[62] TENSION
GAIL'S POV
Lumipas ang mga araw ng hindi kami nagkakaayos ni Fifth. Pinili kong 'wag muna siyang kausapin since hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa kanya. It's been almost two weeks since Kaye Anne's wedding at katunayan ay ngayong gabi na gaganapin ang company Christmas party.
Syempre naninibago ako sa atmosphere ng penthouse ko. These past two weeks, I would just woke up, step out of my bedroom and go out without saying anything to him. Sa labas na ako nagbebreakfast dahil nga iniiwasan ko siya. Kahit nga ang mga taga-department namin ay naninibago na sa aming dalawa dahil hindi kami nagpapansinan.
Gusto ko lang namang ma-realize niya na mali ang ginagawa niya. Okay, I admit, may kasalanan din naman ako dahil hindi siya magiging ganyan kung hindi siya nagseselos sa amin ni Kurt, pero sumosobra naman siya. Nakakasakal na.
An hour from now, the party's gonna start but here I am still inside my bedroom, fixing myself.
My phone suddenly beeped. My mom's name appeared on the screen.
Mom: Where are you? Please come on time. I'll introduce you to my friends.
Nagreply lang ako ng 'yes, Mom. See you later,' saka ako tumayo na't tinignan ang sariling reflection sa salamin. I'm wearing a blue cocktail dress that doesn't reveal too much skin with my black high heels on. Nakalugay lang ang mahaba kong buhok at natural na naka-wave.
As I finished checking myself on the mirror, I decided to walk towards the door to step out. To hell with the timing, I caught Fifth walking to the stairs. Huminto siya't tumingin sa akin, pero hindi ko siya binati. Nilagpasan ko lang siya at inunahan na sa hagdan.
"Crystal."
I stopped for a moment and breathied in. His voice seemed longing. Hindi ko tuloy mapigilan ang lingunin siya. My eyes met his lonesome set of eyes.
"How long will we stay like this?"
Hindi ako kumibo. Siya lang naman ang makakasagot sa tanong niyang yan. Hanggang kailan niya ba ako mamanipulahin?
"Crystal," he called out to me softly.
He walked towards me and that's when I noticed him wearing a very elegant tux. Sa sobrang tahimik ng penthouse ay rinig na rinig ko ang bawat hakbang niya palapit sa akin.
"Crystal, kausapin mo naman ako. Hindi ko na kaya."
Hinawakan niya ang kamay ko pero mabilis ko yung binawi. "Hindi mo na kaya, Fifth? Sino ba ang dahilan kung bakit tayo nagkakaganito? Don't tell me, ako?!"
"If it's about the trip, then I'm sorry... I'm only doing this for you to get rid of him," he reasoned abruptly.
I laughed sarcastically as I nodded my head at his answer. I can't believe Fifth can be this overprotective to the extent that I've been manipulated by him.
"It's not just about the trip, Fifth. It's about you---" dinuro ko ang dibdib niya dahil sa frustration ko. "-- being manipulative! The reason why I moved out from my parents' place is because I wanted to be independent. Yung ako lang ang nagdedesisyon para sa sarili ko, ako yung magpapatakbo ng buhay ko at ako ang bahala sa kung anumang gustuhin ko."
I paused and sighed out in anger. Gusto kong ilabas ang kinikimkim ko sa kanya sa loob ng dalawang Linggo.
"... At ayoko sa lahat ay yung pinapakielaman ako. Ayoko yung may nagdedesisyon para sa akin lalo na pagdating sa malalaking bagay na katulad ng ginawa mo, Fifth. Kailan ba kita pinakielaman?"
Yumuko siya't napahawak sa kanyang batok. I know how stressed he has been. Alam ko yun dahil sa loob ng dalawang Linggo ay tambak ang trabaho namin dahil may 2 weeks leave ang department namin para sa Christmas vacation. Madalas nga ay hindi na siya naglalunch. God knows how I fought my urge to ask him out to eat. Kahit na naiinis ako sa kanya ay concern pa rin naman ako sa kanya dahil sa boyfriend ko siya.
"I hate it whenever I see you with Lee," he stated in agony. Nakayuko pa rin siya't hindi makatingin sa akin ng diretso. "Fine, I am worried that he might not be acting just an employee to you but more than that whenever you two talk alone."
"God, Fifth! Wala ka bang tiwala sa akin? Sinabi ko namang matagal na kaming tapos. You're now my boyfriend and he's just nothing but a VP for Marketing. You don't have anything to worry about!"
