Trixie POV
Tinitigan ko lang ang gate namin. Ni hindi ko nga ito mahawakan eh. Kinakabahan ako.
"OH? Trix andyan ka na pala" Napatingin ako dahil nasa likod ko pala si mommy tita.
"Hala mommy tita? San kayo nanggaling bawal kayo magpagod ah"
"Nako baby. Kailangan namin ni baby maglakad lakad para mabilis ko siyang maire kapag nagdidiliver na ako."
"Ah ganun po ba yun?"
"Oo baby. Tara na pasok na tayo." Naunang pumasok si mommy tita at dahan dahan akong sumunod sa kanya. Hawak ko na naman ang kwintas ko at pinaglalaruan ko ito. Nakatingin lang ako sa baba. Pagka apak ko sa sahig ng loob ng bahay namin. Para akong kinuryente dahil narinig ko ang boses niya.
Napatingin ako sa kanya pero nagiwas kaagad ako ng tingin. Dumiretso ako sa kusina upang uminom ng tubig. Nakita ko naman si mommy tita na umakyat sa taas pero si Matthew ay naiwan sa baba at nanood.
Hindi ko alam pero napatitig ako sakanya. Naalis ko lang iyon ng bigla siyang tumingin sa akin. Hindi man na aki nakatingin sa kanya ramdam ko ang pagtayo niya. Nakita ko nalang na nasa harap ka siya.
"Hi Trixie"
"Hi"
Tipid kong sagot
"Ang sarap nang cake na binake mo"
"Thanks"
Tipid ko pa ring sagot ng hindi nakatingin sa kanya.
"Sana maging close tayo Trixie."
Napatingin ako sa kanya. Hindi ba niya talaga ako kilala. Hind ba talaga si Chen na minahal ko.
"Ahmm.. Trixie.. balita ko fan ka Exo at BTS? Exo fan kase ako"
"Oo nga. Nasabi nga ng mama mo"
Nginitian niya ako na ikinagulat ko na naman. Bakit ba ngiti ng ngiti 'tong lalakeng 'to. Nginitian ko nalang siya pabalik. Na- awkward talaga ako pero kailangan ko itong kalimutan. Kailangan kong tanggapin na poser lang niya yung nakilala ko.
"Sino pala bias mo?"
Bigla kong tanong. Tinignan ko siya at parang nagbago ang awra ng mukha niya..
"Ahmm si.. si Chanyeol"
Ah.. So hindi nga talaga siya si Jagi ko.. So Chen ang bias nun eh. At dahil dun nginitian ko siya kahit na sobrang hirap. Pipilitin ko talaga ang sarili ko na kalimutan yung poser ba yun para naman maging close kame ng kuya ko.
"Same tayo..."
Sabi ko at pumalakpak. Natawa naman yata siya sa ginawa ko. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko at parang nagslow mo ang lahat ng bigla niyang kurutin ang ilong ko.
Bakit ba kase nakilala ko yung poser na yun. Ayan tuloy parang crush ko 'tong si Matthew. Pero kahit naman siguro hindi ko nakilala yung Chen na yun... magiging crush ko pa rin tong anak ni mommy tita. Ang pogi kase parang anghel.
"Trixie..."
"Ay oh?"
"Kanina pa kita kinakausap"
"Ay sorry. Haha ano na kase yun?"
"Yung Carbonara... masarap siya... pwede mo ba ako tulungan gumawa nun someday?"
"Okay no prob"
"And Trixie..."
"Hmmm"
"Dun ako mag-aaral sa school mo. Sabay ka na sa akin pumasok ah."
"Huh?"
Sabay daw pumasok? Tae bakit kinikilig ako? Kanina lang nasasaktan ako ngayon naman kinikilig ako. Nasisiraan na yata ako ng ulo.
"Ayaw mo?"
"Huh? Hindi ah. Sure kuya"
"Namiss kong tawagin mo akong kuya" bulong nito pero hindi ko narinig ang una niyang sinabi. Kuya lang ang narinig ko. Nginitian ko nalang ulit siya.
"Ehem" Napatingin kame kay mommy tita na nasa may pintuan pala. "Mukhang nagkakasundo ang mga babies ko ah" Sabi nito at lumapit sa may counter. Nginitian ko siya at kumuha ng isang bowl. Magbebake ako ng cookie for mommy tita.
