He Doesn't Share

By JFstories

22.4M 718K 184K

Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. Howev... More

Prologue
Alamid Wolfgang
...
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
THE LAST CHAPTER
EPILOGUE
AKI

Chapter 27

435K 14.5K 6.9K
By JFstories

Chapter 27


"ALAMID!" Malamlam ang mga mata niya habang nakangiti siya sa akin. Kahit mukha siyang pagod ay napakaguwapo niya pa rin.

Kumislot si Aki sa tabi ko. "Daddy?"

"Hello, little man."

Nagkusot ng mga mata ang bata saka humiyaw sa tuwa. "Daddy ko!"

"Amadeo! Amadeo!" sigaw ng konduktor ng bus.

Tumayo na kami, kahit naguguluhan ay hinayaan ko si Alamid. Nagulat ako ng bitbitin niya ang maleta at bag ko.

Pagbaba namin ng bus ay agad na nagpakarga si Aki sa kanya. Ipinasan niya si Aki paupo sa leeg niya habang bitbit niya ang maleta ko at bag.

"Gutom na ako, Daddy ko!" Sa tainga ni Alamid nakahawak ang maliliit na kamay ni Aki. Gusto ko sana itong sawayin pero mukhang okay lang naman sa lalaki ang lahat.

"What do you want to eat?" tanong ni Alamid dito.

"McDo!"

Nagbook si Alamid ng Grab sa pinakamalapit na McDonalds sa lugar na ito. Ilang minuto lang ay ngumangabngab na si Aki ng chicken.

"Fries?" alok ni Alamid sa bata. Agad namang kinagat ni Aki ang fries.

Tahimik lang ako sa kinauupuan ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Aki, dahan-dahan..." mahinang saway ko. Hindi pa kasi niya nalulunok ang nasa bibig niya, sumusubo na naman siya.

"It's okay. He's starving," malumanay na sabi ni Alamid.

Sampal sa akin ang sinabi niya. Totoo naman na ginutom ko si Aki sa buong biyahe namin. Ni hindi pa nga yata nakain ang bata ng isama ko kanina. Maski tubig, hindi ko napainom si Aki.

Tumungo na lang ako.

"Why don't you eat your food?" Boses ni Alamid na nagpatingala sa akin.

Nagulat ako ng makitang palipat siya sa tabi ko. Tinabihan niya ako.

"H-hindi ako nagugutom." Pasimple akong umusod nang kaunti palayo sa kanya.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. "You should eat." Kinuha ni Alamid ang burger at tinanggalan ng plastic ang kalahati. Inilapit niya iyon sa akin. "Come on."

"Hindi nga—" Natigilan ako ng makita ang kaseryosohan ng titig niya.

Nang tingnan ko si Aki ay nakatingin sa amin ang bata. No choice ako kundi tanggapin ko ang burger. Pero inagaw ko iyon kay Alamid at ako mismo ang humawak non para kainin. Gutom na gutom na rin naman talaga ako.

Pagkatapos kumain ay nakita kong nagbu-book na ulit ng Grab si Alamid. Hindi ko alam kung paano ko siya pipigilan. Malamang sa mga oras kasi na 'to ay bumabyahe na rin si Abraham pasunod sa amin ni Aki.

"Magsi-CR lang ako," paalam ko.

Inabot ni Alamid sa akin ang jacket niya. Hindi ko sana iyon tatanggapin nang maalala ko na ang suot kong jacket ngayon ay pag-aari pala ni Abraham. Sure ako na napansin din iyon ni Alamid.

"T-thanks..." kinuha ko ang jacket niya.

"Throw that one." Tukoy niya sa suot kong jacket na may tatak na Adidas.

Tahimik akong tumango saka nilingon si Aki. "Umihi ka rin s-saka maghugas ng k-kamay." Pilit kong iniiwasan ang mga mata ni Alamid.

"Sige!" Tumayo agad si Aki. "Daddy, sama ka!"

"Hindi!" nabibiglang tutol ko. "A-ano, hindi siya pwede sa pang-girls na CR."

