Ruling the Game

By Azureriel

839K 9.5K 7.7K

Walang blurb para exciting. -Azi More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 44

6.7K 129 208
By Azureriel

⚠️TRIGGER WARNING!⚠️







Chapter 44





Kessiah's POV:




"Tandaan mo iyang virg*nity mo ang pinakamagandang maireregalo mo sa mapapangasawa mo," pangaral ni T'yang na nakaluhod sa harap ng poon ni Birheng Maria.


"Ni-r*pe po ako ni Tito."


Napahinto siya pagdarasal at napatayo pa nga. Lumapit siya sa akin nang walang mabakas na simpatya sa mukha.


"Sinungaling." Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwang pisnge ko.


Natanig ang aking tainga sa lakas niyon. Umalpas ang mga luhang kanina pa nais kumawala habang sapo ko ang parteng sinampal niya.


"Kasalanan sa Diyos 'yan."


"N-Nagsasabi po ako ng totoo."


Nanlilisik ang mga mata ni T'yang na ako'y dinuro.


"Kinse anyos ka pa lang sinungaling ka na."


Hinawakan ko ang braso niya at nagsusumamo siyang tiningala. Sinadya kong hindi sumama sa mga pinsan kong magtungo sa bukirin upang magpaiwan dito. Pagkakataon ko na kasing makausap si T'yang ng kami lang dahil wala ang kapatid niya. Lumuwas ito ng Maynila kaya wala rito ngayon.


"T'yang, please naman po maniwala kayo. Nagsasabi po ako ng totoo."


"Mahal na mahal ka ng tito tapos sisiraan mo lang siya? Kilala ko ang kapatid ko. Hindi niya iyan magagawa sa 'yo. Mas mahal ka pa nga niya kumpara sa mga totoong pamangkin niya tapos ganito lang ang isusukli mo? Wala ka talagang utang na loob!" Itinulak niya ang noo ko gamit ang kaniyang hintuturo.


"Pakiusap maniwala naman po kayo sa akin. H-Hindi po ako nag-i-imbento."


"Apakasinungaling talaga ng babaeng ito." Iritable siyang tumalikod sa akin at nagkamot ng ulo, nayayamot.


Hinawakan ko siya sa braso upang habulin at makiusap.


"T'yang, noong na-late po kayo ng uwi. Ginalaw niya po a---"


"Kessiah, ano ba!" Pinisil niya ang mga braso ko. "Kasalanan sa Diyos iyang ginagawa mo. Naninira ka ng tao."


Napaawang lang ang aking bibig habang nakatulalang umiiyak.


Marami akong gustong sabihin---isumbong noong mga oras na iyon ngunit walang salitang lumalabas sa bibig ko.


"Lumuhod ka sa Diyos at humingi ng tawad sapagkat ika'y nagkakasala."


Wala akong ibang nagawa kundi ang lumuhod sa harap ng rebultong imahe.


"Ito ang rosaryo. Magdasal ka at humingi ng kapatawaran sa kaniya."


Ipinikit ko ang mata at doon nanalangin.


"Sana po kunin mo na ako."


Sa aking pagpikit ay tila ba nagbalik ako sa nakaraan. Narinig ko ang munting tawa ng apat na taong gulang na ako sa Bahay Ampunan. Nakikipaglaro ako ng habulan sa mga kapwa ko bata nang tawagin ako ni Sister Hanna, isa sa mga madreng tagapangasiwa.


Nadapa ako sa aking pagtakbo. Kaagad naman akong tinulungan nila sister na tumayo.


"Naku nagkasugat ka pa tuloy. Masakit ba, hija?"


Umiling ako. "Ayos lang po ako. Ano po ba 'yon, sister?"


Nagkatinginan sila bago ibinalik ang atensyon sa akin.


"Kessiah, may ipapakilala kami sa 'yo."


Hindi ko alam kung ano iyon pero base sa mga ngiti sa kanilang mga labi batid kong isa iyong magandang balita.


