Chapter 21
Drunk & Broken
"Saan ba kita hahanapin?" I whispered to myself. Kanina pa ako naglalakad sa buong quad. Tapos na ang event at marami na ring nagsiuwian kaya kakaunti na lang ang tao ngayon dito.
"Hindi ka pa ba uuwi?" Erin asked me. Nagkita kami sa may cafeteria. Nung tinanong n'ya ako kung bakit bigla akong nawala, sinabi ko na lang na hindi ko kinaya ang ingay. Mukha namang naniwala s'ya dahil di na s'ya nagtanong pa.
"Sige mauna ka na beb. May kailangan pa kasi akong daanan eh." I lied for the nth time.
"Are you sure? Ayaw mo bang sumabay sa akin?"
"Promise I'll be fine. Magu-uber na lang ako. I'll text you when I got home." mukha namang nakumbinsi ko s'ya dahil sa ngiti na isinagot n'ya. Nagpaalam na si Erin sa akin at tuluyan na s'yang umalis. Ngayon, hindi ko alam kung saang lupalop ng Quezon City ako magsisimula para hanapin si Phoenix. Hindi ko na kasi s'ya nasundan kanina dahil sobrang bilis n'yang maglakad at sobrang nagulat din ako sa mga nangyari.
Nako Phoenix nasaan ka ba?
Saan ba nagpupunta ang mga taong brokenhearted?
Sa park?
Sa restaurant?
Sa bar?
Tama sa bar! Kaya lang ang dami-daming bar dito, paano 'yon? Iisa-isahin ko lahat?
Hay bahala na nga! Ang importante mahanap ko s'ya. Baka kasi kung anong gawin na naman n'ya sa sarili n'ya.
Naalala ko lang nung mga bata kami, nagpunta s'ya sa bahay na punong-puno ng blood yung kamay n'ya. When my father asked him what happen, he told us that Ninong Gerard got mad at him that's why he get a knife and cut his hands. Umiyak lang ako nung nakita ko 'yon tapos niyakap ko s'ya nang matagal. Nag-away si daddy at si ninong no'n dahil sa kanya at ilang weeks din bago di sila nagpansinan. That night, katabi ko si Phoenix matulog because he can't stop crying. Hindi daw s'ya titigil sa kakaiyak kapag hindi ko s'ya tatabihang matulog. Kaya naiintindihan ko na si daddy kung bakit n'ya sinabi sa akin na I have to protect Nix. Kasi kung sa aming dalawa, mas vulnerable s'ya. Iyakin lang ako pero mas kaya kong tanggapin lahat ng sakit, si Nix hindi s'ya ganung kalakas sa parte ng buhay n'ya na 'yon.
Lumabas ako ng St. Martin at nag-book ng Uber. Three minutes lang yata eh dumating na agad yung sasakyan. Thank God!
"Good evening ma'am! BGC right?"
"Actually manong binook ko lang yan para may destination pero can I rent this car for a while? Kailangan ko kasing mahanap yung kaibigan ko eh."
"Are you sure ma'am? Saan po ba natin hahanapin ang kaibigan n'yo?"
"Hindi ko rin po alam eh."
Narinig ko ang malakas na buntong hininga ni manong. Mukhang naawa naman s'ya sa akin dahil sa itsura kong parang pinagsakluban ng langit at impyerno.
"Sige ma'am. Pero wala po ba kayong contact number n'ya? Tawagan n'yo po muna kaya?" Sa sobrang preoccupied ko kanina, hindi na yun sumagi sa isip ko. Ba't di ko nga pala tawagan, no?
Tanga-tanga mo Asia.
I dialled his number at sana lang talaga sumagot s'ya. Nagriring yung phone, sana lang talaga sagutin n'ya.
"Please answer the phone."
Nakatingin lang sa akin si manong habang nasa tenga ko ang cellphone. Naghihintay rin siguro s'ya ng sagot.
"Why are you calling?" isang boses ng babae ang narinig ko sa kabilang linya. Maingay ang background music kaya mukhang nasa bar nga s'ya.
"This is Asia, I am Phoenix's friend. This is his number, right?" I keep on biting my nails dahil sa kaba. Please sana tama itong number na natawagan ko.
"Oh kaibigan mo daw!"
"Friend my ass. Hello? Who's this?"
"Nix! Si Asia 'to! Nasaan ka?" parang tumalon ang puso ko nang marinig ko ang boses n'ya.
Parang nakainom na yata s'ya.
"Don't come here. This place is not for you, umuwi ka na." malamig n'yang sabi.
"Hindi ako uuwi hangga't hindi kita kasama. Nasaan ka ba?" naririnig ko na may nagtatawanan sa kabilang linya. Mukha namang may kasama s'yang uminom pero hindi pa rin ako mapapanatag hangga't hindi ko s'ya nakikita.
"Valk. But please don't come here, may mga gago akong kasama. Don't worry uuwi ako. I promise I won't hurt my self."
Tears started to roll down on my cheek. Nakakainis.
"Please call me kapag paalis ka na d'yan. Mag-taxi or mag-uber ka na lang ha? Huwag kang magdadrive nang lasing. Promise?" yes humihikbi ako ngayon tapos kausap ko s'ya. Don't judge me.
"Promise. Matulog ka na pagdating sa bahay. Don't worry about me, I can handle myself." he assured me.
