Dalawang linggo na mula nong natangal ako sa resto bar pero wala pa rin akong nahanap na ibang trabaho. Pahirapan talaga humanap ng part time job, eh.
"Sage." Tiningnan ko agad yung tumawag sakin pag pasok ko sa café.
"Kanina ka pa?" Tanong ko at umupo.
"Hindi naman." Sagot niya.
Inaya ako ni Tyrone na gumala raw kami dahil day off niya sa hospital, pumayag naman ako dahil wala naman akong trabaho.
"Where's your girlfriend?" Huling kita ko kasi sa girlfriend niya nong bago ako nag palit ng course.
"Busy sa work." Sagot niya.
"I'm glad na hindi kayo naghiwalay dalawa." Akala ko talaga hihiwalayan na niya yung girlfriend niya dahil sa sinabi niya sakin noon.
"We both decide to fix everything." He said.
Kapag talaga pareho kayong gusto na ayosin ang lahat magagawa niyo, eh, hirap kasi kapag ikaw lang yung may gusto na ayosin ang lahat.
Nag kwentohan lang kaming dalawa habang iniisip kung saan kami susunod na pupunta.
"Lahat ng professor natin noon nagtaka nong nalaman nila na nag dropout ka, eh." Pinag-usapan namin ngayon yung bigla kong pag alis sa Med school.
"Hindi kasi kinaya ng brain cells ko yung med school, eh." Ang hirap at ang gastos kasi talaga ng Medicine.
Habang nag-uusap kaming dalawa nakita ko na pumasok si Zendaya kaya sinundan ko ito ng tingin.
Lumapit ito sa table nila Saven, kasama niya sa table na yun si Ms. Kylie, Ms. Kiana, Ms. Amari, Ember, Kate, at yung Nicolas. Nakita ko na naman ang asungot na yun.
"Kalma lang." Biglang sabi Tyrone.
"Kalmado naman ako, ah." Sagot ko at hindi pa rin inalis yung tingin sa table nila.
"She's still beautiful, right?" He asked.
Tiningnan ko naman yung tinutukoy niya bago tumango.
"Especially now that she's with someone else." Tukoy niya sa katabi nito.
"Ulol ka!" Inis nasabi ko at tumayo na para umalis, ang sakit kasi nila sa mata tingnan.
Oo na, alam ko naman na iba na yung gusto niya at wala ng chance na bumalik pa ito sakin. Hindi naman kailangan na ipaalala pa yun lagi, eh.
Dumaan lang ako malapit sa table nila as if hindi ko sila nakita dun. Ayoko lang muna silang pansinin ngayon.
"Selos ka?" Tanong niya at pinantayan ako sa paglalakad.
"Ako magseselos? HAHA bakit naman? may karapatan ba ako?" Sagot ko at naunang pumasok sa kotse niya.
Hirap huminga lalo na pag alam mong hindi ka pwede magselos kasi wala kang karapatan.
"What's the use of human rights if wala kang karapatan sakanya?" Pang-aasar pa ni Tyrone.
Hindi naman siguro masamang manapak ng kaibigan no? Lalo na pag nakakaasar yung mga sinasabi.
Hinatid ako ni Tyrone sa bahay after naming gumala dalawa, gabi na rin ako nakauwi dahil ang dami naming pinuntahan kanina.
Pag pasok ko sa loob ng bahay nilapitan ko yung mga picture na naka display sa sala at tiningnan ang mga yun.
"Hindi ka na ba talaga babalik?" Tanong ko habang hawak yung isang picture niya.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang nakatingin sa picture na nandito.
"Ayos lang kahit hindi ka na bumalik sakin basta maalala mo lang ulit ako. You can leave me and be with someone else... Just don't forget me." Kaya ako nasasaktan ng subra dahil nakalimutan niya ako, nakalimutan niya yung samin.
"You're the reason why I keep fighting, but now you became a reason why I want to give up." Siya lang yung kakampi ko sa lahat, eh. Siya lang yung gusto kong takbuhan palagi kapag hindi ko na kaya ang lahat.
If one day you'll comeback please don't be surprise if the door is slightly open, you didn't close it properly when you left. I didn't close it because I'm still hoping you to comeback home.
***
I'm super broke, wala pa rin akong nakitang trabaho hanggang ngayon.
Nandito ako ngayon sa park nagpapahinga dahil kanina pa ako naglilibot para lang makahanap ng trabaho. Pasko na pala hindi ko man lang namalayan.
Ang daming tao ngayon dito na nakatambay at halatang puro ito pamilya. Ano kaya ang pakiramdam mag karoon ng ganto, yung matatawag mo na pamilya mo talaga.
"MA, GUSTO KO NG ICE CREAM." Nilingon ko naman yung batang sumigaw, ang cute niya sa suot nitong red dress.
"Anong flavor ang gusto ng baby ko?" Malambing natanong ng mama niya at binuhat ito.
