Beauty and the Demon

By supladdict

3.2M 127K 28.7K

(Bloodstone Legacy #2) "Sometimes, it takes a pure and innocent beauty to tame the beast of a demon." Every g... More

Simula
Author's Note
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Huling Kabanata
Epilogue

Kabanata 25

57.1K 2.4K 586
By supladdict

Rage and Pain

"Really?" Mahinahon na tanong ni Makheus. Solana nodded and smiled sweetly at him. Titig na titig ang bata na tila namamangha sa kaniyang mata. Puno ito ng kainosentehan.

"Si Dada lang ang may silver eyes na kilala ko!" Solana said. Tinaas nito ang maliliit na kamay na tila nagpapakarga. Agad naman tumalima si Master at binuhat ang bata.

"Sayo 'to?" tanong ko sa kaniya. Matagal niya akong tinitigan bago dahan-dahan na tumango. Nilibot ko muli ang tingin bago siya sinulyapan. Si Solana ay nakayakap sa kaniyang leeg at tinititigan nang maigi ang kaniyang mata. Maya-maya ay humilig ito sa kaniyang dibdib.

"I miss my Dada," she whispered.

Naagaw ni Solemn ang atensyon ko. She's quietly staring at Makheus and Solana. She looks sad and in the verge of crying. Agad ko siyang nilapitan nang nagtatakha. Hinaplos ko ang kaniyang mukha. The side of her lips were tugged downward. Bigla siyang yumakap sa akin nang mahigpit at sumubsob sa aking katawan. Nanginig ang kaniyang katawan dahil sa pag-iyak.

"Shhh, why are you crying, mahal ko?" I whispered as I caress her back. Mas humigpit ang yakap niya sa akin.

"I-I m-miss my family," humihikbi niyang bulong. Tila piniga ang puso ko nang marinig ang puno ng sakit niyang tinig. Paulit-ulit kong hinalikan ang kaniyang noo bago tuluyan na kinarga.

Nahagip ng aking paningin si Simon at Morphy na tila naguguluhan sa pangyayari. I smiled at them to reassure that everything is fine. Mukhang nag-aalala sila kay Solemn.

"What's the problem?" Nabigla ako nang bahagya, nang marinig ang boses ni Master na nasa tabi ko na. Solana seems worried about her sister habang karga siya ni Makheus.

"She misses her family," sagot ko. Solana pouted and touched her sister's back.

"Ate, 'wag na cry. Look at Mashter na lang, he have the same eyes with our Dada!" Solana tried to cheered her sister. Ngunit mas lalong umiyak ang kaniyang ate, dahilan para manlaki ang kaniyang mata.

"Solana, kay ate Azriella ka muna. Let me carry your sister," Master gently said. Solana nodded then raised her hands. Kinuha sa akin ni Master si Solemn bago maingat na ibinigay sa akin si Solana. Mahigpit na yumakap ang bata kay Makheus at sumubsob sa kaniyang leeg. Dahan-dahan naman na hinaplos ni Master ang likod ni Solemn.

"Sana mag-stop na sa pag-cry si ate Solemn ko," bulong ni Solana. Napatingin ako sa kaniya. Malambing siyang humilig sa aking dibdib at sinipsip ang kaniyang hinlalaki. She's really a baby.

"Titigil na rin siya maya-maya. Papatahanin siya ni Master," malambing kong bulong sa kaniya. Tumitig sa akin ang bilugan niyang mata habang patuloy na sinisipsip ang hinlalaki.

"Bati na kaya ni ate si Mashter? At bati rin kaya ni Mashter si ate ko?" she curiously asked. Nginitian ko siya at tinanggal ang daliri sa kaniyang bibig. Ngunit binalik niya 'yon.

"Baka dirty ang fingers mo," bulong ko.

"Timpla mo po 'ko ditash."

Kumunot ang noo ko.

"Ditash?" I asked. She nodded and suck her thumb.

