"Are you excited, Luna?" My mother asked as we both waited for the clock to drop its last tick at exactly twelve midnight. It will be my birthday in just a few more minutes from now; I'm turning sixteen.
I look at my mother and nodded my head happily. I mean, who wouldn't be excited for their birthday, right?
Every year, this has almost been our ritual already. We'll always wait 'til twelve midnight so she could greet me first. Well, para namang may iba pang babati sa'kin e' wala naman kaming mga kakilala o kahit mga kapitbahay man lang. Our place is kind of secluded. Hindi rin ako pinapalabas ng bahay kaya wala ring mga kaibigan. Does it makes me sad? Not really. I have parents and my dog with me, I'm already contented.
"Look at the moon, mama. Ang ganda, 'di ba?" Namamanghang bulalas ko habang nakasilip sa kabilugan ng buwan na ngayon ay tanaw mula rito sa bintana ng kwarto ko.
Marahang tinangay ng hangin ang buhok ko kaya naman inayos iyon ni mama saka ngumiti sa akin.
“Alam mo ba na no'ng ipinanganak kita ay kabilugan din ng buwan no'n? Kaya nga pinangalanan kitang Luna Hyrreti dahil kasing ganda mo ang buwan. You're as beautiful and as mesmerizing as the moon, Luna.”
Her voice was soothing, almost like a wind gently brushing on my skin. I couldn't help but admire her. Her eyes, which were now illuminated by the moonlight and gleaming like a blue ocean, were so beautiful. It was like a reflection of mine, a pair of blue sapphire orbs.
"You're beautiful too, mama," I replied and hug her.
We both giggled but were just halted by the faint sound of the small clock placed on the side table of my bed.
Tumunog iyon, indikasyon na alas dose na nang hating gabi. Ibig sabihin ay kaarawan ko na. Humilaway siya sa pag ka-kayakap sa akin at may kung anong dinukot mula sa maliit na bulsa ng suot niyang blusa.
“Happy birthday, anak ko. Ito ag regalo ni mama. Binili ko pa yan sa bayan para sa 'yo," bulong niya.
Sa bayan?
Just hearing that word makes me more excited and hopeful. I always wanted to go there. Ang sabi ni mama ay masaya raw doon pero masyadong magulo para sa akin. I wish to go there and meet some people too. Sadly, I can't.
Napatingin ako sa kamay niya nang e' abot niya sa akin ang maliit na kulay itim na maliit na kahon.
Yes, I grew up isolated from the world around me, but with her and my father beside me, I have nothing to complain. They were more than enough for me to be happy. More than enough.
"Open it. I'm sure you will like it," saad niya na mabilis ko namang sinunod.
It was a necklace with a silver moon pendant. Mangha ko iyong tinitigan.
"Ang ganda, mama" I exclaimed, amazed. My eyes lit up in happiness.
"Mabuti naman at nagustuhan mo. Tara at hintayin na natin ang ama mo sa baba. Sigurado akong nag mamadali ring umuwi 'yon ngayon para batiin ka sa kaarawan mo."
Tumango ako saka ko itinago sa loob ng bulsa ng jacket ko ang kwintas na ibinigay niya.
We both went out of my room talking about some stuff for tomorrow to further celebrate my birthday.
Papa's late again, as usual. It's because of his work. Sabi ni mama na hindi madali ang trabaho ni papa kaya naman ginagabi ito sa pag-uwi. Well, I've already gotten used to it so it's no big deal. I just hope it won't affect his health.
We were walking down the stairs when our front door banged open. I gasped in shock but my surprised face swiftly turned into confusion when I saw my father, hurriedly shutting the door before nervously leaning into it.
He's perspiring hard and he also looks pale.
“Hulyo...” tawag ni mama sa kaniya kaya naman mabilis siyang napatingin sa direksyon namin. My confusion heightened up as I saw dread etched on his pair of eyes.
Why does he look so terrified? Para siyang nakakita ng multo.
“What happened, Hulyo-”
“Umalis muna kayo ni Hyretti. Sa may kabilang bayan, doon sa isa pa nating bahay, doon muna kayo tumuloy.”
Sumilip siya sa maliit na butas sa pintuan at parang may tinitignan na kung ano roon.
“Anak ng puta! Paanong nandito na agad sila?”
