FRIENDSHIP
Nagbuntong hininga ako at pumunta doon sa may bench ng field namin. Kakaunting studyante lang ang nakikita ko doon. May mga babaeng naglalaro ng soccer doon.
Umupo ako sa bench at nilapag ang mga gamit doon. Good game, well played. Wala akong mapapala nito kung hindi, zero grade.
"Watch out!"
Napatingin agad ako sa bandang gilid ng may tumamang bola agad sa bandang balikat ko. Malakas ang impact nito kaya muntik na akong matumba sa bench. Buti at napahawak ako sa bag ko sa gilid. Napahawak agad ako sa balikat ko at napapiksi sa sakit na nararamdaman.
"Hala, miss sorry!"
"Oh my God, Sabreen! What did you do?"
"Okay ka lang ba, Miss?"
Narinig kong sabi ng mga babaeng nasa gilid ko. Naramdaman ko rin ang mga kalabit nila sakin. Hinawi ko ang mga kamay nila at sinamaan ko sila ng tingin.
"It's okay."
Mahinang sabi ko. Narinig kong humingi ulit sila ng tawad at naramdaman ko rin ang isa isang pag alis nila.
"Miss, sorry talaga. Hindi ko sinasadya."
Muntik na akong mapatalon sa upuan nang magsalita ang isang babae sa gilid ko. Tumingin ako sakaniya. Napakagat labi sya at umiwas ng tingin sakin. Pinasadahan ko sya ng titig. She must be Sabreen.
"I said, it's okay. Is it that too difficult to fathom?"
Malamig ngunit naiinis na ani ko. Pinagmumukha nya akong sirang plaka. Ang lakas kaya ng pagkatama ng bola nya sa balikat ko. Pakiramdam ko ang malas ko talaga sa araw na ito. Natigilan ako ng may likido na namang lumandas sa pisngi ko galing sa mata ko. Ang dali ko talagang maiyak kung sobrang emosyonal ko na. Pinunasan ko ito. Naramdaman kong nataranta si Sabreen sa inasta ko.
"Oh my God! I really apologize for my mistake, Miss. Here. Use this."
May inabot siyang panyo sa akin. Nagdalawang isip ako na kunin ito kaya kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa palad ko. Nagbuntong hininga nalang ako at pinunasan ang luha ko.
"Umalis ka na. Baka hinahanap ka na ng mga kasama mo "
Hindi siya umimik sa sinabi ko. Sorry ka nalang Miss. Wala ako sa mood ngayon kaya mas susungitan at susungitan kita hanggang sa matapos na itong nga problema ko.
"It looks like you need a shoulder to lean on. Here, lean on me and I'll be here for a moment."
Papalag na sana ako ng lumapit siya sa akin at inihilig nya ang ulo ko sa mga balikat niya. Napatakip agad ako ng mukha gamit ang panyo ni Sabreen dahil naramdaman ko na naman ulit ang luha ko.
Salamat Sabreen.