Rage
Halos hindi ako mapalagay nang gabi na 'yon. Hindi mawala sa isip ko ang narinig. Malalim kong pinag-isipan kaya naging mailap na sa akin ang pagtulog. Hindi ko alam kung paanong nalaman niya ang una kong pangalan. Pinakiramdaman ko sila Simon at Siana ngunit mukhang hindi nila 'yon napansin dahil abala ang ina sa pag-papaalala sa anak. Samantalang si Master ay dire-diretso nang umalis.
Now I'm wondering, paano niya nalaman? O baka naman, hindi sinasadya na nabanggit ko 'yon? Ngunit kahit anong pilit na pag-alala ay wala akong maisip na sitwasyon na nabanggit ko ang una kong pangalan lalo na't maingat ako sa aking pagkatao. Or maybe, I just heard him wrong? I sighed. Hindi ko na alam.
Maya-maya pa ay kinatok na ako ni Simon, handa na para umalis. Kinuha ko ang bag na ibinigay sa akin ni Siana. Laking pasasalamat ko sa kaniya dahil binigyan niya ako ng mga damit noong nakaraan kaya meron ako. Ngayon ay pinasuot niya sa akin ang kulay pula na off-shoulder dress, hanggang ilalim ng tuhod ang abot. Komportable 'yon at kahit simple ay maganda. Bitbit ang bag at cloak ay lumabas na ako ng silid.
Natagpuan ko sila sa may tarangkahan. Paalala nang paalala si Siana sa kaniyang anak na huwag maging makulit at huwag lalayo sa amin. Napangiti ako nang makita na niyakap nito ang anak at ilang beses na hinalikan sa noo. Nawala ang atensyon ko sa kanila nang makaramdam ng titig. At noon ko lang napagtanto na tila masama ang titig sa akin ni Master. Madilim ang tingin sa akin ng kulay pilak niyang mga mata.
"B-bakit?" halos bulong ko. Umiwas siya ng tingin at tumungo sa malaking pinto, handa na para lumabas.
Napayuko ako nang may maliliit na kamay ang humawak sa akin. I saw Simon looking up to me. His eyes are twinkling because of excitement. Ang isa niyang kamay ay mahigpit ang hawak sa isang strap ng bag.
"Tara na, ate Ganda!" He almost shouted. I giggled and nodded.
Nagpaalam ako kay Siana. Halos nabigla ako nang niyakap niya ako at ilang beses na sinabihan na mag-ingat ako. I can't help but to stare at her gently. She's really a mother. Pakiramdam ko ay anak din ang turing niya sa akin. And it makes my heart warm and happy. Ngumiti ako sa kaniya at yumakap bago umalis.
Sa labas ay naghihintay sa amin ang sasakyan na tulad dati. Hila-hila ng dalawang kabayo ang gawa sa matibay na kahoy na sasakyan namin. Nakaupo roon ang dalawang tauhan ni Master. Napanguso ako nang mapagtanto na nauna na pala ito sa loob. Sumunod si Simon at huli ako. Nasa gitna namin ang bata na hindi maipagkaila ang pananabik. Bago tumakbo ang kabayo ay kumaway ako kay Siana na buhat si Morphy. Natatawa na naaawa ako kay Morphy dahil malungkot itong nakatingin sa amin, and he looks cute.
Nagsimula na ang biyahe. Halos 'di mapalagay si Simon. Natatawa ako sa kinikilos niya at napapailing.
"Labis na akong nananabik, ate Ganda," aniya. Napabungisngis ako at kimurot ang pisngi niya.
"Halata nga," natatawang saad ko. Ngumuso siya.
"Hindi ko alam kung bakit ako nananabik. Halos nakita ko na rin naman ang bayan. Siguro ay namimiss ko lang dahil madalas na ako sa palasyo," aniya. Tumango ako at hinaplos ang kaniyang buhok. Tinignan niya ako at ngumisi sa akin.
"Ang ganda-ganda mo, ate Ganda. Naku! Maraming mamamangha sayo sa bayan. Tapos tignan mo pa ang damit mo, ang ganda-ganda. Tiyak na na marami sa iyong maaakit. Bagay na bagay sayo ang pula. Tapos maraming titingi—"
"Kailangan niyang isuot ang cloak, Simon. Malamig sa bayan," biglang singit ni Master. Napatingin kami sa kaniya. Bahagyang kumunot ang noo ni Simon.