Lumabi si Aki. "E di sa boys kami! Sabay kami wiwi!"

"H-hindi, sa akin ka. K-kasi, huhugasan ko pa ang kamay mo."

"E, si Daddy gustu ko nga!"

Kinaladkad ko na si Aki kahit nagdadadal-dal pa ito. Pasimple ko siyang kinurot ng tawagin niya pa ang ama niya. "Makisama kang lintek ka!" Gigil na bulong ko.

"Anu ba? Bakit mo ko sinasaktan?!" Reklamo niya. Napalingon tuloy sa amin ang mga kasalubong namin.

"Ibalik mo ko sa daddy ko!" maktol ni Aki. Sa inis ko kinurot ko ulit siya. "Aray! Masakit ayoko na po!"

"Miss, may problema ba?" Nilapitan ako ng guwardiya na galing sa panlalaking CR.

"Ho?" Nilingon ko si Aki na maluha-luha sa tabi ko. Teka bakit ba ito naluluha e hindi naman masakit ang kurot ko?

"Miss, anak mo ba 'yang bata?" Sinipat akong maigi ng guwardiya. Napangiwi pa ito dahil sa ayos ko.

Kahit ako ay napangiwi ng maalala ko ang itsura ko. Magulo ang buhok ko, may bangas ako. Ang dumi ng suot kong pajama. At ang sapin sa paa ko ay tsinelas ni Abraham. Malaki iyon at panlalaki. In short, kahina-hinala ang ayos ko. Mukha akong baliw na kidnapper!

"Manong Guard, anak ko ho ito. Ano kasi, kuwan... may emergency..."

Lalong kumunot ang noo ng guard.

"M-may gustong kumidnap sa kanya... m-may kidnapper ho. Tulungan niyo ho kaming makalayo."

"Sino? Nasaan?" Lumikot ang mga mata ng guwardiya.

"Ahmn... andon ho..." ituturo ko pa lang sana ang kinaroroonan ni Alamid ng makitang papalapit na siya sa amin. Shit!

"Is there any problem here?"

Tiningnan siya ng guwardiya saka muli akong minasdan. "Sure ka ba, Miss, na ito ang kidnapper at hindi ikaw?"

Mukha akong sinungaling, I know. Itsura ni Alamid versus itsura ko, mas mukha akong busabos at siya naman ay mukhang hari. In short, ako ang mukhang baliw na kidnapper!

Nangingiwing nagsalita ako. "Manong Guard, nagkakamali ho kayo—"

"Daddy!" biglang sigaw ni Aki saka lumapit kay Alamid at nagpabuhat na akala mo ay ke gaan lang. Pero mukha ngang magaan lang si Aki ng kargahin ito ni Alamid.

"E daddy niya naman pala eto, e!" palatak ng guwardiya saka ako tiningnan nang masama. "Niloloko mo ba ako, Miss?"

"Ingrid, what is this?" Kunot ang noo na binalingan ako ni Alamid.

"A-ano..." Nilingon ko ang guwardiya. "Ah, Manong Guard, w-wala hong kidnapper. Ano ho bang sinasabi niyo? Naglalaro lang ho kami nitong b-bata... s-saka kasama ko ho itong lalaking ito." Tukoy ko kay Alamid. "P-pasensiya na ho sa istorbo, Manong Guard."

Tumalikod na ang guwardiya, malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko. Nahihiya akong salubungin ang mga tingin ni Alamid.

Ibinaba niya si Aki saka siya lumapit sa akin. "Let's go."

"Magsi-CR pa kami..." mahinang saad ko.

"All right. Ako na ang bahala kay Aki." Nauna na sila sa banyong panglalaki.

Paglabas ko ng ladies' room ay nasa labas na sila at naghihintay. Blangko ang tingin ni Alamid. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya, pero kinakabahan ako.

