Chapter 23
NAALIMPUNGATAN ako na may tila sumisipsip sa leeg ko.
"Hmnn..." ungol ko. Napapaigtad ako sa kakaibang sensasyon.
Ano ito? Bakit para akong sinisilaban? Nakakakuryente.
Parang hinihigop ang balat ko pababa sa pagitan ng mga hita ko. Kakaiba ito. Tumutulay ang init sa mga ugat ko, para akong lalagnatin. Hindi ko alam na posible pala ang ganitong pakiramdam, para akong dinadala sa kalangitan. Ang sarap. Ang init.
Hindi lang iyon, merong malalaking palad na pumipiga sa dibdib ko! Hindi pa ito nakontento, bahagya pang pinisil ang isang nipple ko. Nilaro-laro ito ng daliri niya sanhi para lalo akong mabaliw.
"Hmn... Damon..." impit na sambit ko.
Shocked na napadilat ako. Shit!
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi panaginip! Totoong may nanamantala sa akin! At ang salarin ay walang iba kundi ang katabi ko!
"Damon!!!" Agad kong tinabig ang mga kamay niya sa akin.
Itinulak ko rin palayo ang mukha niya. Pero ni hindi man lang siya nagising.
Kinikilabutang akong napabangon at napayakap sa aking sarili. Diyos ko! Oo nga pala, hindi na siya baby! Binata na siya! Marunong ng mag-wet dreams!
At ako? Nag-wet dreams din ba ako?!
Umungol si Damon at kinapa ang inalisan kong higaan. Tila hinahanap ako. At ng walang makapa ay nagsariling-sikap na lang. Ipinasok ang kamay sa loob ng boxers.
Namilog ang mga mata ko ng mapatitig ako sa boxers niya. Kahit natatakpan iyon ng boxers ay alam kong malaki na ang bird niya. Hindi na iyon basta bird. Agila na yata iyon! At kahit ayoko ay nakaramdam ako ng kakaibang init.
Iyong init na naramdaman ko kanina nong minomolestiya niya ako. Shit! Shit! Shit! Gusto kong maiyak sa kahihiyan. Hindi tamang pagnasaan ko siya! Kapatid ko siya! Wala siyang malay!
"Ah..." ungol niya saka bumilis ang paghagod niya sa kanyang kuwan.
Narimarim ako sa pinagsasabi niya kaya nasapak ko siya. Tumigil siya pero tulog na tulog pa rin. Nakanganga pa at humihilik.
Anak ng tinapa naman! Tulog ito. Wala itong kasalanan.
Naawa na lang ako kasi parang wala naman talaga siyang alam sa pinagaga-gawa niya. Saka ang amo-amo ng mukha niya habang naghihilik siya.
Tumayo na lang ako at inilatag ang kumot sa sahig. Dito na lang ako matutulog since malapit naman nang mag-umaga. Hindi na magandang magtabi kaming dalawa. Ayaw kong magkasala.
Bago matulog ay nag-mental note muuna ako na mula ngayon, hindi ko na siya papayagang matulog sa tabi ko. Hinding-hindi na.
...
AWKWARD.
Iyon kami kinabukasan. Nauna akong magising kesa kay Damon kaya hindi niya alam na umalis ako sa tabi niya kagabi. Ayaw ko rin naman na malaman niya, ayaw kong magkailangan kaming dalawa.
Okay na iyong ako na lang iyong naiilang kasi wala akong kwentang ate. Ipinagtimpla ko siya ng kape pero hindi ko siya pinapansin.
Nakahubo pa rin ang bruho. Boxers lang ang suot. Nakalantad ang matigas nitong pangangatawan na bumagay sa taas nitong 6 something.
"'Problem?" Sita niya sa akin.
"Magdamit ka utang na labas!" Ibinato ko sa mukha niya ang T-shirt niya.
Ayokong magnasa! Hindi tama!
Ngingisi-ngisi siya pero isinuot naman ang shirts. "Hey, we have a concert in Araneta Coliseum next month. Bibigyan kita ng VIP ticket."
"Anong petsa?" Tanong ko sa kanya na di siya nililingon. Inaabala ko ang sarili ko sa paghuhugas ng pinagkainan namin.
"Sat iyon, so wala kang takas."
"Mukhang mag-stay na ang Black Omega Society sa Pilipinas..." ani ko. Ang alam ko kasi ay puro out of the country ang gig at concerts ng banda na kinabibilangan niya.
"For charity itong concert namin. Actually mismong frat ang nagpanukala nito, not the mismong band."
"Wow..." walang buhay na sagot ko.