Nagpalakad-lakad siya sa harapan ko na para bang nagpipigil ng sarili. Nakailang buga na ako sa hangin para pakalmahin ang sarili ko. Dang! Nawawalan na tuloy ako ng ganang pumunta sa party dahil dito.
"... But that's not what I've been seeing!" He stopped infront of me while staring straight at me. "I can't be just jealous for no apparent reason, Crystal. All I am asking you is to stay away from that piece of sh*t. Is that really hard?!"
Piece of sh*t? That felt a stab on my chest but I managed not to react anymore. In the first place, he is right. Ilang beses ko ng iniwasan si Kurt pero may kung anong naglalapit sa aming dalawa. Inaamin ko, natatakot na ako sa kung ano pang pwedeng mangyari sa susunod na paglalapit namin.
I looked away from his gaze. I badly want to stop this. Pagod na ako.
"Fifth, if you want to stop this, then stop and get out," I said weakly and was about to walk down the stairs when he grabbed me from behind and hugged me so tight.
"What if I don't?" he whispered and the only thing I did is to close my eyes. Unti-unting humihigpit ang yakap niya sa akin, at nararamdaman ko ang pagsandal niya sa balikat ko.
"Fifth---"
"I don't know what you did to me for making me this d-amn stupid. I could have just quit from the start but God knows how you pulled me back toward you."
Nakaramdam ako ng paninindig ng balahibo ng halikan niya ako sa pisngi--- isang magaang halik.
"I'm sorry but I love you too much that I can't leave you simply just like that."
Pinaharap niya ako at ikinulong sa mga braso niya. Hindi ako kumilos. Pakiramdam ko ay namamanhid na ang buong katawan ko dahil sa kawalan ng pakiramdam.
"... I'm sorry. I won't do it again. I'm sorry, Crystal. I love you."
Sorry. That's what I've been waiting for him to say. Kusang gumalaw ang mga braso ko para yakapin siya pabalik.
"I'm sorry too..."
I pulled away, tiptoed and gave him a peck on the cheek, but he was to quick to grab me by the neck and kissed me on the tip of my nose. "Let's forget what happened, alright? Basta sorry na, baby love?"
Napapikit ako ng mariin pagkarinig sa huling sinabi niya.
"Once and for all, can you please not call me that?" I requested calmly. He smiled and tapped my head lightly. "Please, Fifth? Pangalan nalang natin. 'Wag ng kahit ano pa."
"If that's what you want, then fine," he said as he held my hand. "Let's go? We're gonna be late."
Saturday ngayon at expected ko na traffic papunta sa venue ng Christmas party pero buti nalang ay maluwag ang kalsada kaya tuloy-tuloy ang byahe namin. Throughout the trip, I noticed how Fifth was trying to bring up some topic to avoid dead silence between us. Oo, nagkaayos na kami pero hindi ko alam kung bakit hindi pa ako kumportableng kausapin siya.
9PM na nang makarating kami sa hotel kung saan ang venue ng party. With Fifth's arm across my waist, we entered the hall and in a snap, heads turned to us expectedly.
"Gail." Tumingin ako sa direksyon ng tumawag sa akin. Nakita ko si Kuya Louis na palapit sa amin kaya sinalubong ko siya't binigyan ng cheek to cheek greeting. "Kanina pa nagsisimula ang party. Why are you late?" Saka siya tumingin kay Fifth. "Travis, 8PM ang usapan."
"Filipino time?" Fifth jokingly retorted.
Kuya chuckled at his answer and I don't seem to get what's with their closeness. My brother isn't a type of person who befriend anyone. Kung tutuusin, buwan pa lang ang bibilangin ng pamamalagi ni Fifth sa Pilipinas, pero bakit mukhang matagal na silang magkakilala?
Sa gitna ng pag-uusap nila ay sumabat na ako.
"Excuse me. Curious lang ako. Bakit kayo close ni Fifth?"
Nagkatinginan sila saglit. Ngumiti lang si Fifth at nagkrus ng mga braso, samantalang si Kuya Louis naman ay napailing nalang. "Travis is a nice pal. Bakit mo yan natanong bukod sa curious ka?"
"W-wala," nag-aalangang sagot ko. "4 months pa lang siyang nandito sa Manila pero parang ang tagal niyo ng magkaibigan base sa closeness niyo. You even hang out with him which you've never done in the past... err, you know."
Saglit silang hindi nakaimik. Diretso lang silang nakatingin sa akin. Ano bang meron? Nagtataka na talaga ako. Alam kong hindi ganun ka-friendly si Kuya pero bakit si Fifth ay masyado niya ng kadikit?