Pinaupo niya si Aki sa bakanteng upuan saka siya lumapit sa akin. Nagulat ako ng bigla siyang tumungo at hubarin ang suot niyang sapatos. Medyas na kulay itim ang itinira niya. Lumuhod siya at hinawakan niya ang binti ko.

"Ala, ano ka ba—" bigla niyang inalis sa paa ko ang malaking tsinelas na galing kay Abraham.

Napapatingin sa amin ang mga tao sa paligid. Kahit iyong mga kumakain ay nagsisikuhan at tinitingnan kami. May ibang kinikilig, nagbubulungan at obvious na kami ang pinag-uusapan. Pati iyong guwardiya kanina ay ngising-ngisi habang nakatingin sa amin.

"Wear mine instead." Pinasuot niya sa akin ang Balenciaga Arena Sneakers na hinubad niya. Nagmukha iyong barko sa paa ko dahil kung hindi ako nagkakamali ay 14 US size ang sukat ng mga paa niya.

Hiyang-hiya ako sa mga nakakakita. May isa pa ngang dalagita na kinuhanan pa ng video ang pagsusuot sa akin ni Alamid ng sapatos habang nakaluhod sa harapan ko ang lalaki.

Inakbayan niya ako pagkatapos saka sinenyasan si Aki. Iniwan niya lang basta sa kung saan ang tsinelas ni Abraham.

Aliw na aliw si Aki sa itsura ko. "Barko paa mo, Ate!"

"Call her Mommy, Aki," ani Alamid na ikinalingon ko sa kanya.

Hindi siya nakangiti pero wala rin naman kahit anong emosyon akong nakikita sa kanyang perpektong mukha.

"Mommy? 'Tapos sabi niya mama? Anu ba talagah?!"

Tumikhim ako. "Aki, A-Ate na lang ulit."

"Bala kayo dyan!" Nanulis lang ang nguso ni Aki.

Si Alamid naman ay wala ng imik. Nakaakbay pa rin siya sa akin hanggang makarating kami sa lobby ng McDo. Wala siyang pakialam kahit naka-medyas lang siya dahil nasa akin ang sapatos niya. Ni hindi niya pinapansin ang mga nakatingin sa kanya.

"Ang pogi, 'no?"

"Foreigner ba 'yan? Tangkad, e."

"Daks 'yan." Naghagikhikan ang mga babae sa bandang gilid namin.

"Pogi rin nung bata, hintayin ko yan paglaki."

Hindi ko na rin sila pinansin kahit medyo malakas na ang usapan nila. Maski iyong matatanda na nakaupo malapit sa lobby ay ang mag-ama ko ang paksa.

"Ampopogi ano."

"Yun lalaki andaming tattoo, bagay naman kasi guwapo."

Tumikwas ang kilay ko. So pag di guwapo, bawal magtattoo?

"Bilisan natin," mahinang sabi ko.

Humigpit ang akbay sa akin ni Alamid. Wala pa rin siyang karea-reaksyon. Si Aki naman ay busy sa pagtitig sa paa ko. Aliw na aliw pa rin ang bubwit.

Sa labas ng fastfood ay may naghihintay ng kulay asul na Hyundai Elantra, iyong Grab na ibinook ni Alamid kanina. Ipinagbukas niya ako ng pinto ng kotse. Sa gitna namin si Aki sa backseat. Expected ko pa naman na sa tabi siya ng driver, pero ito nga at hindi. Mukhang may hinala siya sa balak kong pagtakas sa kanya.

Pagkasakay namin, sumandal lang si Aki ay nakatulog na agad ito. Sobrang awkward tuloy dahil tahimik din ang Grab driver. Nang pasimple kong tingnan ang rearview mirror, lalo akong nailang. Paano'y nakatingin din pala ron si Alamid. 

Tinitingnan niya rin ako!

Tumikhim ako. "Ahm, n-nasaan pala ang sasakyan mo?"

"Iniwan ko sa Manila."

"S-saan pala tayo pupunta?"

"Tagaytay."

Agad ko siyang nilingon.

Tumingin din siya sa akin at tipid na ngumiti. "You want this vacation, right? I have a rest house in Tagaytay. We can stay there as long as you want."

