Obey Him

By JFstories

28.1M 1M 357K

He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's leg... More

Jackson Cole
...
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
The Final Chapter
Epilogue
RNS
OH Uncut Collection

Prologue

1.1M 24.6K 10.8K
By JFstories

Not suitable for young readers or sensitive minds. Contains sensitive topics that some of you may find disturbing such as adult situations, strong language, psychological issues, law breaking, and violence. Readers' discretion is advised. Please feel free to leave if this is not your kind of story.


Obey Him (Red Note Society #2)


Original story by JamilleFumah
© JFstories2019


No part of this book may be reproduced in any form or by any means without the author's consent. Please obtain permission. Names, characters, places, and incidents are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events, locales, or persons, living or dead, is entirely coincidental.


-------------------------------------------------


SINO ANG AYAW NG PERA?


Oo ang pera ay hindi ka tunay na paliligayahin, pero ito ay kaya kang buhayin. Masakit man tanggapin, kung mas marami kang pera ay mas higit din ang matatanggap mong paggalang. Iyon ang katotohanan na mahirap nang baliin sa mundong ito kailanman.


Bata pa lang ako pero nauunawaan ko na nang bahagya ang lahat. Na ang tao ay hindi mabubuhay nang walang pera, dahil ang pera ay hindi lang para sa kasiyahan, kundi para makaraos ka rin sa pang-araw-araw mong pangangailangan. 


Nakita ko ang panghihina ng aking lolo mula nang bumagsak ang aming negosyo. Nakita ko rin kung paano mawalan ng amor si Mama sa papa niya dahil hindi na nito maibigay ang kanyang luho. At nakita ko rin kung paanong unti-unti, nawalan ng kaibigan ang pamilya namin. 


Pero hindi papayag si Lolo na maging luhaan kaming lahat. Ang lolo ko ang pinakamatalino, pinakamapagmahal na tao na nakilala ko sa mundong ito. Ang nag-iisang nagmamahal sa akin, maliban sa namayapa kong lola na ngayon ay nasa langit na. 


"Bakit masaya ka ngayon?"


Isang matandang lalaki ang lumapit sa akin. Nakita niya ako na nangingiti habang nakatulala sa munting hardin sa labas nga aming kabahayan. Ito na ang huling araw, pagkatapos ay ang mansiyon na ito ay magiging pag-aari na ng mga Cole, gayunpaman ay masaya ako.


"Dahil ang bago kong daddy ay isang prinsipe. Napakaguwapo niya, maganda siya manamit at pino ang kanyang kilos at pananalita."


Isa ito sa patunay na matalino at mapagmahal si Lolo. Gumawa siya ng paraan upang mailigtas ang aming kabuhayan, sa pamamagitan ng prinsipe na napili niya. 


"Gusto mo ba siya?"


Mabilis akong tumango kay Francisco Justimbaste, siya ang aking lolo. Ang papa ng mama ko.


Unang kita ko palang sa bago kong daddy ay alam ko na agad na gusto ko siya. Kahit napakabata niya para sa mama ko, ayos lang sa akin. Ang mahalaga ay magkakaroon na ako ng buong pamilya. Makakasama ko na sa wakas si Mama, 'tapos magkakaroon pa ako ng daddy.


Ang mga titig ni Lolo Isko ay naging malamlam. Tila may malalim na ipinaparating ngunit kung ano man iyon ay masyado pa siguro akong bata para aking maintindihan.


"Masaya ako na masaya ka, apo." Ginulo ni Lolo Isko ang buhok ko. "Mapapanatag na ako na iwan kayo ng mama mo dahil alam kong nasa mabuti na kayong kalagayan. At alam ko na pati ang ating kompanya ay nasa mabuti ng mga kamay."



KASALUKUYAN. TATLONG TAONG NAGDAAN...


"ANONG ITINATANGA-TANGA MO DIYAN?!"


Napakurap ako habang nakatingin sa maputlang babae na nakahiga sa gitna ng malaking kama. Payat na payat siya at nangangalumata. Pero kahit ganoon ay matalas pa ring manalita. Nakakasugat pa rin ng puso ang mga sinasabi niya.


Tatlong taon na mula nang mamatay si Lolo Isko, at maiwan ako rito sa bahay namin sa Davao. At isang taon ang nakalipas nang umuwi bigla si Mama dahil may malubha na pala siyang karamdaman.


"Get out, Frantiska!" sigaw niya sa akin. "I don't need you here!"


Napayuko ako sa kalamigan ng boses niya. Kung kausapin niya ako ay parang hindi niya ako kaanu-ano. Kung tratuhin niya ako ay parang hindi ako bata na dose anyos lang ang edad. Minsan tuloy pakiramdam ko ay hindi na nga ako bata. Siguro dahil na rin sa ganitong ugali niya sa akin kaya unti-unti kong naunawaan ang mga bagay-bagay.


