The Truth.
xxDalisayxx
Naglakad ako bitbit ang mga lobo.
Nakakatuwa. Nakakatuwa panoorin habang nagpupumilit ito na umakyat sa langit pero nandoon ang kamay mo para pigilan ito kaya hindi sya makaalis.
Sumunod sa akin si Deuce habang masaya akong naglalakad sa gilid ng dagat. Lumapit ako sa tubig at dinama ng paa ko ang maliliit na alon.
"Tsk. Kung birthday mo, bakit ako ang kasama mo?" Sigaw sa akin ni Deuce, nakalayo na kasi ako at hindi nya ako nasabayan sa paglalakad.
Tumigil ako at humarap sa kanya ng nakangiti.
"Gusto mo na bang umuwi?" Tanong ko.
"So pinapauwi mo na ako? Pagkatapos kitang samahan..." Kumunot ang noo nya at nagsalubong ang kilay nya. Natutuwa akong panoorin ang ganoong ekspresyon nya. Galit sya pero kunyari lang. Hindi naman nya ako maloloko eh.
"Akala ko gusto mo nang umuwi kaya ka nagrereklamo. Ang gulo mo talaga! Abogado ka ba talaga?" Tanong ko sa kanya. He smirked, yung confident nyang smile nandon ulit. Natatawa na lang ako. Tuwang tuwa sya kapag mas magaling sya sa kapwa nya.
"Ang pinakamagaling na abogado na makikilala mo!" Sagot nya pagkatapos nagjogging sya patungo sa dirkesyon ko. Kaswal lang ang damit nya, shorts at tshirt na black, leather slip ons na kulay brown. Yung buhok nya hindi masyadong maayos, parang hindi nya binabantayan ang pagtubo.
"Magpagupit ka na. Hinahangin na ang buhok mo." Puna ko. Tinaasan nya ako ng kilay.
"Anong paki mo?"
"Wala." Nagkibit balikat ako at nilagpasan sya sa paglalakad.
"A---Ano? Wala kang paki?!" Paniniyak nya,
"Gusto mo ba may paki na lang ako?" Natatawa kong tanong sa kanya.
"Hindi! Yung boyfriend mo na lang na kalbo ang pagtuunan mo ng pansin. Siguro kaya kalbo yon dahil gusto mo yung mga walang buhok."
Natawa ako. Muntik ko nang makalimutan na pinakilala ko nga pala sa kanya si Jolina bilang boyfriend ko. Inis na inis sa akin si Jolina noong araw na yon, buti na lang at umalis ako sa apartment namin ng ilang linggo kaya nakalimutan na ni Jolina ang kasalanan ko.
Pinagmasdan ko si Deuce na hinahati ang tubig sa kanyang paghakbang. Mababagal ang kanyang lakad kaya kitang kita ko ang swabe ng kanyang kilos. Kahit nakapamulsa sya, kitang kita ang hubog ng kanyang malapad na likod na parang masarap sandalan.
"Deuce." Tawag ko sa kanya. Huminto sya sa paghakbang at lumingon sa akin. Hindi sya sumagot pero iniangat nya ang dalawang kilay nya. Unti unting napawi ang ngiti ko at napalitan ng pagtambol ng puso. Ang kapal ng kilay nya, mapula ang mga labi at matangos ang ilong. Madilim kung tumitig ang mga mata nya na parang laging galit kaya nakakatuwa kapag nakakayang magpatawa ng kagaya nya kahit hindi nya sinasadyang maging katatawanan.
"Ayaw mo ba talagang maging business partner ko?" Pinipigilan kong matawa lalo na nakita ko na naman ang pagsimangot nya ng husto. Ang cute cute!
"Hindi nga! Wag mo nang---"
Hindi nya natuloy ang sasabihin nya dahil tumunog ang cellphone ko. Tumalikod ako kay Deuce para kunin ang tawag. Narinig ko pa ang pag'Tsk' nya.
"Hello?"
"Lumabas ka na naman." Hindi tanong yon nang nasa kabilang linya kundi konklusyon.
"Nagpahangin lang ako.." Sabi ko.
"Kasama sya?"
Kinagat ko ang aking labi, hindi ko alam kung paano sasagot.
"Uuwi na ako." Sabi ko na lang sabay baba ng kabilang linya.
"Salamat ngayong araw." Hinarap ko si Deuce at ngumiti sa kanya. "Uuwi na ako."
Tumango sya at nagpatiuna sa paglalakad.
"Hatid na kita.." Sabi nya ng malapit na kami sa kanyang sasakyan. Natigilan ako kaya kinailangan nya ako muling lingunin.
