AKITIN MO SI ARKANGHEL. PAG-PRACTICE-AN MO AKO.
Hindi mabura sa isip ko ang sinabi ni Miko, kahit ang paraan ng pagkakasabi niya nito. Kahit pumikit ako, nakikita ko pa rin ang mapupungay niyang mga mata. Sa lunchbreak ay hinanap ko siya. I only wanted to clarify what he meant by his words. And how was I going to seduce him?
Wala si Miko sa bench. Wala rin sa canteen. Wala rin sa room nila nang puntahan ko. Sina Isaiah at Asher lang ang naroon. "Wala, e. Ewan ko nga roon, kahapon pa iyon hindi makausap nang matino."
Ay, nakakausap pala nila si Miko nang matino?
Nagpaalam na ako dahil wala naman pala ako ritong mapapala. Tinapik naman ako ni Isaiah sa balikat. "Ge, Zaza. Punta pa ako kay Vi."
Si Asher naman sa busy sa pagsi-cell phone ay nagpaalam lang din sa akin nang hindi tumitingin. "Bye, Zandra. Better lock next time!"
Bumaba na ako sa building ng Grade 11. Naisipan ko na lumabas dahil baka nasa labas si Miko. Mabuti na lang pala ginawa ko, dahil nandito nga siya sa labas.
Kausap niya ulit iyong malaking lalaking estudyante noon sa bilyaran, natatandaan ko na Bimbo iyong pangalan. May mga kasama silang iba pa, iyong iba ay hindi naka-uniform. Hindi niya ako napapansin na palapit dahil seryosong-seryoso siya sa kung ano mang kanilang pinag-uusapan.
"Michael Jonas, alam ba iyan ng tropa mo?" tanong ni Bimbo sa kanya.
"'Wag na, men. May kanya-kanyang problema mga iyon ngayon."
"Ano, sosolohin mo? Gago ka rin talaga, e no?!"
Wala siyang sagot. Seryoso pa rin ang mukha niya. Naka-side view siya sa aking paningin, kitang-kita ko ang pagkuyom ng mga kamao niya sa gilid.
Iyong isa sa mga kausap niya, tinapik siya sa balikat. "Problema sa 'yo, men, inangasan mo pa lalo kahapon. Alam naman naming inilalayo mo sila sa tropa mo, pero di mo naman kaya mag-isa lang. Paano kung ikaw lang ang balikan?"
"E di goods." Ngumisi siya, iyong ngisi na madilim, iyong ngisi na nagpaatras sa aking mga paa.
Napalunok ako dahil ngayon ko lang nakita na ganito si Miko. Parang isang tao na hindi gagawa ng mabuti sa kapwa niya.
Bago pa niya ako makita ay nanakbo na ako pabalik sa loob ng gate ng school. Namamawis ang mga palad ko, hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Ano ba kasi iyong pinag-uusapan nila? May kaaway ba siya?
Nakatayo ako sa gilid ng gate nang may dumaang dalawang lalaking estudyante. Nakilala ko agad iyong payat, ito iyong sa may sapa, saka ito rin iyong kahapon.
Nakatingin ako rito nang may humarang sa harapan ko. Naka-puting plain. Mabango. Pagtingala ko ay nakasimangot na mukha ni Miko ang aking nakita. "Anong ginagawa mo?"
Ha? Bakit siya tonong galit?
Iyong dalawang dumaan ay narinig kong mga napasipol. Napaungol naman si Miko kasabay ng pag-igting ng panga. "Putangina," mariin niyang bigkas. "Pag hinampas ko mukha niyo sa pader, kahit ngumisi di niyo na magagawa."
Napabilis naman iyong paglalakad nong dalawa. Gulat na gulat naman ako dahil galit siya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit, na parang kaya niya nga talagang gawin iyong sinabi niya.
Nang wala na ang mga ito ay nakapamulsa na siyang naglakad para iwan ako rito na nakatanga. Bumilang pa yata ang sampung segundo bago ako naka-recover sa pagkabigla. Hinabol ko siya. "Miko, wait!"
