CHAPTER 6
Darkness
Kailey Rae
"Pres, nasubmit mo na ba ang paperworks natin kay Ma'am Villanueva?" tinaponan ko naman ng tingin ang secretary ng section namin dito sa room, sa pagkakaalala ko ay nandito pa 'yun sa bag.
"Not yet, mamaya nalang siguro pagkatapos ng class natin kay Ma'am Sevilla." nginitian ko ito at bumalik na sa ginagawa ko, im taking down notes and at the same time im doing blurting method about the topic we've discussed last week, mas naaalala ko kasi at natatandaan kapag sinusulat ko ang lessons, baka kasi bigla na naman magpa oral si Ma'am Zsanira, hindi pa naman 'yun nagsasabi.
"Girl, may assignment ka na? jusko hindi pa ako nakagawa, malalagot talaga ako kay Ma'am Sevilla, dragon pa naman 'yun magalit." tinignan ko naman si Stacey na pawis na pawis na kinacram ang assignment niya, ayan kasi kung hindi hahabolin, hindi gagalaw.
Sinirado ko na ang notebook ko at sakto naman na dumating si Ma'am Sevilla sa harap, lahat naman ay napaupo ng tuwid at tumahimik. Nilibot nito ang paningin niya sa loob at tinignan isa isa ang mga kaklase ko maliban sa akin.
"You are around thirty plus here in this classroom, Im expecting also to hear thirty plus voices during our quiz later," seryoso at matalim na tingin nito sa amin, halos lahat ay tumahimik at kahit isa ay walang nagtangkang gumalaw.
"Girl, parang natatae ako sa kaba." biglang sambit ni Stacey sa kawalan at alam ko na ako ang kinakausap nito, pasimple naman ako umupo ng tuwid at medyo nilapit ang mukha ko, "Girl same, feel ko magpapa oral na naman yan." mahina ko na sambit para hindi kami mahuli at marinig.
"Girls at the back!" napaupo kami ng tuwid ni Stacey ng bigla sumigaw si Maam Zsanira sa harap, tumayo ito at nilagay ang kamay sa dibdib niya.
"Would you mind if you share also that gossips with your classmates?" she said sarcastically and get her laptop from her teacher's table.
"Who's the class president here?" she asked without looking at us and we're focusing on the screen, nag aalinlangan pa ako sumagot ngunit ako ang tinatanong nito, I raised my hand and she's just coldy looking at me.
"You're the president? act like one." pang iinsulto nito sa akin at bumalik na sa pagkaka upo nito. Napayuko naman ako sa sinabi niya at kinuyom ang kamay ko, ayaw niya ba talaga sa maiingay o sadyang kinamumuhian lang ako? wala naman ako ginawa sa kanya para tratohin ako ng ganito.
"Stand up." madiin at biglaang pagkakasabi nito kaya ang lahat ay napatingin sa akin. Tinignan ko ito at naka focus lamang siya sa laptop niya, ako ba talaga ang tinawag niya?
Tumayo naman ako at mukhang ako ang uunahin niya tanongin, jusko Rae!
"What are the key characteristics of pre-colonial Philippine architecture?" after niya basahin 'yun ay seryoso itong nilipat ang tingin sa akin at naghihintay ng sagot ko.
"Pre-colonial Philippine architecture is characterized by the use of indigenous materials such as bamboo, nipa, and wood ma'am. Structures like the bahay kubo (nipa hut) are raised on stilts for protection against floods and pests." mahaba at seryoso ko na pagkakasabi at nakita ko naman ang pag tango nito at binalik ang tingin sa laptop niya.
Nakahinga naman ako ng maluwag pagkatapos ko masabi 'yun at umupo na ako at nagsimula na naman siya magtawag ng ibang apelyido.
"Girl, please please turuan mo ako mamaya baka mahimatay ako kapag ako na tinawag." pagdadrma ni Stacey sa tabi ko ngunit hindi ko nalang ito pinansin.
"...no answer? who wants to help?" binalik ko ang atensyon ko sa harap at kitang kita ko naman ang stress at nakasalubong na kilay ni Maam Zsanira, tinaas ko ang kamay ko at napunta ang atensyon niya sa akin.
"Let's ensure everyone has a chance to contribute, Ms. Jimenez. "
Ayaw niya ba nun? tanong ng tanong kung sino gusto tumulong tas pag nag taas ako ng kamay ayaw naman. Tinaas ko ulit ang kamay ko kasi sobrang awkward ng atmosphere dito sa loob. Tinaasan niya ako ng kilay at tumayo naman ako para gantihan siya sa pang iinsulto sa akin kanina.