"Alamid, hindi..."

Sumandal siya sa sandalan at hinila si Aki para mapasandal sa kanya. Inakbayan niya ang bata at saka siya pumikit. Napatitig na lang ako sa mukha niya.

Hindi naman ito ang plano ko. Saka paano si Abraham? At ang pangako ko kay Manang Tess?

Nakarating kami sa Tagaytay na gulong-gulo ako.

Glass house ang rest house ni Alamid na nasa loob ng isang tila villa na may matataas na pader. Sa loob ay puro halaman at over looking ang Taal. May mga guwardiya pero hindi kasing dami sa isang mansiyon niya. Mas maliit din itong bahay kesa ron. Pero malawak din naman ito. Kakasya siguro rito ang tatlong pamilya. At malawak ang lawn. So far, wala naman akong nakikitang mga pit bull.

"Let's go." Kinuha niya ang isang kamay ko. Sa kabila naman ay si Aki ang hawak-hawak niya.

Nasa late forties siguro ang babae. Chubby at morena. Nanlalaki sa gulat ang mga mata nito. "Senyorito?!"

Sinalubong kami ng isang babaeng naka-maid uniform.

"Hala! Mabuti at hindi pa ako nakakauwi, paparine ka pala ngayon. Sino ho sila?" Tiningnan kami ng babaeng.

"Diane, I'm with my family. Please prepare us dinner."

"Opo." Parang mangiyak-ngiyak sa tuwa na tiningnan kami ni Diane. "Good evening po!"

"Hello!" Nag-wave si Aki dito.

"Pogi mo, tutoy." Nginitian ni Diane si Aki saka ito nagpaalam na maghahanda ng hapunan.

"Isang kuwarto lang ang malinis at palaging inaayos dito. Si Diane lang kasi ang katiwala, at wala namang pumupunta rito. The last time I went here was ten years ago."

"Ten years?" Napatunganga ako kay Alamid. Kaya naman pala ganoon na lang ang excitement nong Diane.

"Let's go to our room." Kinarga niya si Aki papunta sa hagdan.

"'Wag mo siyang sanayin ng karga, Ala. Malaki na si Aki!" Hinabol ko sila. "Mabigat na 'yan. Baka mamihasa pati."

"It's okay." Sa unang kuwarto kami tumigil. Ito siguro ang master bedroom. Bukas iyon ng pihitin niya ang door knob.

"Wow laki kama!" Agad na sumampa si Aki sa malaking kama ng ibaba siya ni Alamid. Parang kakasya ang limang mataba ron.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Puro puti ang nakikita ko. Malinis na malinis. May TV pero 21 inches na hunchback pa. VHS at VCD ang nasa ilalim. Mukhang luma na rin ang malaking aircon sa pader, pero mukhang malakas pa naman ang buga. Saka sa lamig ng lugar, imposible ring gamitin namin yon.

"Daddy, me cable?!"

"'Will check." Kinuha niya ang remote ng TV. Meron naman palang cable.

Ako ang nasasayangan sa gastos sa rest house na ito. Wala naman palang tumatao pero tuloy-tuloy ang cable, landline at pasweldo sa mga bantay. Sa itsura nito, parang wala ng pake si Alamid dito, kaya luma na ang mga gamit. Naiwan na ng modernisasyon. Gayunpaman, mansiyon pa rin itong maituturing. Iba talaga pag mayaman.

Nakarinig kami ng tatlong katok. Si Alamid ang nagbukas ng pinto dahil busy na si Aki sa panonood ng TV sa carpeted floor.

"Hello." Si Diane ang bumungad. May bitbit itong basket na may lamang mga plastic bags. "Para kay Senyorita."

"Thanks."

"Laki na ng anak mo, Senyorito. Grabe, nag-asawa na ho pala kayo. Tiyak pupunta si Nanay dito pag nalamang nandine kayo ngayon."

"Okay, Diane." Sinarhan ni Alamid ng pinto ang babae.