"Ano?!"
Natigilan ako dahil bakit pati sa akin ay galit siya? At di ba, sabi niya na puwede akong mag-practice sa kanya kung paano aakitin si Arkangel? Paano ko naman siya aakitin kung ganito siya?!
Napapiksi ako. "Galit ka ba? Bakit mo ako sinisigawan?!"
Umayos na ang kaninang salubong na mga kilay niya, pero nananatiling seryoso ang kanyang mukha. "Busy ako, Zandra. Sa ibang araw na lang." Naglakad na ulit siya.
Napahabol naman ako ulit. "Sandali, may itatanong kasi ako—"
"Kung tungkol ke Arkanghel, siya na lang ang direktang tanungin mo. O kung nahihiya ka, dumaan ka kina Isaiah. Wag muna sa akin, marami akong ginagawa."
"You're busy? Marami kang ginagawa?! Ano namang ginagawa mo maliban sa pagtambay-tambay sa kung saan-saan? Ano ba? Sabihin mo na nga kung ayaw mo lang talaga akong kausap diyan!"
Nang tingnan niya ako ay inaasahan ko na lalambot ang kanyang ekspresyon kapag nakita akong naluluha, kasi ganoon siya. Kapag paiyak na ako ay automatic na tumitiklop na siya. Pero nadismaya lang ako dahil nanatili pa rin siyang seryoso.
"Wag mo muna akong guluhin ngayon, Zandra," sabi niya sa malamig na boses na aking ikinagulat.
"W-what...?"
"May bago akong girlfriend, kaya wag ka munang lumapit sa akin. At kahit sa uwian, please lang, wag ka na rin munang sasabay." Pagkasabi ay naglakad na siya paalis habang ako ay naiwan dito na nakatanga.
Ang init-init ng aking mukha, daig ko pa ang sinampal, ang pakiramdam ko ay pinagtitinginan ako ng lahat kahit hindi naman.
Wala na siya pero nakatanga pa rin ako rito. Napahawak ako sa aking dibdib dahil parang may bumaon dito na kung ano. Ang sakit. Ang tagal na naming magkakilala ni Miko, pero ngayon niya lang ginawa sa akin ito. This was the first time, the freaking first time that he shooed me away!
Did he get tired of me now? Nangingilid na ang aking mga luha pero pinagsikapan kong pigilin ang mga iyon sa pagtulo. No, no. I would never cry for that guy. Never!
Nagsisikip ang dibdib na bumalik na ako sa room. Fine. Kung mahalaga man sa kanya ang girlfriend niya ngayon, e di magsama sila. Mag-enjoy sila at sana ay tumagal silang dalawa!
"Z, BABAERO IYONG MIKO, ANO?"
Nagre-review kami ni Faye para sa quiz sa next subject nang magsalita siya.
"Oo," sagot ko habang nagbabasa. Totoo naman kasi. Napakahayup pa. Sana matapilok siya at mapahiya sa bagong girlfriend niya!
Gaano ba kasi kaganda ang girlfriend niya ngayon at nagkakaganyan siya?! Sobrang ganda ba, ha?! Ano, did he really fall in love with her?! Marunong siyang ma-in love?! Kapal naman ng mukha niya, e wala naman siyang puso! Iyong utak niya rin ay nasa talampakan niya!
Humagikhik si Faye. "Iba-iba iyong kasama niyang girls, ano? Kaya nasabi ko na babaero siya."
Kumunot naman ang noo ko. Masyadong straight na tao si Faye. Ayaw niya sa mga estudyanteng tamad, iresponsable, at pati sa mga maagang nagkaka-boyfriend o girlfriend. Para kasi sa kanya, pag nasa school ka, ay dapat mag-aral ka lang. Also, she didn't believe in puppy love.