"Ma'am, if historic buildings are important, then why it is left behind when it has a lot of contribution to our economy?" I asked out of topic para maiba naman ang mood ng babaeng ito.
"That was out of topic Ms. Jimenez." malamig na sagot nito at parang wala siya sa mood sumabay.
"Let's say that it's been used by you, and a lot of memories happened inside that place, will you stay or left that unattended?"
"Modern and technology friendly infrastructures are now common today Ms. Jimenez, bakit pa babalikan ang napag lumaan na?" she said confidently as if she's inviting me to have an interesting debate.
"What if that place brings comfort and happiness that no other place can provide, will you comeback and fix that broken part?" I smiled in my mind knowing that what I said has a double meaning and Ms. Zsanira is now confused of what she's going to say.
"... let's say, that place is irreplaceable, and even if it is, hindi na ito kagaya ng dati, hindi na ito yung kagaya ng nakasanayan mo, babalikan mo pa ba?" a smile formed in my lips when I saw her eyebrows met because of confusion.
"Are you seriously talking about buildings Ms. Jimenez? I bet you aren't." seryoso at matalim na tingin nito sa akin with her hands in her chest. Saya naman nito asarin, parang nagmumukha siyang inosente, cute Ms. Zsanira.
"Yes ma'am, I am just curious about your perspective, thank you for sharing your opinion with us. We conclude that you prefer new one instead of being contended" I smirked while I said that and I saw her fist clenched na parang pinipigilan nito mapikon.
Alam ko naman na out of topic na 'yun, at alam ko din na double meaning ang tinanong ko, and yes I am talking about relationship kung ano ang magiging desisyon niya if sakali man na ganun, but seeing her react like that ay parang alam ko na hindi ito marunong humawak ng relasyon, napatawa naman ako sa loob ko at hindi ko na namalayan na humahagikgik na pala ako sa tabi.
"What's funny Ms. Jimenez?" this time ay alam ko na galit na ito at mukhang madadamay pa mga kaklase ko, sorry na kaagad.
"Get one whole sheet, number it up to 50, IDENTIFICATION." madiin nito na pagkakasabi sa bawat salita at lahat naman ay napasinghap sa sinabi niya, huhu sorry guys nag try lang naman ako bagohin ang atmosphere eh, lumala pa ata.
*****
Binali bali ko ang leeg ko kasi parang mapuputol na ito, grabe naman ang pa long quiz ni Maam di porque napikon lang siya sa sinabi ko eh.
"My god Rae, dinamay mo pa talaga kami sa katangahan mo kanina." sambit ni Stacey sa akin habang iniikotan ako ng mata, malay ko ba na ganun pala gagawin niya, imbis na sagotin tanong ko ay bigla nag pa exam. Sobrang hirap pa ng binigay niya, kulang nalang ay buklatin namin lahat ng libro na nasa library makuha lang ang tamang sagot.
"Tama na nga kaka reklamo, same lang naman tayo bagsak." tataas ko na sana ang kamay ko upang mag apir sa kanya ngunit binatokan niya lang ako.
"Anong pareho! Gaga ka ba? 49 out of 50 ka, tapos ako halos di manlang mangalahati, mas mataas pa presyo ng gasolina ng kotse ko kesa sa score eh." pagdadabog niya sa tenga ko na may pa padyak pa sa paa, ay is oa.
"Tara, libre nalang kita." pag aya ko sa kanya at bigla naman lumiwanag ang mukha nito, ampota patay gutom.
"Sige, okay lang pala mababa score ko, pasalamat ka pa sakin kasi kung walang mababa na score, hindi tataas ang iyo." grabeng pang gagaslight yan umabot hanggang Canteen.
****
"Rae, pwede akin nalang yang yogurt mo?"
"Nilibre na nga kita pati pagkain ko kukunin mo pa."
"Eh kasi, mukhang hindi mo naman kakainin eh akin nalang." pangungumbinsi niya sa akin habang tinitignan ang mga natira sa pinggan ko, binigay ko naman ito sa kanya at may biglang tumawag naman sa messenger ko.
