Most Wanted (GL) [To Be Self...

By InsaneSoldier

1M 30.6K 1.7K

[This is a GL story] Date started: September, 2015 Date completed: January, 2017 CONTENT WARNING: Some conten... More

Introduction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11 - unedited
Chapter 12 - unedited
Chapter 13 - unedited
Chapter 14 - unedited
Chapter 15 - unedited
Chapter 16 - unedited
Chapter 17 - unedited
Chapter 18 - unedited
Chapter 19 - unedited
Chapter 20 - unedited
Chapter 21 - unedited
Chapter 22 - unedited
Chapter 23 - unedited
Chapter 24 - unedited
Chapter 25 - unedited
Chapter 26 - unedited
Chapter 27 - unedited
Chapter 28 - unedited
Chapter 29 - unedited
Epilogue - unedited
ANNOUNCEMENT: TO BE PUBLISHED
MOST WANTED TO BE PUBLISHED JOURNEY (W/ SNEAK PREVIEW OF THE REVISED PROLOGUE)

Chapter 9

29.8K 900 7
By InsaneSoldier

SULLI'S

"Please, Sulli! Please, please, please!"

Tinaasan ko siya ng kilay at pinagmasdan ang anak niyang si Sydney na kumapit sa binti niya habang kumakain ito ng chocolate bar.

I folded both of my arms as I took a deep sigh. Ano pa bang magagawa ko kung nandito na ako sa unit niya? Muli ay nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga habang inaalala kung paano ako napunta rito...

Naalimpungatan ako nang may maramdaman akong nakadagan sa akin, at ang mas nagpagising sa'kin ay ang mainit na hiningang nararamdaman ko sa leeg. Idinilat ko ang mata para lang makita si September na nasa ibabaw ko at prenteng nakayapos sa akin. "W-what...?"

She propped herself up to take a good look at me, there was a sweet smile plastered on her lips. "Good morning!"

Napaiwas ako ng tingin at sinubukan siyang itulak ngunit tulad ng dati, wala na naman akong nagawa. "Anong ginagawa mo rito?"

"Ah, eh," She laughed like a robot. "Can I ask you a favor?"

"Hindi." Mabilis na sagot ko na ikinasimangot niya.

"Payag ka na!" She pouted her lips as she shook me. Umiling lang ako. I tried not to show any expression. Ang aga-aga naman nito mangulit. Sumimangot siya nang mapagtantong wala akong balak pumayag sa kung ano mang pabor ang gusto niya. She buried her face on my neck, I shivered when she kissed my ear and breathed. "Please?"

Napabuntong-hininga ako. Habang tumatagal mas nagiging soft na ako sa babaeng 'to. I can't help the sigh I released out of pure defeat. I need to control my feelings.

She kissed my neck up to my shoulder. "Please?"

"Fine," Wala na akong nagawa kung hindi ang tumango. "What is it?"

"Yey!" Maligalig na reaksyon niya. Humalik pa siya sa pisngi ko bago ngumiti at napaiwas naman ako ng tingin. Hindi na siya umalis sa ibabaw ko at kahit ayaw ko ay hindi na 'ko nakapalag nang hawakan niya ang kamay ko. "Ipapasuyo ko lang sana si Sydney. Can you take care of her habang wala ako?"

Mabilis na napalingon ako sa kanya. "Bakit? Saan ka pupunta? Hindi ba pwedeng yung kaibigan mo na lang?"

"Busy siya, eh." She shook her head and pouted her lips. She's seductive and all but she always acts like a kid. "Please? Take care of her. Ikaw lang pwede kong pag-iwanan sa kanya."

"Alam mong may pasok din ako," sagot ko. At isa pa, hindi ako marunong mag-alaga ng bata.

Biglang lumungkot ang expression niya. "Um-absent ka muna kahit ngayon lang. Ikaw naman ang boss, 'di ba?"

"Kahit na ─"

"Sige na kasi, Sulli. I trust you."

