Kabanata 20
Full attention...
-
Sa dinami-dami ng lugar na pwede kong puntahan ay dito pa talaga ako pinatawag sa building ng mga Royals. Oo, nandito ulit ako. At sa ayaw ko man o sa gusto, kaharap ko ngayon ang Royal 5. Hindi ko nga alam kung bakit ako naaandito. Kasalanan itong lahat ni Professor Dim dahil siya mismo ang nagpatawag sakin dito. Ano ba kasing ginagawa ko rito?
"Wala ka bang balak umimik?" Nilingon ko ang nagsalita. Si Fin na kasalukuyang katabi ko. Nagpalingon-lingon ako dahil hindi naman ako sigurado kung ako ba talaga ang kinakausap niya.
"Ikaw nga, Equinox..." pagkokompirma niya. Napabuga na lamang ako ng hangin. Oo nga pala, maliban sa natutulog na si Candic ay ako lang ang nag-iisang tahimik sa kanila.
"Wala naman kasi akong sasabihin." totoo iyon. Lalo pa't awkward para sakin na magkasama-sama kaming tatlo na magkakasama din noong Sabado lang. You know what I mean.
"Ano ba yan?! Dapat meron!" nag-pout siya at mayamaya lang ay biglang tumawa. Kahit kailan talaga'y napaka-kulit nitong si Fin. Napangiti na din ako. Aaminin ko, sa kanya pinaka-malapit ang loob ko, kahit na minsan ay tatanga-tanga siya. Sabagay, siya lang naman kasi ang 'medyo' bright ang personality sa kanilang lima.
"Anong ngini-ngiti mo diyan, ha Nox?" tinaasan niya ako ng kilay. Maya-maya lamang ay sumilay ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi. "Let me guess. Na-realize mo sigurong... gusto mo na'ko no?!" sabay taas-baba ng kanyang kilay.
Nagulat ako sa sinabi niya. Really Fin? At saan naman niya nakuha ang ideyang iyon? Napatingin ako sa sulok kung saan naka-upo si Vladd. Katabi niya si Courtney na ngayo'y kakwentuhan niya. Bagama't sila nga ang magkausap, ngunit ang mga mata naman niya ay nasa akin. Biglang gumapang ang init sa aking mga pisngi na nagdahilan para mag-iwas kaagad ako ng tingin.
"Nox, you're blushing..." hindi ko inasahan ang biglaang panunukso sakin ni Candwey. Pakiramdam ko, nang dahil sa sinabi niya ay mas lalo lang akong namula.
"I-I'm not!"pagtanggi ko.
"Yes you are!"
Magsasalita pa sana ako nang biglang nagsalita ang katabi ko.
"I knew it! You like me! You like me Nox!" tila tuwang-tuwa si Fin. Tinusok-tusok pa niya ang tagiliran ko. Grabe! To the highest level talaga ang pagkaloko-loko ng isang 'to. Binatukan ko siya ng isa para matigil sa ginagawa niya. Sinamaan niya ako ng tingin pero mayamaya lang ay sabay kaming napahalakhak.
Nagulat kami sa biglaang pagtayo ni Vladd. Sabay-sabay kaming napalingon sa kanya. Nilagay niya ang kanyang kamay sa bulsa ng kanyang slocks at naglakad papuntang kusina, pero bago iyon ay nagbaling siya ng tingin sa katabi ko.
"Infinite, start doing what Professor Dim asks you to do. Hindi yung kung ano-anong ginagawa mo."
Napailing si Candwey. Nilingon ko si Candic na tahimik lang na natutulog sa gilid. Nakalagay ang earplug sa kanyang mga tenga. Hayy. Wala talaga siyang pake sa nangyayari sa paligid niya. Lagi nalang siyang tulog.
"Hmm... I gotta go. Mukhang mainit na naman kasi ang dugo ni Vladd." napailing-iling siya na mukhang dismayado. "Noong Sabado pa iyon. Tsk. I wonder why..." tumayo na siya at naglakad palabas ng pinto. Kumaway ako sa kanya bilang pamamaalam.
Nang nakalabas na siya ay namilog ang aking mga mata. Tila ngayon lang nagsink-in sa utak ko ang huli niyang sinabi.
N-Noong Sabado pa siya mainit ang ulo? How come? Eh, mukhang masaya naman sila ni Courtney?
Hindi ko napigilan ang hindi sumalyap sa babaeng katabi ni Vladd kani-kanina lang. Nagtama ang aming mga mata. Ngumiti ito sakin. Hindi ko magawang suklian iyon ng isa ding ngiti dahil sa totoo lang, gustong-gusto ko siyang putulan ng buhok sa mga sandaling ito. Ewan ko ba!