Ken Nathan Delos Reyes
Video call from Messenger
Voice and video calls will use your data
Kaagad naman nanlaki ang mata ko sa nakita, seryoso ba 'to? bakit naman tumatawag ang mokong na to, nakangiti ko naman ito pinindot at masaya siyang binati.
"Gago ka! bakit ngayon ka lang nagparamdam?" bungad ko sa kanya at nakita ko naman siyang ngumiti at tumatambay sa bahay kubo na ginawa namin, hayst nakaka miss naman.
"Girl, sino yan? mukhang ang pogi ah!" sinamaan ko naman ng tingin si Stacey sa tabi ko at parang may balak pa ata targetin si Ken.
"Busy din ako dito Rae, maliban sa tumutulong ako dito sa palayan namin ay sinasabay ko na din ang pag aaral ko." ngumiti pa ito at pinakita ang buong paligid niya, nakaka miss naman ang lugar jan.
"Hayst nakaka miss."
"I miss you too." nabilaukan naman ako sa sarili kong laway after marinig yun, yung lugar kasi tinutukoy ko parang tanga naman 'to.
"Gago ka Ken, namimiss ko ang lugar jan hindi ikaw!" pangbabara ko sa kanya at nakita ko naman na nagdadrama siya na parang nasasaktan, ang oa.
"Sige lang, sino ba naman ako para hanapin diba? bye end ko na ang call." pipindotin niya na sana ngunit pinigilan ko ito.
"Oo na miss na kita, sarap mo naman kurotin sa tagiliran." panggigil ko at tumawa naman ito.
"Grabe ginawa niyo naman ako third wheel dito, ang tabang na tuloy ng pagkain." pagrereklamo ni Stacey sa tabi at kaagad ko naman tinutok sa kanya ang camera.
"Meet my friend here Ken, this is Stacey, Stacey this is Ken." pagpapakilala ko sa kanila sa isat isa.
"Hi Ken! you're so pogi naman! totoo nga sinasabi nila na probinsyano boys hits different ehe." kaagad kumunot ang noo ko sa tono ng babaeng 'to at parang nilalandi pa yung isa, binatukan ko naman ito at sumimangot nalang na kumain ulit, buti nga sa kanya.
"Kamusta nga pala sila Nanay at Tatay dyan? Sila Keizha? si Kuya? okay lang?"
"Oo naman Rae, habang wala ka ay ako muna nagbabantay sa kanila, kapitbahay lang naman tayo at lagi ko din sila nakikita gumagawa ng mga gawaing palayan, sasabihan ko nalang sila na nakausap kita." mahabang litanya ni Ken sa akin at ngumiti naman ako, sa pagkukwento pa lang niya ay nakaka miss na sila.
"Tatawag naman ako pag may oras na eh, oh siya sige na taposin ko muna ang call at may class na ako maya maya, bye!" sasabat pa sana siya ngunit pinatayan ko na ito, biglaan naman ang mokong na 'yun kung maka tawag.
"Girl, boyfriend mo?" nasamid naman ako sa sinabi niya at tinignan siya ng masama.
"Gaga! kababata ko lang yun, masyado ka naman ma issue, kung gusto mo sayo na eh."
"We? papakilala mo ako sa kanya? bigay mo nga sakin Facebook account niyan."
"Kaso di siya napatol sa mga makakapal ang make up eh" pang aasar ko kay Stacey at sinamaan naman ako ng tingin, totoo naman kasi eh, gusto kasi nun ay simple lang at walang ka eme eme sa katawan.
"Ede wag, damot mo naman sa mga papabels mo, sayang 'yun Rae six packs pa naman abs." kinikilig pa nitong sambit at parang nalulupasay sa kilig, parang tanga.
"Ma'am Kailey Rae Jimenez?"
Kaagad napukaw ang atensyon naming dalawa ni Stacey nang may biglang lumapit sa amin na lalaki at may dalang bulaklak, kumunot naman ang noo namin at nagtataka kung bakit alam niya pangalan ko.
"That's me kuya, ano po kailangan nila?"
"Ay ma'am, may nagpadala po kasi ng flowers sa inyo, paki pirmahan nalang po sa receivers signature para mabigay ko na sa inyo"
Bakas ang pagtataka sa mukha naming dalawa at parang nag aalinlangan pa akong pirmahan 'yun, baka mamaya ay ibang Rae pala hinahanap niya, sino naman kasi magpapa dala sa akin ng ganun?
"Girl, lakas mo naman makahatak ng manliligaw"
"Manliligaw kaagad? baka mamaya death note pala ito at binigyan ako ng flowers para magpaalam."
