag. "Thank goodness." Agad siyang bumalik sa tabi ni Lucky at hinawakan ang kamay nito. "Fight, baby. You promise you'll fight for me. Kaya mo 'to. Hindi mo kami iiwan. Naniniwala akong makakasama pa kita nang matagal. Please... please... I beg you, please... don't leave me."

Hawak niya ang kamay ni Lucky kaya nang gumalaw ang mga daliri nito ay naramdaman niya agad 'yon. His eyes widened and a wide smile appeared on his lips.

"There's my brave gummy bear. You can do this. Nandito lang ako. Nandito lang ako, baby. Hindi ako aalis sa tabi mo." Her fingers moved again making him chuckle and then laughed. "That's my baby. That's it..."

Then slowly, her eyes opened, and she looked at him.

Naramdaman niya ang pagkahulog ng isang butil ng luha niya sa pisngi. "Hey, baby, I'm here. I'm right here. I'm so sorry I left you alone. I'm sorry. It's my fault that this happened to you—"

Bahagya itong umiling, saka mahinang pinisil ang kamay niya habang panay ang iling. Kapagkuwan ay bigla na lang itong nawalan ng malay.

"Lucky!"

"She's just resting," sabi ni Axel sa kanya. "I'll transfer her to the ICU so we can monitor her heart's health. Mas maalagaan siya roon."

Tumango si Blake, saka hinayaan si Axel na gawin ang mga kailangan nitong gawin para umayos na ang lagay ni Lucky.

Nang maipasok si Lucky sa ICU, sumunod namang ipinasok si Blaze.

"Tinatawagan kita," sabi ni Khairro na nakasunod sa stretcher na kinalalagyan ng kakambal. "Hindi ka sumasagot."

"Her heartbeat was too slow," sagot niya habang nakatitig kay Lucky mula sa labas ng glass wall ng ICU. "I was so damn scared. Akala ko mawawala na siya sa 'kin. Hindi ko yata kakayanin."

Walang umimik sa mga kaibigan niya. Walang nang-asar. Walang tumudyo sa kanya. Lahat tahimik.

"Ganito ba talaga ang pakiramdam ng magmahal? Nagmahal naman ako noon, pero hindi ako naging ganito. Hindi naman ako matatakutin pero natatakot akong mawala siya sa 'kin." Kumuyom ang kamay niya. "Natatakot akong iwan niya ako."

Tinapik ni Andrius ang balikat niya. "I know what that feels, bud. It's scary. Nang maospital ang asawa ko, kung puwede nga lang, ako na lang 'yong mahirapan, hindi lang siya. If only I could switch places with her, I will do it in a heartbeat. But we can't. Ang magagawa lang natin, alagaan at bantayan ang mga mahal natin. And then pray. Hindi ako paladasal na tao pero lumuhod at nagmamakaawa ako para sa asawa ko."

Wala sa sariling napatingin siya sa altar na nasa labas ng ICU.

If I pray, will Lucky be okay? If I beg on my knees, will my twin be better?

Naputol ang pag-iisip niya nang lumabas ng ICU si Axel at may iniabot sa kanya. Ang damit 'yon na suot ni Lucky kanina. Pinalitan kasi ang damit nito ng hospital gown.

"Thanks, Axel—" Naputol ang pagpapasalamat niya nang may nahulog mula sa bulsa ng nakatuping pantalon ni Lucky na hawak niya.

Kunot-noong bumaba ang tingin niya sa sahig at hinanap ang nahulog. Umawang ang mga labi niya at namilog ang mga mata nang makita kung ano 'yon.

"What the..."

Si Axel ang pumulot n'on sa sahig, saka itinaas iyon para magpantay sa mukha nila at makita nila nang maayos. "Hindi ba sa mommy mo 'to?" naguguluhang tanong nito habang hawak ang kuwintas na kapareho ng kuwintas na ibinigay niya kay Lucky. "Is this yours?"

Umiling siya. "No... the ring on my necklace has a ruby stone. That's a sapphire." Parang sasabog ang dibdib niya at isip sa kaguluhan. "That's Blaze's."

"Paano 'to napunta sa bulsa ng damit ni Lucky?" nagtatakang tanong ni Axel sa kanya.

"Blaze gave that to Cassie," mahina niyang bulong. "But Cassie was wearing it when we buried her." Naguguluhang bumaling siya kay Lucky na walang malay. "Paano napunta 'to sa 'yo?"

What the fuck is happening?


CECELIB | C.C.

Continue Reading

You'll Also Like

34M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
27.4M 938K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
4.4K 80 18
A very chaotic, emotional and mental love story. A very unexpected, a hidden love. Would it be unveil? Get in to know the roller coaster of Hans an...
9K 224 12
So, finally. I'm done with this. HAHA! I won't guarantee you that this was a good story, so read at your own risk. Thank you!