Ang Probinsyanang Palaban

By GoldenMaia

549K 19.2K 530

Kristel Cane Cruz a different girl from province, at malaki ang pagkakaibihan niya sa mga babaeng nandon. Kun... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapyer 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Epilogue

Chapter 12

11.6K 433 8
By GoldenMaia

Mag isa lang akong kumakain dito sa may cafeteria, habang hinihintay na matapos ang breaktime. Wala naman akong naging kaibigan dito eh. Kung meron man...lahat sila mga plastik. Kahit hindi na sila magsalita, pero sa kilos nila alam ko nah. Nakangiti sila sayo habang kaharap mo sila. Pero kapag nakatalikod ka? Parang gusto nila akong sakalin na akala mo hindi ko nararamdaman.

Kaya ang nangyari.. sinabihan ko sila na ayaw ko sa mga plastik. At huwag nila akong paplastikin kung ayaw nilang mapunta sa hospital. Kaya simula non, wala ng gustong lumapit sa akin. Lumalapit lang sila kung may kailangan sa akin. Tsk! Ayaw ko din naman sa mga katulad nila noh, na akala mo kung sinong mga tao. Mayayabang naman.

" Nakabalik na sina, Hugo? "

" Oo! Nandon nga sila sa may harap ng building ngayon. At may pinaglalaruan na naman. "

" Ang balita ko nga may mga kasama siya na talagang matatakot ka. "

" Totoo? Gusto ko silang makita. "

Rinig kung sabi ng mga ito at parang naexcite pa sa pagbalik ng mga gagong yun. Kunting bugbog lang ang natamo ng mga yun, pero kung makastay ng hospital na halos 1 week. Akala mo may matinding karamdaman?

Tinapos ko yung kinakain ko saka tumayo, para alamin kung ano ang nangyayari sa harap ng building. Nasa second floor palang ako pero nakikita ko na kung ano ang nangyayari. Maraming estudyante na nanunuod sa may field, habang yung sina Hugo at ibang mga kasama nito ay nasa gitna kasama ang isang babae tsaka isang bakla na para bang pinagtutulongan nila at kinawawa. Kakabalik lang, may kalukuhan na namang ginawa?

Napatingin ako sa relo ko. At tamang-tama uwian na. Kaya bumalik ako sa may room saka kinuha yung bag ko saka umalis. Deritso lang ang lakad ko, hanggang sa makarating ako sa mga taong nagkukumpulan. Nagsusumiksik ako sa kanila na makadaan dahil nakaharang sila sa dinadaanan ko. Pero napahinto ako ng malapit na ako sa kanila. Nakita ko sina Oscar at ang mga kaibigan nito na nasa harapan nila Hugo habang nasa likuran nito ang isang babae at isang bakla.

" Tumigil na kayo, Hugo. Kung ayaw mong magkagulo dito? "  seryusong sabi sa kanila ni Sandoval.

Pero ang gagong, Hugo. Ngumisi lang at talagang gusto niyang magkagulo dito?  Hindi ko makita-kita ang reaksyon ng mukha ni Sandoval, dahil nakatalikod ito sa akin.

" Huwag kang mayabang, Sandoval. Baka nakakalimutan mo na dalawa lang kayo at marami kami. "  mayabang na sabi sa kanya ni Hugo.

Wala akong balak makialam sa gulo nila dahil gulo nila yan. Kaya muli akong lumakad papunta sa kung saan sina Hugo at Sandoval. Talaga kasing nakaharang sila papalabas ng gate. Narinig ko naman nagpasinghapan yung mga tao na nasa paligid habang nakatingin sa akin. At wala akong pakialam sa kanila.

Tuloy-tuloy lang ang lakad ko hanggang sa mapadaan ako sa dalawang taong nasa likod nila Sandoval. Hindi ko na sana papansin sina Sandoval sa pag-uusap. Pero ang lintek na si Hugo talagang nakita niya pa ako?

" Hoy! Babae. Saan mo balak pumunta? "  galit na tanong sa akin ni Hugo.

Umayos ako ng tayo at naramdaman ko naman na napatingin sa akin sina Oscar. Tumingin ako kay Hugo na nakakunot ang noo.

" Ano pa ba? Edi, uuwi. "  sabi ko sa kanya.

" Walang aalis dito! At alam mo bang may atraso ka pa sa akin? "  galit parin nitong sabi sa akin.

Tinignan ko siya na parang nababagot ako.

" Anong atraso? Wala naman ha...hindi ko naman kasalanan kung bakit natalo kayo. "  nakangising sabi ko sa kanya.

Masama niya akong tiningnan na ikinagiti ko lang. At ang gago, napikon?

" Ikaw babae ka! "  galit na sabi nito sa akin.

Susugurin niya na sana ako ng biglang hinarangan siya ni Sandoval. At ako naman ay nakatago sa likod ni Sandoval. Hindi ko makita ang mukha ni Hugo, dahil ang lapad ng likod ni Sandoval para sa isang katulad ko.

" Dont you dare, Hugo. "  malamig nitong sabi kay Hugo.

Hindi ko alam pero sa tuwing magsasalita ang lalakeng toh. Parang bigla kana lang matitigilan. At parang may masamang aura na lumalabas sa kanya.

" Hindi pa ba natin uumpisahan ang laban? Kanina pa ako naiinip dito. "

Natigilan ako at napakunot ang noo ng marinig ko ang pamilyar na boses na yun. Baka kaboses niya lang yata? Dahil imposibleng makarating ang gago yun dito.

" Who are you? " malamig paring tanong sa kanya ni Sandoval.

" Abat! Ito ba ang makakalaban natin, Hugo? Isang suntok ko lang siguro sa kanila, tumba kaagad ang mga ito. "  mayabang nitong sabi sabay tawa ng malakas.