Bumukas ang pinto kasabay din ng pagbalik ni Vladd galing sa kusina. Pinagmasdan ko ang dumating. Nakatindig mula roon ang isang lalaki. Tulad ng dati, nakakapanindig balahibo parin ang aurang ibinibigay niya sa mga taong tititig sa kanya. Gayun din, napupuno parin ng singsing ang bawat daliri sa kanyang mga kamay. Naglakad siya papunta sa amin.
"Professor Dim" bungad ni Candwey sa kanya.
"Hindi na'ko magpapaligoy-ligoy pa. Tuluyan nang nakapasok ang Dark Ministry dito sa loob ng akademiya." Diretsong sabi ni Professor Dim sa amin na ngayo'y tila nag-uusok na ang tenga sa galit.
"I know" sabay-sabay nilang imik na apat. Ikinagulat nila iyon. Tila hindi nila inaasahan na pare-parehas sila ng sasabihin. Habang ako naman ay hindi makapag-react. Walang kahit isang salita ang makaalpas sa aking bibig. Pinanatili ko na lamang iyong nakatikom.
"Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan nila or kung anong plano nila, that's why I'm here to asks you for some help. I want you to investigate this and know the answer as soon as possible."
Nanuyo ang aking lalamunan. Bumalik sa alaala ko ang pangyayaring iyon. Alam na alam ko. Alam ko ang mga plano niya para sa akademiyang ito. Siya mismo ang nagsabi nito sakin, sa amin. Kami ang naging saksi ng kalupitan niya. Ngunit ngayon... ngayon, ako nalang ang nakaka-alala ng lahat ng iyon at eto ako, takot na magsalita at sabihin ang mga nalalaman, dahil nakasisigurado akong walang maniniwala... ako pa ang lalabas na masama.
Ibinaling sakin ni Professor Dim ang kanyang tingin. "Ikaw ang unang naka-saksi nito hindi ba?"
"P-po?" halos magkanda buhol-buhol ang aking dila. A-Alam niya ang tungkol sa Arena?
"There, in the Dark Forest..." paglilinaw nito sa akin.
Bagsak ang balikat ko sa naging sagot niya. Akala ko pa naman ay yung Arena ang tinutukoy niya.
"A-ah... O-opo."
"Kung ganun... gusto kong tulungan mo sila. Alamin mo ang rason nang pagparito nila."
Sasakupin niya ang Akademiyang ito at gagawin niyang alipin ang mga taong nasasakupan nito! Gustong-gusto ko iyong sabihin, pero hindi ko nagawa. Wala akong lakas ng loob.
"S-sige po" marahan akong napakagat sa aking labi.
"Candic, gusto kong tulungan mo si Equinox dito"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nagpakurap-kurap pa ako. Eh? Totoo? Kung ganun... edi exciting! Lagi ko siyang dadalhin kela Skylar. For sure! Matutuwa ang mga bruhang 'yon. Crush na crush nila si Candic eh.
"No. I'll be the one to help her." wika ni Vladd sa matigas na Ingles. Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. Seryoso lang siyang tumingin sa akin.
Ugh! Lagi nalang siyang panira!
Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Courtney. "H-How about me, Vladd? Y-you said you'll take of me!"
Napa-hawak si Vladd sa kanyang batok na tila nahihirapan sa sitwasyon. Bakit ba kasi hindi nalang siya sumama sa Courtney na yan at hayaan nalang ako kay Candic?! Edi sana walang gulo!
"I'm done with you Courtney," he countered. "And please... don't try to stop me from this"
Napaawang ang labi ni Courtney sa sinabi ni Vladd. Naningkit ang kanyang mga mata at tila hindi makapaniwala. "Oh c'mon, Ad! You promised me! Sabi mo ay t-"
"Sorry Ney, but Equinox is my priority," napatigil siya saglit sa sasabihin niya na parang may naalala. Nag-igting ang kanyang mga panga "kahit na... iba ang priority niya." he ended.
Kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya. My brows furrowed at tila hinahanap ng mga mata ko ang mga mata niya. Pero bigo ito. Hindi na siya nag-abalang tumingin pa sakin.
Pakiramdam ko ay gulong-gulo ang utak ko. What does he mean by that? What does he mean when he says, i have other priority than him? Seriously?! Paano mangyayari iyon? I'm his Controller! He's my priority!