"Painom mo 'yon sa akin lagi. Sa amin ni ate Solemn. Kaso sa akin nasa feeding bottle kasi love ko 'yon. Dede po, Momma."

Kumunot ang noo ko, hindi siya maintindihan. Ngunit inintindi ko na lamang nang makita na pumipikit-pikit na siya at tila inaantok. Isa 'yon sa katangian niya na napapansin ko. Antukin siya. At mukhang napagkamalan niya akong si Momma niya. Maybe they really miss their Mom. Nakalulungkot na napalayo sila sa kaniya, tulad sa akin.

Hinalikan ko nang tatlong beses ang mataba at malambot niyang pisngi bago hinele sa aking bisig. Si Solemn ay tumahan na rin at nakatulog na sa braso ni Master.

"Let's go back," kalmadong saad ni Master. Matagal niya akong tinitigan at sinulyapan ang bata sa aking bisig bago lumapit kay Simon at ginulo ang buhok nito.

Pinauna niya akong lumabas at sumunod sila. Nang pababa na sa hagdan ay patakbong nauna sila Simon.

"Mag-ingat kayo, Simon.." bilin ko. He smiled at me and nodded. Pinanood ko ang pagtakbo niya pababa sa hagdan at nakahinga nang maluwag nang tuluyan na silang makababa.

Nabigla ako nang may humaplos sa aking bewang. I realized that it was Makheus. Tila inalalayan niya ako pababa habang nasa bewang ko ang kaniyang isang braso at ang isa ay bitbit si Solemn.

Nang tuluyan na makababa ay tumigil siya at hinarap ako. Nilahad niya ang isang braso at sinulyapan ang bata na natutulog sa aking dibdib.

"Give her to me," he said. Umiling ako at ngumuso.

"Ako na, kaya ko naman.." saad ko. Ngunit nagpumilit siya kaya wala akong nagawa kung hindi pumayag. Kinalas ko ang yakap sa akin ni Solana. Sa unang beses ay kumunot ang noo nito.

"Momma.." she whispered. Hinaplos ko ang kaniyang likod at nawala ang kunot ng kaniyang noo saka kumalma. Sa pangalawang ulit ay tagumpay siyang nakuha ni Makheus. Kaya ngayon ay dalawa na ang buhat niya. Tila wala lang sa kaniya 'yon habang buhat ang dalawang bata sa magkabilang braso.

"Salamat," saad ko. He stared at me and shook his head slightly.

"Ayoko lang na mahirapan ka," aniya at nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod ako sa kaniya habang nakanguso.

"Hindi naman ako nahirapan na buhatin si Solana," bulong ko.

"Kahit na," saad niya. "As long as I can, bubuhatin ko ang lahat ng hawak mo, maging komportable ka lamang. Kaya kong akuin ang lahat ng hirap, para sayo.."

Natigilan ako sa paglalakad. Siya ay nagpatuloy. Nasapo ko ang dibdib at labis na nagtakha sa bilis ng tibok ng aking puso. Tila may mga kiliti rin na dumaloy sa aking katawan. Napalunok ako. Kinikilig ba ako?

Mariin akong napapikit at nag-init ang pisngi. Ano ba naman 'yan, Patrisha! Makheus is a friend. Napailing ako sa naisip at sumunod na papasok sa palasyo.

Nadatnan ko siya na maingat na inilapag ang dalawang bata sa kama. Lumaki rin ang kama na nasa kwarto ko. Sobra na ang espasyo nito para sa amin. Kung sakali ay makahihiga na rin si Morphy at Simon kasama namin at masyado pa rin 'yon maluwag.

Agad akong lumapit para ayusin ang unan at kumot. Tinanggal ko ang hinlalaki sa bibig ni Solana ngunit binalik niya rin iyon kaya napangiti na lang ako at walang nagawa.

"They are cute...and beautiful," bulong ni Master. I can't help but to agree. Pinagmasdan ko siya habang abala rin siya sa pagmamasid sa dalawang bata. Mukhang sa wakas ay may nakaagaw na ng pansin ni Master.

