SHE KNOWS LOVE (Published und...

By AkoSiAnjBuena

329K 5.3K 225

This book was published back in 2014. Happy reading ",) More

Chapter One
Chapter Two.1
Chapter Two.2
Chapter Three.1
Chapter Three.2
Chapter Four.1
Chapter Four.2
Chapter Five.2
Chapter Six.1
Chapter Six.2
Chapter Seven.1
Chapter Seven.2
Chapter Eight.1
Chapter Eight.2
Chapter Nine
Chapter Ten.1
Chapter Ten.2
Chapter Ten.3
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen.1
Chapter Fourteen.2
Chapter Fifteen.1
Chapter fifteen.2
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen.1
Chapter Seventeen.2
Chapter Eighteen.1
Chapter Eighteen.2
Chapter Nineteen
Epilouge

Chapter Five.1

8.6K 157 1
By AkoSiAnjBuena

"Wala po talaga." Nanlumo si Margaux nang sa panglimang ulit ay sinabi ng attendant ng Lost and Found ng school library na wala doon ang kanyang library card. May ilang beses niyang pinakalkal sa mga naipong nawawalang card sa pag-asang nadala doon ang sa kanya.

Kanina lang niya kasi napansin na nawala ang card niya nang maalala niyang paso na pala ang permit ng nahiram niyang libro kaya kailangan na niya iyong ibalik. Ngunit pagdating niya sa library at hiningi ang card niya ay nagulat siya.

"Tingnan mo ulit." Sabi niya himig nangungulit ito.

Nakita niya ang pag-ismid ng batang estudyante. "Nakailang ulit na talaga ako. Kung gusto mo po ikaw na lang."

Naghihimutok ng sabi ng attendant at iniabot ang container na may lamang mga card. Lumabi sya. Kailangan niyang mahanap ang card niya. Penalty ang naghihintay sa kanya. Hindi pa siya makakapasok sa library. Makapasok man ay kailangan muna mag-declare ng loss. Lalakarin pa niya iyon sa administration. Abalang katakut-takot. Wala siyang panahon sa ganoon bagay.

"Sige, salamat na lang." Malungkot niya sabi sabay balik sa container. Saka nakasimangot na lumabas ng library.

Badtrip si Margaux. Mahalaga sa kanya ang library card niya. Dahil sa silid-aklatan niya nakakahanap ang peace of mind. Sa library, walang masyadong tao. May ilan man na tinitingnan siya ngunit hindi naman siya maaaring pagsalitaan nang masasama dahil bawal ang maingay. At sa library din siya malaya.

Naupo siya batong upuan sa gilid ng library at dismayadong kumamot sa ulo. Hawak pa rin niya ang nahiram na libro. Maisasauli naman niya iyon ay malalaman naman ng librarian na nawala ang card niya.Wala naman siyang pambayad ng penalty. Pamasahe nga lang pauwi ang dala niyang pera. Half day kasi ang schedule niya noong araw na iyon at uuwin din kaagad.

"Hi."

Hindi na niya kailanganing lingunin at alamin ang nagmamay-ari ng tinig na iyon. Umikot na lang ang kanyang mata at pilit na winaglit ang kabang biglang naramdaman.

"Kumusta?" Tanong ni Jaiden kahit hindi niya sinagot ang 'Hi' nito. Mapangahas pa itong naupo sa tabi niya.

"Bad mood ka 'ata." Sabi pa nito.

"Mainit eh." Maiksi at walang gana niyang sagot. Kunwa'y abala siya sa pagbabasa. Ngunit sa sulok ng kanyang mga mata ay nakikita naman niya ang binata. Kaya nakita niyang pagngiti nito.

"Gano'n ba?" saad nito at sa gulat niya at bigla siyang pinaypayan ng dala nitong binder. "Okay na?"

Hindi niya pinansin ang ginagawa nito bagkus kumuha siya ng chewing gum sa bag niya at inalisan iyon ng balat. Saka animo'y wala siyang kasamang isinubo iyon.

"Parang galing ka sa loob. Madalas ka bang tumambay sa library?" panay ang tanong nito.

"Oo. Hindi kasi 'yan tinatambayan ng mga mayayabang na model." Sagot niya habang panay ang nguya.

Itinigil nito ang pagpaypay sa kanya. "Mayabang ba ako?"

Hindi niya ito sinagot o tiningnan. Dahil alam niyang kapag ginawa niya iyon ay ipapahamak lamang niya ang sarili. She knew about the beautiful face sitting right beside her. At naiinis na siya dahil hindi pa siya lubayan nito. Hindi kasi siya kumportable. Kung dahil sa ilang o inis ay hindi niya alam.

"Nanghihiram ka pala ng books." Ani Jaiden. Bagot niyan ibinaba ang binabasang libro.

"Ano bang kailangan mo sa'kin at panay ang lapit mo?"

