Everyone at least had unforgettable senior high school memories.
Mine was something I'd pay a shit ton of money para lang makalimutan... ang problema, wala rin akong pera. Nakakatawa.
Hindi ko rin alam kung bakit, sa totoo lang. I know I wasn't a target that they'd have fun pestering over. Wala rin naman silang mahuhuthot sa'kin. But everyone just treated me so vile I wanted to drop out of SHS. Hindi pa nakabuti na magkaiba kami ng section ni Holly kaya para akong pumapasok sa impyerno araw-araw.
Well at least they didn't do it in front of me.
Pero mas masakit pa rin talaga kapag akala mo mabait sa'yo tapos malalaman mo na lang, sinisiraan ka pala sa iba.
Ang alam ko lang... Hindi kasi kami mayaman.
That was the only answer I could come up with para lang i-justify sa sarili ko na okay lang; na titiisin ko na lang kasi wala naman ako sa wavelength nila.
"Lula. Sure ka na ba? I mean pwede namang kumain na lang tayo sa labas..." Holly asked, suddenly sounding unsure nang makapag-park na 'yung sumasama kay Sergio.
Natawa ako. "Okay lang 'yan," sambit ko. "Andiyan naman kayo."
"If worst comes to worst, I'd pull you out of here, Mads. No buts."
I sighed.
"Wow, sugar baby era ulit natin ah?"
Napaawang ang labi ko nang makasalubong namin 'yung isa kong ka-batch na hindi ko na nga maalala ang pangalan. Tinignan naman siya nang masama ni Holly kaya hinila ko na lang siya palapit sa'kin.
"Sergio," tawag ko nang akmang lalapitan niya. Tumawa lang 'yung ka-batch naming 'yun bago naglakad papalayo. Sergio sighed.
"I should teach that guy a lesson."
Umiling ako. "Hayaan mo na," sambit ko. "Hindi tayo pumunta dito para manggulo, okay?"
He sighed, again. "Okay."
"Kapal ng mukha, kakalaya lang naman sa kulungan."
"Loka marinig ka," bulong ko. "Pero nakulong 'yun?"
Tumango si Holly. "Nagnakaw yata ng vape do'n sa may Aurora Park."
Natawa ako. "Hayop, vape lang ninakaw pa?" Pareho kaming natawa ni Holly habang naglalakad papasok sa Fort Ilocandia. Nakakaloka, ang dami rin palang in-invite no'ng prof namin na 'yun dahil party na rin pala para sa retirement niya this school year. Buti pala 'di na'ko nag-inarte, e 'di hindi kami nakakain sa Red 8?
Medyo nakakainis lang dahil habang papalapit kami sa resto, mas lalong dumadami 'yung mga nakakasalubong naming ka-batch namin. Hindi ko mapigilang hilahin tuloy si Sergio palapit sa'kin dahil 'yung iba kulang na lang hilahin si Sergio at mag-book kaagad ng room dito kung makatingin sa kaniya. Wrong idea pa yata na dinala ko 'tong lalaking 'to, lutang na lutang ba naman ang hitsura kahit simpleng tokong shorts na khaki at floral na polo dahil trip ng adviser namin ng hawaiian outfits dahil do'n pala lilipat si sir.
"Okay ka lang?"
Napatingin sa'kin si Sergio at ngumiti. "I'm fine," bulong niya.
"Huwag ka lang lalayo."
Sergio chuckled. "Oh, Mads. Didn't I tell you I'd stick to you like gum?"
"Kadiri ka naman."
Natawa naman siya lalo. Happy pill talaga ako ng taong 'to.
"Si Sir Rey?"
"He's just around the area, don't worry," Sergio says. "And he already told you to call him by his name and drop the sir."
"Hindi naman ako ang binabantayan no'n," sagot ko.
He smiled. "But I know he would someday."
Tinignan ko siya dahil hindi ko naintindihan 'yung sinabi niya. "Ano ulit?"
He laughed, again. "Secret."
I frowned. "Ang daya."
Even though I could literally feel them staring at me, hindi na lang ako kumibo. I knew I wasn't technically welcome here... Most of my classmates never made me feel that I belonged. Meron pa rin namang mabait, sobrang bilang nga lang sa kamay ko.
It's not the fact that they showed it to me outwardly... it was mostly because kahit okay naman ang pakikitungo nila, I just really felt outcasted. Na parang deep inside, alam kong wala akong lugar sa kanila. Hindi ko rin alam pa'no mag-reach out dahil parang may invisible barrier talaga sa pagitan naming lahat. Probably because they all knew each other way back in junior high.