"Ayaw mo?" Tanong nya na mukhang malapit na namang mainis. His lips formed a thin line.
"Nakakahiya naman.."
"Sus! Ngayon pa nahiya! Maghapon na kitang nililibre tapos ngayon pa nahiya." Puna nya. Napayuko ako, si Deuce talaga walang filter...
"Saka yang lobo mo, puputok agad yan kapag nag-commute ka." Wika nya. Pinagmasdan ko ang lobo at napabuntong hininga ako.
Wala na akong nagawa kundi sundin sya. Pinagbuksan nya ako ng pinto ng sasakyan at parang nagulat pa sya sa ginawa nya. Ayaw nya kasing maging mabait sa akin, nagpapanggap syang masungit lagi.
Kaswal akong sumakay sa kanyang sasakyan. Noong nagsimula na syang magpaandar, natahimik na ako. Matatapos na muli ang araw na ito. Ano kayang magiging dahilan ko sa susunod?
"Anong iniisip mo?" Tanong ni Deuce kaya napalingon ako. Pula ang ilaw ng stoplight.
Ngumiti ako "Madami.." Sagot ko.
"Sana naman sa 'madami' na iniisip mo kasama doon ang pagtuturo kung saan ang bahay mo." Sarkastiko nyang sabi. Napakamot ako ng ulo at napahiya.
"Malapit doon kila Aling Lelay.." Sagot ko. Nagmaneho si Deuce at mukhang natatandaan nya pa. Nang makarating kami sa Baranggay nila Aling Lelay tinuro ko naman ang daan papunta doon sa bahay ni Jolina.
Naabutan ko sa labas si Jolina na may hawak ng supot ng softdrinks at umiinom habang nakasandal sa may gate. Nakatingin sya doon sa mga binatilyong nagba-basketball na paborito nyang gawin tuwing gabi.
Akmang hahawakan ko na ang pintuan ng gumaya si Deuce sa ginawa ko.
Aksidente nyang nahawakan ang mga kamay ko dahil doon. Natigilan ako. Ganoon din sya. Nagkatitigan kami at kitang kita ko ang malalim na paglunok nya.
"It's the same.." Bulong nya na parang wala sa sarili.
Ngumiti ako sa kanya kahit ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.
"O---O di ba parehas lang ng kamay ang mga burgis at jejemon!" Ngumisi ako sa kanya habang natatarantang binuksan ang pinto ng sasakyan.
Hindi ko na inintay na pagbuksan ako ni Deuce. Bumaba kaagad ako, kumuyom ang mga palad ko dala ng pagkatuliro.
Nagliwanag ang mukha ni Jolina pagkakita sa akin, mukhang namiss ako ng husto.
"Bak-----" Papatili na sya ng panlakihan ko sya ng mata at nginuso ang sasakyan ni Deuce.
"Pangga!" Lumaki at lumalim ang boses nya at sinalubong ako ng mahigpit na yakap.
"Pare." Pinanlakihan ako ng mata ng inihiwalay ni Jolina ang katawan nya sa akin at nakipagkamay kay Deuce. Hindi ko inaasahan na susundan pa ako ni Deuce hanggang sa pagbaba.
"Naiwan mo.." Iniabot sa akin ni Deuce ang tatlong lobo na inilagay nya sa likod ng sasakyan nya kanina. Titig na titig si Jolina kay Deuce na nanatili ang nga mata sa akin.
"Ay ano yan bakit may balloon? Nagpaputok kayo?" Bulong sa akin ni Jolina sa tenga na siniko ko naman agad sa tyan.
"Salamat Deuce.." Nakangiting sabi ko sa kanya, hindi nya inalis ang tingin nya sa akin kaya nailang naman ako parang may gusto syang sabihin na ayaw nyang ituloy.
"S-sige, pasok na kami sa loob. Ingat ka.."
Hindi sumagot si Deuce at tumalikod na lang. Mabilis pa nyang pinaandar ang sasakyan nya papalayo.
"Ikaw talagang baklita ka! Ginamit mo na naman ako bilang jowa mo! Pupwede namang sabihin mong joke lang yon." Nakangusong sabi ni Jolina habang sinusundan ko sya papasok ng apartment nya. Hindi ako kumibo kaya patuloy lang syang nagsalita.
"Kamusta ka naman? Isang buwan kang nawala ah." Umupo si Jolina sa kanyang sofa at ganoon din ang ginawa ko.
Hindi ako sumagot at malungkot na yumuko. Tumikhim si Jolina at inilapit ang sarili nya sa akin sabay hawak sa kamay ko.
"H-hindi pa din?" Kinakabahang tanong nya. Napabuntong hininga sya ng hindi ako sumagot.