Napalunok ako nang bigla siyang tumitig sa akin. Hilaw akong ngumiti at napakurap matapos niyang mahuli na titig na titig sa kaniya.

"Itong kama.." saad ko. Tumaas ang kilay niya. Nakagat ko ang labi sa panibagong ekspresyon niya. Napakaramot kasi niya sa mga emosyon at ekspresyon kaya namamangha ako sa tuwing nagkakaroon siya noon. "Ikaw nagpalagay?" tanong ko.

"Ako ang naglagay," simpleng saad niya at nagsimulang humakbang. Tumalikod siya at nameywang. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "It seems like I can't stay in one room with her for too long. My mind is beginning to think some deeds."

Natigilan ako nang marinig 'yon. Nakatalikod siya ngunit alam ko na umiigting ang kaniyang panga na tila galit. Hindi bumuka ang kaniyang labi ngunit may narinig akong nagsalita. Kumunot ang aking noo sa pagtatakha.

"Ikaw ba 'yong nagsalita?" tanong ko. Bigla niya akong nilingon. He looked surprised. At bago na naman ang ekspresyon na 'yon.

"Y-you heard?" Seryosong saad niya. Nagtatakha man ay tumango ako. Though hindi ko naintindihan ang ibig sabihin noon. Nakagat niya ang labi at matagal na tumitig sa akin. Tila may pinipigil na ngiti. Nagtakha naman ako sa ekspresyon niya ngunit namangha rin.

"Bakit?" tanong ko. Nakagat niya muli ang labi at umiling.

"Aalis na ako," saad niya. Tumango ako. Matagal siyang tumitig sa akin bago tumalikod. Nang nasa may pinto na siya ay bahagya niya akong nilingon at nakita ko na sapo niya ang dibdib. Napailing siya at sinara ang pinto nang makalabas.

I blew softly and shrugged. That's weird.

Kinagabihan ay nagpaalam sila Siana para umalis. Kasama si Simon at Morphy. Halata ang pagtutol ni Simon at kagustuhan manatili ngunit wala siyang nagawa.

"Bababa kami sa bayan ngayon, Azriella. Siguro ay bukas o sa susunod pang araw kami makauuwi. Darating kasi ang aking kabiyak. Nagpaalam na rin ako kay Master. Huwag ka mag-alala, halos wala ng gawain dito. May sinulat din ako na susundin mo para sa ilang gawain lalo na sa pagluluto," aniya. Tumango-tango ako at ngumiti.

"Salamat, Siana. Naisipan mo pang isulat ang mga iyon at tiyak na malaking tulong lalo na at hindi naman ako sobrang sanay. Mag-iingat kayo sa pagbiyahe patungong bayan. Hihintayin namin ang pagbabalik n'yo," saad ko.

Yumakap si Siana sa akin. Humalik si Solana at Solemn sa kaniya bago yumakap sa kuya Simon nila. Solana played with Morphy for a while. Si Solemn, kahit nag-aalangan ay nilaro din si Morphy. Matapos ang ilang minuto ay umalis na sila at nagpaalam.

Kami lamang ang kumain ng gabihan. Hindi ko alam kung nasaan si Makheus. Sa tagal ko rito ay napagtanto ko na masyado siyang abala. Hindi ko alam kung ano ang kaniyang ginagawa. Wala naman akong karapatan upang malaman iyon. Basta't alam ko, paminsan-misan ay umaalis siya rito sa palasyo nang walang pasabi. Kaya ngayon, hindi ko alam kung naroon siya sa taas o wala.

Matapos kumain at maglinis ay napagpasyahan na rin namin na matulog. Nasa gitna namin si Solana. Hindi maaari na ako ang pumagitna at mapunta sa gilid ang bunso dahil malikot ito at maaaring mahulog. I kissed them goodnight at marahan na tinapik-tapik ang hita ni Solana para mabilis itong makatulog. Ilang sandali pa ay nakatulog na rin ako.

