Iced

By erinedipity

52.4K 2.2K 1.1K

Iced [n.] - another word for semi; an offspring of a pure blooded Haeglic and a mortal. "Queen Genima the fir... More

« prologue »
one - icy escape
two - convertible
three - inventory
four - mock race
five - plateau
six - mourning
seven - meeting
eight - pierced
nine - clyde
ten - kings and queen
eleven - peaches and pearls
twelve - distraction
thirteen - beautiful dream
fourteen - market place
fifteen - golden boy
sixteen - carnation
seventeen - council
nineteen - regal
twenty - inverted crown
twenty-one - queen's job

eighteen - one bottle

1.2K 75 41
By erinedipity

note - hiiii landiang cari x ark na naman 'to letche hahaha anyway thank you sa inyong lahat mahal na mahal ko kayo chareng omg 

___________________________________________________

          Naisipan ko munang lumabas ng Arctic Castle pagkatapos kong maghapunan. Medyo matagal-tagal na rin kasi mula nung huli akong naglibot-libot sa White Woods kaya doon ako dumiretso. Naalala kong may wolf race next week na unfortunately ay hindi ko masasalihan nang dahil sa pagti-training ko. Hindi rin ako makakanood dahil nga kailangan ko ring mag-aral. Mag-aapat na buwan na lang mako-koronahan na ako kaya kailangan ko talagang magpursige at magsipag.

          Habang naglalakad ako, bigla akong hinarang nila Jules at Van. Akala ko talaga nung una mga knightguards 'yun pala sila lang dalawa. Kung paano nila nalamang nandito ako? Hindi ko alam. Siguro pare-parehas lang kaming nangungulila sa katahimikan ng lugar na 'to.

          Tumakbo sila papunta sa'kin. Una kong nakita ang excited na si Jules. Malayo pa lang siya natanaw ko na 'yung kaputian ng mga ngipin niya habang nakangiti siya ng malawak. Naalala ko tuloy 'yung bouquet ng carnation na pinapabigay niya kay Laurice. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Ang ganda pa naman ng ngiti niya. Sayang lang at kailangang ako pa ang mag-alis 'nun sa mga labi niya.

          "Carita! Kahapon pa kita inaabangan sa palasyo ah. Nagkasakit ka ba?" Tanong ni Jules nung makarating sila sa harapan ko. Napatingin ako kay Van na hingal na hingal at hinahabol pa ang paghinga habang nakatukod ang magkabilang palad sa mga tuhod niya.

          "Okay lang ako," maikli kong sagot.

          Napangiti si Jules at mas lalo pang lumapit sa'kin. Nung una hindi niya alam kung paano niya sisimulan 'yung sasabihin niya dahil siguro sa hiya. Kung hindi lang talaga ako nalulungkot baka natawa na ako sa mga galawan niya. Bihira kasing mahiya 'tong ulupong na 'to.

          "Ano... nabigay mo ba?" Pasimple niyang tanong.

          Gustuhin ko mang magkunwaring masaya at magsinungaling sa kanya, sa palagay ko naman eh kitang-kita na sa mukha ko ang katotohanan. Atyaka malalaman at malalaman din naman niya ang tunay na kulay ng Miss Universe niya. Kapag nagkaroon siya ng lakas ng loob pormahan si Laurice Noe makikita niyang hindi siya 'yung klase ng babaeng pinapangarap niya. Kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin siya mapo-protektahan laban sa lungkot.

          "Jules, hindi eh."

          "Bakit hindi? Hindi niya tinanggap? Hindi ba niya nagustuhan? Pangit ba? Kulang ba? May iba ba siyang gustong bulaklak?" Sunod-sunod na pag-ambon ng mga tanong niya.

          "Hindi niya kasi deserve eh. Jules, alam kong hindi ka agad maniniwala pero mata-pobre si Laurice. Hindi siya nagkakagusto sa mga katulad..."

          Napatigil ako at napatingin sa kaibigan ko. Akala ko makakakita ako ng matinding lungkot o kahit konting luha man lang pero napangiti lang si Jules. 'Yung ngiting alam mong tanggap niya ng talo siya? Naguluhan ako pero mas labis na nadurog ang puso ko sa ipinakita niya. It sucks that I'm going to be the queen, the protector of the realm, but I can't protect the people I love. Not from this.

          "Jules?" Sambit ni Van sabay lapit sa kaibigan. Inilagay niya ang kanang kamay sa kaliwang balikat nito habang nakatingin sa kanya.

          "Alam ko naman eh. Alam kong ganon siya," mahinang sabi ng magsasaka.

          "Alam mong mata-pobre si Laurice?" Tanong ko.

          "Carita, araw-araw akong nagtratrabaho sa Market Place. Mga bilihin lang ang mahal dun pero ang mga chismis? Libreng-libre," natatawa nitong pahayag. "Nagbaka-sakali lang naman akong hindi totoo. Umasang hindi talaga siya ganon."

