Canvas-2
Jay-jay's POV
"🎶Tagu-taguan maliwanag ang buwan... Pagbilang kong tatlo nakatago na kayo... 1.. 2.. 3..🎶" kanta ni Ci-N habang nakaharap sa pader at nakatakip ang mata.
Wala kasi kaming teacher ngayon kaya naman naisipan nilang maglaro. Masyado pa kasing maaga para magluto ng lunch.
"GAME!" Sigaw ni Ci-N at hinanap na yung mga kalaro nya.
Habang sila busyng busy sa paglalaro. Ako eto, nakatanga sa kung saan habang naka-upo sa sahig sa may pinto.
"Jay! Umayos ka nga ng upo." Utos ni Yuri.
Hindi ko sya pinansin. Wala kong paki sa pwesto ko. Masarap pumwesto dito sa may pintuan, medyo malakas ang hangin.
"Jay! Umayos ka. Nakikitaan kana." Ulit ni Yuri.
Tumayo nalang ako at pinagpagpag ang palda ko. Istorbo naman kasi tong Yuri na to. Ang sarap ng upo ko at ang lalim ng muni-muni ko.
"May problema kaba?" Tanung nya sakin.
Meron! Marami!
"Wala..." Bored kong sagot.
"Pero ang haba ng nguso mo dyan."
Napahawak naman ako sa nguso ko. Naka-pout nga ako pero hindi mahaba. O.A nitong Yuri na to!
"Magsabi kana... Anu ba kasi yun?" Tanung nya ulit.
Makulit din!
Huminga ako ng malalim. Ayoko sanang magsalita pero alam kong hindi ako titigilan nitong si Yuri.
"S-si Aries kasi."
"May nangyari ba kay Aries?"
Umiling ako. "Pakiramdam ko kasi may nasabi akong hindi maganda. Bigla nalang syang umiyak."
Tumawa ng mahina si Yuri. "Seriously? Aries cried?"
Akala ata niloloko ko sya.
"Oo... Pinag-uusapan lang namin yung kapatid ni Felix. Anu nga ulit pangalan nun? Pe-Percy? Percy! Yun!" Paliwanag ko.
Napatingin ako kay Yuri. Hindi kasi sya sumagot sa sinabi ko. Naging seryoso yung muka nya. Para bang may nasabi ako na hindi maganda.
"Bakit nyo sya pinag-usapan?" Seryosong tanung nya sakin.
"Bakit nga ba? Nakausap ko kasi si Felix nung umaga, sinabi nya sakin yung tungkol sa kapatid nya. Tapos nung gabi, nabanggit ko kay Aries. Ayun, nag-away kami."
Tumahimik ulit si Yuri. Para bang meron syang iniisip.
"Bakit? May problema ba?" Tanung ko.
Bigla nya kong hinawakan sa ulo at ginulo yung buhok ko.
"Makipag-laro ka muna kila Ci-N." Utos nya sakin.
Pumasok sya sa loob ng room at lumapit kila Keifer. Hindi ako sigurado sa nangyayari pero baka mas mabuti ngang sumali muna ko kila Ci-N.
Naglakad-lakad ako para hanapin sila. Umikot na ko sa gilid ng building ng Section E. Pero hindi ko makita yung mga luko. Babalik na sana ko sa room ng my marinig akong sigawan.
"ANU BA?!"
"PAKINGGAN MO NAMAN AKO!"
Parang boses ni Denzel yung isa pero hindi ako sigurado dun sa kausap nya. Hinanap ko kung nasan sila.
Sa likod ng malaking puno ko sila natagpuan. Si Denzel nga yung isa at si Canvas-2 na naman yung kaaway nya.
"Malapit na kong mapuno sayo!" Sigaw ni Denzel.
"Denzel naman! Maawa ka naman sakin! Panu na ko?! Panu na yung magiging anak natin?!" Sabi ni Canvas2 at umiyak na naman.