I hated the fact na imbes na tanggapin nila lahat ng tao sa class, it only felt like I was being tolerated, which hurt—kasi putangina? Why would you deliberately make someone feel that way?
Pero sa totoo lang... Okay lang naman sa'kin. Nakakapagaral naman ako nang maayos. Pag-uwi kakain kami ni Holly sa labas.
I genuinely believed that life wasn't that bad.
Not until that happened.
Not until they dismissed it like it didn't happen.
Do'n ko na-realize na... Ah, tangina.
Kaya pala tino-tolerate 'yung presence ng katulad kong mahirap.
Kasi sanay sila mag-tolerate... lalo ng kagaguhan.
"Hello!" Ira uttered when we reached the venue. "Names please?"
"Holly and Lula."
"OMG, Lula!? Good to see you!" In-extend naman ni Ira 'yung kamay niya kaya kahit ang awkward, nakipag-shake hands na rin ako. "I haven't heard from you since we graduated."
Tipid akong ngumiti. "Same old, same old pa rin naman," sagot ko.
"Plus one?" she asked, looking at Sergio. Nabigla pa siya nang tignan niya nang mabuti 'yung kasama ko. "Your... boyfriend?"
Tumango na lang ako na ikinabigla ni Sergio. Ang hirap namang i-explain kung magsasama ako ng "kaibigan" dito para lang sa reunion.
Lumapit nang kaunti sa'min si Ira bago nagsalita nang pabulong kahit alam kong naririnig naman ni Sergio 'yun. "Does he know?"
Napakunot ang noo ko. "About what?"
Ira shrugged her shoulders. "I mean, it was only between a few of us who knew naman, right?" Napaawang ang labi ko. "Just be grateful we didn't snitch on you, ha. Siyempre we just knew you needed the money so you could study college... and find more to fund you, I guess? Oops. Slip of tongue."
"The fuck," I whispered.
"What are you talking about, Ira?"
"Oh, the friend doesn't know?"
"Shut up, Ira," I uttered. Ni hindi ko na napigilan 'yung paggaralgal ng boses ko at 'yung pagsakit ng lalamunan ko dahil pinipigilan kong umiyak sa harapan niya. Napakuyom ako ng kamao pero napatingin ako kay Sergio nang maramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko, and basically just dragged me inside the resto habang nakasunod si Holly.
When I told myself to expect na kahit man lang sana kaunting percentage ng character development ay meron na sila... I should have known I was in for a treat—a treat to make a joke out of that expectation.
Sabi ko mag-expect ako kahit very low chance lang... Na baka may decency na sila. Mage-expect ka naman kasi talaga... kaso for the worst nga lang.
Hay. Why did I even expect more from these people? They were one of the reasons why I wanted to leave Laoag, anyway.
Nakakainis.
"Mads, do you want to leave now?" bulong ni Sergio pagkaupo na pagkaupo namin sa loob. Ngumiti na lang ako at umiling kahit sa loob-loob ko gusto ko nang umiyak.
Gusto ko siyang harapin ngayon... Para iwan ko na 'tong putanginang phase ng buhay ko na 'to dahil ayaw ko na talaga 'tong balikan.
"Sergio, okay ka lang ba dito? Punta kaming CR. Or sasama ka?"
Sergio nodded. "I'll come with you."
Kahit pakiramdam ko ay bigla akong nawalan ng lakas ay hinayaan ko na lang si Holly na alalayan ako palabas ng resto. Maaga pa naman at marami pa ring wala. Dumiretso kami papunta sa loob ng CR habang si Sergio naman naiwan sa labas. Nginitian lang niya kami at tumango bago niya hinila 'yung pinto at sinara.
Do'n na'ko naiyak.
Ang sakit sa dibdib... ang sama sa loob.
All this time... Gano'n pala tingin nila sa'kin?
I mean, hindi ko naman dina-downgrade 'yung gano'ng lifestyle kasi you do you pa rin naman talaga sa buhay... pero ba't gano'n?
Humingi naman ako ng tulong...
I tried to explain everything to Holly in between my sobs... in between my apologies kung bakit hindi ko nasabi sa kaniya... in between the anger that was consuming me dahil kahit humingi ako ng tulong, I was still dismissed as that...
The poor girl who wanted someone to fund her college degree.