          Isa-isa kaming nagsitinginan sa nyebeng tinatapakan namin. Nanunood at nag-aabang sa pag-iiba ng kulay 'nun kasabay ng paglalim ng gabi. Si Van nandun pa rin sa eksaktong posisyon niya kanina. Pati 'yung kamay niya nanatili pa rin sa balikat ni Jules. Huli ata kaming natahimik ng ganito katagal 'nung bago ako tumakas ng Haegl.

          Hindi rin kami nakatiis tatlo kaya dumiretso kami run sa dati naming tambayan. Naupo kami sa kahoy ni Jules habang hinuhukay ni Van 'yung tinago naming alak sa may 'di kalayuan. Nilagyan namin 'yun ng tatlong pininturahan ng pink na mga bato para maalala namin kung saan.

          Nung makuhay na 'yun ni Van, nauna siyang tumungga atyaka ipinasa ang bote kay Jules.

          "Pwede pa rin ba nating pag-usapan at i-talkshit si Laurice?" Tanong ko sa dalawa.

          "Fire away, Carita," sabi ni Jules sabay bigay sa'kin nung bote.

          Uminom muna ako bago nagsalita.

          "Eh kasi nga 'di ba nagtangkang tumakas ng Haegl si Clyde? Sabi ni Laurice gusto raw ng buong pamilya nilang magpakasal ako sa kanya para hindi na niya gustuhing umalis. Kesyo raw hindi ko naman mapapakasalan si Ark kasi magiging knight siya at pareho kaming Semi. Kesyo perfect match kami nung kapatid niya—" Biglang inagaw sa'kin ni Van 'yung bote kaya napa-sigaw ako ng 'gago' sa kanya.

          Kung nakikita lang ako ng mga pamamahalaan ko ngayon? Maga-alsa balutan na sila at kakaripas ng takbo paalis dito. Mare-realize nila kung gaano ka-fucked up ang susunod na reyna ng Haegl.

          "Alam mo Carita, hindi sa biased ako ha? Pero tama naman si Laurice eh. Nakakasigurado kang mabait naman si Clyde kasi nga naging kaibigan mo. Atyaka, sorry talaga Carita ha? Pero 'yung inyo ni Arkinson? Wala na 'yun," pahayag ni Jules. Tinignan ko siya ng masama pero tuloy-tuloy lang siya sa paglagok ng alak.

          Arkinson. Hah. Muntik ko ng makalimutang gustong-gustong itawag nila Jules at Van 'yun kay Ark lalo na kapag sinisita niya kami sa mga ginagawa namin. Nakakatawang isipin na minsan ko ring pinangarap pangalanang Arkinson 'yung magiging anak ko sa kanya sa hinaharap.

          Kinuha ko ang bote mula sa kamay ni Jules at tumungga. Hindi ko na maalala kung kailan ako nagsimulang uminom ng alak. Hindi pa ako legal pero ganito na ako kalakas uminom. Paano pa kaya kapag stressed na stressed na ako sa buhay reyna? Baka naging alcoholic na 'ko 'non.

          "Paano 'pag ikaw ang gusto kong pakasalan? Pure Haeglic ka rin naman," pagbibiro ko kay Jules.

          "Ew. Lumayo ka. Mga beauty queens lang trip ko."

          "Speaking of Ark," mabilis akong napatingin kay Van na kanina pa nananahimik. "Balita ko nagpalipat siya sa Watch Tower."

          Kaya ba hindi na siya ang nagbabantay sa'kin? Bakit naman niya gugustuhing magbantay run? May nagawa na naman ba akong mali? Dahil ba hindi ko siya pinagbuksan ng pinto nung isang araw?

          "Rinig ko sa mga knightguards sa Market Place, hindi ka raw niya matiis hindi lapit-lapitan kaya ayun nagpalipat na lang. Iba ka talaga Cari," pagpapatuloy pa ng kwento ni Van.

          Unti-unti na rin kaya niyang natatanggap na hindi talaga kami pwede kahit anong gawin namin kaya siya nagpalipat? Hindi ko tuloy maiwasang maalala 'yung nung agad siyang tumakbo para tignan 'yung sugat ko 'nung matapos ako sa Defense. Atyaka 'nung kumatok siya sa kwarto ko para tanungin kung okay lang ako. 'Yun ba 'yung sinasabi niyang hindi niya ako kayang iwasan?

          Hindi ko talaga alam kung anong mararamdaman ko dahil sa balitang 'yun kaya nagpakalunod na lang ako sa alak. Nung maubos namin 'yun, binalak pa naming magpuslit ng isa pang bote pero dahil panira si Jules at ang dali-daling nalasing, hindi na namin nagawa. Kinailangan kasi naming ihatid siya sa bahay nila dahil hindi na makalakad sa sobrang kalasingan. Ganon ba talaga kapag broken hearted? Madaling malasing?