Ngayon ko lang napansin na 2 weeks ko na palang hindi pinapansin si Matthew. Time na siguro para kalimutan ko yung dati... Pero ang hirap kase talaga. Sana... Sana mawala na yung ilang ko sa kanya...
Kinabukasan....
Nakita ko siya na nanonood sa sala pero hindi ko siya pinansin. Uminom muna ako sa kitchen bago lumabas ng bahay. Mag-aaply kase ako sa admissions for Grade 10.
Kinakabahan ako..
Bat ganun? Parang kahapon lang nakausap ko na siya tapos ngayon naman... Balik sa dati. Iniiwasan ko na naman siya.
"Hi Trix" Bati neto sa akin pero hindi ko siya pinansin. Ni hindi ko nga siya tinignan. Parang kinuryente ang kamay ko ng biglang may nanghila sa akin.
Unti unti ko siyang tinignan at nagulat ako sa emosyon ng mga mata niya.
"O.. o.. okay ka lang?" Tanong ko. Isang kurap lang at nagbago na naman ang emosyon ng mga mata niya.
"Saan ka pupunta?"
"School" Sabi ko at dahan dahan na inalis ang kamay niya para makaalis na ako.
"Tamang tama. Pupunta din ako dun sabay na tayo" Sabi nito at nilabas niya yung susi ng kotse. Ngayon ko lang napansin na naka ayos pala siya. Napalunok nalang ako at tumango.
Sasakay na sana ako sa likod ng buksan niya yung front seat. Nginitian ko siya ng kaunti at sumakay nalang doon. Marahan niyang sinara ang pinto ko at umikot para makasakay na rin siya.
Bumili na naman ang pintig ng puso ko ng bigla siyang lumapit sa akin at sobrang lapit talaga ng mukha niya sa mukha ko. Kinuha lang pala niya ang seatbelt ko at kinabit ito. Pinaandar niya ang kotse. Kaagad naman akong tumingin sa bintana at tinignan nalang ang mga dadaanan namin. Hindi naman siya nagtanong kung paano papunta sa school dahil ginamit niya naman ang Navigation or map ng kotse.
Halos 20 mins lang ang byahe. Naka kotse kase. Kaya ang uwe.. napaaga kame at sarado pa ang admissions office. Kaya nagpasama siyang nagikot ikot sa campus. Tahimik lang ako... Nauna ako sa kanya at masalikod ko siya... Ramdam ko na nakatingin siya sa akin.. Pero the.. Baka naman sa daanan lang siya nakatingin? Sadyang feeling lang ako.
"Trix"
"Hhmm uwaahh" muntik na akong bumagsak sa sahig ng bigla akong humarap sa kanya at tumama mukha ko sa chest niya. Buti nalang at nahawakan niya braso ko. Tumayo naman ako ng tuwid ng mapagtanto ko yung posisyon namin. "Salamat"
"Hindi ka kase nagiingat."
"Sorry" sabi ko at yumuko. Nginitian niya ako at bigla niya akong inakbayan na ikinabilis ng pintig ng puso ko.
Sabay kameng naglakad. At umupo sa may bench.
"Bakit iniiwasan mo ako? Minsan mo lang ako kausapin. Ano ba talaga problema."
Kinabahan ako sa tono niya at minabuti ko nalang manahimik.
"Wag mo sanang isipin na hindi ako nahihirapan sitwasyon. Pati ako nahihirapan. At hirap na hirap ako"
Sabi nito. Tumayo siya at iniwan akong nakaupo dito. Kaagad na tumulo ang luha ko. Anong ibig sabihin niya.
Hindi niya alam kung gaano ako nahihirapan. Ang akala niya siguro nahihirapan akong mag-adjust sa family issues namin. Hindi iyon Matthew. Hindi iyon. Kung alam mo lang...
Tinignan ko ang likod niya na unti unting lumalayo sa akin.
Minahal ko kase ang pagkatao mo ng hindi sinasadya. Ng hindi ko alam na hindi pala talaga ikaw yun. Kaso wala eh. Pagkatao mo ang minahal ko. Ang hirap.. Ang hirap sobra...
Pinunasan ko ang luha ko at sinundan siya. Baka bukas na ang registars office.
-----
Last update for the month. I'll try to update as soon as possible. Basta hindi ako busy.