Nangalumbaba si Faye sa desk niya. "Z, remember when I told you that having a crush in high school is just a waste of time?"
"Mmn," tango ko habang nakatutok pa rin ang paningin sa binabasa.
"I wanted to graduate without having a boyfriend in high school. Iyon ang sabi ko. Pero nagbago na ang isip ko. Ano ba ang feeling ng may boyfriend sa high school? Ang may maka-holding hands, makangitian, makapalitan ng text. Ano rin ba ang feeling knowing may boyfriend ka na naghihintay sa 'yo sa bench?"
Napatigil ako sa pagbabasa at napalingon sa kanya. "Faye..."
Nagdi-daydream ang mga mata niya nang magsalita. Nilingon niya ako at nginisihan. "Z, I've changed my mind. Gusto ko na pala maranasang mag-boyfriend sa high school kahit once lang."
May iniisip na nga ako, dumagdag pa si Faye. Hindi ko na siya nakausap pa nang matino hanggang uwian dahil ang lalim ng iniisip niya. Pinabayaan ko na lang siya. Nauna na rin akong umuwi. Hindi kami sabay ni Miko dahil may bagong girlfriend na naman ang malandi kong pekeng pinsan.
Ayoko pa sanang umuwi, kaya lang ay naalala ko ang malungkot na mukha ng aking chihuahua na si Lavander nang pumasok ako kaninang umaga. Iniwanan ko ito ng pagkain dahil baka hindi pakainin ni Mommy, pero nakokonsensiya pa rin na iwan itong mag-isa.
Dahil nagpa-late ng uwi ay natiyempuhan na naman ako ng mga tambay sa labas ng gate. Hindi na sila apat lang ngayon. Lima na. Iyong panglima ay mukhang sanggano. Nakakainis pa dahil pinakatititigan ako.
"Hindi kasama si Michael Jonas, hindi nga yata niya syota." Malakas iyong pagkakasabi ng katabi nito kaya narinig ko.
Ano bang pakialam nila kung ano ako ni Miko? Bakit hindi na lang nila asikasuhin ang mga sarili nila? Ang daming puwedeng gawin para may maiambag sila sa mundo. For example, try nilang umuwi sa mga bahay nila para magsiligo!
Hindi pa sila tapos sa kanilang huntahan. "Hindi nga niya syota, pero iyan ang lagi niyang kasa-kasama. Matagal-tagal na rin. Hindi naman niya kamaganak iyan, kasi wala naman talagang pinsan iyon si Pangilinan."
"Hmp!" Nilampasan ko na ang mga tambay. Ang dami nilang alam, sana iniligo na lang nila, e di bumango pa sila.
"HI, LAV!" Sumalubong muli sa akin sa pinto ang golden brown na chihuahua. May suot nang dog tag na purple na inilagay ko rito kagabi. Kakargahin ko na dapat ito para isama sa aking kuwarto nang lumabas mula sa kusina si Daddy.
"Anak, puwede na ba tayong mag-usap?" Kasunod ni Daddy si Mommy. Nakaramdam ako ng pitik sa puso ko. I missed them...
Si Mommy ay nakasimangot sa akin. "Ano, okay ka na ba? Alam mo na ang pagkakamali mo sa amin ng daddy mo?"
Natigilan ako. Ha? Pagkakamali ko?!
Humakbang si Mommy. Nagpaliwanag siya, "Zandra, hindi kasi maganda na sinasagot mo kami. Kahit anong mangyari, magulang mo kami."
"Anak, tama ang mommy mo," ani Daddy. Lumapit sa akin at hinawakan ako sa balikat. "Bata ka pa kasi. Hindi mo pa naiintindihan ang mga bagay-bagay, mataas pa rin ang emosyon mo, kaya nag-aalala kami para sa 'yo..."
"Daddy, paanong bata pa ako? I'm already eighteen. I'm now in legal age."