"I tend to stick around my girlfriend's family," Fifth answered with a meaningful smile plastered on. "I even tend to stick more and more and more."
Nakaramdam ako ng kaba sa sagot at paraan ng pagtitig niya sa akin. Kung hindi lang ako inakbayan ni Kuya Louis ay mananatili akong nakatitig din sa kanya.
"See? Girlfriend or family oriented lang siya. Tara na nga sa table. Kanina pa kayo hinahanap nila Dad."
Kuya brought us to our table. Sa gitna ng hall at sa tapat mismo ng platform. Mabilis naming nilapitan sina Mom at Dad nung makarating na kami, pagkatapos ay binigyan sila ng halik sa pisngi.
"What took you so long?" Mom asked as I sat on the chair that Fifth pulled for me.
"Uh, girls stuff, Mom," dahilan ko nalang at tumango naman siya.
Pinag-serve na rin kami ng pagkain ng waiters habang on-going pa yung party. There's nothing special with it anyway. Thus, everyone seemed to enjoy the party since they're doing a raffle for some epic appliances.
Habang busy ang lahat sa panunuod, at kami ni Fifth sa pagkain ay hindi ako mapakali. Pakiramdam ko, may isang pares ng matang umaaligid sa akin kung saan. I tried scanning the place from where I sat but everybody seemed to focus on the flatform. Some of them squel whenever they've been called on. As I tilted my head back to the food, Fifth touched my chin.
"What's wrong, Crystal? Don't you like the food?"
Nakatitig lang ako sa pagkain sa harapan ko. They seemed tasty though I think I lost my senses. Hindi ko malasahan.
"Busog pa ako," walang ganang sabi ko.
"Busog? Dinnertime na. Dapat nga kanina pa tayo nagdinner."
Uminom muna ako ng tubig dahil natutuyuan na ako ng lalamunan. For no apparent reason, I felt nervous. Hindi ko alam kung bakit nanlalamig ang mga palad ko.
"Let me get you another---" napatingin ako kay Fifth nung huminto siya, pagkatapos ay nilabas niya ang phone niya. Mukhang may tumatawag. He signaled 'excuse me' to me and turned sideways slightly. "You're here. Okay, wait for me."
Pagkalingon niya sa akin ay tinaasan ko siya ng dalawang kilay. "Sino yun?"
He smiled and tapped my cheek slightly and then went off. Sinundan ko siya ng tingin. May kakaiba talagang mangyayari ngayong gabi. Nararamdaman ko iyon.
"Where's Travis?" Dad asked when he noticed Fifth left.
"May pupuntahan lang po yata. Baka restroom?" sabi ko at tumayo muna. "I'll just get some sweets, Dad. Excuse."
I took few feep breaths as I headed for the cater. Wala ako sa sariling kumuha ng plato at namili ng desserts. Oh geez, 'wag naman sanang may mangyayaring masama ngayon. I feel so weird about myself. Air-conditioned naman ang hall pero kinakabahan ako't pinagpapawisan ng malamig.
"Excuse me. Not that one."
Nabigla ako nang may humarang na palad sa plato ko para pigilan yung caterer na ilagay yung kung anumang ilalagay niya sa plato ko. Pagtingin ko sa nagsalita ay napaatras ako.
"You got too much sweets. Don't tell me you're gonna eat a salad, too?" Tumawa siya ng mahina at mas lalo pa akong nakaramdam ng kaba. "You might end up in the toilet, Crystal."
Umiwas ako ng tingin at humugot ng malalim na hingi. Of course, Kurt is here. Nagtatrabaho siya sa kumpanya. Bakit pa ba ako magugulat?
"I think that's enough," Kurt commented.
"Yeah, I think so too," I murmured and looked to him. Pagkatapos nung araw na mamasyal kami sa mall noong sinet up kami ni Misty ay hindi na kami gaanong nag-uusap. Bukod kasi iniiwasan ko rin siya dahil sa problema namin ni Fifth ay loaded din siya ng trabaho. "Mauna na ako. Enjoy the rest of the night, Kurt."
Soon as I turned away, he spoke again. "In case you change your plan, you're still free to come with us in Palawan. The flight's tomorrow."
Nilingon ko siya, pero hindi agad ako nakapagsalita. Saglit kong pinasadahan ang tindig niya. As always, he looks stunning in any formal attire.
"Crystal?" he called again.