"Plano kasi ng leader namin na magkawang-gawa."
"Si Rogue Saavedra magkakawang gawa?" Doon na ako napalingon sa kanya. Ang alam ko ilag sa tao iyon, Rogue is the vocalist of BOS. Ito rin ang leader ng mismong elite frat nila.
Tumango si Damon saka humilata sa sofa. Iniwas ko ang paningin ko sa namumukol sa harap ng boxers niya. Pinagpawisan ako bigla.
Nagkaroon ng dead air. And I don't like it. Naaalala ko iyong kagabi. Saka alam ko na nakasunod ng tingin sa akin si Damon, at kahit ayaw ko, napapaso ako.
"Akala ko taong bato si Rogue..." sabi ko para lang basagin ang katahimikan.
Nang matapos akong maghugas ay pumasok na ako sa banyo para maligo. May pasok pa ako, mag-a-alas sais na ng umaga. Akala ko wala na si Damon, pero paglabas ko ng banyo ay nakarinig ako ng kumakanta, nandoon pa rin pala siya.
"I wanna hide the truth. I wanna shelter you but with the beast inside there's nowhere we can hide..."
Nakahilata siya sa sofa habang nakapikit. Kumakanta siya, iyong isa sa kinanta ng Black Omega sa first concert nila sa France.
"No matter what we breed we still are made of greed. This is my kingdom come. This is my kingdom come... When you feel my heat look into my eyes it's where my demons hide. It's where my demons hide."
Napangiti na lang ako nang kusa. Hindi talaga ako nagkamali... magiging sikat siya. Napakaganda ng boses niya, buong-buo. Lalaking-lalaki pero malamig sa tainga.
Sinitsitan ko siya. "Hoy, lumayas ka na! Aalis na rin ako, me pasok pa ako."
Tamad siyang bumangon at nagkamot ng ulo. "Dito muna ako..."
"No. Ila-lock ko 'tong bahay!" Umakyat na ako sa itaas para magbihis.
Pagbaba ko ay nakaayos na rin siya. Naka-pants na at naka-jacket. Mabuti naman.
"'Hatid na kita sa work." Inakbayan niya ako matapos kunin ang bag ko.
Sa byahe ay tahimik lang ako samantalang si Damon ay mahinang kumakanta sa tabi ko.
"Don't get too close it's dark inside. It's where my demons hide. It's where my demons hide..."
Hindi ko maintindihan ang sarili ko, kinikilabutan ako. Hindi sa kanta kundi dahil mismo sa kanya. Para kasing biglang nag-iba ang pakiramdam ko sa aming dalawa. At alam ko na kung ano man itong nararamdaman ko...
hindi ito tama.
...
TANGHALI ng dumating na naman si Jeremiah. Itinaon talagang break time na naman. Kumatok siya sa classroom ko.
"'Missed me?" Kay tamis ng ngiti niya.
Pinilit kong itango ang ulo ko.
"I know right?!" Napahalakhak siya. "'Missed you, too!"
Siguro talagang dapat na i-entertain ko na si Jeremiah. Siguro dapat talaga mag-boyfriend na ako para wala ng kalokohan na pumasok sa isip ko. Tama. Si Jeremiah na siguro ang sagot sa naguguluhan kong puso.
"May ibibigay ulit ako sa'yo." Pumasok na siya at sa likod niya ay may bitbit siyang malaking paper bag.
"Ano?" Siniglahan ko ang boses ko.
"Hulaan mo," ngising-ngisi siya.
Bat ganon? Parang bigla ay ang sarap niyang pukpukin ng takong sa mukha?
"Jeremiah, hindi kasi ako manghuhula—"
"Tsaran!" Bigla niyang sinalaksak sakin iyong dala niyang kahon.
"A-ano ba ito?" Ibinaba ko iyon. Dinampot niya ulit iyon at binuksan.
Kulay pulang leather bag ang laman ng box. Maganda iyong bag, mukhang mamahalin. Inabot niya ito sa akin.
"Napansin ko kasi paulit-ulit iyong bag mo."
"Thanks. Hindi kasi ako mahilig sa bag kaya—"
"Ito pa." Lumabas siya at may iniwan pa pala siya rong paper bag. "Akala mo iyan lang gift ko, 'no? Meron pa!"
"A-ano ito?" inabot niya sa akin ang paper bag.
"Make up. Napansin ko rin kasi na hindi ka nagme-make up."
"Kasi—"
Binawi niya sa akin ang paper bag. Inalis niya ang mga laman non. "Look, ito iyong brush para sa cheek. Ito pang-contour. Baka lang magkamali ka."