"I pity you, Fran," matamlay na sabi niya. "You're only twelve, pero heto at mauulila ka na. You don't know your real dad and your mom is dying. Kanino ka maiiwan?"


Saan nga ba ako pupulutin? Wala na sina Lolo at Lola, at mawawala na rin si Mama. Paano na ako? Pero importante ba ako? Hindi naman.


"Sa tingin mo ba kukupkupin ka pa ng asawa ko kapag wala na ako?" Umismid ang namumuti niyang mga labi. "That bastard is a heartless creature! Wala siyang pakialam sa akin, sa 'yo pa kaya na hindi niya naman anak?"


Nine years old ako nang ikasal si Mama sa lalaking iyon na ten years lang ang tanda sa akin. Pumayag lang sa kasal si Mama dahil inakala niya na porket batang lalaki ang magiging asawa niya ay makakaya niya itong paikutin at kontrolin, pero pinagsisihan niya ang kanyang desisyon nang makilala niya na ang tunay nitong katauhan. Isa itong tuso na mahirap lamangan.


Matapos mismo ang kasal ay umalis si Mama para sumama sa ibang lalaki. Matapos din ang kasal ay umalis din ang batang asawa niya na parang walang nangyari. Nagkanya-kanya sila.


Hindi naman talaga prinsipe ang batang napangasawa ni Mama, kundi isang taong bato na walang emosyon at pakiramdam. Tanging mukha lamang nito ang maamo, pero ang buo nitong pagkatao ay malamig pa sa yelo. 


Bata pa ako pero ngayon ay naiintindihan ko na. Masyadong bata ang lalaking iyon kay Mama. Sa papel lang talaga sila mag-asawa. Dahil lang sa kasunduan. Dahil lang sa pera.


"Kung pwede lang kitang patayin, Fran, para matapos na. Para sama-sama na tayo."


Biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Manang Nora, ang sikwenta anyos na mayordoma ng mansiyon ng mga Cole dito sa Davao. "Marsha, ano ka ba?!"


Hinila ako ni Manang Nora palayo kay Mama.


"Wag mong idamay ang anak mo sa kamiserablehan mo, Marsha!"


Nanlisik ang mga mata ni Mama. "At anong kaparatan mong pagsabihan ako, e muchacha ka lang naman dito? Kahit mamamatay na ako, amo mo pa rin ako!"


"Marsha," mahinahon na ang boses ni Manang Nora. "Nauunawaan kong may karamdaman ka, pero huwag mo naman sanang itrato nang ganito ang anak mo. Bata pa si Frantiska, dose anyos pa lamang siya, hindi mo dapat sinasabi sa kanya ang mga ganoong bagay. Higit kanino man, ikaw na ina niya, ikaw na nag-iisang kamag-anak niya sa mundo ang dapat na prumotekta sa damdamin niya."


Lumabas na ako ng kuwarto. Ayaw ko ng marinig ang isasagot ni Mama kay Manang Nora, dahil alam ko na masasaktan lang naman ako sa mga sasabihin niya.


Kahit kailan ay hindi ko namulatan ang pagmamahal niya. Mula ng magkaisip ako ay sina Lolo Isko at Lola Tisha na ang nasa aking tabi, at si Mama na anak nila ay naging malaya pa rin bilang isang dalaga. Eighteen lang kasi si Mama nang ipagbuntis niya ako, hindi pa handang maging ina. Kahit kailan ay hindi niya itinago sa akin na hindi planado ang pagkabuo sa akin, na ni hindi niya kilala kung sino sa mga naging flings niya ang aking ama.


Nawala ang lahat ng kalayaan ni Mama ng bumagsak ang negosyo nila Lolo Isko. Namatay si Lola Tisha sa sakit sa atay, at lalong nanghina si Lolo dahil don. Iyon ang naging hudyat para maputol na ang kalayaan ni Mama. Sa edad niyang 29 ay pinabalik siya sa Pilipinas ni Lolo para sa isang arranged marriage.


***


Madilim na nang magising ako. Nakatulog pala ako sa pag-iyak. Maingat akong bumangon sa kama at hinagilap ang switch ng lampshade sa aking tabi. May naririnig akong ingay mula sa ibaba.


Lumabas ako ng kuwarto matapos kong magsuklay at mag-ipit ng buhok. Nasa second floor ang kuwarto ni Mama, at bilang ang kuwarto ko ay nasa third floor ng mansiyon kaya kailangan ko pang bumaba ng hagdan. Kumunot ang noo ko nang makitang maraming tao sa second floor ng bahay. Pati ang mga bodyguards na naka all black suit ay naroon din. At mayroon ding mga pulis.


"Ano pong nangyayari?" tanong ko sa malaking lalaki na nakatayo sa paanan ng hagdan.