After ko matanggap ang bulaklak ay sinuri ko ito, it was a red chrysanthemums with a pink wrapper with a note, kinuha ko ang papel at kaagad 'yun binasa.
Hi! I know it's lame to confess through flowers but I dont have any courage and confidence to face you, I saw you last week here in the canteen and I thought you are beautiful and cute, Have a nice day!
-Z
Kaagad naman nanlaki ang mata ko sa nabasa at parang hindi maka paniwala kung ano man ang natanggap ko, matagal ko pinoproseso ang nangyayari ngunit pagkagulat lamang ang nararamdaman ko.
Pinagmasdan ko ito at ngumiti sa loob, ito ang kauna unahang pagkakataon na may magbibigay sa akin ng bulaklak, tinabi ko ito at nilinis na ang mesa upang bumalik na sa classroom namin.
"Tara na Stacey, daan muna tayo sa locker ko lalagay ko lang ang flowers."
We are back at the building and were walking down the hallway nang may maka salubong kami na mga propesor, kaagad kami yumuko at binati sila.
"Good noon Ma'am Villanueva, good noon Ma'am Sevilla." masaya naming bati sa kanila at tinignan lamang ang isang lalaki, naka scrub suit ito at mukhang sa clinic naka assign, I guess they're friends, binaba ko naman ang hawak ko na bulaklak ngunit huli na ito at napansin 'yun ni Ma'am Kael.
I saw Ma'am Kael smiling at me and the other woman just keep on avoiding eye contact from us and we're looking far away, hindi ata masarap ulam nito.
"Wow, that's a beautiful flower Ms. Jimenez, where did you get that?"
"Ay galing po 'yan sa manliligaw niya ma'am, dami nitong lalaki." kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Stacey at kaagad siya siniko.
"Ay hindi po ma'am, nagkakamali po kayo hindi po para sakin 'to at naligaw lang ng padala." kinamot ko ang noo ko sa sobrang hiya at sa kaingayan ni Stacey, lagot talaga sakin 'to mamaya.
"Your name stated there, your full name." nagulat naman ako kasi nagsalita si Ma'am Zsanira sa tabi niya, tinitignan nito ang address at note na nakalagay sa flowers.
"Cheap, that guy atleast bought you an expensive one." panglalait nito sa bulaklak na dala ko at kaagad naman nandilim ang paningin ko, inggit lang siya eh walang nagbibigay sa kanya.
"Zsa!" pananaway ng dalawang kaibigan niya sa kanya at ang isa naman ay nagkibit balikat lang at umalis.
"Im sorry sweetie, sadyang bitter lang 'yun and not a fond of flowers." pag hingi ng tawad ni Ma'am Kael in behalf of her friend, Ma'am Zsanira is lucky na magkaroon manlang ng kaibigan na kayang kaya siya ipagtanggol kahit sobrang sama ng ugali niya.
"Ay okay lang po ma'am, onti onti na din po ako nasasanay." ngumiti ako kay Ma'am Kael at nagpaalam naman na sila umalis.
Pagkatapos ko malagay ang bulaklak sa locker ko ay bumalik na kami sa room, dalawang subject ang class ko at ang isa ay tig tatlong oras, gabi na naman kami matatapos nito kung sakali man na uubosin talaga ang oras namin.
****
Inistretch ko ang likod ko pati ang ulo, grabe sobrang nakakapagod ang araw na 'to, nag quiz, nag on the spot roleplay, nag recitation, and nag present ng lessons, this day is so tiring.
"Ms. Jimenez?" kaagad nabaling ang tingin ko kay Sir Reyes na nag aayos ng laptop niya sa desk niya, lumapit naman ako sa kanya at naghihintay ng sasabihin niya.
"Can you lend me a hand? may pupuntahan pa kasi ako mamaya and I need you to encode your classmate's score dito sa laptop ko, you can bring this at the Architecture Office at doon ka nalang maglagay sa table ko." malumanay na request sakin ng propesor at kaagad ko naman tinignan ang oras, lagpas alas sais na ng gabi at nag aalinlangan ako tanggapin 'yun, baka kasi mamaya ay wala na akong masasakyan at nagcocommute lamang ako.
Tinignan ko ulit si Sir Reyes at disperado itong tanggapin ko ang inuutos niya, napabuntong hininga naman ako at kinuha na ang laptop niya.