Dinala ako nila sister sa opisina ng punong tagapangasiwa. Nadatnan ko ang dalawang hindi pamilyar na tao, isang ginang at isang ginoo na base sa obserbasyon ng musmos na kagaya ko ay mag-asawa.


"Kessiah, sila Mr. and Mrs. Delos Reyes nga pala. Sila ang... aampon sa 'yo. Huwag kang mag-alala mababait sila. Siguradong maaalagaan kang mabu---"


"Talaga po?" Kumikinang ang mata kong tumakbo palapit sa mag-asawa. "Kayo na po ba ang magiging mga magulang ko?"


Nakangiting tumango-tango ang mga ito na nagbigay galak sa apat na taong gulang na ako. Noon pa ako nangangarap na sana may umampon din sa akin. Sa tuwing may mga pumupunta rito para mag-ampon ay palagi akong hindi napipili.


Gabi-gabi akong nagdarasal na sana ay may umampon din sa akin. Kaya ganoon na lang ang sayang nadama ko nang piliin ako ng mag-asawang Delos Reyes.


I was four years old when I was adopted by a Filipino-Japanese couple who were struggling to conceive a child.


"Dito na po ba ako titira?" tanong ko pagkababa ko ng kotse.


"Oo. Kaya halika na sa loob dahil ipapakita ko sa 'yo ang magiging kuwarto mo," sabi ni Mr. Delos Reyes na siyang tatayong ama ko.


Excited akong pumasok sa loob at hindi maiwasang mamangha sa paligid. May kaya ang mag-asawang umampon sa akin. Hindi sila sobrang yaman pero marangya ang pamumuhay.


May maayos na bahay na sa telebisyon ko lang nakikita noon, may magarang sasakyan, at hindi sila namumroblema sa kakainin sa kinabukasan.


"Wow! Ang ganda naman po nito." May pagmamadali kong winarak ang giftwrapped. "Hala manika! Maraming salamat po, Mr. Delos Reyes!"


"Ano ka ba? Papa lang." Hinaplos niya ang mukha ko. "Dahil simula sa araw na ito... anak na kita---namin ng mama mo."


Niyakap ko ang mag-asawa. Dumaan ang mga araw na naging linggo kalaunan. Naging maayos naman ang pananatili ko sa puder nila. Si Papa ang madalas kong makausap dahil kami ang nakakaintindihan.


Isang haponesa kasi ang asawa nito kaya hindi masyadong palaimik. Ngunit gayunman ay ramdam ko pa rin ang pagmamahal nito sa akin. Binihisan nila ako, pinakain, at pinag-aral sa isang pribadong eskwelahan.


Tuwing Linggo ay lumalabas kami biglang pamilya upang pumasyal at kumain. Tila isang perpektong buhay na pinapangarap lang noon ng batang gaya ko. Maayos naman ang lahat hanggang sa...


"Tell me who's that woman, Felix!"


"Katrabaho ko nga lang iyon. Kanina pa tayo sa usapan na 'to ah. Paulit-ulit na lang ba?"


Nagtago ako sa likod ng railings ng hagdan habang pinapanuod silang mag-away. Nitong mga nakaraang buwan ay dumadalas ang pag-aaway nila. Akala ko tulad ng madalas mangyari ay maayos din.


Ngunit isang gabi... hindi na umuwi si Papa. Naghintay kami ni Mama ngunit wala siyang paramdam. Miss na miss ko na rin siya ngunit wala akong magawa para muli siyang makita.


Ibang-iba ang taon na iyon sa akin. Ang unang dalawang taon ko sa bahay ng mga Delos Reyes ay puno ng saya. Ngunit ang ikatlo ay napuno ng ingay---hindi ng galak ngunit ng pighati.


Walang Linggo na lumipas na hindi sila nagtalong mag-asawa. Nakalimutan na nga nila akong batiin sa ika-pitong kaarawan ko, bagay na naiintindihan ko naman dahil sa sitwasyon.


Ang mga araw ay naging linggo at ang mga linggo ay naging buwan. Si Papa lang ang nawala ngunit para akong nawalan ng parehong magulang. Kinailangan kong tumayo sa sariling paa ko dahil hindi na ako maalagaan ng aking ina.