Kinabukasan ay nagising ako na nasa mukha ko na ang paa ni Solana. Siksikan na kami sa gitna ng kama. Ang kaniyang kalahating katawan ay nasa tiyan ng kaniyang ate Solemn. Dahan-dahan akong tumayo at inayos ang kaniyang pwesto. Napangiti ako at hinagkan sila sa noo bago tumayo para maligo at maghanda ng umagahan.

Matapos asikasuhin ang sarili ay tumungo na ako sa kusina. Nakuha ko ang sulat sa may cupboard. Doon ay nakalista ang mga hakbang sa pagluluto. Hinanda ko ang mga rekados, hiniwa ang dapat hiwain bago nagluto. Habang abala ako sa paghahalo ay may yumakap sa magkabilaang tagiliran ko. Napangiti ako nang makita si Solemn at Solana roon.

"Good morning, Mommy Ganda!" Bati nilang dalawa sa akin. Matapos bumati ay naghilamos sila at nag-asikaso sandali.

Pagbalik nila ay naghahanda na ako ng pagkain. Sabay-sabay kaming kumain ngunit bago 'yon ay nagdasal muna kami na pinangunahan ni Solana. Nakagagaan sa loob ang kaalaman na nakapagpasalamat kami sa nagbigay ng lahat ng ito.

"Pwede kami mag-play, mamaya po?" Tanong ni Solana habang naglalaro ng tubig at sinasabunan ko ang kaniyang katawan. Marahan kong kinuskos ang kaniyang balat bago si Solemn ang pinagtuunan ng pansin.

"Opo. Just be careful, okay? Maglalaba rin kasi si Mommy. Lumayo sa mga babasagin, okay?" Paalala ko. Tanggap na tanggap ko ang pagtawag nila sa akin ng Mommy. Tuwang-tuwa nga ako sa tuwing naririnig 'yon.

Napapikit ako sandali nang hawakan ni Solemn ang magkabila kong pisngi. She smiled at me sweetly.

"Next time po sabay-sabay tayo ligo. We take a bath with Momma, sometimes!"

"I want that!" Tumalon si Solana kaya agad ko siyang hinawakan dahil baka madulas siya.

"Be careful," paalala ko. Lumapit din siya sa akin.

"I want that. Ligo po tayo minsan nang sabay! Gano'n si Momma. Naka-undies kami tatlo!" she giggled. Napangiti ako. Nanlalaki ang mata niya at napatakip ng bibig. "Tapos laki dede ni Momma. Kami ni ate Solemn, wala." Hinawakan niya ang dibdib niya. Napahagikhik ako sa kakulitan niya. Nabigla ako nang hawakan niya ang dibdib ko at pisilin. Napatili ako.

"Laki dede mo po!" she giggled.

"You shouldn't touch her like that!" Solemn giggled but laughed after. Napatawa na lang ako at napailing sa kanila.

Napuno kami ng tawanan habang nililiguan ko sila. Matapos ay binihisan ko muna sila at pinatuyo ang buhok bago dinala sa sala. They promised to behave and stay away from breakable things.

"Behave po kami!"

Yumakap sa akin si Solana at humalik. Ganoon din si Solemn. Pinanood ko muna sila sandali na naglalaro bago umalis para maglaba.

Hindi ako sanay na wala si Siana at Simon sa paligid. Nasanay rin ako na paikot-ikot ang makulit na si Morphy. Ngunit sa ngayon, kailangan kong tiisin ang katahimikan. Kahit naman na medyo madaldal ang dalawang bata, iba pa rin kapag narito sila. Ang mga kasambahay na palakad-lakad sa paligid at wala ng buhay ay wala na rin. Hindi ko alam kung nasaan sila, pero noong mga nakaraang araw ay paunti-unti silang nawala. Kahit papaano ay komportable na rin ako, kesa makasalamuha sila sa kaalamang patay na sila.

