Everything In Between

By trikxster

801 136 51

Will you finally notice me, Herrera? More

Everything In Between
Chapter One: The New Girl
Chapter Two: Bisikleta
Chapter Three: You, Under the Narra Tree
Chapter Four: Sunset
Chapter Six: Summer
Chapter Seven: Hushed Whispers In Between
Chapter Eight: Kalye
Chapter Nine: Casa De Leon
Chapter Ten: Game
Chapter Eleven: Fair Play
Chapter Twelve: Argument
Chapter Thirteen: Happy Birthday, Herrera
Chapter Fourteen: Friend
Chapter Fifteen: Won't You Notice Me?
Chapter Sixteen: Ignore
Chapter Seventeen: I'm Your Rival, Notice Me!

Chapter Five: Conversations on Rainy Streets

26 8 7
By trikxster

I'm used to getting whatever I want.

Mula pagkabata, lahat ng natatapunan ko ng tingin ay nagiging akin. May it be toys, the latest gadgets, or people. They landed on my feet like little falling stars and all I had to do was pick them up.

But this girlㅡI thought, as the strands of her hair brushed against my fingersㅡwas so damn hard to want and... have.

This stubborn little star wants to remain high up in the sky, no matter what rope I use to pull her down. It's so frustrating that it makes me yearn for wings. Kasi kung ayaw bumaba ng reyna, pwede naman akong umakyat?

Her hair slipped away from my fingers as I leaned back, slapping a hand over my eyes. Nababaliw na nga yata ako.

Kung ayaw bumaba, ako ang aakyat? Aba, Pierce! Kailan ka pa natutong maghabol? At ano naman ngayon kung ayaw ng babaeng 'to? Why do we care? We shouldn't care!

Manatili siya kung saan niya gusto, damn it!

"De Leon?"

Natigilan ako. Dahan-dahan kong inalis ang kamay. Natagpuan ko siyang nakatitig sa'kin habang nakasimangot. Her eyes fell on our distance. Nakapuwesto ang silyang inuupuan ko malapit at paharap sa kaniya. Fortunately, she didn't wake up earlier or I would have to bury myself alive.

"Kinukuhanan kita ng picture... K-Kasi ang pangit mo pala kapag natutulog," natatawang bawi ko sa naunang sinabi. It sounded so wrong. "Bakit ka nga ba natutulog dito? Wala ka bang bahay? Alam mo bang pinapatagal mo lang trabaho ng mga staff dito kasi ganitong oras na hindi ka pa nakakauwi?"

I said that as if I wasn't staying here so late, too.

Mas lalo siyang napasimangot sa'kin. Hindi niya ako pinansin at niligpit na ang mga gamit. I stood up and grabbed my bag, too. Pero hindi ako umalis hanggang sa mauna siyang lumabas.

The hallway was quiet and the two of us didn't talk. Nakasunod lang ako sa kaniya. Wala namang mali do'n kasi iisa lang naman daanan palabas ng school. And it's not like 'Herrera, the Great Majesty' ever cared.

Umambon kaya kinuha ko ang payong mula sa bag. Nang i-angat ko ang tingin ay tuloy-tuloy lang sa paglalakad ang mahal na reyna.

Kumunot ang noo ko. "Herrera, umuulanㅡ"

There was a sound of ripping... and then her things fell on the ground. Natigilan siya kaya huminto din ako. Bumaba ang tingin naming dalawa sa mga libro at notebook na nasa sahig papunta sa backpack niyang nabutas. May nilagay ata siyang bagong textbook kaya mas lalong nabigatan at bumigay.

Pinanood ko ang gagawin niya. But she didn't even sigh or look concerned. Pinulot lang niya ang mga libro at ibinalik sa backpack. She then held it close to her chest, supporting the tear with her hands, and decided to walk towards the rain.

I was stunned for a few seconds. Ang ambon kanina ay naging malakas na ulan na. Nasa gitna na siya ng school front at malapit sa gate kaya nagmamadali kong binuksan ang payong at tumakbo papunta sa kaniya.

Hinarangan ko si Herrera. At first, she looked annoyed but her eyes slightly widened when she realized it was me.