"Mama, naka-perfect po ako sa---para saan po 'yan?"


Napatingala ako kay Mama na nakatungtong sa upuan at nagtatali ng lubid sa kahoy na rafter. Bumaba siya at nakangising lumapit sa akin sabay abot ng kuts*lyo.


"Sumama ka na kay Mama."


"Saan po?" inosenteng tanong ng pitong taong gulang na ako.


"Iwan na natin silang lahat. This. Stab it on your chest, Kess."


Nanginig ang mga kamay kong may hawak na kutsilyo.


"Kapag hindi mo ginawa, ako ang gagawa. Do you want that, little Kess?"


"A-Ayoko po, Mama."


"Ayaw mong makasama si Mama?" malungkot na tanong ng ginang na nakaluhod sa harapan ko, suot ang puting bistida.


"Mama, hindi po sa gano---"


"Hush! Naiintindihan ko, anak." Inilagay niya ang hintuturo sa bibig at tiningnan ako nang may pang-unawa.


Maya-maya pa ay nagpalipat-lipat ang mata nito sa tigkabilang gilid na animo'y natutuliro.


"Pero maiiwan ka rito, Kessiah."


"Mama, ayoko po."


"Paano ka? Iiwan ka na ni Mama."


"Huwag mo po ako iwan please?"


"Oh ayaw mo pala edi sama ka na sa akin." Tumawa siya na parang nasisiraan ng bait. "Ano gusto mo ba?"


Umiiyak at nanginginig akong umiling-iling.


"It's okay, Kess. I understand. Si Mama na lang muna."


"Ma!" pagtawag ko ngunit patuloy siya sa paghakbang patungo sa silya.


Nakapaa siyang tumungtong sa upuan at pumihit paharap sa akin. Ngumiti pa siya bago isinuot ang lubid.


"Ma! Ma, 'wag! Huwag mo ako iwan please."


Paulit-ulit akong nakiusap noong gabing iyon ngunit buo na ang kaniyang pasya na ako'y kaniyang iwan. Natulala na lang ako nang matumba ang silya.


I was seven years old when my adopted mother commited su*cide in front of me.


Simula noong araw na iyon nagbago na lahat. Dahil wala na si Mama, si Papa na lang ang mayroon ako ngunit hindi na kami tulad ng dati. May bago siyang nobya at hindi ako gusto nito kaya inuwi ako ni Papa sa kanilang probinsya.


Iniwan niya ako sa kamag-anak niya roon dahil sabi niya may trabaho raw siya sa Maynila at hindi ako pwedeng isama. Ngunit kahit hindi niya sabihin batid kong dahil iyon sa bago niyang kinakasama.


Kinailangan kong tumira sa ate ni Papa. Tatlo silang magkakapatid at pangalawa siya. May bunso silang kapatid na lalake, si Tito na binata pa noong panahon na iyon. May anak si T'yang na babae at lalake na hindi nalalayo ang edad sa akin. Ang asawa naman niya ay bihira naming makasama dahil nagtatrabaho sa malayong syudad.


Ramdam ko na hindi ako welcome sa kanilang pamilya, mabuti na lang at nand'yan si Tito Nico. Siya ang kakampi at tagapagtanggol ko. Palagi niya rin akong binibilhan ng pasalubong sa tuwing uuwi siya galing sa pag-extra sa bukid.


"Oh ayan, hubarin mo na rin 'yan."


Kumunot ang noo ng walong taong gulang na ako. Hindi ako agad na kumilos at nagtatanong lang na tumingin sa kapatid ni T'yang na may hawak ng camera.


"Cute naman iyong panty mo. Okay na 'yan. Huwag ka na mahiya."


Nang hindi pa rin ako umibo ay lumapit na siya at tinulungan akong hubarin ang aking short.


"Oh ayan upo ka d'yan. Hayaan mo pagkatapos nito kakain tayo sa labas. Gusto mo ng fried chicken, 'di ba?"