Naramdaman ko ang pagyakap sa'kin ni Holly as she kept on whispering sorry.
"Wala ka namang kasalanan," bulong ko. "Natakot lang ako."
Holly sighed. "Pa'no pag nakita mo siya?"
Napatungo ako. Gusto ko siyang harapin... Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya nagawa 'yun. Pero tuwing naiisip ko na nasa harapan ko na siya, pakiramdam ko nagsho-short circuit 'yung utak ko at wala akong maisip kundi tumakbo na lang palayo.
"Hindi ko alam," bulong ko. "Basta ang gusto ko lang matapos na 'tong phase na 'to."
Kasi kung hindi ko 'to haharapin ngayon... Kailan pa?
Ayaw ko namang magpahabol lang nang magpahabol sa nakaraan ko.
Ilang minuto kaming binalot ng katahimikan bago ko inaya si Holly na lumabas dahil baka marami na ring tao. Pareho kaming nagiyakan lang sa CR kaya natawa rin kami pareho nang makita namin 'yung sarili namin sa salamin kaya nag-ayos din muna kami nang kaunti. Nauna na rin akong lumabas para i-check kung nasa'n si Sergio. Napangiti na lang ako nang makita ko siya na nando'n pa rin sa gilid ng CR at nakasandal lang sa pader.
"Are you okay?" His eyes didn't mirror the familiar pity that I was feeling for myself. Nasanay na rin kasi akong tinitignan na parang kawawa, lalo na ng mga tao dito... They just look at me like I am helpless.
But with him... There was just no trace of the usual insulting sympathy or condescension that they made me feel, or the disgust that they could not even hide from their faces.
It was as if he recognized the struggles that I was going through but chose to look past them.
Dahan-dahan akong tumango. "Okay lang," sambit ko. "Usap tayo mamaya? Alam ko naguguluhan ka..."
Sergio smiled. "You don't have to tell me now if you're still scared," sabi niya habang nakangiti pa rin.
Umiling ako.
"I'll tell you," I uttered. "Umbrella, right?"
He chuckled. "You remember that?"
"Na hindi mo lang ako aabutan ng payong, pero tatayo ka rin sa ulan kasama ako?"
Sergio smiled as he slowly nodded his head.
"Hell, I'd even walk in a storm with you, Mads," he says. "I will never make you feel that you're alone, I promise."
Bumalik ako sa CR para i-check si Holly pero pumasok pala siya sa cubicle kaya nagpaalam ako na sa labas lang ako ng CR para hintayin namin siya ni Sergio. Tahimik lang kami pareho habang nakasandal lang din sa pader, pero hindi ko rin mapigilang mapayuko pag may dumadaan akong kaklase.
"Check this, Mads," pagtawag ni Sergio bago pinakita sa'kin 'yung phone niya at nag-play ng video ng ducks. Natawa ako habang inaasar siya na nag-download ng Tiktok dahil lagi ko siyang sine-send-an ng random memes.
"Hey, Lula."
Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko nang marinig ko 'yung boses niya. Napapikit ako at napahawak sa dulo ng suot na polo ni Sergio dahilan para mapatingin siya sa akin bago napalingon sa kung sino man ang nasa harapan namin ngayon.
"Do you want to leave?" bulong ni Sergio. "I'll just call Holly."
Umiling ako at idinilat ang mga mata ko at tumingin kay Cedric. Napangisi naman siya dahilan para itago ko sa likuran ko ang kamay ko't mapakuyom ng kamao.
Devils never really change, huh.
They just hone their horns to grow longer.
"Cedric," sambit ko at pinilit na ngumiti. Hindi ko mapigilang hindi mapansin 'yung iba kong kaklase noon na nakakaalam na napapadaan pero parang walang nakita lang... Mga hiningan ko ng tulong pero nagbingi-bingihan.
Bakit? Dahil lang ba anak siya ng politiko?
Ng politikong nakulong sa rape?
"May bago ka na pala," nakangisi niyang sambit at lumapit sa'min. "Cedric Fonacier. Ex ni Lula." Akmang makikipagkamay si Cedric kay Sergio pero hindi iyon tinanggap ni Sergio dahilan para isarado ni Cedric ang kamay niya't mabilis na binawi.
Napaangat ako ng kilay. "Ano'ng ex? I don't remember you being my ex, Cedric."
He chuckled. "Oh... What are we then? Fubus?" he uttered in a menacing voice. "Friends? But friends don't know each other's taste, Lula. I fucking know yours."