Eto na naman sila. Hindi ko maintidihan yung pinag-aawayan nila. Pero nakaka-awa yung itsura ni Canvas2. Kalat-kalat na kasi yung make-up nya.
"Hindi nga ako sigurado kung sakin talaga yan eh!"
Napataas ang isang kilay ko don. Yan ang sinasabi ng mga lalaking putrages na ayaw panindigan yung ginawa nila.
Tsk! Tsk!
"Ang kapal ng muka mo! Alam mo namang sayo ko lang binigay ang sarili ko!" Lalo pang lumakas ang pag-iyak nya. Hinampas-hampas na rin nya si Denzel.
"Umalis kana nga! Wag kanang magpapakita dito!" Sigaw ni Denzel.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumapit na ko sa kanila. Maling-mali kasi yung ginagawa nitong si Denzel.
"Denzel." Tawag ko sa atensyon nya.
Halatang nagulat si Denzel at tinignan naman ako ng masama ni Canvas-2.
"J-jay... Anung ginagawa mo dito?" Tanung sakin ni Denzel.
"Pwede umalis kana dito?! Hindi mo nakita nag-uusap kami?!" Sigaw sakin ni Canvas-2 dahilan para tignan sya ng masama ni Denzel.
"Wag mo ngang sigawan si Jay! Umalis kana dito!"
Tinignan ako ni Canvas-2, mula ulo hanggang paa. Humarap sya kay Denzel.
"Sya ba dahilan kaya ayaw mo kong panagutan?!" Tanung nito.
Napasinghap nalang si Denzel sa galit. Mukang napipikon na talaga sya dito kay Canvas-2.
"Hindi ako. At kung anu man yang pinag-uusapan nyo. Wala akong alam." Bored na sagot ko. "...Gusto ko lang kausapin tong si Denzel."
Pareho silang naguluhan sa sinabi ko. Kaya naman bahagya akong lumapit kay Denzel at kinultukan sya ng malakas sa ulo.
"Aray! Para saan yun?!"
Tinignan ko sya ng masama. "Bakit ganyan ka makipag-usap sa babae?!"
"Hindi mo naiintindihan Jay..." Sagot nya sakin habang hinihimas ang ulo nya.
"Ipaintindi mo! Sige! Explain!"
"Jay-jay... Kasi..." Umiwas sya ng tingin.
"Ayaw nya kong panagutan!" Singit ni Canvas-2.
"Pwede ba?! Hindi nga sakin yan! Umalis ka na nga dito!" Sigaw na naman ni Denzel.
"Denzel!" Tinignan ko sya ng masama. "...Bumalik kana sa room."
Ayaw sanang nyang sumunod pero pinandilatan ko sya ng mata. Nag-iwan muna sya ng natalim na tingin kay Canvas-2.
Nang mawala sa paningin namin, hinarap ko na ulit tong isa.
"Mahilig kang maki-alam diba?! Kausapin mo si Denzel! Sabihin mo panagutan nya ko!" Sabi ni nya sakin habang patuloy sa pag-iyak.
Maka-utos naman to! Close tayo?!
"Wag mo nga akong utusan! Tumigil ka sa pag-iyak. Baka kung anong mangyari sa Baby mo."
Bahagya syang tumahan at pinunasan ang muka nya. Ngayon ko lang napansin na tumaba nga sya mula nung huli naming pagkikita.
Nakikita ko sya palakad-lakad kasama ng mga classmate nya pero sandali lang yun. Hindi ko rin naman sya pinagmamasdan, syempre naiinis ako sa kanya.
"Alam na ba to ng magulang nyo?" Tanung ko.
"Wala akong magulang." Inis na sagot nya sakin.
"Sinong pinagsabihan mo tungkol dyan?"
Umiwas sya ng tingin at hinawakan ang tyan nya.
"S-si Freya, pero pinagtawanan lang nya ko. Hindi daw ako marunong kaya nabuntis ako."
Wow! True Friend!