"Pero magulang mo pa rin kami, Zandra. Kami ang nakakaalam kung ano ang tama at mali—"
Humulagpos na ako. "Kung alam niyo pala ang tama at mali, bakit gumawa pa rin kayo ng mali?!"
"Zandra!" Napalakas ang boses ni Daddy. "Please, anak. Wag ka namang ganyan. Hindi ka namin pinalaki na batang sumasagot. Mabait kang anak, masunurin, at mapagmahal—"
"Hindi naman ako masamang anak, Daddy!" alma ko. "Ganito ako kasi nasaktan po ako! Nasaktan ako kasi hindi kayo nagsabi sa akin ng totoo! I felt betrayed knowing everything you made me believe was a lie!"
That was the bottom of it all. I got hurt because they didn't tell me the truth. They made me believe that this family was flawless. Naiintindihan ko na ayaw lang nila akong masaktan, pero sana hindi nila sinobrahan ang pagbilog sa ulo ko. Feeling ko tuloy ngayon ay kinakarma ako sa pagsang-ayon ko sa tuwing may nilalait si Mommy na ibang pamilyang may kapintasan.
Ang taas-taas ng tingin ko sa sarili ko noon, pero ngayon ay biglang ang baba na, mula nang sampalin ako ng katotohanan. At ang ikinasasama pa ng loob ko, imbes na humingi sila ng sorry sa akin, ako pa ang gusto nilang humingi ng sorry, porke't anak lang ako at sila iyong magulang. That was so unfair!
Si Mommy ay nagsalita habang nakangiti na. "Zandra, wala namang makakaalam nito kung walang magsasabi. Ang mahalaga, buo pa rin ang pamilya natin. At ngayong patay na ang unang asawa ng daddy mo, ay mas lalong wala nang problema."
I stared at my mom, whose smile used to make me happy but now made me afraid. I was afraid I might start believing her again.
"Anak, valid na iyong kasal namin ng daddy mo dahil patay ang una niyang asawa. But if you want, we can have a wedding again. Palalabasin nating renewal of vows lang para lalong mainggit ang mga kamaganakan natin diyan na broken family—"
"Mommy, paano kung si Daddy ang unang namatay kaysa sa unang asawa niya?" bigla ay tanong ko sa kanya.
Nahinto si Mommy. "Ano?"
Hinarap ko si Daddy. "Ibig sabihin, Daddy, kung ikaw ang unang namatay sa asawa mo, ay wala kaming magiging karapatan sa katawan mo. Doon ka ibuburol sa kanila at hindi rito! Maski ang resto bar na negosyo mo, mapupunta iyon sa tunay na asawa mo!"
I wanted to make them understand the situation. Even if they didn't want to go over it, they couldn't simply dismiss what I found out, and that facing it was now the only option. I still loved them and hoped they might redeem themselves in my eyes. I still wanted them to continue being a good role model for me, so just this once, I wished they would own up to their mistakes.
Tulala silang dalawa sa akin nang kargahin ko na si Lavender paakyat ng hagdan. Alam ko na nasaktan ko sila, pero nasaktan din nila ako. Siguro nga, masamang anak ako. Masamang anak ako dahil gusto kong mag-sorry sa akin ang mga magulang ko, kahit pa anak lang naman ako.
HINDI AKO NAG-DINNER. Nasa kuwarto lang ako at hindi rin naman ako tinawag nina Mommy noong kakain na. Narinig ko lang na sabi ni Mommy kay Daddy na ako rin daw ang susuko sa huli.
Kumalam ang aking tiyan bandang 11:30 p.m. kaya noong sa tingin ko na tulog na sila, ay saka ako lumabas ng kuwarto. Dumeretso ako sa kusina. Nagtingin ako ng pagkain sa ref para lang madismaya. Wala silang itinira sa aking ulam o kahit kanin.
Napabuga ako ng hangin at tumingin na lang sa cupboard. Wala na kaming stocks maliban sa delata. Hindi ako kumakain niyon kapag hindi ginigisa ni Mommy. Hindi rin naman ako marunong magisa dahil hindi ako pinagluluto ni Mommy, kaya what to do?