Tinitigan siya ni Jaiden. Then she gaped. Parang na-stuck up ang puso niya nang ilang pintig. Magkatabi sila. Kaya natural na magkalapit sila. And she can really feel the awkwardness. Mata pa lang ni Jaiden ay nakakaenganyo na. Halos perpekto ang facial features nito. Katamtaman ang kapal ng labi at matangos ang ilong. Mapusyaw at makinis ang balat ni Jaiden. Pakiramdam nga niya ay mas maganda pa ang balat nito sa kanya. Hindi na magtataka ang kahit sino na isang model ito. He has all the right to be one.

"Ikaw ang may kailangan sa'kin, actually." Saad nito.

Nagtaka siya. "Wala akong kailangan sa'yo."

He smiled.

'Lintek naman 'tong si Jaiden. Ngumiti pa talaga.' Protesta ng kanyang isip ngunit talagang kinakaban siya.

"Meron." Agap nito. "Wala bang nawawala sa'yo?"

Umismid siya. "Wala. Baka sa'yo meron. 'Yang katinuan mo. Hindi ka ba nag-aalala sa sasabihin sa'yo ng ibang tao? Baka ma-issue tayo. Ikaw rin. Masisira ang image mo."

"Wala 'kong pakialam." Sagot ni Jaiden.

She got irritated right away. Sa lahat ng katagang ayaw na ayaw niyang marinig ay ang kasasabi lamang ni Jaiden. She used to believed that stupid words. Ngunit pinaasa lamang siya ng salitang iyon. Sinaktan pa.

"Layuan mo nga ako." Pagtataboy niya. She was starting really feel uneasy. Sumagi na naman kasi sa kanya ang nangyaring paghalik niya. At hindi siya kumportable sa eksenang iyon.

"Ahm..." sabi ni Jaiden at naramdaman niya na may kinuha ito sa bulsa nito. Hindi niya napigilang tingnan iyon. "...May napulot kasi akong-"

"Akin 'yan!" Gulat man ay mabilis siyang kumilos upang agawin ang card mula kay Jaiden ngunit mas mabilis ito.

"Hey, hindi 'no." Nakangisi nitong sabi nang at mabilis na nakalayo sa kanya. Napatayo na rin siya. Mabilis niyang nakita ang pangalan niya sa cover ng card. At hindi siya slow para hindi mabasa iyon.

"Akin sabi 'yan eh." Pagpipilit niya. Talagang sinasagad siya ni Jaiden. Naikuyom niya ang mga palad sa pagpipigil ng inis. "Pwede ba? Wala akong panahon makipaglokohan sa'yo."

"Sa isang kondisyon."

"Kondisyon mo mukha mo. Akin na nga 'yan!" galit niyang agap saka muling tinangkang agawin ang card. Ngunit muling nakaiwas si Jaiden.

Malakas siyang pumalatak sabay kamot sa ulo. "Kung iniisip mo na hahalikan kita ulit dahil sa card na 'yan, eh, maninigas ang ngalangala mo. Akin na 'yan. Sinasayang mo ang oras ko."

Dahan-dahang ngumiti si Jaiden. Napangiwi siya. Nalilito na siya sa gustong mangyari ni Jaiden. Bakit ba hindi pa siya tantanan ng binata? Ayaw na niyang muling magulo ang mundo niya. Ayaw na niyang muling umasa ang puso niya. Ngunit heto si Jaiden Vilandre na laging ginugulo ang pananahimik niya. Binubuksan ang isang puwang na pilit niyang isinasara. Kahit galit siya dito, napapangiti naman ni Jaiden nang lihim ang kalooban niya.

"Okay lang sa'kin kung i-kiss mo 'ko ulit." Sabi nito na ngiting-ngiti. Lalo siyang nainis.

"Ano ba?" Pagsita niya.

"Ayaw mo? Sige. Pero-...Aw!" hindi na natapos ni Jaiden ang ibang sasabihin dahil mabilis niya itong tinuhuran sabay agaw sa hawak nitong card. Namilipit ito sa kanya.

"Shit!" alam niyang napuruhan niya si Jaiden.

"Epal ka kasi." Paninisi pa niya sabay kuha sa mga bag niya at tumakbo palayo dito bitbit ang library card niya. Narinig pa niya ang malakas na pagtawag ni Jaiden ngunit hindi na niya iyon pinansin.

Continue Reading

You'll Also Like

820K 18.1K 36
Jella gave up everything to become a successful fashion designer in New York. Malapit na niyang maabot ang tagumpay nang isang eskandalo ang sumira s...
2.1M 41.7K 51
May slight case ng mysophobia si Janine. Clean-freak siya at ayaw na napapadikit sa ibang tao. Ang tingin ng mga tao sa paligid niya ay maarte lang s...
305K 1K 11
Ang mga sagot din sa mga tanong mo. All Rights Reserved © 2022
49.8M 1.4M 61
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...