Muling itinapat sa akin ni Tito Nico ang camera at napapikit pa nga ako sa sunod-sunod na flash niyon.


"Ngiti ka, Baby Kess. Gusto mong maging model, 'di ba?"


"Opo." Nakangiti akong tumango-tango.


Hindi ko naiintindihan ang nangyayari basta ang alam ko lang kapag ginagawa ko iyon nakakakain ako ng masarap.


I was eight years old when I entered the world of print p*rnography.


"Ikaw kumuha ng pera sa wallet ko, ano?"


"T'yang, hindi po." Napaatras ako sa takot hanggang sa tumama ang likod ko sa lamesa sa kusina.


"Eh sinong kukuha kung hindi ikaw?"


Naalala ko si Isay, ang panganay na anak ni T'yang na nahuli kong kumukuha ng pera sa cabinet kanina. Gusto ko siyang isumbong upang iligtas ang sarili ngunit natakot ako sa banta niya sa akin kanina. Natakot rin ako na baka hindi ko paniwalaan dahil anak niya iyon at ako'y isang sampid lamang.


"H-Hindi po ako ang kumuha."


Umalpas ang mga luha ko habang nanginginig na napatingala kay T'yang nang pisilin nito ang magkabilang braso ko.


"Isang tanong, isang sagot. Magsabi ka ng totoo. Kinuha mo ba iyong wallet ko?"


"T'yang, h-hindi po."


"Sinungaling!" Pinisil niya ang panga ko at doon ako mas napaiyak lalo. "Kinuha mo ba o hindi? Sagot!"


"Hindi po," humahagulgol kong sagot dahil sa takot.


"Iyak ka nang iyak! Ano bang iniiyak mong bata ka? Hindi ka naman nasasaktan, 'di ba?" Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko dahil sa lakas ng boses ni Tita. "Kapag hindi ka pa tumahan d'yan papaluin na kita."


"Ano bang nangyayari d'yan?"


Natulala ako nang marinig ang boses ni T'yong Dino lalo na nang makitang pumasok ito. Mabait ito sa akin ngunit palaging sunod sa asawa.


"Ito kasing batang ito pinakain at pinatira na nga rito nagawa pang magnakaw."


"Totoo ba 'yon?"


"Hin---"


Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin nang umpisahan na nitong hubarin ang sinturong suot. Natulala ako sa parteng iyon kasabay ng pagragasa ng mga alaala.


Isang alaala na paulit-ulit kong maalala dahil paulit-ulit din na nangyayari.


Nagising ako sa reyalidad dahil sa malakas na hampas ng sinturon. Nag-iwan iyon ng kulay pulang bakat matapos lumatay sa aking balat ngunit wala akong naramdamang sakit kundi takot.


Iniharang ko ang braso sa aking ulo bilang pangsanggalang. Sunod-sunod at walang alinlangan ang bawat hampas niyon. Napaupo ako sa sahig, umiiyak at nanginginig.


"Iyak ka nang iyak! Ano bang iniiyak mo hindi ka naman nasasaktan?" Hinablot ni T'yang ang braso ko at marahas akong hinatak patayo. "Gusto mo ba totoohanin ko 'yang pag-iyak mo?"


Kumalabog nang malakas ang dibdib ko nang gumawi ang tingin ni T'yang sa tuta kong kapapasok. Tinawag niya ito at agad naman itong lumapit nang nakadila at kumakawag ang buntot.


"T'yang!" sigaw ko nang tadyakan nito ang alaga kong tuta.


Dinig na dinig ko ang malakas na palahaw ng aking alaga dahil sa matinding sakit. Iyak ito nang iyak habang nangingisay sa sahig dahil sa sakit. Umiiyak akong gumapang upang yakapin ito, umaasa na sa ganoong paraan, kahit papaano'y maiibsan ko ang sakit na nadarama nito.


"Ayan may dahilan na ang pag-iyak mo."