"Ang alam ko po, mahina na ang pagbagsak ng mga niyebe ngayon, Master. Kayang-kaya na 'yon ni ate Ganda. Tsaka gusto ko ipagmayabang na maganda ang ate ko.." aniya. Napahagikhik ako sa sinabi niya. Kinurot-kurot ko ang kaniyang pisngi at tuwang-tuwa naman siya.
Hindi na umimik si Master matapos noon. Kung hindi ko kakayanin ang lamig ay susuotin ko naman ang cloak na bitbit ko. Kung kaya naman ay hindi na dahil medyo sagabal 'yon.
Ilang minuto pa ay hindi na matarik ang dinadaanan namin. Mas lumapit ako sa may bintana saka 'yon binuksan at doon sumilip. Mayroon ng mga kabahayan. Napangiti ako nang madaanan namin ang tahanan nila Simon.
"Ate Ganda, ate Ganda! Malapit na tayo," aniya. Natatawang tumango ako sa kaniya.
Lumipas pa ang ilang minuto ay marami ng nilalang na nagkalat sa paligid. Napangiti ako at pinagmasdan sila. Dumaan sa ilalim ng arko ang sasakyan namin at hindi ko man lang nakita kung ano ang nakasulat doon. Naaagaw ng sasakyan ang atensyon ng iilan. Tumigil na ito sa gilid at lalong tumaas ang pananabik na nararamdaman ko.
"Narito na tayoooo!" Magiliw na saad ni Simon.
Bumukas ang pinto sa tabi ko. Dahan-dahan akong bumaba at pinanood ang pagtapak ng paa ko sa daan na natatakpan ng maninipis na niyebe. Napatingala ako at napangiti nang makita ang mabagal na pagbagsak ng mga ito. Agad lumapit sa akin si Simon nang makababa at sumunod sa kaniya si Master.
Kinausap ni Master sandali ang tauhan. Maya-maya pa ay umalis na ito dala ang sasakyan. Bumungad sa akin ang maraming mga nilalang. Agad akong sumunod nang magsimulang maglakad si Master. Kada tapak niya ay nag-iiwan ng bakas sa niyebe ang suot niyang boots. Si Simon at ako rin ay naka-boots. Dahil kung normal na sapin sa paa ang gagamitin, agad kaming lalamigin.
Sa paghinga na ginagawa ko ay tila ba may usok na lumalabas. Simon laughed and breath fastly, playing with the smoke-like coming out from his mouth. Napahagikhik ako at ginaya siya kaya tawa tuloy siya nang tawa.
"Ate Ganda, ang inosente mo," sinundan niya 'yon ng hagalpak. Lumabi ako kapagkuwan ay ngumiti na rin.
Nawala ang ngiti ko nang makita si Master na bahagya nang malayo sa amin. Huminto siya at masama ang tingin sa akin habang naghihintay. Nataranta ako at agad na tumakbo palapit sa kaniya habang hawak si Simon sa kamay.
"Ang bagal mo," aniya. Napanguso ako at nabigla nang kinuha niya ang kamay ko at mahigpit 'yon na hinawakan. Mahina akong suminghap at kinalma ang sarili. Halos mahila niya ako sa bilis ng paglalakad niya.
"Ang bilis," bulong ko.
Maya-maya ay bumibigat ang hawak sa akin ni Simon. My arm was already extended fully. Nagpapabigat siya at halos 'di na naglalakad kaya hila-hila ko na siya. Napangiti ako at ginaya rin siya. Tumigil ako sa paglalakad, nagpabigat at hinayaan si Master na hilain ako. Seryoso niya akong nilingon. Akala ko ay papagalitan niya ako ngunit bahagya siyang umiling saka nagpatuloy sa paglalakad, hila ako, habang hila ko si Simon.
I laughed and looked around. Napaawang ang labi ko nang makita ang pamilihan. May mga malalaking mesa na gawa sa kahoy at doon nakalatag ang kanilang mga produkto. Kaniya-kaniya sila sa pag-akit ng mga mamimili. Ang mga mamimili naman ay sinusuri ang mga 'yon. Napangiti ako sa kasimplehan nila.