"Sige, salamat." Tabingi na ang ngiti ko.
"Mag primer ka muna bago foundation, ha? O ito, best choice 'to." Isa-isa niyang sinalampak sa harapan ko ang mga make up.
"O-okay..."
"Ganda mo talaga."
"Thanks..." Naiilang na binawi ko ang tingin ko sa kanya.
...
SINUNDO ako ni Damon kinahapunan. Pinilit kong maging kaswal. Hanggat maaari ayoko ng isipin iyong kagabi.
Erase! Erase! Erase! Utang na labas! Erase!
Habang nagda-drive ay pasulyap-sulyap si Damon sa bag na bigay ni Jeremiah.
"Bago iyan, ah? Binili mo?"
Natatawang tiningnan ko siya. "Ikaw, ah! Pakialamero ka talaga! Lahat na yata ng gamit ko alam mo." Maligayang sabi ko. Gusto ko cool na ulit ako sa kanya.
Ang kaso siya naman ngayon ang seryoso. "So saan nga galing iyan?"
"Bigay lang."
"Nino?"
Lumabi ako. "Nung manliligaw ko."
"Nagpapaligaw ka?!" Ganon na lang ang disgusto sa tono niya.
"Why not? Lalampas na po ako sa kalendaryo."
"So?"
"Hello? Maawa ka sa akin, oy! Magme-menopause na ako."
Dumaan ang ilang sandaling katahimikan.
"I'd prefer if you stop accepting gifts from him." Sabi niya mayamaya.
"I think that's for me to decide." Balewalang sagot ko sa kanya.
Tumunog ang CP ko. Nag-text si Jeremiah. Tatlong messages iyon. Isang chain message, isang funny quotes, isang goodnight for me. Pinilit ko ang aking sarili na kiligin.
Nag-beep ulit ang phone ko. May text ulit si Jeremiah.
"Turn that off."
Napalingon ako kay Damon. Salubong ang mga kilay niya.
"Turn that off, nadi-distract ako sa ilaw."
"Teka re-reply-an ko muna—"
"I said turn that off." Nagulat ako ng bigla niyang hampasin ang manibela.
Nanlalaki ang mga matang binalingan ko siya. "Ano ka ba naman, Damon?!"
"Sabi ko kasi patayin mo, ang kulit-kulit mo!"
Ano bang problema nito?!
Pagkauwi sa apartment ay nauna na akong bumaba. Naghalo-halo na ang inis ko sa sarili ko saka sa inis ko sa kanya.
Hindi niya ba alam na nagsisikap ako para lang magkaroon ng love life ng sa gayon hindi na lumutin ang utak ko?!
Hindi niya ako maintindihan porket wala siya sa kalagayan ko!
"Jesusa, di mo man lang ba ako pagka-kapehin!"
"Ewan ko sa'yo!" Pinagbaksakan ko siya ng pinto.
"Jesusa!" Sunod-sunod na katok ang ginawa niya sa pinto ko.
"Bukas na tayo mag-usap! Umuwi ka na!" Na-badtrip kasi talaga ako. Siguro mas maigi na wag ko na lang muna siyang makita.
"Open the door, please?!"
"Umuwi ka na sabi!"
Pero katok pa rin siya nang katok. Umakyat na ako sa itaas, sa kuwarto ko. Nahiga ako sa kama at nagtakip ng magkabilang tainga.
"Jesusa!"
"Kainis! Manigas ka diyan!" Bulong ko habang nakabaluktot sa higaan.
"Hindi ako aalis na galit ka sa akin. Please let's talk!"
Panay katok siya. Nabulahaw na tuloy pati mga kapit-bahay.
"Hijo, wala atang tao diyan." Narinig kong kumausap sa kanya.
"Meron po. Ayaw lang akong pagbuksan!" Malakas na sabi niya, obvious na ipinaparinig sa akin.
"Jesusa, please!"Ang lakas ng boses, daig pa lasinggerong nagpapapansin sa asawa.
Nakakainis!
"Kapag hindi ka lumabas diyan, maghuhubo ako rito!"
Gawin mo kung kaya mo! Bwisit ka!
Magtatalukbong na sana ako ng kumot ng makarinig ako ng hiyawan sa labas. Kasunod niyon ay ang pagtunog ng bintana ng kuwarto ko. Tila may ibinato ron. Gulat akong napalingon.
"Damon!" Nangga-galaiting sambit ko.
Iyong ibinato niya sa bintana ko, walang iba kundi iyong hinubad niyang belt at pantalon!
JAMILLEFUMAH