"Putanginamo, Cedric," bulong ko. "Tigilan mo na'ko."
Natawa siya. "What? You're still corroborating that story in your head?" Naglakad siya palapit sa'kin pero mabilis na hinila ako ni Sergio palayo. "You don't even have proof."
"Back off, man," Sergio uttered at mahinang tinulak si Cedric palayo. Natawa naman si Cedric at napatingin kay Sergio habang umiigting ang panga.
"She's your girlfriend? That girl? That slut?" He laughed. "The fuck, bro. You deserve someone better! No one deserves that girl!"
Parang nandilim ang paligid ko at wala akong marinig na kahit ano bago naglakad palapit kay Cedric at sinampal siya nang paulit-ulit hanggang sa matauhan ako nang hilahin ako ni Sergio palayo. Hindi ko na napigilang mapaiyak sa sobrang galit... Gustong-gusto ko siyang suntukin pero alam kong wala rin namang patutunguhan 'yun.
"Tama na, please lang tumigil ka na Cedric!" sigaw ko, ni wala nang pakialam kung may makakita man sa'min o makarinig... alam ko namang magbibingi-bingihan pa rin sila kahit ano'ng gawin ko. "Sorry lang naman 'yung hinihingi ko, pero ano? College na tayo pero hanggang ngayon 'yung utak mo ganiyan pa rin? Ano? Hanggang diyan ka lang kasi asado ka lang sa tatay mo? Sa tatay mong puro ka post sa social media na hindi mo gagayahin, pero ano? Tanginamo, ano'ng ginawa mo sa'kin!?"
Napaawang ang labi niya.
I knew I hit a nerve.
Cedric's a hypocrite. The biggest hypocrite that I know.
"Cedric... Cedric sabi ko 'wag... Sabi ko ayaw ko... Pero hindi ka nakinig..." Tuloy-tuloy lang ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ko na halos wala na'kong makita. Napasuklay na lang ako ng buhok ko sa inis at gilit. "Oo... Walang nangyari sa'tin, Cedric. Pero 'yung ginawa mo? 'Yung sinabi mo dahil lang hindi kita pinagbigyan? Lahat 'yun hanggang ngayon nandito pa rin, pero ano? Wala pa ring sorry? Sorry na nga lang hinihingi ko kahit alam kong hindi no'n mapapalitan 'yung dignidad ko na sinira mo sa buong batch natin... Pero wala pa rin? Wala lang 'yun?"
Natahimik lang siya. Siguro dahil na rin sa dami ng tao sa paligid namin ngayon.
Mananahimik pa rin kaya sila?
Napatakip na lang ako ng mukha at hinayaan na lang ang sarili na humagulgol. Wala na rin akong pakialam kung ano pa'ng sabihin nila sa'kin dito ngayon.
"You still don't have a proof, Lula," he uttered, dahilan para mapatanggal ako ng pagkakatakip sa mukha at tignan siya nang masama.
He smirked.
"You can't prove these words—"
"But I was there, Cedric." Napalingon ako kay Ira na naglakad patungo sa amin. Napakunot naman ng noo si Cedric habang nakatingin din sa kaniya. Akmang magsasalita na sana ito pero sunod-sunod na nagsalita lahat ng mga nakasama namin no'ng araw na 'yun. Hindi ko na mapigilang mapaiyak.
"I know this was long overdue, Lula," Ira uttered. "But I'm sorry... I should've known better."
Napakagat ako ng ibabang labi. Ni hindi na ako makapagsalita sa kakaiyak. Naramdaman ko na lang ang pagyakap sa'kin ni Sergio.
"You can't just live being an asshole, Cedric," Sergio uttered.
"Cedric," tawag ni sir Alex. Napalingon naman kaming lahat sa kaniya. Napaawang na lang ang labi ko nang mapansing may mga guards sa likuran nito. Napailing na lang si sir Alex. "I knew you'd cause trouble one day... I just didn't know you would go this far. Please take him away; he's creating scandal on this property."
Napatakip ako ng tainga ko habang sumisigaw si Cedric nang kaladkarin siya palayo sa amin. Naramdaman ko naman ang paghigpit ng pagyakap sa'kin ni Sergio habang hinahaplos niya ang buhok ko.
"Shh... He's gone. He can't harm you now."
Napakagat ako ng ibabang labi at napapikit.
"I'll make sure he'll pay for what he did to you," he whispered. "Don't you worry now."