Iniwan ako ng mag-asawa at natulog na sila nang gabing iyon na parang walang nangyari. Iyak lang ako nang iyak, humihingi ng tawad sa aking alagang aso. Parang pinipiga ang puso ko habang naririnig ang pag-iyak nito sa sakit.


"Ano? Hindi ka pa ba tapos sa pag-iyak mo?"


Kumabog nang malakas ang dibdib ko nang maglakad pabalik sa akin si T'yang. Hinatak ako nito patayo at kinaladkad palabas.  Sapilitan niya akong ikinulong sa kulungan ng aso at kinandado roon. Walang pagkain at walang inumin.


Dahil sa sobrang gutom at panghihina ay napilitan akong kainin ang tirang pagkain ng alaga naming aso. Mga tira-tirang pagkain galing sa kilalang fastfood na pasalubong ni T'yong Dino noong umuwi kanina buhat sa pagtatrabaho sa syudad.


"Ubusin n'yo na 'yang fried chicken bago pa magising si Kessiah."


Agad kong pinunas ang luha ko habang kumakain ng tira-tirang buto nila. Mabuti na lang at sinamahan ni T'yang ng tirang kanin ang pagkain ng aso namin, magkakalaman ang sikmura ko kahit papaano.


Nagising ako nang naramdamang may humaplos sa aking hita. Bukas na pala ang kulungan. Nakita ko si Tito Nico na nakaluhod sa tabi niyon. Akala ko nagpunta siya para aluhin ako sa nangyari ngunit iba ang tingin niya noong gabing iyon.


Itinapat nito ang hintuturo sa bibig habang demonyong nakangisi.


"Maglaro tayo ulit, pamangkin."


"A-Ayoko po."


"Ito naman. Ayaw mo na ba kalaro si Tito?"


"O---" Huminto saglit ang pagtibok ng puso ko nang bumagsak ang tingin ni Tito sa natutulog kong aso bago nakangising nag-angat ng tingin sa akin. "H-Hindi po."


"Oh iyon naman pala." Nanginig ako nang haplusin niya ang mukha ko. "Ang ganda-ganda mo talagang bata ka."


Pigil ko ang paghinga nang hatakin ako ni Tito palayo sa lugar na iyon. Kinaladkad niya papasok sa lumang bodega kung saan tinatambak ang mga bigas at pataba sa lupa.


"Huwag kang matakot sa akin. Maglalaro lang tayo ulit tulad ng dati."


Napapikit na lang ako nang marinig ang tunog ng pag-lock niyon. Nilamon ng dilim ang paligid at kasunod niyon ay ang paghaplos niya sa akin.


I was nine years old when my most trusted person mol*sted me.


"Galante talagang magbigay ang Amerikanong iyon. Sabi na nga ba't mapapakinabangan ang batang iyan," dinig kong masayang sambit ni T'yang na binibilang ang perang papel.


"Sa susunod, mahal ko, mas damihan pa natin para mas malaki ang kitain natin."


"Sabi ko naman kasi sa 'yo mas malaki ang kita sa ganitong klaseng raket. Ikaw naman kasi hindi ka nakinig agad sa akin."


Kakauwi ko lang galing eskwela ngunit ganoon na agad ang bumungad sa akin. Nag-iwas ako ng tingin nang lingunin ako ni T'yang. Paakyat na sana ako yakap ang mga aklat nang tawagin niya ako.


"Halika muna rito."


Nang hindi ako umibo ay siya na mismo ang lumapit sa akin. Napatingin na lang ako sa perang papel na inilahad niya sa harap ko.


"Oh ayan ang isang daan pang-load mo."


"Mayroon pa po ako. S-Salamat na lang po." Inayos ko ang pagkakasakbit ng bag ko sa aking balikat at pumanhik na sa taas.


Sa pagdaan ng mga araw, buwan, at taon ay nagpatuloy ang pag-usbong ng makabangong teknolohiya.


I was twelve years old when I entered the world of cyberp*rnography.


Unti-unting napaayos ang bahay nila T'yang dahil sa mga hubad kong larawan. Hindi ko iyon naiintindihan noong una ngunit habang lumalaki ako ay unti-unti kong naunawaan ang mga bagay-bagay.