"Sure po sir, lalagay ko nalang po laptop niyo sa table niyo, ingat po kayo." ngumiti naman ito sa akin at tinapik ako sa balikat ko.
"Thanks." nagmamadali itong umalis at bagsak balikat naman akong tinahak ang Architecture office, kung wala talaga ako masakyan mamaya ay siguro maglalakad nalang ako, sabado naman bukas kaya walang problema kahit mapagod pa ako.
Pagkadating ko ng Architecture office ay kaagad ako kumatok, narinig ko naman ang boses ni Ma'am Kael na pumasok nalang daw ako, pinihit ko ang door knob ng pinto at bumungad sakin ang nakangiting propesor.
"Oh hi dear! what made you come here?" pagtanong niya sakin sa desk nito at nakikita ko naman na may laptop din sa table niya na ginagamit niya, palapit na kasi ang mid term examination ng school at lahat ay busy na sa kani kanilang gawain.
"Good evening po, inutosan po ako ni Mr. Reyes mag encode ng scores sa laptop ma'am, sabi niya ay sa table niya nalang daw ako gagawa." mahaba ko na paliwanag kay Ma'am Kael at tumango tango naman ito at ngumiti.
"Why you? that old man can't really do his obligations, lagi nalang inaasa sa student niya, anyways you can sit there, that's his table." ngumiti naman ako kay Ma'am Kael at tinahak ang direksyon na tinuro niya, magkatabi tabi lang naman ang bawat table ng mga professor dito at may glass lang naman na head level na nakaharang, kitang kita pa din ang bawat isa.
Umupo na ako at binuksan na ang kanyang laptop upang magsimula.
Binasag ko naman ang katahimikan sa aming dalawa at nagsimula siya tanongin, sobrang tahimik kasi at nakakabingi.
"Ma'am Kael ikaw lang po ba mag isa dito?"
"Not sure sweetie, maybe Zsanira is in her office right now." tumango tango naman ako pagkatapos ko marinig 'yun, she has her own office? why?
"You probably wonder why she has her own office right?" tinignan ko naman si Ma'am Kael na gulat na gulat kasi parang nababasa niya ang nasa isip ko. Nagkamot lamang ako ng batok at nahihiya na tumango sa kanya.
"She is the daughter of the Director of this school sweetie..." nilagay naman niya ang kamay niya sa bibig nito na wari bang may ibubulong.
".... that's why she has the guts to show attitude." humagikgik naman ito at pati ako ay natawa sa inasta niya, Ma'am Kael really passed the vibes.
Tumatawa kami pareho sa loob at nagulat naman kami ng biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang nakasimangot ngunit napakagandang propesor.
"Make me some hot chocolate Kael. I'm cold." biglang pag utos nito at walang manlang ka intro intro o pag bati, hindi niya ata ako nakikita kasi nakaharap lamang ito kay Ma'am Kael at nasa side niya ako.
"Nakakahiya naman makita ng student mo Zsanira na inutos utosan mo lang ako."
Kaagad naman ito bumaling sa side ko at bahagyang nagulat sa presensya ko, hindi niya ata ineexpect na makita ako dito.
"Good evening po ma'am." pagbati ko sa kanya at seryoso lamang itong tumango, umupo siya sa couch na nasa gitna ng office at nilagay ang mga kamay sa dibdib nito.
Nagsimula naman na ako mag type ulit sa laptop at nag focus lamang sa ginagawa.
"It's late Zsanira, may kasama ka ba uuwi mamaya?"
"Paul will pick me up." Paul? her boyfriend?
"Aw, your boyfriend really made changes now" pang aasar ni Ma'am Kael sa kanya at ang isa naman ay parang walang pakialam, kasintahan niya pala talaga ang kasama niya noon.
"How about you sweetie? may masasakyan ka ba pauwi?" nabaling ang atensyon ko kay Ma'am Kael at kaagad ko naman tinignan ang oras sa relo ko, 6:50 pa lang naman ng gabi at hanggang 9 naman ang last trip ng mga jeep, tumango naman ako at ngumiti.
"Yes po ma'am, malapit naman na ako matapos at hanggang 9 pa naman ang masasakyan ko."
Tumango tango ito at sinirado na ang laptop niya, mukhang tapos na siya sa ginagawa niya.
Pumunta ito ng kitchen counter at mukhang magtitimpla ata ng nirequest ng kaibigan niya. Binalik ko ang atensyon sa laptop at malapit na din ako matapos.