I blinked and then flashed a not so genuine smile for I am no in a good mood right now. "I'm sorry but I can't. It's not a good idea afterall," I paused briefly and continued, "Thanks for inviting me though."
"It's okay. Enjoy your vacation anyway," sabi niya pero alam ko at sigurado akong sa loob-loob niya ay na-disappoint siya. Kilala ko na si Kurt. Alam ko na kung paano siya magtago ng emosyon noon, at nakikita ko iyon ngayon. Gusto kong sumama sa kanila pero kakaayos pa lang namin ni Fifth. Ayoko ng mag-away na naman kami dahil sa kanya.
"Kayo din. Sige, una na ako."
Palakad na sana ako palayo nang marinig ko pa siyang nagsalita.
"... You look more beautiful tonight by the way."
My heartbeat stopped for a second but I managed not to stop my pace towards back to our table. I pretended not to hear it but God knows how my heart stumbled as he said those words.
Pagkaupo ko, hindi ko kaagad ginalaw ang pagkain ko. Nilapat ko ang kanang kamay sa dibdib ko. Ibang kaba ang nararamdaman. Hindi kagaya kanina na mabilis at walang ritmo.
"May problema ba, Crystal Gail?" Si Daddy.
Napatingin tuloy sa akin pati sina Mommy at Kuya Louis kaya ibinaba ko ang kamay ko't umiling. "Wala po. Naninikip lang ang dibdib ko."
"Kung ganun, uminom ka ng tubig." Inabutan ako ni Mommy ng tubig kaya ininom ko yun. Pagkalapag ko pabalik ng baso sa mesa ay naramdaman kong may taong dumating mula sa likod ko.
"Excuse me, my mom has arrived," boses ni Fifth.
Nilingon ko siya't halos malaglag na ang panga ko nang makitang kasama niya ang isang babaeng nasa forty's na. She was smiling lovingly to me and before I knew it, Dad and Mom approached her for a greeting.
"Is she the one?" That's what I heard from her causing me to go back on my senses.
Tumayo ako nung hinawakan ni Fifth ang kamay ko sabay sabing, "Mom, she is Crystal. Crystal, she's my Mom, Choi Hana."
Napalunok ako nang hilain ako bigla nung Mommy ni Fifth at mahigpit na niyakap. Oh Good Lord! Kaya pala kinakabahan ako ay dahil dito. Dang, why didn't he tell me? Parang kanina lang kakaayos lang namin tapos ngayon ay pinapakilala niya ako sa mom niya?
"Fifth's right. You're so beautiful. You look like your mom," she commented and I don't have the guts to speak back or even say thanks. Nalunok ko na yata ang boses ko. "Trinity, she's so lovely. The first time I saw her was when you were just---"
"Hana, haven't you eaten yet?" putol ni Dad sa kanya at pinaghila na siya ng upuan. There's something's strange going on.
Habang pumupuwesto sila pabalik sa table ay nanatili akong nakatayo. Hinawakan ni Fifth ang kamay ko para tumabi sa kanya pero nag-excuse ako't pumunta sa C.R.
Nagkulong ako sa isang cubicle. Dang! I feel frustrated right now. Pakiramdam ko, may kakaibang nangyayari at hindi ko alam kung ano yun. Ilang minuto na nang nakamukmok ako sa cubicle nang may narinig akong boses ng dalawang babae. Ganito nalang ba lagi ang eksena?
"Sinong gwapo para sayo? Si Travis o si Kurt?"
"Aba, edi si Kurt."
"Ay, nope. Ako si Travis. Kamukha ni TOP eh. Pag magkakaanak sila ni Gail, sobrang gwapo o 'di kaya maganda, for sure! Tapos, if ever, ipapanligaw ko nalang si Claine sa kanya."
"Shungek. Ba't mo papakielaman ang lovelife ng anak mo?"
Napaangat ako ng ulo, at napatayo na rin. Teka, boses nila Chloe at Kaye Anne yun ah? Nagmamadali kong binuksan ang pinto at nakita ko nga ang dalawa kong kaibigan na sabay na naglilipstick sa harapan ng salamin.
"Kaye Anne! Chloe!"
Napatingin sila sa repleksyon ng salamin at sabay nila akong nilingon. "Ay, nandyan ka pala?" awkward na tanong ni Chloe.
"Kung anuman ang narinig mo, err, sorry!" sabay peace sign naman ni Kaye Anne.
Mabilis ko silang nilapitan ay niyakap. Hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ay sasabog ako anytime. "Sissies, pwede bang umalis na tayo dito? Ayoko ng nangyayari eh."