Ganoon pala ako kababa.


Ganoon pala ako katanga.


Ganoon pala ako kahina.


Ganoon pala ako karumi.


"Grabe ka, Kessiah, highest ka na naman," kantyaw ng isa kong kaklase matapos kong kunin ang aking test paper.


Tinapunan ko lang ito ng tingin bago bumalik sa aking upuan.


"Paanong hindi gaganahang mag-aral eh spoiled sa nanay at tatay niya. Tingnan mo bago na naman ang sapatos."


"For sure siya na naman ang Top 1 ngayong quarter."


"Ang ganda ng lapat ng make-up sa mukha mo, Kessiah. Ang mahal siguro n'yan. Grabe ang swerte-swerte mo talaga sa umampon sa 'yo. Sana ako rin. Si Mama kasi ayaw pa akong pag-lipstick-in. Hayss sanaol na lang tala---"


Tumayo ako bigla kaya napatigil ang lahat ng tao sa klase. Maging ang guro sa unahan ay napatingin sa akin.


"Ms. Delos Reyes?"


"Mag-ingat ka sa mga hinihiling mo," mahinang sambit ko.


Lumapit ang aming babaeng guro at doon na ako naupo. Nagbigay lang ito ng assignment bilang pagtatapos ng klase at iniwan na kami. Kaagad na nagsilapitan ang mga babae kong kaklase upang tingnan ang mga bago kong gamit.


"Grabe ka na talaga, Kess. Parang dati lang noong Elementary tayo puro tahi uniform mo tapos iyong sapatos mo kulang na lang umimik para subuan ng rugby. Tapos ngayon may mga bago ka na."


"Oo nga. Hindi na puro pinaglumaan ng mga pinsan mo. Basta ah kapag nagsawa ka na d'yan sa bagong relo mo akin na lang ah."


Hinubad ko ang relo at inilapag sa lamesa.


"Sa 'yo na." Tumayo na ako at umalis na sakbit ang aking totebag.


Narinig ko pa silang nagkagulo noong papalabas ako. Totoo ang sinabi nila. Lumaki ako na sumasalo ng mga pinaglumaan ng mga pinsan ko. Ngunit nang ako ay magdalaga at kumita sa ganoong klaseng trabaho ay sinimulan akong i-spoil nila T'yang sa mga bagong gamit.


Hindi dahil mahal na nila ako ngunit dahil gusto nilang makasigurado na maganda ako sa lahat ng oras. Inaalagaan nila ang ganda ko dahil doon sila kumikita. Gusto nilang maakit sa akin ang kahit sinong makakita dahil walang pagkakataon ang pwedeng sayangin.


"Kessiah!"


Napahinto ako sa paghakbang nang may tumawag sa akin. Si Taleb, anak ng Mayor ng bayan namin at kilalang Student Council President sa eskwelahang pinapasukan ko. Nakangiti siyang lumapit sa akin at kinuha ang bag ko.


"Ako na ang magdadala."


Sinakbit niya iyon at pinagbuksan pa ako ng pinto ng kaniyang kotse. Kilala siya sa eskwelahan dahil bukod sa gwapo ay sila rin ang pinakamayaman sa aming probinsya. Nasa politika rin halos lahat ng mga kamag-anak niya kaya hindi na nakapagtataka na nanalo siya bilang SC President nitong nakaraang eleksyon.


"Saan mo gustong kumain?"


"Kahit saan," sagot ko habang nasa labas ng bintana ang atensyon.


Napayuko lang ako sa aking hita nang may ipatong siya roon. Isang bouquet na may magandang pambalot.


"S-Salamat."


"Thank you lang? Wala bang kiss?"


Hindi ako umimik at napayuko na lang.


"Joke lang. Ito naman hindi mabiro. I told you maghihintay ako." Nahugot ko ang hininga nang ipatong niya ang kanang kamay sa hita ko. "Alam ko iyong mga trauma mo kaya hinding-hindi ko iyon gagawin sa 'yo."