          Kahit hindi ako lasing medyo tipsy na rin ako. Gusto akong ihatid ni Van pero nung nakita ko siyang sumusuray-suray na sa paglalakad hindi na ako pumayag. Sa aming tatlo ako na 'yung pinakamatinong nakainom.

          Dahan-dahan akong naglalakad sa hallway papunta sa kwarto ko dahil ayokong bigla na lang mapasalampak. Nahihilo na rin kasi ako at kinakailangan ng humawak sa pader para hindi mapasubsob.

          Pagkaangat ko ng ulo ko, hindi ko malaman kung dahil lang sa may tama na ako o talagang nakikita kong papalapit si Ark. Paulit-ulit akong dumilat-dilat at pumikit-pikit para makasigurado pero hindi pa rin siya nawawala. Tunay nga kaya? Siya kaya 'to? Hindi ba dapat nagbabantay siya sa Watch Tower?

          Nakumbinse ko ang sarili kong totoo ngang kasama ko ulit si Ark 'nung hawakan niya ako sa magkabilang braso.

          "Arkinson?" Natatawa kong tanong. Nakakatawa. Paulit-ulit sa utak ko 'yung buo niyang pangalan kaya 'yun din tuloy nasabi ko.

          "Lasing ka ba?"

          "Lasing ba ako?"

          Napailing si Ark at inalalayan na ako papuntang kwarto. Habang ginagawa niya 'yun ako naman tawa lang ng tawa. Paulit-ulit na binabanggit 'yung Arkinson. Letche naman o. Alak lang pala ang paraan para sumaya ako.

          "Bakit ka nandito? 'Di ba nasa Watch Tower ka na?" Tanong ko kay Ark habang inaayos niya ang kumot ko nung maihiga niya na ako sa kama.

          "Just relaying some orders," matipid niyang sagot.

          "Sinungaling! Hindi pwedeng umalis ang mga nagbabantay sa Watch Tower! Atyaka ang dami-dami niyo run 'no! Bakit kailangang ikaw pa ang gumawa?!" Sigaw ko sa kanya.

          Tinignan ko siya ng matalim. Napabuntong hininga na lamang siya hanggang sa matapos niya ang pag-aayos sa higaan ko.

          "Gusto mo 'kong makita 'no?" Natatawa kong tanong. Hindi sumagot si Ark. Nanatili lang siyang nakatingin sa'kin habang paminsan-minsan ay umiiling. "Mamimiss mo rin ako!"

          "I miss you everyday, Cari. That's the problem."

          Bago pa siya makalayo ay hinigpitan ko na kaagad ang hawak ko sa pulso niya. Hindi ko alam kung paano ako naging ganito kalakas. Ang alam ko lang ayoko siyang umalis. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita. Idagdag mo pa 'yung impormasyong nalaman kong nagpalipat na pala siya. Araw-araw ko na siyang hindi makikita. Gusto kong kumbinsihin ang sarili kong mabuti 'yun para maka-get over na talaga kami sa isa't isa pero hindi eh. Masakit pa rin. Masakit tapos mahirap. Hindi ko kayang hindi siya makita araw-araw. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala siya sa tabi ko.

          Nakakatawa kasi sabi ko noon sa kanya sana maging full pledged knight na siya kaagad para hindi na niya ako mapakialaman. Para hindi na niya ako masundan-sundan. Palagi ko siyang itinataboy tapos pinapaalis. Inis na inis ako sa pagiging overprotective niya. Hindi ko alam kung paano ko nakayang gawin 'yun lahat sa kanya. Sukdulan na nga ata 'yung katangahan ko noon. Pero ngayon, ngayon kasi naaamin ko na sa sarili kong siya pa rin. Kaya siguro hindi ko na siya magawang paalisin.

          "I love you. Sobra. Huwag mo 'kong iwan please," pagmamakaawa ko sa kanya. Hindi ko naramdaman kung kailan tumulo 'yung mga luha ko, naramdaman ko na lang na basa na 'yung magkabilang gilid ng unan ko.

          "Hindi naman ako lalayo eh. Ikaw lang naman 'yung mang-iiwan sa'ting dalawa."

          Naalala ko ulit 'yung sinabi ni Laurice sa Poise lesson namin nung nakaraang araw. Na-realize kong oo nga. Palagi lang nandyan sa gilid si Ark pero ako? Kailangan kong bumuo ng sarili kong pamilya para sa Haegl. Ang selfish ko kasi kahit alam kong sobra-sobra 'yun para kay Ark gusto ko pa rin siyang mag-stay.

          "Matulog ka na. Dito lang ako," wika ni Ark.

          "For real?"

          "For real."

          Bumaba ang hawak ko mula sa pulso niya hanggang sa mismong kamay niya. In-intertwine ko 'yun sa kamay ko atyaka na pumikit. Sabi nila love conquers all 'di ba? Bakit ba hindi namin pwedeng subukan kung tama nga 'yun?

Continue Reading

You'll Also Like

201K 13.2K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...