"Ayos! Galing ng tropa mo, nakatulong sya." Sarkastiko kong sabi.
Nagsimula na naman syang umiyak. Medyo natakot ako baka kasi may nasabi akong hindi maganda.
"H-hala... Wag kang umiyak! May nasabi ba kong hindi maganda?! Wag ka nang umiyak... Ano..."
Aarrrgghhh!!! Hindi ko alam pangalan nya! Binansagan ko lang syang Canvas-2.
"Grace... Grace ang pangalan ko." Sabi nya habang pinupunasan ang luha nya.
"Tumahan kana... Kakausapin ko si Denzel. Kung kailangang balian ko sya ng buto gagawin ko."
Tumango sya sakin. Sabay na kaming naglakad pabalik sa room pero hindi dun ang punta nya. Dun lang sya dumaan.
Pagpasok sa loob, nilapitan ako ni Ci-N.
Andito na pala to?!
"Bakit kasama mo yung alipores ni Freya?" Tanung nya sakin.
"May tinanung lang." Sagot ko.
Napatingin ako kay Denzel. Hindi ko alam kung ako ba dapat ang kuma-usap sa kanya tungkol don. Pero siguro mas maganda kung mas matured na tao ang kakausapin nya.
Si Kuya Angelo kaya?
Baka masermunan lang sya. Kawawa naman pagnagkataon.
Tinignan ko sila Yuri na busy'ng busy sa pakikipag-usap kay Keifer at Felix.
Si Yuri nalang kaya!
Pwede rin kayalang.... Parang hindi. Baka kagalitan lang nya si Denzel.
Si Keifer?
Mas lalong hindi. Baka bugbugin pa nya si Denzel. Wala ding saysay kausap tong Hari ng mga ulupong.
Napatingin ako sa table sa tabi ng table ko. Kung saan nakapwesto si David at kasalukuyang natutulog.
Si David!
Matured na mag-isip tong isa na to. Hindi rin nya kakagalitan si Denzel at hindi rin nya babanatan.
Si David nalang talaga. Lumapit ako sa kanya at ginising sya.
"Hmm.." sagot nya sakin habang pupungas-pungas.
"Kain tayo mamaya..." Aya ko sa kanya.
Taka nya kong tinignan. "Inaaya mo ba kong magkipag-date?" Tanung nya.
Medyo napalakas yung pagkakasabi nya kaya agad kaming pinagtinginan. Lumapit na rin samin si Ci-N.
"Magd-date kayo?"
Hindi sana ang isasagot ko kayalang baka magsisama naman sila. Si David nga lang ang kailangan kong makausap.
"O-oo.." alanganin kong sagot.
"Sama ako!" Sigaw ni Ci-N.
"H-hindi pwede!"
"Bakit si David lang inaaya mo?"
Tengene naman! Si David nga lang ang kailangan kong maka-usap.
"...dapat ako din!" Dagdag pa ni Ci-N.
Natampal ko na ang sarili kong noo. Napaka-kulit nitong bata na to! Hindi magpapa-awat.
Tinignan ko si David na mukang inaantok pa rin.
"O-okay lang ba kung kasama si Ci-N?" Tanung ko.
Tumingin naman sya kay Ci-N bago muling humarap sakin.
"Okay lang... Ako nalang pipili ng lugar." Sabi nya at dumukdok ulit para matulog.
Tinignan ko si Ci-N na may alanganing ngiti. Tuwang tuwa naman ang walang hiya kasi kasama sya.
Panu ko kakausapin si David ng hindi naririnig ng isang to?! Madaldal pa naman sya, sure akong ikukwento nya sa iba kapag nalaman nya yung pag-uusapan namin.
Napatingin naman ako sa paligid ko. Lahat sila samin nakatingin. Para bang big deal yung pinag-usapan namin.
Yung tingin ni Yuri at Keifer ang tumatak sakin. Kinilabutan kasi ako agad.
"Type mo ba si David?"
Don't forget to Vote, Comment and Share. 😉