The Forgotten's Envy (Masquer...

By purpleyhan

5.9M 232K 39.1K

𝗠𝗮𝘀𝗾𝘂𝗲𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗚𝗶𝗿𝗹𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸#𝟭 || Formerly known as 𝗕𝗮𝗯𝘆 𝗠𝗮𝗱𝗻𝗲𝘀𝘀 || All... More

front matter
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
Bonus Chapter

Chapter 14

91.8K 3.6K 381
By purpleyhan


"Oh my gosh! Buti tapos na tayo," Katrina said after our presentation. "Mukhang okay naman ang reactions ng classmates natin pati ni Sir. Buti na lang."

Nakapagpresent kami nang maayos at buti na lang ay magaling magsalita si Katrina. I reported the first part, from the history up to their beliefs and introduction to culture. The rest was her part. Overall, we did good.

Pagkatapos ng class ay agad kaming lumabas at ang bigat ng bag ko dahil dala ko ang laptop ko pati na rin ang ilang readings.

"Sa tingin mo, mataas ang makukuha nating grade sa reporting?" tanong niya habang naglalakad kami sa corridor.

"I don't know. Bahala na," sabi ko na lang dahil nagugutom na ako. Hindi ako nakapaglunch dahil sa pagpeprepare sa presentation namin kanina.

"Sana lang ay ma—!"

Bigla naman siyang napahinto at nakatingin lang siya sa harapan namin kaya napatingin din ako. Ang hindi ko inaasahan ay ang pagkakita ko kina Queenie at Iñigo na ngayon ay papunta sa direksyon namin. Ang ganda naman ng timing. Bwisit.

Sakto namang napatingin dito si Queenie at nagtama ang mga mata namin. Tuluy-tuloy lang silang naglakad at gano'n 'din sana ang gagawin ko pero pinigilan ako ng Katrina na 'to.

"What are you—"

"They're here. They're here," bulong niya.

"Hi, Chloe," bati ni Queenie habang nakangiti kaya naman inirapan ko siya.

"It's so not nice to meet you," I replied while smirking and Katrina tugged my arm so I glared at her.

"Chloe . . ." Iñigo has a worried look on his face and that made my brow arch.

"What? She said hi. I said hi in my language."

Nagulat naman ako nang biglang lumapit si Queenie sa akin. She hugged me and that really surprised me.

"Don't worry. Iñigo already explained everything to me," she whispered. "But I hope we won't see each other again," saka siya humiwalay sa akin.

"Sure," sagot ko naman. "And don't you dare show your faces to me, too."

"Yeah, let's do that," she said while smiling. "Let's go, Iñigo."

Nilampasan nila kami at ako naman ay huminga nang malalim para kalmahin ang sarili ko. Akala ko hindi ko na sila makikita pagkatapos ng nangyari sa cafe pero mukhang hindi mangyayari 'yon.

"Totoo nga ang sinasabi nila," Katrina said, enthralled.

"Ha?" Lumingon naman siya sa akin.

"Ah, w-wala."

Nagsimula naman siyang maglakad pero nakita ko ang pamumula ng mukha niya. I suddenly realized what she meant by that. When I was talking to Queenie a while ago, she was stealing glances at Iñigo and with her reaction just now, it only meant one thing.

"Hey," tawag ko at naglakad papunta sa kanya.

"Hmm?"

"Do you like him?" Pagkatanong ko no'n ay nanlaki ang mga mata niya.

"W-what are saying? N-no. It's not . . . no, I d-don't like him," sabay yuko niya.

"I didn't say any name, though," I teased and her face became cherry-red.

Naghiwalay naman kami dahil may class pa raw siya at ako naman ay dumiretso sa cafeteria dahil gutom na ako. Pagdating ko ro'n ay umupo ako sa bandang gilid kahit na wala namang masyadong tao dahil 2:30 na. Nilabas ko naman ang lunchbox ko. Yeah, sabi ni Nanay Meling ay magbaon na lang din ako para naman healthy ang kinakain ko. Sus, siguro ay dahil nagbabaon na rin si Jazer kaya gusto niyang magbaon na lang din ako para makain namin ang niluto niya.

Speaking of Jazer, I suddenly remembered what happened few nights ago. Ayoko talagang may nakakakita sa aking umiiyak kaya naman naappreciate ko ang pagpatay niya ng ilaw. Nakatulog ako no'n kakaiyak at hindi na ako nakakain. Buti na lang ay hindi siya nagtanong at mukhang wala rin naman siyang balak alamin ang nangyari pagkagising ko.

"Ako ba? Hindi mo kukumustahin?"