Lumayo siya sa pinto at nagmamadaling tumakbo papalapit sa amin. Inabot niya ang kamay ko at pinilit na ngumiti kahit bakas sa mukha niya ang labis na takot. Kahit ang kamay niya ay nanginginig na rin.
“Luna, anak...”
“What's going on, papa?” Nagtatakang tanong ko pero sa halip na sagutin ay umiling lang siya.
“Ang mama mo, sumama ka muna sa mama mo, anak. Aayusin ni papa ang lahat. Umalis muna kayo, susunod ako, hm?”
Tumingin siya kay mama at hindi pa man ako nakakasagot ay kaagad na akong hinila ni mama pabalik sa kwarto ko.
Naiwan naman si papa sa baba. Nakita ko pa siyang kinasa ang isang baril. Nanlaki ang mga mata ko at pilit na kumawala sa hawak ni mama pero dahil sa desperasyon niya ay hindi rin ako makawala.
“Mama, ano ba'ng nangyayari?”
We were just celebrating my birthday a few minutes ago and now—everything quickly turned into a disaster.
Nang makapasok kami sa kwarto ko ay mabilis na tumakbo si mama papunta sa kabinet ko. Kumuha siya roon ng isang jacket at mabilis ding bumalik sa kinaroroonan ko para ibalot iyon sa akin.
“Mama,” tawag ko, nagbabakasakaling makakuha ng sagot.
Umangat ang paningin niya sa akin.
“We need to follow your father, sweetie. Aalis tayo ngayon na.”
Nanlaki ang mga mata ko. I don't know who are coming or what are they up to but I'm not leaving papa with those people.
"Let's go, Hyrreti! We don't have time now, hm. Listen to mama, please." Masuyong saad ni mama saka niya ako mabilis na hinila papunta sa bintana ng kwarto ko.
Plano niya bang tumalon kami? Hindi mababa ang bintana ng kwarto ko kaya naman hindi ko alam kung bakit balak niyang doon kami dumaan?
"Mama, si papa po..." reklamo ko pero hindi niya ako pinakinggan.
Kaagad kaming napahinto nang umalingawngaw ang malakas na putok ng baril sa baba. Kasunod no'n ang malalakas na mga tunog nang mga nasisirang gamit.
“No—papa...”
My mind was clouded with so many negative thoughts but I'm still trying to denied it; I was convincing myself that everything are just fine.
“I'll go check on papa, ma. Just stay...” I didn't manage to finish my words when mama briskly covered my mouth.
We heard loud stamps coming towards my room. Hinila ako ni mama para magtago sa tabi ng isang lamesa. She's covering my mouth and I can feel her hand shaking.
Nanikip ang dibdib ko nang makita ko ang gumuhit na takot sa kaniyang mga mata.
“Mama...” nagsimula na ring manubig ang mga mata ko.
Mamamatay ba kami ngayong gabi? Pero bakit? Anong kasalanan namin? Bakit gusto kaming patayin?
She looks down on me. Kahit na umiiiyak na dahil sa takot ay nagawa niya paring ngumiti at hinaplos ang buhok ko. “Luna anak, patawarin mo si mama, hm?” nanginginig ang boses na bulong nito.
“Hindi—hindi ito ang gusto ni mama, Luna. Hindi ka dapat nadadamay rito. Hindi ito ang gusto ni mama...”
We could hear commotion downstairs. There are loud gunshots and I can hear their loud cries for help.
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pag sigaw ni papa dahil sa sakit. Mabilis akong napatayo at kumawala sa pagkakahawak ni mama.
"Hyrreti, no!" pigil niya pero hindi niya na natuloy nang tumakbo na ako papalapit sa pintuan. Nakaawang iyon kaya nasisilip ko ang kaguluhan sa labas. Nanuyo ang lalamunan ko.
Marami...marami sila. They're all wearing black. Isa sa pumukaw sa atensyon ko ay ang mapupula nilang mga mata.
“They're not humans...”
I gulp when I saw my father kneeling on the floor. A man in black is pointing a gun on his head. And before I could even protest, the loud gunshot already ranged in the whole mansion, followed by my father's loud cry of pain.
“Papa!” I exclaimed.