Totoo ang kaniyang sinabi. Alam ni Taleb lahat dahil sa kaniya ko lang naman ikinuwento ang tungkol sa akin. Naging malapit kaming dalawa nang gawin aking representative ng Grade 8 sa Debate Competition. Nanalo ang aming departamento kung saan ginawa akong representante ng eskwelahan sa lalawigan.


Dahil siya ang tumatayong pinakamataas sa konseho ng mga mag-aaral, isa siya sa mga gumabay sa akin. Mabait siya at mahinahon kung magsalita kaya naging magaan ang loob ko. Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa akin sa unang pagkakataon ay nagtiwala akong muli sa isang lalake.


I was thirteen years old when I had my first boyfriend.


"Ang bata-bata pa nagnonobyo na."


"Napakaagang lumandi."


"Noong panahon namin pag-aaral lang ang inaatupag namin."


Ininda ko ang mga bulungan. Si Taleb ang siyang naging pahinga ko. Pakiramdam ko siya lang ang nakakaintindi sa akin. Simula noong dumating siya gumaan ang mga bagay-bagay. Gusto rin siya nila T'yang. Sino ba naman ang hihindi sa ganoon kayaman?


"Ayaw mo ba nun? Pagkatapos nito makakalimutan mo na iyong nangyari."


Napatitig lang ako sa hubad na lalakeng nakaibabaw sa akin. Tulad ng madalas niyang gawin ay sinundo niya ulit ako pagkatapos ng aking klase. Akala ko ay kakain lang kami sa labas ngunit dinala niya ako sa kanilang bahay.


Wala ang Mommy at Daddy niya dahil nagpunta sa ibayong probinsya upang magbigay tulong sa mga nasalanta ng bagyo. Nanunuod lang kami kanina nang bigla siyang maghubad. Ang sabi niya noong una ay naiinitan lang siya ngunit sa ganito kami nauwi.


Bumalik ako sa reyalidad nang haplusin niya ang mukha ko.


"Kessiah, please?"


"Taleb..."


"Mahal mo ako, 'di ba?"


Sa pag-asang baka makalimutan ko ang mga nangyari sa akin, pumayag akong ibigay ang aking sarili.


Akala ko sa pamamagitan ng pagbuo ng bagong alaala sa larangang iyon kasama siya ay magagawa niyong tabunan ang masasamang alaala.


I was fourteen years old when I gave my virg*nity to a guy who was seven years older than me.


Akala ko isang magandang panaginip na ngunit panibagong bangungot na naman pala.


"Anong ginagawa mo?" pigil ang galit kong tanong nang makita siyang nag-set up ng camera sa dashboard ng kotse niya.


"Minsan lang naman."


"Taleb, 'di ba sinabi ko namang ayaw ko ng may video?"


"Sus. Ito naman galit agad. Para namang hindi mo iyan gawain da---"


Sinampal ko siya at agad na ibinutones ang uniform ko. Dali-dali akong lumabas ng sasakyan niya. Tinawag niya ako ngunit hindi ko na siya nilingon pa.


"Kumusta naman kayo ng nobyo mo?" Napatigil ako sa pag-aaral nang pumasok si Tito Dino sa aking kuwarto. "Mukhang dumadalas ang paglabas n'yo ah."


"M-Mag-o-OJT na po kasi siya sa susunod na buwan sa Singapore kaya sinusulit na po namin." Iniwas ko ang ulo nang isumping niya ang buhok sa likod ng aking tainga. "Dalagang-dalaga na talaga 'tong pamangkin ko. Ang ganda-ganda at ang..." Inilapit nito ang ilong at inamoy ako. "Bango-bango pa."


"N-Nag-aaral po ako, Tito. May exam pa po bukas."


Inakbayan niya ako na nagpanginig sa sistema ko.


"Ito naman, naglalambing lang ang Tito. Gusto mo ba laro ulit tayo tulad ng dati?"


Kumalabog ang dibdib ko nang rumehistro sa utak ko ang mga nangyari. Sobrang linaw niyon na bawat detalye ay maayos na nakalahad.