Sa sinabi niyang 'yon ay biglang kumabog ang dibdib ko. I don't know. Maybe because of how soft her voice was. "Saan ka ba pupunta?"

Napakunot ang noo ko nang biglang umilap ang kanyang tingin. "Some business stuffs."

"Anong business? Baka magb-bar ka lang." Hindi ko mapigilang makaramdam ng paghihinala. Alam kong maaga pa para mag-bar pero malay ko ba naman sa babaeng ito?

I don't even know kung anong pinagkakaabalahan niya sa buhay. She likes asking a lot of things about me pero kung titingnan ay siya itong mas mailap kapag tungkol sa sarili niya. Hindi rin naman ako nagtatanong, hindi ko ugali magtanong ng personal na buhay ng iba dahil mas gusto kong sila mismo ang kusang magsabi sa akin.

"Uy, hindi, ah!" pagtanggi niya. "Ang aga-aga tapos magb-bar agad ako?"

"Kung ganoon ay anong business nga?" pangungulit ko.

"Basta." Umilap na naman ang titig niya kaya lalo akong nac-curious.

"Ano nga?"

"Basta nga."

"Okay. Hindi ako pumapayag."

Nanlalaki ang matang napatitig siya sa'kin. "Sulli naman, eh!"

"Sasabihin mo o hindi?"

"Basta nga kasi."

"Okay, bahala ka talaga riya ─ hey ─ what the fuck!" Halos malaglag ang puso ko nang bigla niya akong buhatin na parang sako ng bigas. "Ibaba mo 'ko!"

"Kung ayaw mong pumayag, edi dadalhin na lang kita sa unit ko." Parang wala lang sa kanya ang bigat ko habang naglalalad palabas sa aking kwarto. She carried me like I weighed nothing at all.

"September Imperial!"

Pagkatapos no'n ay hindi na siya nakinig sa kahit na anong pinagsasabi ko. Buhat-buhat niya ako hanggang sa makarating kami rito. Napabuntong-hininga ulit ako. "Fine, nandito na 'ko, eh. Alis na."

"Really?"

"Yeah, yeah," I breathed. "Get out."

"Thank you!" Lumapit siya sa'kin at binaliwala ang paglambitin ng anak niya sa kanyang binti. Mabilis niya akong hinalikan sa pisngi.

Napalo ko tuloy siya sa braso at napatingin kay Sydney, mabuti na lang ay hindi niya nakita ang ginawa ng Mama niya.

Binuhat ni September ang bata at hinalikan ito sa noo. "I'm going na, behave lang kay Mommy, ah?"

The kid nodded. "Pasalubong po."

"Sure thing." She nodded. Tumingin siya sa'kin at kumindat ─ isang malanding kindat. "Ikaw din may pasalubong."

Umismid ako. "Kahit huwag na."

"Whatever." Inilapit na niya sa'kin si Syd habang humahagikhik na akala mo'y kinikilig siya. "Bye-bye. Huwag mo 'ko masyadong mami-miss."

Kaagad ko siyang inirapan. "Dream on."

"Gabi na 'ko makakauwi." She smirked at me. "Huwag ka agad matulog, ah?" She bit her lower lip in a rather provocative way, as if insinuating something. "May gagawin tayo."

Tinakpan ko muna ang tainga ni Sydney bago nagsalita ng mahina na siguradong hindi maririnig ng bata pero maiintindihan ni September. "Shut the fuck up."

"Awe, sweet!" She blew a kiss and winked again bago naglakad paalis. "Bye! Alagaan mo anak natin."

And, she's gone. Thank goodness.

Binitawan ko ang tainga ni Sydney at lumuhod ako para maging magkasing level ang mukha namin. "How's my baby?"

She smiled sweetly at me. Itinapat niya sa bibig ko ang chocolate na kinakain niya. Kumagat naman ako dito at kinurot ang kanyang pisngi. She giggled. "I'm fine po. I missed you po."

"I missed you, too." I kissed her cheeks. "Gusto mong gumala?"

"Hm-mm!" Excited na pagtango niya.