"Here sweetie, 'wag masyado pa late mamaya ha? may momo pa naman dito."
"Kael." pananaway ni Ma'am Zsanira sa kanya at masama ito tinignan.
"Drink that hot chocolate, pinag timpla pa ako ni Zsanira ng isa pa niyan para lang ibigay sayo." kumindat naman ito sa akin at parang may pinapahiwatig.
"Let's go Kael, I'll stick that noisy mouth of your's to your table kapag hindi ka pa tumahimik jan." tumawa naman ang isa at lumabas na sila pareho sa office, napa buntong hininga naman ako sa sakit ng likod at kamay ko, malapit ka na matapos Rae.
Pagkatapos ng sampung minuto ay natapos ko na ang ginagawa ko at ngiting ngiti na pinindot ang save, shit! ang sakit naman sa likod. Tumayo na ako inunat unat ang katawan ko, sarap na humiga sa kama.
Niligpit ko na ang mga gamit at sinukbit ang bag ko sa likod, lumabas na ako ng office at tinahak ang daan papunta sa elevator dito, pinagmasdan ko ang paligid at sobrang lamig at tahimik, walang kahit anong tunog or kaluskos manlang ng mga dahon, napatayo ang balahibo ko at tumakbong pinindot ang elevator huhu nakakatakot.
After maka pasok ay akmang pipindotin ko na sana ang ground floor ngunit may kamay na humarang sa pinto dahilan upang bumukas ulit ito, nanlaki ang mata ko na tinignan si Ma'am Zsanira na seryosong nakatitig sa akin.
"Ma-Ma'am Zsanira?" utal utal ko na sambit dahil hindi ko inakala na nandito pa pala ito, akala ko ba umuwi na sila ni Ma'am Kael?
Pumasok ito sa loob at siya na ang pumindot ng ground floor, tumikhim naman ako at yumuko dahil sobrang awkward ng paligid.
"Akala ko po ay umuwi na kayo Ma'am?" pagbasag ko ng katahimikan na pumapagitna sa aming dalawa.
"I forgot something in my office." flat na sagot nito at sinandal ang sarili sa gilid.
Tumango tango ako at naghihintay na lamang makadating sa ground floor, Maya maya pa ay may narinig kaming kakaibang tunog na nanggagaling sa taas ng elevator, kaagad kami tumingala at parang hindi maganda ang tunog na 'yun.
*eeeek*eeeek*
Rinig na rinig ang pag kiskisan ng bakal na para bang anytime ay mag cocollapse ang elevator.
Nag uumpisa na manginig ang katawan ko at malakas na kumakabog ang aking dibdib.
Tinignan ko ang kasama ko at nagtataka lamang itong pinagmamasdan ang paligid.
"What the fuck is happening?!" bakas ang pagtataka sa boses ng aking propesor lalo na at nag uumpisa na umugong at pag lakas ng pag andar ng elevator, hindi na ito yung mahina at parang nakasakay na kami sa isang boat na parang umaalon.
"Ma-Ma'am" mahina at nanginginig ko na tawag sa kanya at kaagad naman niya kinuha ang phone niya. Tatawag na sana siya ngunit bigla itong natapon sa lakas ng pag-alog ng elevator at nag uumpisa na din kumislap ang ilaw sa loob,
Kitang kita ko ang takot sa mukha nito at kaagad ko 'yun hinila papalapit sa akin, kasabay nun ang pagwala ng ilaw at kadiliman na lamang ang bumabalot sa amin.
"Ma'am?" pagtawag ko sa kanya kasi hindi ko na ito nararamdamang gumalaw. maya maya pa ay naririnig ko ang mahina na hikbi nito. Mabuti nalang at tumigil na ang pag-alog ng elevator ngunit mukhang na trap kami dito sa loob at wala pa kuryente.
"Ma'am?" muli ko na pagtawag sa kanya ngunit wala pa din sumasagot, hindi ko na natiis at nagsimula na siyang kapakapin.
"Ma'am nasaan ka po? sumagot ka please." pagmamakaawa ko sa kanya at pinagpatuloy ang paghahanap, maya maya pa ay nahawakan ko ang kamay nito na sobrang lamig at nanginginig, Kaagad ko 'yun binalot sa dalawa kong kamay at hinila siya palapit sa akin, kaagad naman ako nito niyakap sa bewang at sinubsob ang mukha sa dibdib ko.