Habol ko ang paghinga ko nang magising ako mula sa masamang panaginip na iyon. That the same nightmare again that keep on haunting me for four years now.
Napahilamos ako ng mukha ko saka ako dahan-dahang naupo sa kama ko. I harshly brush the beads of sweat that is slipping on the side of my cheeks.
Bubuga na sana ako ng buntong hininga pero agad din naman akong dumapa at gumulong pababa nang maramdaman ko ang matalim na bagay na bumubulusok papunta sa direksyon ko.
Sinundan ko ng tingin ang dagger na kamuntik na sanang humiwa sa lalamunan ko. I watched it as it landed on my pillow-made a cut on its surface-and ended up creating a mess on my bed. I rolled my eyes in annoyance. What a lovely way to start a day. My sleepy soul was jolted awake, all thanks to this not-so-lethal attack from someone who's obviously not normal.
Halos araw-araw ay ganito nalang palagi ang ganap sa buhay ko. Puno ng aksyon at mga buwis buhay na mga kaganapan. Kung hindi lang sana malakas ang pandama ko ay baka pinaglalamayan na ako ngayon.
I cuss when I felt a sting on my back due to my sudden movement earlier just to elude the attack of this son of a b-tch. Napairap nalang ako. Kahit nakakapikon ay wala rin naman akong balak na magreklamo. In this facility, facing death is just a part of my training. Mabuti narin iyon at nang mas maihanda ko pa ang sarili ko sa mga gagawin ko sa mga susunod na araw.
Kaagad kong kinuha ang maliit na kutsilyong nakatago sa ilalim ng kama ko at nang makahanap ng pagkakataon ay kaagad ko iyong ibinato papunta sa direksyon ng taong nakatayo ngayon sa isang sulok ng kwarto ko.
Mukha namang hindi niya inaasahan ang biglaang pag ataki ko na iyon dahilan para hindi kaagad siya makailag. Mabuti nalang at magaling akong umasinta at sa eksaktong gilid lang ng ulo niya tumama ang kutsilyong ibinato ko.
A victorious grin curled on my lips as I got up from my hiding position, fully satisfied with the mixed terror and shocked reaction painted on his face. Buti nga sa kaniya.
“Good morning, Kuya Dominic,” sarkastikong bati ko sa kaniya saka ako naglakad papunta sa side table ng kama ko kung saan nakapatong ang scrunchies na siyang ginagamit ko pantali ng buhok ko.
I put my hair on a messy bun first before I turn to face him. Napailing naman siya saka siya ngumiti nang makabawi na siya mula sa pagkagulat.
Meet Kuya Dominic, he's not my real brother pero parang ganun narin ang turing ko sa kaniya. He's the one who saved me that night when a bunch of bloodsuckers attacked our home. Kung hindi siya dumating no'ng gabing 'yon siguro ngayon ay baka patay narin ako. I don't know why he's there and my memories of that night isn't really vivid to me but I still thank him for saving my life. Hindi niya ako hinayaang mamatay sa kamay ng mga halimaw na iyon.
Four years ago, my parents died. And after that night, I became a part of the Zapero Organization. It is an organization that aims to exterminate the race of vampires. The organization has been running for years now. At ilang taon narin nilang pinagpa-planuhan nang mabuti kung paano ubosin ang lahi ng mga bampira.
“You never fail to impress me, kapatid.” Manghang kumplemento niya saka siya lumapit.
Iniabot niya sa 'kin ang kutsilyong ibinato ko sa kaniya kanina. Kinuha ko naman iyon saka iyon ipinatong sa itaas ng lamesa na katabi ng kama ko.
“I don't think they can handle you. Baka ma kick out ka agad.”
Hindi ako sumagot sa halip ay binigyan lang siya nang nagtatanong na tingin.
Bakit nga ba nandito na naman sa kwarto ko ang lalaking 'to ng ganito kaaga? Ni hindi niya man lang hinintay na tuloyang magising ang kaluluwa ko bago siya umatake. Wala talaga siyang pinipiling oras eh. Minsan pa nga ay bigla nalang siyang mangbabato ng patalim kahit tahimik lang ako na naglalakad sa pasilyo. Naaalala ko pa noon na habang natutulog ako ay iginapos ako nito at ang mokong, itinapon ako sa malaking swimming ground ng pasilidad. Muntik na akong mamatay noon dahil kinapos ako nang hangin pero nagawa ko rin namang makawala sa pagkakagapos at nakalangoy pataas para isalba ang sarili ko. Siyempre, bumawi ako at ikinulong din siya sa cold storage warehouse sa laboratory room. Isang gabi siya roon, buti nga at buhay pa siya no'ng binalikan ko kinaumagahan.