Nagulat ako nang lumingon siya sa akin. Seryoso ang mukha niya at nakakatakot ang laki ng katawan kahit na nababalot siya ng itim na jacket. May sukbit siyang baril sa tagiliran. "Miss Fran, bumalik ka muna sa kuwarto mo."


Napalunok ako. Kung hindi ako nagkakamali ay siya si Tarek. Siya ang personal bodyguard ng asawa ni Mama. Kaya isa lang ang ibig sabihin kung bakit siya naririto, malamang na narito rin ang kanyang amo.


Naririto ang step-father ko!


Nakita ako ni Manang Nora, agad akong nilapitan ng matanda. "Bumalik ka na muna sa kuwarto mo, Fran. Sige na."


"Pero bakit po maraming tao rito? At bakit nandito si Tarek?" Bihira ko kasing makita sa loob ng mansiyon si Tarek, kadalasan ay sa labas lang ito ng mansiyon naglalagi.


Napansin ako ang pagka-aligaga ni Manang Nora kaya kinutuban ako ng hindi maganda. Dumagdag pa sa kaba ko ang dalawang nakaputing lalaki na galing sa pinto ng kuwarto ni Mama. Kung hindi ako nagkakamali ay doktor ang dalawang lalaki.


Nagsimulang manubig ang mga mata ni Manang Nora. "Fran, hija, sige na. Doon ka na muna sa kuwarto mo. Tatawagin na lang kita kapag—"


"Ayoko, Manang!" Itinulak ko siya at nanakbo papunta sa kuwarto ni Mama. Sa pagkabigla ng mga kasambahay na naroon ay hindi na nila ako napigilan. Nakapasok ako sa loob ng kuwarto ni Mama.


Natulala ako sa pagkahindik ng makita ko kung ano ang pinagkakaguluhan nila. Nasa sahig si Mama habang naliligo siya sa kanyang sariling dugo, at sa kaliwang kamay niya ay naroon ang isang baril. At may mga pulis na tumitingin sa kanya sa loob.


Ang dilat na mga mata ni Mama ay nakabaling sa gawi ko. Duguan siya kaya alam kong wala na siya, at ang tanawin na nakikita ko ay binabasag ang katauhan ko. Bakit kailangan kong maranasan ang ganitong pangyayari? Bakit mama ko pa? Bakit ako? Bakit sa akin?


"Fran!" Hinila ako ni Manang Nora palabas ng kuwarto.


"Manang, patay na si Mama..." humihikbing sumbong ko sa kanya. "Patay na siya, iniwan na ako ni Mama!"


Niyakap niya ako at inalo. "Isipin mo na lang na nasa tahimik na lugar na siya kung saan hindi na siya mahihirapan."


Alam ko na pinapagaan niya lang ang loob ko. Alam ko na hindi mapupunta si Mama sa tahimik na lugar dahil hindi naman siya namatay nang basta lang. Namatay siya dahil sumuko siya, at mali iyon. Alam ko dahil lumaki ako sa mga pangaral ng namayapa kong lola. Pero sana nga ay totoo na hindi na mahirapan pa si Mama sa kung saan man siya ngayon naroroon.


Dinala sa morge ang bangkay ni Mama at unti-unti ng tumahimik ang mansiyon. Pinilit kong sumama pero hindi nila ako hinayaan. Hanggang sa maiwan akong nag-iisa sa sala.


Sa isang iglap, ulila na ako.


Sa isang iglap, mag-isa na ako.


Nagkatotoo ang sinabi ni Mama kanina. Darating ang pagkakataong itatanong ko sa sarili ko kung saan na ako pupulutin pagkatapos ng lahat ng ito.


Nanatili ako sa sofa habang tahimik na umiiyak. Pigil na pigil ko ang makagawa ng ingay kahit pa wala ng tao sa paligid. Wala na si Manang Nora dahil tumulong siya sa ibang kawaksi sa paglilinis ng kuwarto. Mga ilang minuto akong mag-isa nang makarinig ako ng mga yabag ng paa mula sa hagdan.


"Sir, you have a flight at one am."


"Cancel it." Malamig na boses na nagpatingala sa akin.


Uncle!


Ang batang asawa ng mama ko sa papel!


Natulala ako nang makilala ko ang lalaking kausap ni Tarek. Kahit pa alam kong naririto siya ay hindi pa rin ako makapaniwala. Ang tagal na kasi nang huli ko siyang makita...


Naramdaman niya yata ang pagtitig ko sa kanya, napatingin siya sa akin. Nagsalubong ang kanyang mga kilay ng magtama ang aming mga mata. Agad din siyang nagbawi ng tingin para muling kausapin ang kanyang personal bodyguard na si Tarek. Nag-usap sila tungkol sa mga business na naiwan sa Maynila, hanggang sa huli ay nagkasundo na hindi muna aalis ng Davao.