Nakalimutan ko ang sitwasyon at bigla akong bumitaw kay Master, huli na para mapagtanto ang mangyayari. Tumalsik kami ni Simon at sumadsad sa tambak na mga niyebe. Napangiwi ako nang bahagya akong matakpan ng mga niyebe. Naramdaman ko ang panginginig ng katawan ni Simon dahil sa pagtawa kaya napatawa na rin ako. Dahil nasa likod ko siya kanina ay nadaganan ko siya. Agad akong umupo habang tumatawa. He's laughing hardly while helping himself to sit up. Tinulungan ko siya at tinanggal ang mga niyebe sa katawan niya.
"Ang saya no'n, ate Ganda! Isa pa!" he said. I giggled and throw a ball of snow at him. Natigilan siya at ginantihan ako
"Ang kulit. You're damn stubborn."
Nabigla ako nang may humawak sa magkabila kong bewang at halos kargahin ako patayo. Inikot niya ako paharap sa kaniya at naabutan siya na nagtagis ang bagang. Kunot na kunot ang noo. Napalabi ako ngunit agad siyang umiwas ng tingin.
"Can you be more careful? Bakit ka bumitaw sa akin? At mag-ingat ka sa kilos mo dahil alalahanin mo na halos kita na ang kaluluwa mo diyan sa suot mo na damit," gigil niyang saad. Halos 'di na bumuka ang kaniyang bibig.
"S-sorry," napakurap ako at yumuko. Halos mapaigtad ako nang hawakan niya ang parte ng damit na nasa may dibdib ko at tinaas 'yon. Pumula ang aking pisngi nang maramdaman ang kaniyang darili sa aking balat. Tila galit na galit siya.
Sinulayapan ko si Simon na pormal na sa isang tabi. Lalo akong napanguso.
"Sorry ulit..." Bulong ko. Inayos niya ang bandang palda ng dress ko dahil natupi 'yon at nalukot dahilan para makita ang hita ko. Lalo siyang nagalit.
Kinuha niya ang bitbit ko na cloak saka 'yon niladlad. Seryosong-seryoso siya. Kinuha niya ang bag ko at sinuot sa balikat bago sa akin pinasuot ang kulay itim na cloak. Parang bata na inalalayan pa niya ako para maipasok ang kamay ko sa sleeve noon. Siya na rin ang nagtali ng laso sa may leeg ko habang titig na titig ako sa mata niya.
"Patawad," bulong ko ulit. "Hindi na ako kukulit ulit," nakalabi na saad ko. Tinitigan niya ako pabalik. Sinulyapan niya ang hood ng cloak at para bang gusto pa 'yon ipasuot sa akin kaya agad akong umiling.
Napailing siya saka ako tinalikuran at nagpatuloy sa paglalakad. Siya na ang may bitbit ng bag ko. Nagkatinginan kami ni Simon habang kapwa na nakanguso at sabay na tahimik na humagikhik. Hinawakan ko ang kamay niya at sumunod na kay Master. Noon ko lang napansin na marami na palang nakatingin sa amin.
Tumingin-tingin ako sa paligid habang naglalakad kami. Nalibang ako na pagmasdan ang mga ginagawa nila. Sinulayapan ko si Master na bahagyang nauuna sa amin. Kapansin-pansin ang pagkamangha sa mga babaeng nilalang sa tuwing makikita si Master. Ngunit pumopormal sila— ang lahat ng kaniyang nadadaanan kapag nakita nila 'to. It's like they are respecting him so much. At mababakas din ang takot nila para dito.
At paglumampas kay Master ay magtatagal sa akin. Hindi ko naman alam ang dapat na reaksyon kaya 'di ko na lamang pinapansin. Nakaramdam din ako ng kaba dahil tila nagtatanong ang kanilang mga titig. Nagtatakha kung sino ako, bakit ako naroon, at ano ang koneksyon ko sa nauunang lalake. I sighed and made my walk faster.
Lumiko si Master sa isang eskinita saka pumasok sa isang magandang tindahan. Naiiba sa lugar na 'yon ang tindahan na 'yon dahil tila bahay. May dingding at pinto. Hindi katulad sa labas na nakalatag lamang sa mga mesa. Dire-diretso na pumasok si Master na tila ba inaasahan na siya roon. Tumunog ang nagambala na palamuti sa may taas ng pinto sa pagbukas ng pinto.