Hindi ko alam kung ilang beses ko nang muntik makaharap si kamatayan dahil sa walang awang mga stance niya at tuwing ginagawa niya 'yon ay gumaganti ako.
"It's still early, kuya. Bakit namemeste ka na naman dito?" Inirapan ko siya.
He simply just shrugged his shoulder.
"I'm just dropping off my farewell gift and also to wish you good luck," he said, handing me a small red colored box.
I took it from him and opened it right away. It has three small daggers with a moon-shaped engraved on its blade. Kahit ang pangalan ko ay naka-kurba sa patalim nito, ‘Luna’.
“Ang ganda,” namamanghang bulong ko habang tinitignan ang desinyo nito. It makes my breath hitch. Parang kakaiba.
“Miss na miss ah," nakangising bulong niya kaya napatingin ako sa kaniya.
“Huh?” naguguluhang tanong ko.
Tumawa siya ng mahina saka umiling. “Sabi ko, miss na miss mo atang humawak ng ganiyang klase ng patalim.”
Ngumisi ako. “Yeah. I lost mine no'ng nag training tayo sa gubat. Mabuti nalang at ito ang regalo mo.”
“Thank you for this, kuya. Mukhang matalim to ah, try ko nga.” Malokong saad ko saka mabilis na umatake sa kaniya.
Mabilis naman siyang nakaiwas at sinubukang hulihin ang kamay ko pero hindi ko siya hinayaan.
I laughed when I heard him groan in pain. Nadaplisan siya ng binigay niyang dagger. We combat for a minute before I stop and spare him. Masama na ang tingin niya sa akin nang e' abot ko sa kaniya ang kamay ko para tulongan siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig.
Napailing siya habang iniinda ang likuran niyang tumama sa pader dahil sa pagbalibag ko sa kaniya kanina.
“Tumatanda ka na ata, kuya. Umuugod-ugod ka na oh,” asar ko rito na ginantihan niya lang naman nang masamang tingin.
“Sana pala hindi nalang kita niregaluhan,” tunog nagtatampo iyon kaya napangisi ako.
He tucked his hands in the pocket of his tattered jeans. “Anyway, you have to get out of that place alive, Hyrreti.”
Seryuso na siya ngayon.
I rolled my eyes. Honestly, I lost count of how many times did he warned me about that already. Takot ba siyang mamatay ako? Kahit naman makalabas ako roon ng buhay o hindi, sa huli, kamatayan parin ang aabutin ko.
I promise my parents to follow after them kapag natapos ko ang misyon ko. I need to find those who mercilessly killed them first. I can't let them live their lives happily while my parents are buried six feet under ground. They ruined my peace, my life. I will ruin them too. Tenfold more ruined than mine.
Ngumiti ako kay kuya saka tumango. “Of course, I will, kuya.”
He nodded, satisfied with my answer.
“Then, see you soon, lil sis. Magkikita pa tayo ulit kapag tapos na ang lahat nang ito. Aalis na ako dahil pinapatawag na ako sa headquarter para sa mga gagawing hakbang bago ka pumasok doon.”
Tumango ako habang tinatalian ang mga kamay ko.
He messed up my hair first before he bid his goodbye and finally went out of my room. Sinamaan ko pa siya ng tingin habang inaayos ang nagulo kong buhok. Napailing ako saka ko inilibot sa kabuoan ng kwarto ko ang paningin ko.
This will be my last day here. Oras na pumasok na ako sa paaralan na iyon bukas ay sigurado akong fifty-fifty nalang ang tiyansa ko na makabalik pa.
I heard that there are only 8 students who managed to graduate and get out of that school, but none of their identities were exposed in the public.
Night Blood University is not yet open to humans, at hanggang ngayon ay itinuturing parin iyong isang malaking sikreto sa pagitan ng mga bampira at ng gobyerno.