"HA? Bakit? Ano ka ba! Party 'to eh," si Chloe.
"Oo nga. Baka hanapin ka nina Tita," sabi naman ni Kaye Anne.
Umiling ako ng mabilis. "Ayoko na dito."
"Bakit ba?"
"Kasi... nandito yung mommy ni Fifth. Hindi ako kumportable."
"Huh?" nagkatinginan sila at sabay na nagpameywang. Ako naman ay pumunta dun sa pinto para i-lock yun. Baka kasi may pumasok na ibang tao.
"Listen, hindi pa ako handa na ipakilala ni Fifth sa magulang niya. Why? Kasi sa Korea, tradition nila na ipakilala ang girlfriend or boyfriend nila sa kanilang magulang only if..."
I paused and breathed out.
"... they're engaged to be married."
There was a dead silence between us. Napa-'seriously' face si Chloe samantalang si Kaye Anne naman ay 'what the f?'.
"Old tradition nalang yan! Sa mga K-drama lang yan. Loka!" komento ni Chloe at hinila na ako palabas kasabay ni Kaye Anne. "Tara na nga."
Mabibigat ang bawat yapak ko palaba ang restroom. Totoong tradition nila yun pero tama sina Chloe. It was an old tradition and I think I'm just being paranoid.
Pero, sana nga ay mali ang iniisip ko nang makabalik kami sa function hall.
"Si Travis ba yun?" turo ni Kaye Anne sa flatform. Nalaglag ang panga ko nang makita ko siya sa flatform na may hawak na mic. Bakit siya nandun?
"Oo nga, si Travis," segunda ni Chloe.
Triple na ang kabang nararamdaman ko ngayon, lalo na nang tumapat sa akin ang spotlight. Napahiwalay tuloy sa akin sina Chloe at Kaye Anne. What the f is going on???!!
"... Oh, there she is," nalipat ang tingin niya sa akin.
Bumaba sa stage si Fifth para lumapit sa akin. Sa bawat hakbang niyang patungo sa akin ay katumbas ng butil-butil na pawis sa noo ko.
"Come with me," he whispered.
Dinala niya ako sa flatform, at 'di ko naiwasang lingunin sina Chloe at Kaye Anne. Magkahawak sila ng kamay at sigurado akong tensionado rin sila kagaya ko.
"Fifth, what's going on?" I whispered as we stepped on the flatform. He just smiled and faced the guests. Isang ngiting ngayon ko lang nakita dahilan para lumambot ang mga tuhod ko sa kaba.
"I would like to take this opportunity to ask for something. To Mr. and Mrs. Rivera, thanks for making such a beautiful lady named Crystal."
Nakita ko ang pagngiti nila Mommy at Daddy. Napahigpit na ang hawak ko sa gilid ng gown ko. Ano bang nangyayari?
"... To you, Crystal," he turned to me and stared at me deeply. "I know it's too early but lately, I've realized that I can't lose you."
"F-Fifth..." Stop it. Gusto ko yung sabihin pero hindi ko magalaw ang labi ko.
He smiled and touched my chin. "... I am afraid to lose you in my life. I know I admitted to you a lot of things earlier, but I didn't ask you this one."
Nanginginig na ang mga tuhod ko. Nawawalan na ako ng lakas. Gusto kong tumakbo para lumayo pero paano ko yun gagawin ngayon?
"In front of these guests and your loving parents, let me grab this opportunity to ask you this...
Will you marry me?"
His eyes are pleading. I slowly turned to the direction of my parents and I also their eyes pleading for me to tell 'yes'.
Kusang bumalik sa isip ko ang sinabi ni Daddy nung nakaraan.
"You can't blame us, baby girl. I don't want you get hurt anymore. Kaya pakiusap, ipangako mo sa amin na hindi mo na kami ididisappoint ulit."
Isa akong disappointment sa pamilya namin. Alam ko yun kahit hindi nila sabihin. Muli akong tumingin sa mga mata ni Fifth. I know he's a good guy but I still don't know him well enough to be my husband. Lately, marami pa akong bagay na natuklasan sa kanya at alam kong marami pa siyang bagay na dapat kong matuklasan.
Matagal akong nakatitig sa nagmamakaawa niyang mga mata, pero may nahagip pa ang paningin ko sa bandang likuran niya. Those lonely set of eyes pleading for me not to say 'yes'.
Ngayon lang ako na-pressure ng ganito sa tanangbuhay ko.
Maybe this is our fate...
"Fifth, it's a..."