Nagulat ako sa ginawa niya at matagal ko pa prinoseso ang posisyon namin, we are sitting at the corner of this elevator and she's hugging me right in my waist. Rinig na rinig ko ang mahina na hikbi nito at tinaas ko ang kamay ko upang hagudin ang likod niya.
"Shh, tahan na nandito ako." pagpapakalma ko sa kanya at hinawakan ang isang kamay nito, pinisil ko ang malalambot na palad nito at nilagay 'yun sa pisnge ko para maibsan ang lamig. I didn't expect na takot pala ito sa dilim dahil sa maldita nitong mukha at ugali.
Nanatili kami sa ganun na posisyon ng mahigit sampung minuto at naramdaman ko naman na kumalma na ito at tumigil na sa pag iyak. Humiwalay ito sa pagyakap sa akin at lumayo ng konti.
"How come you're not afraid of the dark, Ms. Jimenez?" garalgal at mahina nitong tanong sa akin na nagpangiti sa loob ko.
"I am used at the dark Ma'am, way back at our province ay madalas magkaroon ng power shortage, we are using a small lamp na gawa sa mga recycled na glass container at nilalagyan 'yun ng crude gasoline sa loob upang umilaw. " mahaba ko na litanya sa kanya at hindi na siya kumibo pa, katahimikan na naman ang namayani sa amin at pinutol niya ulit ito.
"....about that question you asked earlier in our class" pag simula niya ng topic at kaagad 'yun napukaw ang atensyon ko, tumingin ako sa banda niya kahit hindi ko na ito nakikita.
"You asked me if im going to come back at that place and fix that broken part..." tumigil ito sa pagsasalita at nag isip ng sasabihin niya.
"I would rather choose to start with a new one than to fix that past, even if it means that it is not the same as before, I can't risk everything just to fulfill what I am longing."
"... it is labeled as a past because it is already done, I must just focus on the future and do the thing's I failed to protect before." tumango tango ako sa sagot niya at hindi na lumaban.
Are we really only talking about the building?
Lumipas ang ilan pa na minuto at bumalik na ang kuryente sa loob, kaagad kami tumayo dalawa at kasabay nun ang pagbukas ng elevator, bumungad samin ang nag aalalang mukha ng boyfriend ni Ma'am Zsanira at kaagad niya ito niyakap. Parang tinusok naman ang dibdib ko sa nakita at iniwas lamang ang aking tingin.
Lumabas na ako ng elevator at nakita ko naman ang mga tumatakbong emergency staff ng school at mga body guard, pinaupo nila si Ma'am Zsanira at nakaalalay naman dito ang boyfriend niya.
"Iha, okay ka lang ba? halika dito higa ka." biglang pag sambit sa akin ng rescuer at tinuro ang emergency mat sa lapag, ngumiti naman ako at tinanggihan ang alok niya.
"Okay lang po ako Ma'am, wala naman po ako kahit anong sugat or injury." paninigurado ko sa kanya at nginitian ito, sinulyapan ko naman si Ma'am Zsanira at nang makita na ina assist na siya at chinicheck na okay siya ay nagsimula na ako umalis.
Alam kong nagsisinungaling lamang ako sa sarili ko, you are not okay Rae.
Pinakiramdaman ko ang likod ko at sobrang sakit nito, nabangga kasi yun kanina sa pader ng elevator habang hinihila ko si Ma'am Zsanira palapit sa akin, malakas ang impact nito sa likod ko at ramdam ko na namamaga na ito, what a pity Rae.
"Ms. Jimenez." lumingon ako sa likod ko at nakita ko naman na hinahabol ako ni Ma'am Zsanira, kaagad kumunot ang noo ko at pina upo sa tabi, wtf she's doing? bakit siya tumatakbo?
"Ma'am bakit naman kayo tumatakbo? wag niyo na po pagorin sarili niyo."
"You're not in the place to worry about me Ms. Jimenez, I knew you hurt your back because of me."
"Okay lang po ako ma'am, wala naman po masa---aray!" napangiwi ako sa sakit nang bigla niya tinapik ang likod ko.
"Really? you are not hurt?" inikotan ako nito ng mata at seryosong tumingin sa akin.
"Tomorrow si saturday right? spend the night at my place, I'll call my personal massage therapist to lessen that pain." magrereklamo na sana ako ngunit bigla niya akong tinalikuran at iniwan na naka tayo.