" Huwag mo silang maliitin, Bugard. Malalakas din ang mga yan. "

At doon na talaga mas lalong kumunot ang noo ko ng marinig ko ang sinabi ni Hugo. Para makumpirma ko na baka sakaling ibang tao ang tinutukoy ni Hugo
Napasilip ako sa tagiliran ni Sandoval, para makita ko yung mukha ng taong tinutukoy nila. At ng makasilip na ako? Talagang sobra akong nabigla ng makita ko ang mukha niya at ng makilala siya.

Tang*ina! Bakit nandito ang gagong toh? Sinusundan ba ako nito? O sadyang habulin lang talaga ako ng gulo? Pinipilit ko yung sarili ko na hindi makisali sa gulo nila. Pero mukhang mapapasali ako ngayon, lalo na at nandito ang tarantadong bugard na toh. Hindi ko naman pwedeng hayaan nalang sila Sandoval na makikipagbugbugan kina Hugo lalo na at mukhang kakampi nito si Bugard. Kilala ko si Bugard...mas masahol pa ito kina, Hugo. Hindi lang bugbugan ang ginagawa nito. Talagang pinapatay niya ang mga nakaharang sa kanya.

Kaya bago pa magkagulo dito? Kailangan kung magpakita kay Bugard at para pigilan sila kung ano man ang binabalak nila.

" Bugard. " pag-aagaw pansin ko sa kanila ng nasa tabi na ako ni Sandoval.

Napatingin naman siya sa akin at kita ko yung takot at gulat sa mga mukha niya ng nakatingin siya sa akin. Para bang natatae siya na iwan at gusto nalang tumakbo sa kinatatayuan niya?

" K-Kris? " gulat at kinakabahan nitong sabi habang nakatingin sa akin.

Ngumisi lang ako, dahilan para mas lalo siyang mamutla.

" Hindi ko alam na pumupunta ka pala dito. At magkakilala pa kayo ni Hugo? " sabi ko sa kanya.

" H-huwag kang makialam dito, Kris? " inis nitong sabi ng makabawi ito sa pagkagulat. Pero hindi niya parin maitatago sa akin yung takot na nakikita ko ngayon sa mga mata niya.

" What? Ano ang sinasabi mo? Wala pa naman akong ginagawa ha
Unless, kung may gawin kayo."  nakangisi ko pang sabi.

Mas lalo akong napangisi ng matigilan siya. At parang gusto ng umatras at umuwi nalang sa probinsya. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng mga gagong toh dito. Pero malakas ang pakiramdam ko na si Hugo ang dahilan kung bakit nandito si Bugard. At hindi ko alam kung ano ang pinaplano nila.

" Teka! Teka! Magkakilala kayong dalawa? "  sabi ni Hugo, habang nagtatakang nakatingin sa amin.

" Oo! Bakit, naiingit ka? " pang-aasar ko sa kanya.

At ang gago..talagang napakapikon? Lalapitan sana niya ako ulit, kaya lang bigla akong hinila ni Sandoval at itinago sa likod niya.

Nakakahalata na talaga ako ha. Kanina ko pa napapansin na lagi akong tinatakpan ng lalakeng toh, kapag gusto akong saktan ni Hugo. Yung totoo? May problema ba sa akin ang isang toh...nakakainis na eh.

" Hoy! Sandoval. Ano bang problema mo? Bakit- "

" Shut-up, Lady! " biglang sigaw nito sa akin.

Bwesit! Sino ba itong lalake na toh! Kung makapag-utos sa akin akala mo close kami? Laging nangingialam eh.

Tiningnan ko siya ng masama saka inis na hinila yung isang babae at yung bakla na nasa tabi ko na saka umalis sa harapan nila habang hila-hila ko yung dalawa. Bahala sila sa buhay nila, wala akong pakialam kung ano man ang mangyari sa kanila. Basta kami aalis at iiwas sa gulo nila.

Malapit na sana kaming makalabas ng gate ng biglang humarang ang gagong Bugard sa harapan namin dahilan para mapahinto kami.

" Ang sabi ni Hugo...walang lalabas sa school na toh. "  nakangisi nitong sabi sa akin.

Lintek lang talaga! Akala mo gwapong-gwapo na siya sa pagngiti niya? Eh, pareho lang naman sila ni Hugo na ang panget eh.

Napatingin ako sa dalawang kasama ko at nakikita ko sa mukha nila na natatakot sila kay Bugard. Paano namang hindi? Pang hallowen yung mukha niya eh.

" Kaya pala hindi na kita nakikita sa inyo dahil dito kana pala nag-aaral ngayon.."  sabi pa nito.

Letse! Mainit ang ulo ko ngayon, dahil sa pesteng Sandoval na yun. Kaya hindi naman siguro masama kung kay Bugard ko ibuntong yung inis ko diba?

" Ang daldal mo. "  sabi sabay suntok sa kanya.

Narinig ko naman na nagsinghapan yung mga tao na nasa paligid ko dahil sa ginawa ko.  At yung dalawang kasama ko? Parang nanigas sa kinatatayuan nila habang gulat na gulat na nakatingin sa akin. Ako naman, nakangising nakatingin kay Bugard na nakahalumpasay sa lupa.

" Uupo kana lang ba dyan? "  nakangising tanong ko sa kanya, dahilan para mas lalo siyang magalit sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

32.7M 828K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
296K 5.9K 39
Isang babaeng probinsyana ang mag ta-trabaho sa Manila, para sa pamilya. Hindi nya alam na ipag kakasundo pala sya sa amo ng anak nya para lang ito a...
10.8M 573K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
7.2M 251K 52
deceret (n.) latin word for "body to body" When Philodemus Elton Treveron's parents were slayed, the only thing that brings him closer to finding the...