Kahit ganoon, hindi lingid sa kaalaman ko na isa si kuya dominic sa walong estudyante na nakalabas sa paaralan na iyon.
Iyon din ang naging dahilan kung bakit siya kinuha ng Zapero para magtrabaho sa kanila. Marami siyang nalalaman tungkol sa paaralan na iyon na makakatulong sa mga plano namin.
Ang mga nalalaman niya ang isa sa magagamit naming alas para ubosin ang lahi ng mga bampira. Wala sa kanila ang dapat na mabuhay pa pagkatapos naming maisagawa ang lahat ng mga plano. We've been planning for this for years now at sinigurado ng organisasyon na dapat plakado ang lahat para walang maging mali sa mga gagawin.
Ang unang hakbang ay ang pasukin ang sikretong paaralan na pinagkaisahang ipatayo ng parehong gobyerno at kinatawan ng lahi ng mga bampira.
Night Blood University. If you think it's just an ordinary school, well then think again. That university is not just an ordinary school where students need to excel in class, pass their projects on time, get a high score on exams, top the class, or meet some new friends or a love buddy to have fun with.
That school is built for an experiment. Parang mga dagang mag sisilbing samples ang mga taong ipinapadala roon ng gobyerno at ginagawang pain sa mga bampira. They want to know if vampires and humans can both live peacefully in one place. The school serves as an experimenting ground.
The chances of surviving were fifty-fifty. It's a school based on Herbert Spencer's survival of the fittest. Those who are the fittest survive, and those who are not, they die. Gano'n lang kadali iyon.
Pero hindi lahat ay nakakapasok sa paaralan na iyon. Kailangan ay mapabilang ka muna sa X list kung tawagin ng gobyerno. X list is the list of teenagers who were doomed to enter Night Blood University. Ang mga gustong makapasok sa paaralan na iyon ay 'yong mga pariwa na ang buhay. It's either they want fun and thrill, or they're up for the price they can have once they manage to get out of that school alive.
Pero hindi madali ang proseso para mapabilang sa X list. Lahat ng nakakapasok sa listahan na 'yon ay mga taong hindi lalampa-lampa at higit sa lahat hindi takot mamatay. Bakit ka nga ba naman papasok doon kung una sa lahat, ang role mo lang naman doon ay parang isang daga na nilagay sa hawla ng malalaking pusa para gawing pagkain?
In my case, I don't mind facing hell as long as I get the justice for my parent's death. Those vampires, I will never forgive them for ruining my life.
Tumayo na ako saka ako naglakad papalapit sa drawer ko. Kinuha ko ang isang maliit na syringe roon at ang isang maliit na butelyang may lamang kulay asul na likido. I transfer the blue liquid to the syringe saka iyon itinurok sa braso ko. Kailangan kong gawin ito para kumalma ang systema ko. Kapag kasi hindi ko ginawa ito ay nagiging bayulente ako at hindi ko nakukuntrol ang sarili kong katawan. Hindi ko rin naman ito araw-araw na tinuturok sa katawan ko. Kapag may mga times lang na kailangan. Ngayong araw kasi mas mahirap ang training ko lalo na't bukas ay magsisimula na ang misyon ko.
Pagkatapos kong mag turok ng pampakalma ay agad na akong dumeretso sa bathroom para maligo. Mahaba pa ang araw kaya mahaba rin ang oras ko para mag training.
I am Luna Hyrreti Salvatore, when a group of bloodsuckers assailed our house that night, leaving both my mother and father lifeless and soaking in their own blood, vengeance is the only thing that comes into my mind.
After how many years of waiting, finally, mau-umpisahan ko narin ang mga plano ko. Night Blood University will be my stepping stone. Balita ko ay mga tagapagmana ng mga noble vampires ang nag-aaral sa eskwelahan na iyon. Kung su-swertehen ay baka mayroon pang royal blooded vampire na nag aaral din doon. They serves as the heart of the vampire race. Kapag nauna ko silang maubos, madali nalang tugisin ang mga kalahi nila. The last mission is to slaughter the life of their last heir.
Ilang taon din akong naghanda para sa araw na ito. Hindi ako makakapayag na hindi ko matapos ang lahat ng mga naging plano ko sa loob ng ilang taon. This time, I will make sure that those vampires will pay for what they did to my parents four years ago. They will pay for it, surely.