I patted her hair and I motioned her to sit on the couch. Pumunta ako sa kwarto ni September. Nakasuot pa rin kasi ako ng pantulog dahil sapilitan lang akong dinala rito ng makulit na babaeng 'yon.

Kaagad akong pumasok sa loob at namangha dahil malinis ang kwarto. Sigurado naman akong hindi siya ang naglinis dito dahil burara 'yon. Nakarating na 'ko dito dati at una ko itong nadatnan na puno ng kalat. Grabe, tumanda siya na hindi man lang natutong gumawa ng gawaing-bahay. Stupid.

Nakigamit na ako ng bathroom nila. Pagkatapos kong maligo ay kumuha ako ng damit niya, I settled myself with a white sleeveless shirt and short shorts. Pansin ko marami sa mga drawer niya ay naka-lock, may sinubukan kasi akong buksan kanina. She seemed really secretive for someone who's really loud.

Pagkatapos mag-ayos ay lumabas at inaya ko na rin si Sydney, bihis na bihis na rin naman siya kaya hindi ko na pinagpalit pa. I guess September anticipated even this one as well. That wicked woman.

"Let's go?"

"Hmm!"

--

SEPTEMBER'S

Kaagad akong yumuko ng bahagya sa taong kaharap ko. Narinig ko ang pag-tap na kanyang sapatos at napatingin nang tapikin niya ako sa balikat. Pasimple akong humugot ng malalim na hininga. "Sir."

Muli siyang naglakad palayo at umupo sa kanyang recliner at ipinatong ang magkasalikop nitong kamay sa ibabaw ng lamesa. "Ang tagal mo nang hindi nakakapunta rito."

"I apologize," Yumuko ako ng ilang segundo. "I was occupied for the past few days."

Tumango siya ngunit mukhang hindi kumbinsido. "Just make sure that you'll always do your job well." He tapped his finger on the table. "Remember that."

"Yes, Sir."

Muli ay pinagmasdan ko ang nasa harap ─ a man in his fifties, may mga puting buhok na ito ngunit hindi maikakaila ang pagiging makisig at gwapo niya. Katulad ni Sulli ay palagi rin itong walang expression sa mukha but this man in front of me, he's frightening.

That's Raymond Tonido, and his business? It's to tend to our clients' requests in any possible way ─ like killing.

Masasabing organisasyon kami na binubuo ng iba't ibang klase ng mga tao — magnanakaw, hackers, at ang mga katulad kong pumapatay.

Wala kaming pinipili. Mabuti man o masama ang dahilan, basta para sa pera, susunod kami. We were trained to be like this.

Marami ang mga katulad ko ngunit isa ako sa pinakamatunog ang pangalan. Dobleng pag-iingat ang ginagawa ko. Okay, loko-loko ako pero hindi ko hinahayaang may makaalam nitong trabaho ko.

Nasa blacklist na rin ako ng pulisya at marami na rin ang naghahanap sa'kin pero ni isa sa kanila ay hindi man lang malaman kahit ang totoong pangalan ko. Kill ang ginagamit kong moniker, simply because I kill.

"Bakit ka nga pala nandito ngayon?" I was startled by his voice at kaagad na umayos ng tindig. "You're not planning to quit, right, Kill?"

Napalunok ako. Biglang nanginig ang kalamnan ko dahil sa klase ng kanyang pagtitig ─ matalim, malalim, nakakamatay, delikado.

Balak ko talagang talikuran na ang ganitong trabaho para kay Sydney, pero, sa ganitong klase ng sitwasyon at sa tinging pinapahiwatig niya, alam ko na isang maling sagot ko lang ay babagsak ako mismo rito sa kinatatayuan ko. I never knew this can be so hard.

Umiling ako at ngumiti. Pilit tinatago ang emosyong gustong kumawala mula sa akin. "I'm only here to get a mission."

"Good." He nodded. Mula sa mga papeles na nakapatong sa lamesa ay kumuha siya ng isang file na naka-folder at inabot iyon sa'kin. Lumapit naman ako para abutin ito. "That's your new client."