"Sinong nanay ang sinasabi niya?" tanong ko.

"Katiwala rin dito. Noon dalawa silang mag-ina rito, pero wala naman masyadong gagawin dito kaya si Diane na lang at yung asawa niya ang pumupunta rito para maglinis minsan."

Tinanggap ko ang basket ng iabot niya iyon sa akin. Mga damit pala ang laman. Mga branded na damit mula pang-itaas, pang-ibaba at mga panloob. Mga nakabalot pa at may mga price tag pa.

"Kanino ang mga 'to?"

"Naka-stock lang for emergency. You can use the bathroom." Itinuro niya ang nakapinid na pinto sa gilid.

"Salamat." Nagshower ako at nagpalit ng pajama na kulay gray at baby tee na kulay sky blue. May tsinelas din na pambahay kaya ginamit ko na rin.

Ihinahanger ko ang tuwalya na ginamit ko ng mapalingon ako sa salamin. Kumunot ang noo ko ng may mapuna ako roon.

"Ano 'to?" Medyo malabo na, siguro dahil sa matagal na.

Lumapit ako nang bahagya at sinipat ang guhit sa gitna mismo ng salamin. Parang matalas na bagay ang ginamit para makalikha don ng mga letra. Pilit ko iyong siniyasat para lang mabasa ko ang nakasulat.

It read: I LOVE YOU ALWAYS -ALETTA

Sino si Aletta?

Paglabas ko ng banyo ay nakabihis na rin si Aki at Alamid. Pareho silang naka pajama at t-shirt na kulay puti.

"Kain na tayuuu!" Tumayo si Aki mula sa sahig saka nanguna lumabas ng pinto. Nasa labas pala si Diane.

Nawala na sa isip ko si Abraham at iyong nabasa ko sa salamin ng banyo. Matapos ang masaganang dinner ay nagyaya na ulit sa kuwarto si Aki. Naghihikab na ito kaya kinarga na ni Alamid. Pagdating sa kuwarto ay tulog na ito.

Inilapag ni Alamid sa gitna ng kama si Aki. Pumuwesto na ako sa kanan at siya naman ay sa kaliwa ng bata. Dalawang lampshade lang ang liwanag namin sa paligid.

Tumagilid ako patalikod sa kanila. Ito ang kinakatakutan ko, iyong kaming dalawa na lang ang gising. Natatakot ako sa itatanong niya sa akin.

Alam ko na alam niya ang mga balak ko. Hindi siya tanga. Hindi lang siya nagsasalita pero alam ko na nasa loob lahat ni Alamid ang mga tanong. At hindi ako handa na sagutin ang alin man doon.

"Maybe it's time to talk about us," basag niya sa katahimikan.

Hindi ko alam kung magpapanggap ba akong natutulog na o sasabihin ko sa kanya na pagod na ako at bukas na lang kami mag-usap na dalawa.

"I know you're still awake."

Napapitlag ako. "Uhm, inaantok na ako..."

"I fired Manang Tess."

Napabangon ako bigla. "Ano?!"

Nakahiga siya sa tabi ni Aki, ang isang braso niya ay nakatapong sa noo niya habang walang emosyon ang kulay abo niyang mga mata habang nakatingin siya sa kisame.

"Anong sinasabi mo? Nasaan si Manang Tess? Wala siyang kasalanan sa 'yo. Umalis ako dahil gusto ko! Wala siyang kinalaman!"

"Umamin siya sa akin," kaswal na saad niya. "Don't believe her, Ingrid. Wala sa katinuan ang matanda."

Napanganga ako.

Bumangon siya at tumingin sa akin. Ang kaninang walang kislap niyang mga mata ay napalitan ng pangungulila. "I miss you."

Napalunok ako.

"Please don't give up on me."

Nangilid ang mga luha ko. "Sorry..."

Bumangon siya at lumipat sa pwesto ko. Ikinulong niya ng kanyang mga palad ang mukha ko. "No, I'm sorry."

"Ala..." shit. Ang rupok ko.