"Sa tingin mo ba, pwede tayo pumasok, Simon?" tanong ko sa kaniya. He nodded.
"Kasama tayo ni Master. At lagot sila kapag hindi!" Tila mayabang niyang saad. Napangiti ako at binuksan ang pinto.
Dahan-dahan kaming pumasok. Pagpasok ay tila isang bakanteng espasyo lamang at may isa pang pinto na gawa sa salamin. Sumilip kami roon at nakita ko ang mga paninda ng may-ari. Kung anu-ano ang naroon na tila mamahalin. May mga makalumang figurine, mga napakagandang tela, mga mwebles at kung anu-ano pa. Gumalaw ang kurtina sa loob at lumabas doon si Master kasunod ang isang matandang lalake. I suddenly knew that he's a witch.
Nakangiti ang matanda at tila galak na galak na kausap si Master. While Master is in his usual serious face. Hindi ko marinig ang mga sinasabi nila at sa tingin ko ay may kinalaman dito ang kakayahan ng may-ari. The old man's eyes stopped on me. Kahit may pagitan na salamin ay kitang-kita ko ang pagtatakha sa kaniya. Nagsalita siya kapagkuwan ay nilingon kami ni Master. I smiled and wave at him. Master stared at me. Kinagat niya ang labi at umiwas ng tingin saka nagsalita muli.
Maya-maya pa ay naging seryoso na rin ang matanda at tumitig sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kaya ngumiti na lang sa kaniya at umiwas ng tingin. Nang wala na sa akin ang atensyon nila ay tinusok ko ng hintuturo ang malambot na pisngi ni Simon.
"Labas tayo," I said. Ngumiti siya ngunit nawala bigla.
"Baka pagalitan tayo ni Master," aniya. Ngumuso ako.
"Diyan lang tayo sa malapit. Tsaka ano naman gagawin natin dito, 'di ba?" tanong ko. Nag-isip siya kapagkuwan ay tumango.
"Sige na nga, tara!"
Mabilis akong kumilos at lumabas kami mula roon. Patalon-talon kaming naglalakad ni Simon at tumingin-tingin sa paligid. Napunta ang atensyon ko sa isang kumpulan.
"Ano 'yon?"
"Puntahan natin, ate!"
Agad tumakbo si Simon, hila-hila ako. Nakangiti naman akong nagpatianod. Napahagikhik ako nang basta-basta siyang sumiksik dahilan para mahawi ang mga nanonood at makaabot kami sa harap. Nanlaki ang mata ko nang makita na isa palang matandang mahikero ang naroon. Nagpapakita siya nang mga nakamamanghang bagay.
Napapalakpak ako nang malakas nang biglang may lumitaw na ibon mula sa kaniyang sumbrero. Inagaw naman ni Simon ang atensyon ko na tila yamot.
"Bakit?" tanong ko.
"Bakit tuwang-tuwa ka ate?" Tanong niya.
"Ang galing kaya! Ang galing-galing!" Napapalakpak muli ako nang magpakita muli siya ng nakamamangha na bagay.
"Ate, may daya 'yan.."
Hindi ko siya pinansin at nanood na lamang. Napagtanto ko na ako lang pala ang pumapalakpak. Ang maraming nanonood kanina ay nagsialisan na. Narinig ko mula sa kanila na manloloko raw, mandaraya, walang kwenta at nakababagot ang ginawa ng mahikero. Kumunot naman ang noo ko at hindi sila maintindihan.
Nakita ko ang lungkot sa mata ng mahikero. Ngunit nang makita ako ay tila nabuhayan siya. I smiled and clapped on his tricks. Umupo na rin ako sa harap niya habang nanonood ng kaniyang mga ginagawa.
"Ang galing mo naman po!" Puri ko sa kaniya matapos ang isang tricks na ginagawa niya. Si Simon ay tila nakikisama na lang sa akin.
The old man smiled. Umupo siya sa aking harap at titig na titig sa akin.
"Salamat. Nagustuhan mo ba?" Nakangiti niyang saad. Agad naman akong tumango-tango. Maya-maya ay bumuntong-hininga siya na tila nalulungkot.