Nagtingin din ako sa ref. Wala na kami kahit juice o tinapay. Hindi pa kasi ulit nakakapag-grocery. Wala akong puwedeng kainin dito.
Hindi yata naisip nina Mommy na gugutumin ako. Kahit naman strict sina Mommy at Daddy, mahal naman nila ako. Ayaw nila akong gugutumin. Napabuga muli ako ng hangin at napahawak sa kumakalam kong tiyan.
Hindi na uubra kung maghihintay pa ako ng umaga. Nagpasya ako na lumabas na lang. May bukas pa naman sigurong tindahan sa labasan. Kinuha ko ang aking purple hoodie sa kuwarto at ipinatong iyon sa suot kong cream baby tee at white shorts. Nag-suot na ako ng tsinelas saka lumabas.
Ako na lang ang naglalakad sa daan ng Brgy. Pinagtipunan dahil wala nang mga tambay rito sa lugar namin kapag ganitong oras. Sarado na rin iyong nag-iisa ritong tindahan. Kailangan ko nang pumunta sa highway dahil Alfamart na lang ang tiyak na bukas.
Malayo-layong hakbangan pa. Dadaan ako sa school namin sa Gov. Hindi ako natatakot dahil may mga rumoronda naman ditong tanod. May mga ilaw din sa poste at ilan pang bahay na bukas ang pinto.
Pagdating nga lang sa tapat ng school ay napakadilim na. Wala iyong guard sa may gate. Siguro ay naglakad-lakad muna sa loob para magpawala ng antok. Sira din pala iyong isang poste ng ilaw malapit sa mga saradong tindahan.
Binilisan ko na lang ang aking lakad. Malapit na ako sa hiway nang may matanaw na tricycle sa harapan ng saradong tindahan ng school supplies. Tricycle? Wala naman nang pila ngayong oras, ah?!
May kaba na nanuot sa dibdib ko nang mula sa dilim ay may lumabas na dalawang bulto. Ang upos ng sigarilyo ng mga ito ay lumulutang sa dilim. "Iyan ba iyon?"
Ibinato ng isa ang hawak na sigarilyo saka humakbang palapit sa akin. "Oo iyan nga. Tagarito nga sa Pinagtipunan. Hindi na tayo pinahirapang maghanap. Kapag sinusuwerte ka nga naman."
Napaatras ako. "What are you saying?! Hindi ko kayo kilala! Umalis kayo sa daan ko dahil bibili lang ako ng pagkain sa Alfamart!"
"Wow, english spokening pala ang syota ni Pangilinan. Susyal!"
"What? Syota?! Hindi ako syota ng lalaking iyon!" sigaw ko. They were blocking my way just because they thought Miko and I were together?! Well, they got it wrong! They were so wrong!
"Wala kaming paki sa sinasabi mo, pero sasama ka sa amin ngayon sa ayaw mo at sa gusto!" Sinenyasan ng pinakamalaki sa kanila iyong dalawa pa. "Ipasok niyo na sa loob ng tricycle iyan!"
Namilog sa dilim ang mga mata ko. Nagpapasag ako nang subukan nila akong hawakan. "No! You got it wrong! Hindi nga ako gilrfriend ni Miko! May iba siyang—" Hindi ko na natapos pa ang sinasabi dahil sinikmurahan na ako.
Bago ako napaluhod sa lupa ay pinagtulungan na akong buhatin ng dalawang lalaki papunta sa tricycle. Bago pa tuluyang kainin ng dilim ang diwa ko, narinig ko pa ang sinasabi ng lalaking may hawak sa akin.
"Ngayon, tingnan natin ang angas ni Michael Jonas. Kapag hindi siya dumating, hindi niya na makikita itong syota niya. Pero pag dumating naman siya, basag ang bungo niya sa atin bukas!"
#BadLoverbyJFstories