Ang mga nilalabhan ko ay ang aking mga damit. Pati na rin ang mga damit ni Simon na pinahiram sa dalawang bata. Noong una ay sinisilip-silip ko pa sila. Ngunit nakampante rin nang makita na abala naman sila sa paglalaro. Kaunti lamang ang aking mga nilabhan kaya hindi rin ako nagtagal. Lumabas ako bitbit ang mga 'yon at tumungo sa gilid ng palasyo para magsampay.

I was humming and busy when my heart beat in a painful way. Sandali akong nabingi sa sakit at nasapo ang dibdib. Dumilim din ang paligid sa aking paningin. Napasalampak ako sa lupa at diniinan ang banda kung nasaan ang puso. Nabitawan ko ang dapat na isasampay at napapikit nang mariin. Ilang minuto ang lumipas ay paunti na nang paunti ang sakit. Bumabalik na rin sa normal ang aking pandinig at paligid.

"Ayaw ko na pooo! Ayaw na! Stop na please!"

"Hindi na po. Tama na!"

Napatayo ako nang marinig ang mga nasasaktan na tinig na 'yon. Agad akong tumakbo papasok sa palasyo at binalikan ang dalawa. Natigilan ako nang makita ang maraming basag na gamit. At halos magdilim ang paningin ko nang makita na walang laban na umiiyak ang dalawang bata at nasa harap si Deliah. Nakuyom ko ang kamao nang makita ang makapal na patpat niyang hawak. Akma niya iyon ihahampas sa maliit na katawan ni Solana nang humarang si Solemn at sa kaniya iyon tumama. Tila tumigil ang paligid at rinig na rinig ko ang pagtama noon sa kaniyang katawan. I saw how painful it's on Solemn's face. Nanginig ang kalamnan ko.

"Deliah!" I shouted in rage.

Mabilis akong tumakbo sa kaniya at tinulak siya dahilan para tumalsik siya sa pader. Hinarap ko ang dalawa at nanlumo nang makita na may mga bakas ng paghataw sa kanilang maliliit na braso, sa hita at sa may bandang pwet. Napuno ng luha ang aking mata nang makita ang takot at sakit sa mata ng dalawang inosenteng bata.

"H-hindi ko po sadya. Masakit po, ayaw ko na.."

"Ayaw na po! Ayaw na!"

Tila wala sa sariling saad nila at yakap ang isa't isa. Labis akong nasasaktan sa nakikita.

"Tama na mga mahal ko. Tama na. Nandito na ako," gumaralgal ang aking tinig hanggang sa humagulhol na ako. Binuhat ko sila at pinaupo sa sofa bago hinarap si Deliah.

Katatayo niya pa lamang mula sa pader. Punong-puno ng galit ang puso ko habang nakikita siya na buhay. Nanginginig ang aking katawan sa nag-uumapaw na galit na dumadaloy sa aking sistema.

"Anong karapatan mo para saktan ako!?" Tanong niya. Kinuyom ko ang kamao at hindi na nakapagpigil. Nagtagis ang aking bagang at pinanlisikan siya ng mata.

"At ano rin ang karapatan mo para saktan ang mga bata!" I shouted in so much anger and pain. I can still hear their painful sobs. And those sobs are like fuel, igniting the flame of my rage.

"Nabasag nila ang mga gamit! Pinagbigyan ko na no'ng nakaraan! Ipagtatanggol mo? Mali ang nagawa nila!"

"Dahil lang sa mga 'yan? Eh kung ipalamon ko sayo ang mga figurine na 'yan!" I shouted. Pinanlisikan ko ng mata ang mga natira na figurine at tila sumabog 'yon at nawasak. Masama ko siyang tinignan.

"Istupida! Istupida at walang kwenta ang mga batang iyan! Napaka-kulit at walang modo! Manang-mana sa'yo!"

And I lost my control. My vision became clearer. Tinanggal ko sa pagkakuyom ang kamay nang humaba ang aking mga kuko at bumaon iyon sa aking palad. Ramdam ko ang paghaba ng aking mga pangil.