Sa buong pagkakataon ay nakamasid lang ako sa kanya. 


Makakapal pa rin ang itim na itim niyang mga kilay niya, mahahaba pa rin ang kanyang pilik-mata, makinis pa rin ang kanyang mukha, matangos pa rin ang aristokrato niyang ilong at wala pa ring kangiti-ngiti ang mapula at manipis niyang mga labi.


Bukas ang ilang pirasong butones na kulay itim na long sleeve na polo na tinupi hanggang sa siko, itim din ang suot na pantalon at sapatos, at makinang ang suot niyang relo sa kaliwang kamay. Walang mababakas na kahit anong emosyon sa perpekto niyang mukha maliban sa kalamigan at kaseryosohan. Ilang beses na ring sinabi ni Mama noong buhay pa siya na baka raw ipinaglihi sa sama ng loob ang lalaking ito.


Sinenyasan niya si Tarek, at nakakaintinding umalis ang malaking lalaki.


"Fran," baling niya sa akin ng wala na si Tarek.


Napalunok ako. Dalawang taon na ako sa mansiyong ito, pero kahit kailan ay hindi niya pa ako kinausap. Tanging ngayon lang. Pero bakit?


"Have you had dinner?"


"Po?" Napakurap ako sa kaswal niyang tanong.


"Because I haven't had my dinner yet." Namulsa siya. "Let's eat together."


At hindi siya sanay na hinihindian. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya sa hapag-kainan para samahan siyang kumain. 


"Eat," utos ng lalaking kasalo ko. Nasa harapan ko siya, at sa kalmante niyang anyo ay hindi mo aakalaing galing pa siya ng Maynila kanina. At hindi mo rin aakalain na kakamatay lang ng asawa niya— na mama ko.


Gusto kong magalit sa kanya. Dahil parang ipinapamukha niya lang sa akin na wala talaga siyang pakialam kay Mama.


Finest siyang uminon ng tubig matapos niyang maubos ang steak sa plato niya. Tumingin siya sa akin at bahagyang napailing. "You didn't touch your food."


"Wala akong gana, Uncle..." mahinang saad ko. Kamamatay lang ng mama ko, at ulila na ako! Paano ako gaganahang kumain?


Ipinatong niya ang isang braso sa ibabaw ng mesa at nangulumbaba. "You worry about what's gonna happen to you now that your mother is dead, am I correct?"


Napatanga ako sa kanya. Bukod don, sana naman maisip naman niya na namimiss ko na agad si Mama.


Tumaas ang gilid ng bibig niya. "From now on, you don't have to worry about yourself, because I am here to worry for you."


Tumayo siya at gumilid sa kinauupuan ko. Nanuot agad sa ilong ko ang kaaya-ayang amoy niya. Naghahalo ang natural niyang amoy at amoy ng mamahalin niyang panlalaking pabango.


"You should rest now, Frantiska. It's been a long day for you." Nanigas ang katawan ko nang bigla niya akong buhatin gamit ang kanyang mga bisig. Wala akong nagawa kundi mapakapit sa matigas niyang mga balikat dahil agad akong nalula.


Mistulan lang akong magaang manika habang karga-karga niya ako papunta sa hagdan. Ang lahat ng nakakasalubong naming mga katulong ay natitigilan at napapatanga sa amin. Maging si Manang Nora ay natutop ang sariling bibig ng makita niya akong nasa bisig ni Uncle Jackson.


Sino ang hindi magtataka? Kailan man ay hindi siya naging malapit kay Mama, lalo pa sa akin. Pero ngayon ay nasa mga bisig niya ako at tila ako isang mamahaling bagay na pinakaiingatan niya. Itinago ko na lang ang namumula kong mukha sa matigas niyang dibdib.


Inilapag niya ako sa ibabaw ng kama ko nang makapasok kami sa aking kuwarto. Nakatingin siya sa akin habang nakapamulsa. "Starting tonight, you're now under my responsibility."


Tumango ako habang nalulula sa intensidad ng mga mata niya.


Yumuko siya upang pumantay sa akin. Nagulat ako ng sa kauna-unahang pagkakataon ay gumuhit ang maliit na ngiti sa sensual niyang mga labi. "Chill. I've got you."


JAMILLE FUMAH


Continue Reading

You'll Also Like

571K 4.3K 44
Nag simula lahat sa isang simpleng pabor, hanggang napunta ito sa isang laro. Si Stacey Villanos ay isang kilalang mabuting tao at mapag mahal sakany...
11.2M 187K 34
Georgina is homeless and broke, and her ex-boyfriend came to her rescue by letting her temporarily stay in his house. But with the two of them living...
479 54 30
What will happen if an anxious introvert meets an infuriated person? Can they click? May mabubuo ba na friendship? Will they entertain the same path...
47.1M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...