Hindi na siya nagsalita pagkatapos no'n kung kaya't nagpasalamat na lang ako bago tuluyang umalis. Nanlalambot na naglakad ako palabas ng kanyang teritoryo at sumakay sa aking sasakyan.

Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa nararamdamang lungkot at takot. Ni wala man lang akong masabi.

Mukhang hindi na ako makakaalis dito.

Napailing na lang ako binasa ang laman ng folder na inabot sa akin. I'm sure naman na napa-background check na niya ang taong 'to kaya hindi na ako nagdalawang isip na tawagan ito gamit ang numerong kadalasan kong ginagamit sa pakikipag-usap sa kliyente ko. "This is Kill."

Nakarinig ako ng mahinang static bago nagsalita ang nasa kabilang linya. "I am expecting your call."

Ibinigay niya sa'kin ang pangalan ng taong gusto niyang ipapatay, pinag-usapan namin ang mga detalye ng aming mga gagawin at ang mga proseso ng pagpapadala ng bayad kapag natapos ang misyon. Matapos no'n ay kaagad ko nang binuksan ang laptop na dala ko at ni-research ang magiging target ko.

Mayroon kaming sariling website na ginagamit na naglalaman ng iba't ibang record ng mga tao na nakatira sa iba't ibang lugar. Karamihan ng mga pwedeng i-search ay ang mga tao sa gobyerno, celebrity, at mga businessman.

Maaari itong maikumpara sa Deepweb, isang uri ng website kung saan maaari mong mahanap at pag-aralan ngunit hindi mo mahahanap ang mismong source nito dahil tanging bihasa lang sa hacking at iba pang nakakaalam nito ang maaaring maka-access ng ganitong klaseng website. Researchable and yet, not.

Pagkatapos mahanap at mabasa ang pangalan ang mahahalagang information ng target ay inaral ko naman ang blueprint ng kompanya nito ─ mga exits, secret passages, at marami pang iba. Ngayon, ang kailangan ko na lang gawin ay ang pag-aralan ang mga kilos nito bago magsagawa ng concrete na plano.

Kaagad kong kinontak ang isa sa mga kasamahan ko upang magpagawa ng pekeng dokumento at ID para maisagawa ko na ang observations ko. Mabilis lang iyon kung kaya nagmaneho na ako papunta sa kasamahan ko upang makuha na ang mga kailangan ko, tantiya ko ay nasa treinta minutos lang ang biyahe bago ako makarating.

--

"Thanks." Wika ko pagkakuha ng mga kailangan ko.

Tumango siya at kumindat sa akin. "Anytime, man."

"Yeah."

Pagkalabas ko ay kaagad akong pumunta ng aking sasakyan at nagmaneho na paalis. Mabuti na lang at himalang hindi matrapik ngayon kaya mabilis ang biyahe papunta sa kompanyang pupuntahan ko. I need to finish this mission as soon as possible. There might be a change of plan depending on the situation. Sana lang ay pumabor sa'kin ang swerte ngayon.

Pagka-park ng sasakyan ko ay kinuha ko muna ang baril ko at inilagay sa holster sa may hita ko. Pumunta ako sa backseat ng sasakyan at kinuha ang formal dress na palagi kong dala-dala para sa ganitong klase ng sitwasyon. Mabuting nang handa palagi.

Paglabas ko ay pasimple kong pinagmasdan ang paligid, hinahanap kung saan naka-install ang mga CCTV cameras. Napangiti na lang ako.

Habang naglalakad ay napahinto ako nang makita ko ang isang matangkad na lalaking naglalakad patungo sa sasakyan nito at mukhang nagbabalak na umalis kasama ang mga bodyguards nito. I raised an eyebrow and smirked. Bingo, change of plan.

Mula sa puwesto ko ay muli kong sinipat ang mga camera, hindi ako mahahagip. Sa pagkakatanda ko, may shifting ang mga taong nagbabantay sa surveillance room ng kompanyang 'to. Pihadong sa mga oras na ito ay kakaalis lang ng bantay roon at mamaya lang ay may papalit na doon.