"Hayop ka, Deliah! Papatayin kita!" I shouted. Muling pumasok sa isip ko ang mga pasa sa katawan ng mga bata na kagagawan niya. Ang tinig nila habang nagmamakaawa na itigil ang paghataw ng patpat sa kanila. I cried even more and ran towards Deliah. Her eyes widen.

Sinugod ko siya nang puno ng luha. Hinuli ko ang kaniyang leeg saka siya binalibag. Nagkakagulo na ang utak ko at puno ng galit ang aking puso. All I can think is despite of Solemn and Solana's sweetness, nagawa niya pa rin itong saktan nang sobra. They are innocent. They don't deserve to be hurt like that. Hindi sila pwedeng saktan nang kahit sino.

Muli ko siyang pinulot sa kaniyang leeg at binaon sa pader. Rinig na rinig ko ang pagbitak ng pader. Itinaas ko ang isang kamay at kinalmot ang kaniyang mukha. I saw how tears clouded her eyes. Ngunit bulag ang kalooban ko para makita iyon. Mas idiniin ko siya sa pader at nakita kung paano tumusok ang mga bitak nito sa kaniyang balat. Muli ko siyang hinugot mula roon at malinaw kong narinig ang kaniyang pagsigaw. But I didn't care. Hinagis ko siya sa mga basag na gamit.

"Ngayon, humingi ka ng tulong sa mga pinaka-iingatan mo na 'yan!" I shouted. Puno ng sakit at galit ang kaniyang mata. Biglang lumutang ang mga basag na parte noon at tumutok sa direksyon ko. Ngumisi ako ngunit nawala iyon nang napunta iyon sa mga bata.

Tumigil ang tibok ng puso ko at ginamit ang aking bilis upang tumungo sa kanila. Agad ko silang niyakap. Napaarko ang aking katawan sa sakit ng pagbaon ng mga ito. Mariin akong pumikit sa sakit. Ramdam na ramdam ko ang pagkapunit ng aking balat sa iba't ibang parte, at ang pagbaon ng mga bubog. Ininda ko 'yon at pinagmasdan ang dalawang bata. Sa kabila ng hapdi at sakit ay napangiti ako nang makita na walang nadagdag na galos sa kanila. Tinignan nila ako at nabawasan ang sakit na nadarama ko.

"Momma, momma.." they cried even more. Pinatungo ko sila sa likod ng sofa at hinarap si Deliah.

I saw how she tried to attacked the kids. Agad ko siyang sinalubong at ipininid sa pader. Nanlaki ang kaniyang mata at pinagmasdan ako.

"Naaamoy kita.." aniya.

Hindi ko iyon pinansin at malakas siyang iniuntog sa pader. She cried in pain. Lalong nabitak ang pader at rinig na rinig ko ang pinsala noon sa kaniyang ulo. Ngunit galit ako at hindi makaramdam ng awa. Inulit-ulit ko 'yon hanggang magdugo ang kaniyang ulo. I want to kill her badly. Paano kung ibaon ko ang kamay sa kaniyang katawan at kunin ang kaniyang lamang loob? Tiyak na mamamatay na siya.

"I will kill you. I will really kill you. Hinding-hindi kita mapapatawad sa pananakit mo sa mga bata!" I shouted. Akma kong iuuntog muli ang kaniyang ulo nang ubod lakas ngunit may yumakap na mga bisig sa aking likod. I heard their sobs.

"Tama na po. Tama na Momma."

"I love you po.."

Natulala ako sandali. Unti-unti akong kumalma. Napatingin ako sa walang malay na si Deliah. Binitiwan ko siya at hinayaan na bumagsak sa sahig. Hinabol ko ang hininga at unti-unting hinarap si Solana at Solemn. They are crying. Lumuhod ako sa harap nila. Pinunas ko ang kamay sa aking damit bago hinawakan ang kanilang mga mukha. They are too innocent to be tainted with blood who came from an evil creature. Pinahid ko ang kanilang mga luha.