"Vladd...please..." Courtney's voice is shaking. I know. I know she is about to cry pero pinipigilan lang niya.
"Enough! Equinox will be with Candic. Candwey and Vladd, accompany Courtney. And Infinite... that boy, he has another task. No more buts! Just do what I had told you." and with that, the old man left.
Nasilayan ko ang nagbabadyang ngiti na gustong kumawala sa mga labi ni Courtney. She is about to say something to Vladd, nang walang ano-ano ay naglakad na ito palayo sa kanya. Tinawag niya ito pero hindi manlang siya nito nagawang lingunin.
I took all of the courage para habulin siya. I badly need to talk with him right now. May problema sa pagitan namin at nararamdaman ko iyon!
"Vladd!" sigaw ko habang habol-habol parin siya. Hindi parin ito lumilingon.
"V-Vladd! Saglit!" konti nalang, maabutan ko na siya.
"P-please... w-we need to talk." hingal na hingal ako. Malayo-layo din kasi ang tinakbo ko. Tumigil ito ng bahagya sa paglalakad. Nang nabawi ko na ang lakas ko ay mabilis akong naglakad papalapit sa kanya.
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
"W-what's the problem? W-why are you being like this?"
Humarap ito sakin. Bumungad sakin ang seryoso niyang mukha. Sobrang lalim nang kanyang mga mata na halos hindi ko iyon magawang titigan.
"Why are you with Candic last night?" he said as his jaw clenched. Nagsalubong ang kilay ko sa tanong niyang iyon. What kind of question is that?!
Hinawakan niya bigla ang magkabilaang braso ko.
"Answer me Equinox!" he gritted his teeth and his grip on my arms tightened, causing me to wince in pain.
"W-What about Courtney?!" Naiinis na'ko sa kanya! Tinatanong niya ako kung bakit ko kasama si Candic pero siya din naman, may kasamang iba!
Nagkunot ang kanyang noo. "What about her?"
"She's in your room! God!" i shrieked.
Binitawan niya ang pagkaka-kapit sa braso ko at mariin na pumikit. "She... slept there"
So, tama pala ang hinala ko! Na doon natulog ang babaeng iyon! Napatawa ako ng matabang. "See? Ako ang pinag-iinitan mo pero kayo pala it-"
"She's my childhood friend for God's sake!" he shot back. Napasabunot siya sa kanyang buhok.
"Childhood friend?" i fake a laugh. "Baka naman... fucking buddies?"
Nanlaki ang kanyang mata sa huling sinabi ko. His expression tightened. Kitang-kita ko kung paano unti-unting namuo ang galit sa kanyang mga mata. "What the hell are you thinking Nox?! Ano bang nagyayari sayo?!"
Natigilan siya bigla.
"Are you jealous?"
I look at my toes. I couldn't meet his eyes. Maski ang sumagot ay hindi ko rin magawa. Really! Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin!
"Look at me Nox"
No Vladd. Hindi mo 'ko alipin para sundin ko ang bawat utos mo!
"Look at me!"
"No!" I shouted.
Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Okay, Listen. Noong gabing natulog si Courtney sa kwarto ko... she was badly hurt, Nox."
Nag-angat ako ng tingin. What does he mean?
"Nakita ko siya sa harap ng kwarto niya na walang malay. Blood is all over her body. Hindi ko siya pwedeng pabayaan sa ganong sitwasyon."
Gumapang ang kahihiyan na kanina lang ay wala sa akin. I feel very stupid! Very very stupid! Hindi ako naka-imik.
"She was hurt by the woman in black cloak."
Nagpanting ang tenga ko sa narinig. Woman in black cloak? Ang Dark Ministry? Bakit?
"Nevermind Nox," lumapit siya sakin at ipinantay ang mukha ko sa mukha niya. "Now, gusto ko namang marinig ang sagot mo sa tanong ko kanina."
Biglang sumikip ang dibdib ko. Bakit ba ganito nalang ang kaba ko kapag siya na ang nagtatanong sa akin?
"Why are you with Candic last night?" mapagparusa ang ginagawa niyang tingin sa akin. Para akong nilalamon nito ng buhay. "He's now your priority huh?"
"A-Aksidente lang ang pagkikita nam-"
"I don't care Equinox. I don't care of all your reasoning! Wala akong pake kung gusto ka niya or kaibigan ang turing mo sa kanya. What I want is your full attention," ikinawit niya sa gilid ng aking tenga ang mga hibla ng buhok na tumatabon sa aking mukha.
"Just your fucking full attention, Equinox"