Damn it. Why am I recalling that? Bakit ko ba kasi sinabi 'yon? Bwisit.

Bago pa tuluyang sumama ang loob ko ay inalis ko na 'yon sa isip ko at kumain na lang. After that, nagready na ako sa last class ko pero bigla namang nag-email ang prof namin na walang class dahil may conference daw siyang pupuntahan.

Well, it's just 3 PM and that guy has a class 'til 5 PM so I decided to stay at the library. However, there were too many students when I arrived so I didn't go inside. Pumunta na lang ako sa bench area at nag-isip kung ano ang pwedeng gawin.

Seryoso bang two hours ako maghihintay?

In the end, hindi ko kinaya at nag-Uber ako papunta sa mall malapit sa university para magpalipas ng oras. Nag-ikot-ikot lang ako hanggang sa mapunta ako sa isang clothing store for kids.

"What am I even doing here?" I whispered but my feet betrayed me.

"Welcome, Ma'am!" one of the staffs enthusiastically greeted and I forced a smile.

I looked at their clothes and I can say that they're fashionable and cute. Habang nagtitingin ako ay naiimagine kong suot ng dalawang bubwit ang mga damit at mukhang bagay naman sa kanila ang ilan. I picked some cute dresses and shirts for them, as well as shoes and accessories. Nang nabayaran ko na ay doon ko lang narealize ang ginawa ko at naitanong ko sa sarili ko kung bakit ko ba 'to ginagawa. Tsk. Hayaan na nga, nandyan na, eh.

Nagtingin pa ako sa ilang shops at ilang beses din ko ring pinag-isipan kung bibilhin ko ba ang mga nakikita ko o hindi. Gusto ko pa sanang mag-ikot pero nang nakita ko ang oras ay agad akong nag-book ng taxi dahil magfa-five na pala.

"Oh my gosh. No," bulong ko dahil tuluyan nang namatay ang phone ko. Buti na lang at nakasakay na ako ng taxi pero bigla namang nagka-traffic sa intersection.

"Naku, Ma'am, mukhang may nagkabanggaan," sabi naman ni Kuya nang makita niya akong dumudungaw sa labas.

Sa sobrang bagal ng galaw ng mga sasakyan ay naging forty minutes ang 10-minute ride from mall to school. Nakarating ako sa campus ng 5:40 at hindi ko alam kung bakit sa main gate pa ako bumaba. Sigurado namang dumiretso na ang lalaking 'yon sa parking lot. Tsk. Stupid—

"Chloe!"

Napahinto naman ako nang narinig ko ang pangalan ko. When I looked around, I saw Jazer running toward me. He was still here?

"Why are you still here?" tanong ko nang makalabas siya sa main gate pero nagulat ako nang bigla niya akong hinawakan sa balikat. "W-what are—"

"Akala ko kung ano nang nangyari sa'yo," he exhaled. "Wala ka kasi doon kahit na sabay lang naman ang tapos ng klase natin. Hindi ko rin naman alam kung paano ka kokontakin."

Hindi ko alam kung ano ang irereact sa sinabi niya kaya kumunot lang ang noo ko. This was the first time I saw that kind of expression from him.

"My last class got cancelled so nagpunta muna ako sa mall," sabi ko na lang at napatingin siya sa paperbags na bitbit ko.

"Ah. Kaya pala. Pero bakit hindi mo sinabihan si Kuya Larry? Kanina ka pa raw niya tinatawagan."

"My phone died and traffic 'din kaya natagalan ako."

"Jazer! Nakita mo na ba si C—"

Pareho naman kaming napatingin sa likuran at nakita ko si Kuya Larry.

"Chloe!" sigaw niya at saka nagmadali papunta sa amin. "Ikaw bata ka, saan ka ba galing at hindi ka nagrereply o sumasagot sa tawag?"

"Sorry, Kuya, namatay ang phone ko at sobrang traffic sa intersection."

Napailing na lang siya at bigla akong naguilty dahil do'n. Naglakad naman kaming tatlo papunta sa parking lot at sumakay kami sa kotse. Nilagay ko ang paperbags sa tabi ni Kuya Larry at agad niyang pinaandar ang sasakyan.

Tahimik lang ako habang nasa byahe pero napatingin naman ako nang nagsalita si Kuya Larry.

"Sa susunod nga, huwag mong hahayaang ma-deadbatt ka," sabi ni Kuya Larry.

"Sorry na nga," sabi ko naman dahil lalo lang akong nagiguilty.

"Naku, huwag ka sa aking mag-sorry. Kay Jazer." Bigla naman akong napatingin kay Jazer dahil sa sinabi ni Kuya Larry pero paglingon ko ay tulog na siya.