"Bakla, ganoon naman talaga ang buhay, minsan may mga bagay na kahit anong hiling natin hindi ibibigay kaya wag kang magtatampo--"
Ngumiti ako ng malapad kay Jolina kaya napaawang ang labi nya. Mangiyak ngiyak na pala sya kanina.
"Gaga ka!! Maayos ang lahat?! Magaling ka na?" Hindi makapaniwalang tanong nya. Ngumiti ako at tumango.
"Ay baks! Mag-isaw at betamax party tayo! Panghimagas natin puto na may dinuguan!" Natatawang sambit ni Jolina. Tumawa lang ako. Ganyan pala ang itsura ko tuwing ginagaya ko sya. Masaya. Walang inhibitions. Lahat ng iniisip pupwedeng sabihin.
Malakas ang pagbusina ng sasakyan sa labas kaya naputol ang kwentuhan namin. Dumungaw si Jolina at nilingon ako.
"Check mo nga bakla kung may tracker ka sa paa. Damang dama nya kung asaan ka eh." Ngumuso si Jolina sa labas at tinapik ako sa balikat.
"Nood muna ako ng basketball, naglalaro si Ivan. Baka sakaling maka-score ako. Hehe!"
Tumuwid ako sa pagkakaupo ng lumabas si Jolina. Sya namang pasok ng bumibusina kanina sa labas.
"Nagpagod ka?" Unang una nyang tinanong. Ngumiti ako at umiling.
"Kahit naman sinabi sayo ng doktor na maayos ka na, hindi ka pa din dapat magpadalos dalos." Puno ng inis na sabi nya sa akin. Kahit ganon, hindi ko magawang mainis pabalik. Inalagaan nya ako ng husto.
"Maayos na ako." Kampante ako don. Lahat ng test na ginawa sa akin nung isang buwan ay nagpakita ng positibong resulta.
"Raeven, bakit mo ba ginagawa ito? Desisyon mong lumayo, bakit ka bumabalik?" Puno ng hinanakit na tanong nya.
Napayuko ako sa pagtawag nya sa totoo kong pangalan.
"Kailangan nya ako--"
"Pero may kasalanan sya sa yo!" Pagdidiin nya.
"Miserable sya.." Bulong ko. Tinapik tapik ko ang binti ko gamit ng aking mga daliri.
"Sa tingin mo dahil sayo? Ikinasal ang babaeng mahal nya. Hindi mo ba naiisip na ginagawa ka lang nyang dahilan para itago ang totoong nararamdaman nya?" Tumalikod siya sa akin at nagbuntong hininga.
May bumahid na sakit sa akin sa posibilidad na yon. Maybe he is not longing for me after all...
"I just need to check on him, Martin. Ayokong bumalik pero nakiusap ang Daddy nya na bantayan sya. Tumatanaw lang ako ng utang na loob. Pinagamot nya ako--"
"Dahil guilty sya, Raeven!" Sigaw nya sa akin. Natahimik ako.
"Pinaglayo kayo ni Deuce hindi ba?" Tanong muli sa akin ni Martin. Tumayo ako at lumapit kay Martin para pakalmahin sya, kumapit ako sa kanyang braso pero iniiwas nya lang iyon.
"Wala syang hinihinging kapalit--" Nakikiusap na sabi ko.
"Hindi pa ba kapalit ito? Tingnan mo ang sarili mo... Kitang kita ko sa mata mo na umaasa ka. At nasasaktan ako dahil masasaktan ka na naman.. Bakit ba lapit ka ng lapit sa apoy?" Puno ng frustration ang mukha ni Martin.
"Sa tingin mo ba hindi ako natatakot na mangyari ang lahat ng iniisip mo? Ayokong bumalik Martin.. But I need to." Nanghihinang sambit ko.
Naawa ang mga mata ni Martin ng tiningnan ako. Nakadama ako ng guwang sa puso ko. It's very far from being happy because I survived the sickness, mas nag-aalala ako sa inaakto ni Deuce ngayon ayon sa obserbasyon ng Daddy nya. He's strong and alive but he don't want to live.
"Pagod na pagod na din ako Martin. Dalawang taon akong pinilit ni Hades Montemayor na mabuhay para sa anak nya na hindi ko alam kung umaasa pa bang mabuhay ako. He fell out of love and I know Deuce is just guilty!" Pagpupunto ko. Pinalis ko ang luha at naalala ang tagpong nagtatapat sya sa ibang babae. Ramdam na ramdam ko pa din ang sakit ng pagpupumilit nyang tanggapin ng babaeng yon habang ako, pinagbawalan nyang mahalin sya. Kung hindi pa nya nalaman na may sakit ako, hindi na sya babalik sa akin.