"Mabuti at nagustuhan mo. Marami ang hindi ito nagugustuhan. Akala nila ay niloloko ko sila at dinaraya," aniya. Nakaramdam ako ng lungkot dahil ramdam na ramdam ko ang kaniyang emosyon.
"Oo nga po, narinig ko. Pero bakit gano'n, kahit halos ayaw na nang marami ay pinagpapatuloy mo pa rin? Tapos halos isa na lang naman ako na nanonood," saad ko at sinulyapan si Simon na napanguso.
Mabait siyang ngumiti sa akin.
"Hindi mahalaga ang dami, hija. Siguro ay nakagagana nga na marami ang manonood. Pero para sa akin, kahit may isa lang ako na mapasaya, sobra-sobra na 'yon sa akin," he sighed. "At kahit halos wala ng naniniwala sayo at wala ng may gusto sa ginagawa mo, kung mahal mo 'to, ipagpatuloy mo. Iyon ang mahalaga. Huwag na huwag kang mabubuhay para sa iba. Minsan sa buhay mo, mahalaga na sinusunod mo ang gusto mo. Dahil sa pagtatapos ng araw, sino ang nariyan para sayo? Hindi ba't ang sarili mo lang din. Kaya mahalaga rin na pagbigyan mo ang sarili mo. Ang minamahal mo."
Natulala ako sa sinabi niya. Tila hinaplos ang puso ko. Hindi ko napigilang abutin ang kaniyang kamay. Natulala siya at mariin na tumitig sa akin. Unti-unting gumuhit ang pagkamangha sa kaniyang mukha.
"Masaya ako na may nilalang pa na tulad mo. Tanong ko lang po, masaya ba kapag gano'n? Kapag iniintindi mo rin ang sarili mo? Na hindi para sa iba ang ginagawa mo?" tanong ko. Ngumiti siya at tumango-tango.
"Oo naman. Hindi naman ibig sabihin noon ay pagiging makasarili. Halos kasi ng mga nilalang ngayon ay nabubuhay sa dikta ng iba. Pilit na pinagsisiksikan ang sarili sa mga bagay na 'di gusto dahil 'yon ang ikasisiya ng marami. Ngunit paano ka? Paano ang sarili mo. Kaya ako, ito. Pinagpapatuloy ko ang ginagawa ko. Dahil dito ay sumasaya ako. Sabihin man nila na hindi 'to totoo at mandaraya ako, alam ko sa sarili na hindi. At dahil sa pagpapakatotoo ko, nakakakita rin ako ng mga tulad mo," aniya. Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n kamangha ang kaniyang ekspresyon. Ngunit napagtanto ko kung bakit.
"Minsan ay gusto ko ng sumuko. Masakit dahil wala ngang natutuwa sa akin. Ngunit noon ay ginagawa ko rin naman ang lahat para sa iba ngunit may nasabi pa rin sila. Kaya pinili ko 'to. At ngayon, hindi ako nagsisisi na pinili ko 'to. Hinding-hindi ako magsisisi dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na makaharap ang isang.." matamis siyang ngumiti. Nabigla ako nang may umalpas na luha mula sa kaniyang mata. Nataranta ako ngunit natigilan din nang magsalita siya.
"Diyosa...napakaswerte ko. Ako'y pinagpala. Dahil nakausap ko sa mundong puno ng kasamaan ang isang tulad mong puro at napakabuti. Isang diyosa," aniya.
Napalunok ako. Agad akong tumingin sa paligid ngunit wala naman sa amin ang atensyon nila. Kahit si Simon ay abala sa paglalaro sa ibon. Hinarap ko muli ang matanda na nakangiti at namamangha na nakatingin sa akin.
"P-paanong.."
"Kasama sa kakayahan ko. H'wag kang mag-alala. Ligtas ang sikreto mo sa akin. Walang makakaalam na ang isang tulad mo ay narito sa mundo namin," aniya.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Humigpit ang hawak ko sa kamay niya.
"Marami po ba kayong alam sa lugar na 'to?" tanong ko. Tumawa siya nang buong puso at muling tumingin sa akin.
"Halos alam ko ang lahat," aniya. Nanlaki ang mata ko.
"Kung ganoon, alam niyo po ba kung nasaan ang Bloodstone Palace?" Kabadong tanong ko.