"Bakit naman?"

"Hinanap ka niya sa last class mo, pati na rin sa library at sa iba mo pa raw na pwedeng puntahan. Kung saan-saan 'yan tumakbo lalo na't sinabi kong hindi kita ma-contact."

He did? Why would he do that?

Pagdating namin sa bahay ay nagising siya at ako naman ay agad na lumabas. Kinuha ko ang paperbags at dumiretso sa front door pero nagtaka ako dahil wala ang mga bubwit ngayon.

"Tulog sila, kung 'yon ang gusto mong malaman," biglang sabi ni Kuya Larry pagpasok niya habang nakangiti.

"I'm not asking," sagot ko naman habang nakasimangot at lalo lang siyang ngumiti kaya naman inirapan ko siya.

Pagpasok ko sa kwarto ay tinabi ko ang mga binili ko at nagbihis. Naalala ko naman ang phone ko kaya kinuha ko ang charger sa drawer pero napatigil ako nang may nakita ako ro'n. Well, this might be useful.

Bumaba ako at naabutan ko si Jazer na nagliligpit ng mga laruan sa living room kaya dumiretso ako sa kaya. Nang nakita niya ako ay napatigil siya. May inabot ako sa kanya pero mukhang nagulat siya kaya tumingin lang siya sa akin.

"Kunin mo na," sabi ko pero hindi niya pa rin tinatanggap.

"Bakit mo ako binibigyan ng phone?" tanong niya at napabuntong-hininga ako.

I saw my old phone in the drawer and I thought that I could give this to him, especially after what happened a while ago.

"A phone is a necessity nowadays. You should have one."

"No. Pwede naman akong bumili ng mumurahin—"

"Huwag kang mag-alala. Hindi ko naman 'to binibigay. Ipapahiram ko lang sa'yo, kung 'yon ang pinoproblema mo," sabi ko dahil sigurado namang 'yon ang irarason niya.

"Pero . . ."

"Just get the goddamn phone already," I said while shoving it to his hand. "Nangangawit na ako."

After that, I marched back to my room. Kinuha ko ang phone ko at napatigil ako dahil may text na dumating galing sa dati kong number.

Thank you.

Wait, how did he know my number? Binura ko lahat ng contacts doon at sa pagkakaalala ko ay hindi ko naman sinave ang number ko.

Where did you get my number?

Nagreply naman agad siya.

Kay Kuya Larry.

Wala naman na akong maireply kaya ibababa ko na sana ang phone ko pero may dumating ulit na message galing sa kanya.

May pictures ka pa pala rito.

"Shit!" I cursed after reading that.

Napatayo agad ako at patakbong lumabas sa kwarto. Pagsilip ko sa baba ay hawak niya ang phone kaya nagmadali akong bumaba.

"Hoy!" sigaw ko at napatingin naman siya. Tumayo siya nang nakarating ako sa sala na para bang walang nangyari.

"Bakit?" inosente niyang tanong kaya lalo lang akong nabwisit.

"Akin na!" sabay lahad ko sa palad ko.

"Ang alin?"

"My phone!"

I tried reaching it but he raised his hand, along with my phone. I glared at him but he smiled in return and that made me more frustrated.

"Give that to me!" Sinubukan kong abutin ang phone habang binababa ang braso niya pero hindi ko magawa dahil ang lakas niya. "Isa!" sabi ko habang nakatingin sa kanya nang masama.

"Dalawa," sagot niya naman habang nakangiti kaya sinuntok ko siya sa tiyan.

Finally, he was caught off-guard and I used that time to reach my phone. I leaned closer and I was about to get it but my foot slipped and I lost my balance. I thought I'd fall backward but he held my back and stopped my body from tumbling.

"Okay ka lang?" Pagkatanong niya no'n ay bigla ko siyang naitulak at tumayo naman ako nang maayos.

"Bwisit!" sigaw ko at padabog akong umakyat sa kwarto ko.

Forget about the pictures. That one was more embarrassing. Damn it!


***

Continue Reading

You'll Also Like

230K 4.4K 44
COMPLETED. MFBB SEQUEL MY FLOWER BOY BROTHER (BOOK 1 ans 2) IS NOW AVAILABLE AT PRECIOUS PAGES STORE FOR ONLY 119 PESOS :) Grab your copy now :) Pa...
318K 5.2K 35
Sophie is just an average girl with simple life. Until one day, she finds herself caught in a complex love triangle between two popular guys at her u...
3.5M 238K 68
Eleanor worked for several masters until an incident forced her to restart her life in a small town of Van Zanth, where hybrids prosper than humans. ...
2M 80.5K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...