"Shhh," nanginginig ang boses na saad ko. "Tama na sa pag-cry. Hindi na kayo masasaktan ng kahit sino.." umiiyak na saad ko. Napuno mg lungkot at sakit ang puso ko habang nakikita ang nangingitim nilang mga pasa.

"Wag ka na rin po cry.." umiiyak na yumakap sa akin si Solana.

"Wag na po cry. Lalo kami naiiyak kapag iyak ka, eh.." Solemn said. Tumango ako at pinigil ang luha. Niyakap ko sila nang mahigpit. Ngayon ay nagsisisi ako kung bakit ko sila iniwan. Bakit hindi ko narinig agad ang pangyayari gayong malakas ang aking pandinig. O 'di kaya ay nagsimula ang lahat nang iyon nang sumakit ang aking puso at nabingi?

Napangiwi ako nang mahawakan nila ang mga sugat ko sa likod ngunit tiniis ko na 'wag nilang malaman. Ayokong mas mag-alala sila, mas matakot, at mas masaktan. Ako na lang. Akin na lang ang lahat ng iyon.

"Alis na po tayo rito, ayaw ko na rito. Magagalit si manong kasi mas love niya si Deliah kesa sa a-atin," umiiyak na saad ni Solemn. Napapikit ako nang mariin sa masakit na katotohanan na 'yon.

"Baka saktan niya rin po tayo. Ayaw ko na po. Alis na tayo here, Momma.." saad ni Solana.

Masyadong magulo ang utak ko para maproseso ang mga sinasabi nila. Ngunit tama nga siguro na umalis na kami.

"Aalis na t-tayo," pigil ang hikbing saad ko.

Dinala ko sila sa kwarto at kumuha ng cloak. Binalot ko sila roon at ako rin ay nagsuot. Hindi ko alam kung tatagal pa ako nang puno ng sugat ang aking likod. Ngunit umaasa ako na mabilis ang pagsarili nitong paggaling. Sinulyapan ko si Deliah bago kami lumabas. Maswerte pa rin siya na mayroong mga anghel akong mga kasama. They are the reason why I didn't kill her. Napigil nila ako.

Kinuha ko ang kabayo na nasa kwadra at isinakay ang dalawa roon. Nasa unahan ko si Solana at likod si Solemn. I don't know how to ride a horse, ngunit tila nakisama ang kabayo sa akin. Alam na nito ang gagawin at maingat na tumakbo. Pinakapit ko si Solana sa harap at sa akin naman si Solemn. Tiniis ko ang sakit ng pagka-ipit ng mga sugat ko sa likod.

Sandali akong napapikit at bumuntong-hininga. Masama ang pumatay. At ilang minuto lang ang nakararaan ay muntik ko na 'yon magawa ngunit hindi natuloy. Salamat sa dalawang bata na kasama ko ngayon. Ngunit kahit ngayon na malinaw na ang aking isipan, handa ako pumatay para sa kanilang dalawa. I don't know why, but my instinct says it all.

Pinanood ko ang tinatahak na daan ng kabayo. Hindi ko alam kung saan kami tutungo. Ngunit ang mahalaga ay mapalayo kami. Malayo sa maaaring makasakit sa amin.

*****

How's school? Hahaha. Good luck! Kaya niyo 'yan. 'Wag masyadong ma-stress. Enjoy! Love lots.

Supladdict<3

Continue Reading

You'll Also Like

184K 1.2K 7
Crimson City is the place of vampire. Pureblood, buzzard, bloodsucker are living in that place. What will happen if Terrie Cross and Ivonnah Kleir wh...
19.7M 580K 81
On her 18th birthday, Claret finds out that her destiny is to be a healer in Nemetio Spiran, a vampire world where all is not as it seems. ...
45.2K 1.7K 62
"Take me to your dreams and I'll take you as my paradise,"-Nicolas ******...
The Game of Cards By RedCandy

Mystery / Thriller

8.3K 473 93
The cards determine your life in your school for a month. Rosella Salvador got appointed to investigate a certain student to a certain school. Instea...