Iyong puti kong bistida. Iyong school uniform ko. Iyong langit noong gabing iyon. Iyong amoy ng mga dayami. Walang labis, walang kulang--- wala akong makalimutan.


"Hindi na po ako naglalaro." Lakas loob kong inalis ang kaniyang braso.


Pinagsaklob niya ang mga palad sa ibabaw ng lamesa at tumahimik na. Akala ko titigil na siya sa pangungulit ngunit hindi ko inasahan ang sunod niyang itinanong.


"So ano? Nag-sex na ba kayo ng nobyo mo?"


Nairita ako kaya padabog kong naibaba ang ballpen.


"Tito, ano ho bang klaseng tanong i---hmm."


Tinakpan niya ang bibig ko at napatitig na lang ako nanlilisik niyang mga mata. Namumula iyon kaya batid kong nakagamit na naman siya.


"Pumayag lang naman akong magnobyo ka dahil mayaman at makapangyarihan ang pamilya nila. Pero tingin mo ba papayag ako na siya lang ang makikinabang sa 'yo?"


Napasigaw ako ng sampalin niya. Nawalan ako ng balanse at nahulog mula sa kinauupuan ko. Pabangon pa lang ako nang ibabawan niya. Sa mismong sahig ay walang kahirap-hirap nitong winarak ang puti kong bistida.


Gusto kong sumigaw ngunit walang lumalabas na boses. Gusto ko siyang itulak ngunit hindi ako makagalaw sa takot. Para akong naparalisa at wala man lang nagawa. Naligo ako pagkatapos.


"Kessiah, hindi ka pa ba tapos d'yan? Kanina ka pa. Naiihi na ako, ano ba?"


"P-Palabas na po." Tinuyo ko ang luha at nagbihis na.


"Anyare sa 'yo?" takang tanong ni T'yang na kauuwi lang nang makita na namumula ang mata ko.


"T'yang..."


"Ate, ano gusto mo ba ng kape?" tanong ni Tito sabay tingin sa akin na may pagbabanta.


"Ano iyon, Kessiah? Sabihin mo na dahil naiihi na akong talaga. Kanina pa ako sa bayan nagpipigil."


"W-Wala po. N-Napasukan lang po ng sabon ang mata ko. Sige aakyat na po ako, T'yang."


Dali-dali akong umalis sa harapan nila at agad nagtungo sa aking kuwarto. Ini-lock ko ang pinto at isinara ang mga bintana. Nakapitong sabon at kuskos na ako kanina pero pakiramdam ko ay marumi pa rin ako.


Paulit-ulit na nag-ring ang phone ko ngunit hindi ako nag-abalang sagutin iyon. Nakasalampak lang ako paupo sa sahig at umiiyak. Hindi ako pinapatulog ng nangyari.


Napatigil lamang ako sa pag-iyak nang mahagip ng mata ko ang bote ng pesticide para sa palayan. May pagmamadali akong tumayo at binuksan ang takip.


"I'm sorry," sabi ko bago nilaklak ang laman niyon.


Nakaramdam ako ng pagkahilo pagkaraan lang ng ilang segundo. Unti-unting nanlabo ang paningin ko hanggang sa tuluyang nagdilim ang lahat.





—Azureriel

Continue Reading

You'll Also Like

868K 14K 62
🔞NOT FOR MINORS🔞 •READ AT YOUR OWN RISK!• Hope Ryker Lee, the ultimate prankster, is set to marry Elisse Garcia, an heiress with a temper hotter th...
5.3M 171K 62
Nixon is the 3rd book in the Broken Series. (Ryan is the 1st, Brynn is the 2nd) Nixon leaves rehab early because he can't deal with being there anymo...
69.1K 338 4
Allie is in a loveless marriage, with a billionaire husband. He is free to do what he want, even cheat on her. Until she tries to leave him, not once...
841K 16.6K 62
"i'm just a kid and life is a nightmare" in which a very special 7 year old is sent to the ground among 99 criminals. will she survive? - || I DO NOT...