"Sige I'll go home na. Uwi ka agad ah?" mukhang wala na rin akong magagawa dahil gusto n'ya munang makalayo.
"Opo."
Ibinaba ko na ang tawag. Iniba ko na lang ang destination sa binook ko sa Uber. Mabuti na lang talaga at mabait itong driver dahil naghintay pa s'ya bago kami umalis.
Nag-aalala pa rin ako. Paano kung mapaaway s'ya? Paano kung maaksidente s'ya? Sana umuwi na lang s'ya, doon na lang uminom. Kahit na magwala pa s'ya do'n or magbasag ng mga kasangkapan at least panatag ang loob ko na nasa bahay lang s'ya.
Pinapasakit mo na naman ang puso ko, Phoenix.
Binalewala ko muna ang pagsakit ng puso ko dahil alam ko naman na hindi makakatulong 'to. Mas lalo lang akong kinakabahan, mas lalo lang akong natatakot.
Nakarating na kami sa bahay at nagbayad ako sa Uber Driver ng sobra sa bill. Deserve naman ni manong 'yon dahil matagal ko rin s'yang pinaghintay.
My heart's still aching. Hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Hangga't hindi ko s'ya nakikita dito sa bahay, hindi ako mapapakali. Gusto kong tawagan si Ninong Gerard kaya lang baka pag ginawa ko 'yun magalit si Nix.
What to do?
Inhale, exhale.
Hihintayin ko na lang s'yang makauwi. I'll relax myself muna dahil baka mamaya kakaganito ko, ako naman itong atakihin sa puso.
I'll watch TV na lang muna while waiting him para mapakalma ko ang sarili ko.
When I open the TV, Descendants of The Sun ang bumungad sa akin. Hindi ko alam na may Korean drama pala dito. Dinownload kaya 'to ni Nix?
I'm looking at the screen, nabibighani kay Song Joongki pero hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang pag-aalala. Hindi pa ba s'ya uuwi? Past 12 na! Delikado na sa daan. Sana alalahanin n'ya din na may taong naghihintay sa kanya, na kahit hindi n'ya naman sinabi na maghintay ako, ginagawa ko pa din.
Ganito yata talaga no kapag nagmamahal ka? Kaya mong magbigay nang walang hinihintay na kapalit.
"Hey, Asia. Wake up." nagising ako dahil may tumatapik sa pisngi ko.
Oh my gosh. Nakatulog ako dito sa sofa.
I looked at the clock, it's already 2 in the morning. "I'm sorry nakatulugan kita. Kararating mo lang ba?" I asked him while scratching my eyes.
"Sabi ko sa'yo wag mo na akong hintayin eh. Go upstairs, matulog ka na sa kuwarto mo."
"Ha? Hindi. Okay lang naman. Marami ka bang nainom? Do you want some coffee? Wait I'll get you o---" tatayo na sana ako pero bigla n'yang hinawakan ang kamay ko. Nakita ko ang pamumugto ng mga mata n'ya. It looks like he's been crying for hours. Sumasakit ang puso ko. Hindi ko talaga kayang nakikita s'yang nasasaktan. Parang hinahati ang puso ko sa dalawa, parang dinudurog.
"Masama ba akong tao? May ginawa ba akong mali? Why do I have to feel this kind of pain?" he looked down, trying to hide his tears from me. Pero nakita ko pa rin ang unti-unting pagtulo ng mga luha n'ya.
Kung alam lang nila na kahit gaano ko kagusto na maging akin ka, hindi pa rin kita makukuha. Dahil alam ko naman na kahit kailan, hindi magiging ako yang nilalaman ng puso mo. Kaya sobrang nasasaktan ako kapag nakikita kitang nasasaktan. Kung pwede nga lang na ako ang sumapo sa mga sakit na nararamdaman mo, gagawin ko.
Tinaas ko ang mukha n'ya, and I saw him crying. "Ano ka ba stop crying na nga. Hindi bagay sa'yo ang umiiyak. Your mouth is getting bigger, mukha ka nang crocodile." alam ko naman na hindi comfort words yung sinabi ko. Sa totoo lang hindi ko rin kasi talaga alam ang sasabihin ko dahil nakakatulala pa rin pag naaalala ko ang mga nangyari.
I wiped his tears, pero hindi ko napansin na tumutulo na rin ang mga luha ko.
"Why are you crying? May nangyari ba?" biglang dumampi ang mga kamay n'ya sa pisngi ko at unti-unting pinunasan ang mga likidong tumutulo rito. Parang biglang may dumaloy na malakas na boltahe sa katawan ko. I removed his hands on my face. Ayokong madala ng emosyon, mahirap na.
"Don't mind me, I'm fine. Ikaw dapat ang kinukumusta ko, you look so drunk. Marami ka bang nainom?" ang galing kong mag-divert ng usapan di ba?
Hindi n'ya ako sinagot bagkus ay isinandal n'ya kanyang ulo sa balikat ko, at unti-unting ipinikit ang kanyang mga mata.
"I'm tired, Tamtam. I'm really really tired."
Ako rin Niknik pagod na.
Pagod na pagod na akong nakikitang nasasaktan ka.
---
[A/N]
Ayun guys sensya na sobrang late update dahil sa sobrang daming ginagawa. Will try my best na mag-update ulit. Salamat po sa 5k reads grabe!!!!
-AileenSeoKyu