Pangalawang pagkakataon? Hindi ko alam na mayroon palang ganon. There are some things you thought the end up but you will wake up one day and you will realize that things didn't happen the way you expected things to turn out. Nabigyan ako ng pangalawang pagkakataon kaya nandito ako ngayon.
Tandang tanda ko ang araw na yon. 952 days to be exact..
Nagbuga ako ng huling hininga. Ramdam ko ang pagpalahaw ng iyak sa kwartong tinutuluyan ko. Hindi ako makapaniwala na yon na ang huli.
Gusto kong kumapit pero wala akong makapitan. Unti unti akong nakakaramdam ng pagsara ng pangunahing pakiramdam. Namanhid ang katawan ko at walang nang maramdaman, my ears began to get stuffed by silence. My body is gradually shutting down.
"Rae.. wake up, Baby.." Narinig ko ang boses nyang yon. Hindi ko alam kung ilusyon. Unti unti naramdaman ko ang muling pagkibot ng puso ko. Mahinang mahina at hindi sapat para makapagsalita. My heart beats for that voice.
"Doctor Smith, t-there's a vital sign.." Hindi makapaniwala ang boses ng humawak sa pulso ko.
"Raeven.." May tumawag sa aking pangalan.
Samu't saring tunog ang narinig ko hanggang sa unti-unti kong nagalaw ang daliri ko. Hindi pa din ako makadilat pero naramdaman ko ang pag-galaw ng mga labi ko.
"Don't tell. Deuce." Yun ang huling namutawi sa labi ko bago ako mawalan ng malay.
"Hindi ba? Hindi ba ikaw ang nagsabi na wag sasabihin sa kanya? For him you are dead Raeven, hindi ka na nya kayang saktan! Bakit lumalapit ka ulit?" Ginulo ni Martin ang kanyang buhok.
"Because if I won't, he will live in guilt, Martin. Pinili kong magtago dahil gusto kong bumitaw sya sa akin. Akala ko na mas mabuting hindi na nya maisip na may responsibilidad sya sa akin. Pero nagkamali ako, naiwan sya doon sa panahong akala nya namatay ako. Kailangan ko syang kunin at tulungang magpatuloy kahit hindi nya alam na ako si Raeven."
"Hindi ka ba napapagod magpanggap? This is not you! Your hair, your eyes! Pinapalitan mo pa ng kulay. Are you really sure that it's you he needs to heal?"
Pinalitan ko ang lahat, i underwent stroma surgery to change my eye color. I cut my hair short, kinaibigan ko si Jolina na nakilala ko si Singapore kung saan ako nagpapagamot. Hiniling kong kausapin nya ako dahil gusto kong mag-iba ako. I want a 360 degree-change, yung hindi magdududa si Deuce na ako si Raeven.
"Kahit hindi ako ang tamang tao, susubukan ko. At least I could take away the guilt. Kahit yun lang, magawa ko para sa kanya at kay Attorney Hades." Nag-iwas ako ng tingin.
Attorney Hades saved my life. Noong araw na inakala ni Deuce na namatay ako, nandoon sya sa ospital para kausapin sana si Ysobelle na kunin ang katawan ko para paglamayan ni Deuce, Ysobelle told him that Im alive. Ilang beses na nya akong kinausap para magpakita kay Deuce pero hindi ako pumayag lalo na noong proseso pa ng pag-gagamot ko. I don't want Deuce to get involve with my sickness. Alam ko ang burden ang pag-aalaga ng taong mayroong karamdaman, I don't want him to limit himself, I don't want him to rely his future decisions on me. Gusto kong mamuhay sya ng normal.
"Masasaktan ka ulit dahil magmamahal sya ng iba at nandoon ka lang habang pinapanood sya." Napailing si Martin. My hands balled into fist. Titiisin ko. I know what I did, I will stand by my decisions.
"Tutupad lang ako sa pangako ko kay Attorney Hades na tulungan si Deuce sa pagbangon, pagkatapos sasabihin ko kay Deuce na naging diamond na ako." Seryoso kong sabi.
"Diamond?" Kumunot ang noo ni Martin.
"Ang pinakamataas na posisyon sa networking." Ngumisi ako kay Martin at mas lalo syang napailing sa biro ko.
"What if you fall inlove again?" Seryoso akong tiningnan ni Martin. Umupo ako sa sofa ni Jolina at kinagat ang pang-ibabang labi ko. I can't fall inlove again because I still do. Hindi nawala sa akin ang pakiramdam.
"Titiisin ko."
"What if he fall inlove with the identity you are making up? It's not you, Raeven."
Tumahimik ako. Hindi ko alam ang sagot..