The most stupid reason kung bakit marami pa rin ang napapahamak kahit na may CCTV cameras sa paligid ay dahil na rin sa mga taong tamad magbantay at magmasid. And that's an advantage for me and to anyone. But it's still better to check its workaround just in case so I still had to check and study the shiftings and all.

Walang pagdadalawang-isip na kinuha ko ang baril at itinapat ito sa target ko. Palapit na siya sa sasakyan. Focus ko ang ulo niya. Hindi na baleng magkalat, basta dead on the spot. I licked my lower lip.

Unti-unti kong diniinan ang daliri sa trigger...at nang akmang bubuksan na nito ang pinto ng sasakyan ay kaagad ko nang kinalabit ang gatilyo na naging sanhi ng pagbagsak niya sa sahig ─ ng duguan. Bull's eye.

Mabilis kong ipinasok ang baril sa sasakyan at pumasok sa loob ng gusali. Ipinakita ko ang ID at VIP pass ko sa guard at kaagad naman ako nitong pinapasok matapos akong kapkapan sa katawan. Napairap na lang ako dahil pasimpleng hawak pa ito. Eh, kung siya na kaya isunod ko?

Napapailing na lang ako habang tinutungo ang surveillance room. May ilang minuto na lang ako bago ang sunod na shifting. Pagkarating ay tumingin pa muna ako sa paligid.

Clear.

Mabilis akong nakapasok at napangiti dahil hindi ito naka-lock. Walang tao nang pumasok ako.

Kaagad kong pinakialamanan ang mga computer at pinanood ang recordings ng nangyari kanina, medyo nahagip ang pag-alis ko sa lugar pati na rin ang pagkakabaril sa lalaki kaya mabilis kong binura ang video na 'yon. Nang matapos ay kaagad na akong umalis ng walang nakakapansin sa akin.

Easy as hell.

Pagkabalik ko sa sasakyan ay mabilis na akong nagmaneho paalis. Papalitan ko na lang ang plaka ko kung sakaling mag-check sila, although I'm currently using a fake one. Habang nasa biyahe ay tinawagan kong muli ang kliyente ko at bakas sa boses nito ang pagkagulat dahil sa bilis ko. Kaagad ko nang pinatay ang tawag matapos niyang sabihin na naipadala na niya ang pera.

I was always sought for this field because of my speed and clean execution of my every mission. Mabilis lang ako kumilos dahil kaya kong pag-aralan lahat ng anggulo sa maikling panahon lamang.

Biglang pumasok sa isip ko si Sulli. She's also a businesswoman, and someone with authority. Nagtataka ako kung bakit ni hindi siya kumukuha ng bodyguard kung ganoong kilala rin naman siya at isa rin siyang threat sa ibang businesses. I hope nobody would put a mark on her head. If that's the case, then what I can do is to watch her myself and monitor the requests going around. There's plenty of greedy people in this world and I have worked for them all my life.

If one day, life decided to bullshit me and decided to take Sulli as a price, hindi ko alam kung anong pwede kong magawa. Kailangan kong pigilan iyon sa abot ng aking makakaya.

Gusto ko nang itigil itong trabahong 'to pero mukhang matatagalan pa.

I don't think I'll ever be forgiven, but I just hope I won't lose the people I now cherish.

_____

Continue Reading

You'll Also Like

1M 12K 48
Cat Villanueva is the Headnurse of HC Medical City at nabuntis siya ng kinaiinisan at mortal enemy na Doktor. Ito ay si Rat Velaroza, isang OB-GYN...
309K 4.4K 46
Sojiro Yamazaki and Grace Paosal story🖤
621K 31K 36
"What makes you think you're already in love? You haven't even met that Zero." Natawa naman ako sa kaibigan kong si Leigh habang inaayos ko yung sint...
333K 15.1K 35
Still aching from her internet ex-boyfriend's scam, Tamitha finds herself in deep trouble when she meets Roosevelt Sanvictores, the man in the photos...