"Doon ka nanggaling?" tanong niya. Unti-unti akong tumango.
"Napakalayo nang narating mo kung ganoon," saad niya
"Nasaan po ba ako kung gaanon?" tanong ko, hindi mapakali.
Napailing-iling siya.
"Hindi ka nababagay sa lugar na 'to," humigpit ang hawak niya sa akin. "Dapat makaalis ka na agad. Hindi ka ligtas dito."
"N-nasaan po ako?" halos mangiyak-ngiyak kong tanong. Nakararamdam ako ng pag-asa at takot nang sabay. At hindi magandang kombinasyon 'yon.
"Nasa ibang dimensyon ka. Ikaw ay nasa madilim na mundo, dark world. Ang halos ng masasama ay narito.."
Nanlaki ang mata ko.
"Nasa impyerno ako?" tanong ko. Malungkot siyang ngumiti.
"Hindi. Ngunit nasa lugar ka kung saan makikita ang impyerno."
Nabigla ako nang may humila sa akin patayo. Agad akong nagpumiglas at bahagyang natigilan nang makita na si Master 'yon. Nagtagis ang kaniyang bagang at halos kaladkarin ako palayo. Gusto kong magpumiglas dahil ang dami ko pang tanong ngunit malakas siya. Huminto kami nang nasa may sulok na kami.
"Bakit kayo umalis? At bakit ka nakikipag-usap sa matandang 'yon?" Tila nagtitimpi niyang saad.
"Totoo ba? Totoo ba ang mga sinabi niya?" tanong ko. Kumunot ang noo niya.
"Kung ano man ang sinabi niya ay kalokohan lamang! Baliw ang isang 'yon at mapanganib! Paano kung sinaktan ka niya? Paano, huh?"
"No! Hindi siya sinungaling! Nalaman nga niya kung ano ak—"
"At nagpahawak ka pa sa kaniya? Fuck!" Kinuha niya ang kamay ko at nabigla ako nang makita na may itim na bilog sa aking palad. Ilang beses siyang napamura at kinaladkad ako papasok sa pinanggalingan niya kanina.
"Papatayin ko siya!" he hissed. Nanlaki ang mata ko.
"Ano? Anong papatayin!" I shouted.
Sinalubong kami ng matanda at tila naguguluhan sa galit na nakikita sa amin pareho.
"Gamutin mo siya," mariin na saad niya sa matanda.
"Anong nangyari?" tanong ng matandang mangkukulam.
"Hindi mo siya papatayin, Master!" saad ko. Masamang-masama ang tingin niya sa akin at halos maramdaman ko ang panginginig dahil sa takot. Tila gigil na gigil siya dahil mas nakikita ang ugat sa kaniyang leeg at braso. Panay din ang pag-igting ng kaniyang panga. Kuyom na kuyom ang kamao.
"Sinubukan ng baliw na mahikerong kunin ang kaluluwa niya!" Nagngangalit na saad ni Master. Natulala ako. Nataranta ang matanda at tinignan ang palad ko. Natulala ako roon at halos 'di na mapansin ang mga kilos sa paligid.
"Ngayon, sabihin mo sa akin kung hindi ba siya karapat-dapat na patayin? Pinakialaman ka niya! Pinakialaman niya ang akin!"
Hindi ako nakasagot. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. I'm so confused. What should I do?
Nakarinig ako ng pagkabasag. Kitang-kita ang galit sa kaniya. Si Simon ay nakayuko na sa isang tabi at humihikbi.
"Kumalma ka.." saad ng matanda.
"Papatayin ko siya!" Akma siyang lalabas kaya napasigaw ako.
"Wag! H'wag mo siyang papatayin!" I shouted.
Nahawakan niya ang pintong salamin at agad 'yon na nabasag. Nanlaki ang mata ko. Ramdam na ramdam ko na ang galit niya. Kitang-kita 'yon sa mga mata niya na halos maging itim na sa sobrang dilim at halos makita ko na ang itim niyang aura.
"Kumalma ka! Kumalma ka Makheus!" Sigaw ng matandang mangkukulam.
*****
Enjoy! Hahaha! Anticipate for next chapters, buwahaha. Padami na nang padami ang revelations. Halos magsisimula na ang kwento. Hahaha. Salamat sa pagbabasa!
Supladdict<3