"I'm sorry because I love you too much and I can't let you go. I won't let you go. Ever."

Tuluyan na akong napaiyak. "Tulungan mo akong intindihin lahat, Ala. Please, nahihirapan ako."

"Just let me love you..." Hinalikan niya ako sa noo. "Iyon lang. Just let me love you my way. Just be faithful to me. Just be with me for always..."

"Natatakot ako..."

"Hindi kita sasaktan. Naniniwala ka ba sa akin?"

Lumuluha akong tumango.

"Magpapakasal na tayo. Hindi na tayo maghihiwalay. Me, you, and Aki. We will be a happy family."

Nakatulog ako sa bisig ni Alamid ng gabing iyon. Ako ang nasa gitna nilang dalawa ni Aki. Naalimpungatan lang ako ng maramdaman ko ang mga haplos ni Alamid sa braso ko, at sa pagtama ng mabango at mainit niyang hininga sa balat ko.

Marahan akong nagmulat ng mga mata. Namulatan ko siya na nakatingin sa akin. "Hindi ka pa natutulog?"

"I'm scared." Maliit siyang ngumiti. "Baka pagising ko, wala ka na naman. Wala na naman kayo."

Maliit ko siyang nginitian. "Just no more secrets, hindi kami mawawala."

Dinaganan niya ako.

"Ala, baka magising si Aki!"

"Shhh." Inabot niya ang lampshade sa tabi niya saka pinatay.

"Magigising si Aki..."

"This will be quick." Hinila niya pababa ang pajama ko. Naramdaman ko agad ang mainit niyang palad sa gitna ng mga hita ko.

"Ala, hmn..."

"I love it when you're calling my name..."

Napaliyad ako ng maramdaman siya sa ibabaw ng puson ko. I realized that I miss him.

Yumapos ako sa leeg niya. "Uh... I miss you..."

"I miss you, too..." he pressed his lower body to me.

"Ala..." And again, I was delirious with lust.

"I love you..."

Natigilan ako at saka bumalik sa alaala ko iyong nakasulat sa salamin ng banyo. "Ala..."

"Hmn..." he was now kissing my breasts.

"S-sino si Aletta?"

Tumigil siya. Nagulat ako ng bigla siyang lumayo sa akin. Nahugot din ang kanya sa loob ko.

"Ala..." Anong nangyayari sa kanya?

Hindi ko siya makita dahil madilim. Dinig ko lang ang marahas na paghugot at pagbuga niya ng hangin. Mayamaya ay narinig ko siyang nagmura ng mahina.

"Ala, sino siya? Nakita ko ang pangalan niya sa banyo. Sino siya? Ano mo siya? Ano siya?"

"That's the safe word, Ingrid." Marahas na sabi niya.

Safe word?

"It's the safe word. Hindi mo dapat binabanggit." Kahit madilim ay alam kong nagtatagis ang mga ngipin niya.

I felt him stand up. Nasasanay na ang mata ko sa dilim kaya alam kong inaayos niya na ang suot niyang pajama. "I'll sleep outside. Rest now, Ingrid."

"Alamid!"

Pero tunog na lang ng sumarang pinto ang sunod kong narinig.

Aletta? Safe word? Anong nangyayari?

A safeword is used to actually mean "stop", especially in BDSM. Those letters stands for bondage, domination, sadism and masochism. Bakit may safe word kay Alamid?

He's a sweet lover in bed. Kahit kailan, hindi niya ipinaramdam sa akin na kaya niya akong saktan. Kahit pa noong pinakaunang beses na may mangyari sa amin. He was so gentle back then.

Tumayo ako at muling isinuot ang nahubad kong pajama. Hinabol ko sa labas si Alamid pero hindi ko na siya naabutan. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta.

"Senyorita?"

"Diane." Paakyat ng hagdan ang babae. May dala siyang mga basket na may lamang kurtina. "Gising pa ho kayo?"

"B-bakit gising ka pa?"