"Are you stupid?!" I shouted, holding the umbrella towards her so she wouldn't be wet. Naramdaman ko ang bawat pagpatak ng ulan sa likod. "Umuulan at hawak-hawak mo 'yang sira mong bag! Siyempre, hindi ka na makakatakbo kasi importante na hindi mahulog ang mga libro mo! Mas matatagalan ka pauwi sa bahay niyo! Magkakasakit ka sa lagay na 'yan!"

Mas lalo akong nainis nang mapansing hindi siya nakikinig. Her eyes was fixed on my shoulders that was getting wet.

"Herrera!" I barked, stepping closer.

My loud voice made her snap her attention back to me. Pero iniwas niya din ang tingin.

"Naiwan ko payong ko."

Of fucking course! Malimutan mo na lahat ng importanteng bagay basta hindi lang ang assignment, libro, at projects mo 'di ba?!

My jaw clenched. If my glare could cut, she would be in pieces. It was just so... frustrating.

Bumalik ang tingin niya sa'kin. "Kailangan ko nang umuwi," sinulyapan niya ang unti-unting dumidilim na langit. Tanging ang liwanag mula sa mga poste at kokonting ilaw na nanggagaling sa eskwelahan ang natira. "Kung magkasakit man ako, problema ko na 'yon."

Aba, siyempre! Tingin mo ba magiging problema ko 'yon?! I couldn't care less!

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko. "Ihahatid na kita."

"Ha?"

"May payong ako," I said, angling the umbrella more towards her.

She looked around at first, probably surprised I mentioned an umbrella rather than a car. Then, she fixed me with a puzzled stare.

"Ano bang pakialam mo kung umuwi akong basa at magkasakit?" kunot-noo niyang tanong. "Pwede bang hayaan mo na 'koㅡ"

"I don't care," putol ko at tumabi sa kaniya. I made sure not a drop of rain would touch her. "Madilim na at umuulan kaya delikado sa daan. Sa lagay mong 'yan, maglalakad ka na parang pagong. Kaya mo bang mabasa ang mga libro sa bag mo? I don't think that's waterproof."

"So... ginagawa mo 'to para sa libro?"

"Oo. I don't like the thought of books getting wet."

She narrowed her eyes at me, before sighing in resignation. Hindi na niya ako tinaboy at hinayaang maglakad sa tabi niya.

I thought of holding the bag for her, but that would be too much. It takes half an hour just to convince the 'Great Herrera' that I walk her home. If I offered that, baka abutan na kami ng mga estudyanteng papasok kinabukasan.

We walked in a rather slow pace. Walang nagsalita sa'ming dalawa. Tanging mga boses lang mula sa mga tindahang bukas pa, ang malakas na pagpatak ng ulan sa payong, at dumadaang sasakyan ang nagsisilbing ingay.

I almost cursed when I received a splash of water from the car that hurriedly passed by. Sumimangot ako dahil basang-basa na ang kanang bahagi ng katawan sa ulan at sa paglalakad malapit sa kalsada. Why don't these damn cars slow down when there's a puddle? Sa susunod, magdadala na ako ng bato.

Panay ang reklamo ko sa isip na hindi ko agad napansin ang pagtitig niya. I felt a burning sensation at her curious gaze. With my lips pursed, I sent her a brief glance.

"What?"

Hindi siya sumagot. Napatingin siya sa basa kong uniporme at sa kaniya na hindi masyado. Bahagya siyang ngumuso.

"Paano ang bisikleta mo?"

"Maiiwan do'n. May bukas pa naman."

Tumango siya. "Paano ka makakapunta sa school bukas?"

"Magpapahatid."

"Paano ka uuwi mamaya? Maglalakad?"

I stared at her in awe, my throat slowly running dry because this was our longest conversation.

"... Magpapahatid," my voice was turning a bit hoarse.

"Okay lang?"

"Okay ang...?"

"Sa driver niyo na... puntahan ka pa? Kasi, 'di ba, magga-gabi na."

Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ko. Huminto kami sa may crosswalk, naghihintay sa traffic light. "Oo. Twenty-four hours ang duty ni Manong Roy kasi minsan may lakad si Dad sa gabi."