Ngumiti siya sa akin. "Katatapos ko lang ho kasing magpalit ng kurtina sa baba at maglinis na rin. Nakakahiya kay Senyorito, ngayon na lang napadpad dito, 'tapos marumi ang bahay. Lalo na ho sa inyo, nahihiya ho ako."

Napansin ko na may kadaldalan siya kaya naisip ko siyang tanungin. "Kilala mo ba si Aletta?"

Namutla si Diane.

"Kilala mo siya, di ba?" Nagbased ako sa reaksyon niya. At lalo akong na-curious.

"Uhmn, Senyorita..." Nakagat niya ang ibaba niyang labi. "K-kasi... uhm bawal po pag-usapan 'yan."

Naningkit ang mga mata ko. "Bakit bawal?"

"Ipinagbawal ni Senyorito Ala. Iyan ang number one rule dito kahit nong kaka-hire pa lang sa nanay ko bilang caretaker dito."

"Sino si Aletta?" ulit ko. Hindi ko gusto ang bumabangon na kaba sa dibdib ko.

Todo iling si Diane. "Hindi ko po siya kilala. At maniwala kayo, never ko pa siyang nakita. Ni itsura niya, hindi ko alam."

"Sino siya? Bakit nakaukit ang pangalan niya sa salamin sa kuwarto?"

"Iyon din nga ang ikinaka-curious ko." Humina ang boses ni Diane. "Gusto ko nga po noong papalitan ang salamin sa banyo, pero nagalit si Senyorito noong iopen ko sa kanya. Nagbitaw siya ng rules na bawal itanong, pag-usapan o kahit banggitin ang pangalang iyon."

Oo, nagseselos ako. At natatakot ako sa pwede kong malaman. Pero gusto ko pa ring malaman ang kung ano man 'yon.

"Pero ho, may onti akong impormasyon. Pero wag sana niyo akong isusumbong, Senyorita. Mukhang mabait naman kayo..."

"A-ano? H-hindi kita isusumbong, pangako."

"Iyong Aletta po yata..." Lumapit siya sa akin at bumulong. "Katorse anyos lang ho yata o kinse. Di ko na matandaan, basta sure ako na minor lang 'yon."

Dalagita pa si Aletta?

"Na-rape ho 'yon."

Natulala ako kay Diane.

"Nabaliw ho. Ayon iyong sa tsismis na nakalap ko sa dating katiwala rito na napalayas dito noon."

"Nasaan na si Aletta ngayon?"

Kumibot-kibot ang labi ni Diane. Tila nagsisisi na nagkuwento sa akin.

Hindi ko mapigil ang gigil ko. "Sumagot ka kung ayaw mong ako ang sumisante sa 'yo!"

"Naku wag naman ho, Senyorita! Ito lang ho ang pinagkakakitaan ko. Saka malaking tulong ho sa pamilya ko itong trabaho ko rito. Ito lang ang bukod tanging trabaho na minsanan lang pero regular at malaki ang sahod buwan-buwan. Walo ho ang anak ko, puro mga bata pa."

"Kaya nga sabihin mo sa akin kung nasaan si Aletta na 'yan!"

"P-patay na ho." Mangiyak-ngiyak na si Diane. "Diyos mio, bunganga ko talaga! Hindi ko dapat ito sinasabi sa inyo e!"

"Anong ikinamatay?"

"Ano ho e... uhm nabaliw nga po..."

"Sabihin mo, ano ang ikinamatay!" mariin kong tanong.

Ilang beses na sumigok-sigok siya. "P-pinatay ho..."

"Pinatay?"

"Binarin ho sa... ulo."

"Sino ang bumaril sa kanya?"

Tuluyan ng napahagulhol si Diane bago sagutin ang tanong ko. "Si Senyorito ho."

JF

Continue Reading

You'll Also Like

15.3M 489K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...
23.8M 600K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
2.2M 139K 38
You can't hide anything from him... you just can't. *** Embry's life is smooth sailing until two storms shattered her frame of mind - one in the form...
4M 140K 36
The day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na s...