"Ah..." she paused, "So hindi siya natutulog?"

I chuckled. "Siyempre, nagpapahinga din. Ini-istorbo lang siya kapag nga may lakad."

We crossed the street once the walking sign flashed. Bumagal ang paglalakad ko para masundan kung saan siya liliko. I glanced at the noisy Korean BBQ shop we passed by and saw our reflection in the mirror.

"Malapit na ang sa amin," she nodded towards a rundown-looking apartment at the end of the street. "Hindi malayo sa school."

Binigyan niya ako ng makahulugang tingin. A look that say she never needed my help.

Iniwas ko ang tingin at iniba ang usapan. "Magsu-summer na."

"Mm."

"Do you have any plans? Baka magbakasyon kami ng pamilya ko sa Sydney. We're going to visit my uncle. I'm excited to hang out with my cousins again. They said they were going to teach me how to surf this summer. I wouldn't miss that for the world," I stopped myself from rambling even more. "Ikaw?"

"Maghahanap ng trabaho."

"Ha?!"

Napalakas ang boses ko kaya tumaas ang kilay niya. She sent a quick, amused glance my way.

"Plano kong magtrabaho ngayong bakasyon para matulungan si Ate. I heard the minimart is looking for summer hires so... I didn't want to pass on that opportunity."

Huminto siya sa tapat ko. Saglit akong nadismaya nang mapagtantong nasa apartment na nila kami.

"Have fun on your vacation, De Leon. Salamat sa paghatid... hm," she pursed her lips. "I'll miss you this summer."

Pumasok siya sa building. I couldn't bother to look up and see which floor she lived on... dahil nabato ako sa kinatatayuan. Her words continued to play like a broken record in my mind.

I'll miss you this summer, she said.

I'll miss you... this summer.

I'll miss you...

Ako na si Louis Percival De Leon ang mami-miss niya sa bakasyon. Bakit? Kasi aalis ako papuntang Sydney kaya mami-miss niya ako. Hindi kami magkikita for three months kaya...

Hmm, too bad for her at hindi ko siya mami-miss. Matutuwa pa nga ako't malalayo ako sa kaniya ngayong bakasyon...

I chewed on my bottom lip as I fought down a laugh.

Kahit na basa sa ulan ay naramdaman ko ang pag-init ng tainga. I slapped a hand over my mouth and looked at the ground when a small chuckle escaped my lips. Gusto ko talagang sumama sa kanila papuntang Sydney ngayong bakasyon dahil miss ko na mga pinsan ko... but someone would miss me too.

Hm. We're finding ourselves in the middle of a difficult problem, Percival. Mahirap pa naman ang maka-miss kaya tutuloy ba talaga ako? I could always fly to Sydney anytime I want... and I don't need to go there to learn surfing since we have beaches here too.

Tumunog ang cellphone ko. The vibration of its ringing from my pocket broke my stupor. Inayos ko ang pagkakahawak sa payong at sinagot ang tawag ni Mama.

"Percy? Why aren't you home yet? Nasira ba bisikleta mo?"

"No, Mom. Pero baka po magpasundo ako. I went... somewhere."

"Sure, anak. Tell me your location now and I'll have Manong Roy fetch you."

I glanced at the road and mentioned the street I was in. Narinig ko ang pag-utos ni Mama sa kabilang linya. Napakagat ako sa ibabang labi nang magsimula namang lumipad ang utak. Sinulyapan ko ang apartment at nakita ang bukas na ilaw sa second floor. Sa kanila kaya 'yon?

"Ah, Mom, by the way..."

I stared at the familiar silhouette on the window. Umupo siya malapit sa bintana at naaninag ko ang pagbukas ng isang libro.

"Baka hindi po ako makasama sa Sydney."


Continue Reading

You'll Also Like

243K 3.5K 39
Sojiro Yamazaki and Grace Paosal storyπŸ–€
138K 5K 39
It all began when the actor Elysian Raziel Villanueva was given the chance to get a role in the most anticipated movie, where he met Liam Sebastian A...
3.5M 75.7K 62
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...