Kahit sa panaginip hindi ko talaga naranasan ang ganon. Bakit ba kasi iniwan ako ng mama ko? Ganon lang ba talaga kadali na iwan ako?
"Ate, why you crying?" Hinawakan ko naman agad yung mukha ko dahil sa sinabi nong bata sa harapan ko. Umiiyak na pala ako habang nakatingin dun sa mag-ina kanina.
"Nothing, baby." Tumayo ako sa swing at nilapitan yung bata.
Ang cute naman nito subrang chubby ng cheeks parang ang sarap pisilin.
"Are you lost?" I asked him.
"No po, kasama ko si daddy at mommy." May tinuro ito sa bandang kaliwa.
"Go to your parents na, baka mag-alala pa sila." Sabi ko sakanya.
"Babye po." Kumaway ito bago tumakbo para punta sa parents niya, ngumiti lang ako habang nakatingin sakanilang tatlo bago umalis dun.
Ang bigat kasi sa pakiramdam dahil kahit kailan alam ko na hindi ko mararanasan magkaroon ng pamilya, talo na nga pagdating kay Papa dahil kahit kailan hindi ako tinuring non na anak niya, tapos iniwan pa ni mama.
Umuwi nalang ako dahil wala naman akong ibang gagawin pa. Gusto ko man pumunta sa fast food restaurant nila nanay pero wala sila ngayon dun dahil umuwi sila sa province nila.
Pag pasok ko sa kwarto biglang nag ring yung phone ko kaya naman tiningan ko yun para alamin kung sino ang tumawag.
"Merry Christmas, dude." Bati ni Alexis sakin pag sagot ko sa video call.
"Merry Christmas." Umupo ako sahig at sumandal sa gilid ng kama.
Sa Canada sila nag celebrate ng pasko mag pamilya, ganon rin sila Sam since mag pinsan naman sila ni Alexis. Si Ms. Kylie naman nasa Paris kasama si Jamie habang si Ms. Amari nasa New York, si September naman sa Baguio sila nag celebrate dahil nandun yung parents ng mommy niya.
"You okay? Ikaw lang ba mag-isa?" Bakas sa boses niya na nag-aalala ito.
"Oo ako lang, kumusta ka?" Tanong ko.
"I'm good, bawi ako sayo pag uwi namin." Sagot niya.
"Hindi na naman kailangan, mag enjoy ka nalang." Sabi ko naman, hindi naman kasi talaga bago sakin ang ganto, eh.
Hindi agad ito sumagot at mukhang may tinawag siya, halata kasi sa video na may kausap siya.
"Hija, Merry Christmas." Bati ni tita Agatha sakin at nagpakita sa screen.
"Hi po, Merry Christmas rin po." Sagot ko naman.
Nag-usap lang kami saglit nila tita bago pinatay ni Alexis yung tawag dahil may gagawin pa raw sila. Tumayo naman ako para maligo dahil gusto ko matulog.
After ko magbihis kinuha ko ulit yung phone at binasa yung message nila Ms. Kylie habang pinapatuyo yung buhok ko. Kinumusta lang nila ako at binati rin bago ko pinatay yung phone ko dahil inaantok ako.
Gabi na pag gising ko at wala sana akong balak na bumangon kundi ko lang nabasa yung text ni Red, wala akong choice kundi ang bumangon at magbihis dahil hinihintay nila ako sa kanto.
Hindi naman gaano kalakas yung kalaban ko kaya hindi gaano karami yung sugat ko, may ilang pasa lang ako sa katawan pero hindi gaano kalala.
"Bukas ulit may laban ka." Sabi ni Red sakin.
"Okay." Sagot ko at pinikit yung mata ko, nakakapagod kasi yung laban kanina.
"Ito yung gusto walang angal." Tinapik niya yung balikat ko bago umalis.
Wala naman kasing point kung aangal pa ako dahil wala naman akong laban sakanila, malaki atraso ni Papa, eh.
Ilang araw rin akong hindi umuwi at nag stay lang dun dahil sunod-sunod yung laban ko, may pera naman na napunta sakin pero kunti lang.
Nagpapahinga lang ako dito ngayon sa bahay dahil sariwa pa yung mga sugat ko sa mukha, sasusunod na linggo pasukan na pala ulit.
Kinuha ko sa study table yung phone dahil may text at agad na lumabas ng kwarto dahil na gugutom ako.
Binasa ko yung text ni Jeremiah habang naghahanap ako ng pwede kainin. Ngayon lang ulit ito nagparamdam sakin, hindi ko na kasi ito madalas nakikita sa campus at wala rin siya non sa outing namin nila Ms. Kylie, akala ko kasi talaga non sasama siya, eh.
Nagluto lang ako ng hotdog dahil ito lang yung madaling maluto, gutom na kasi talaga ako. Nag reply na rin ako kay Jeremiah napupunta ako mamaya sa condo niya, nag aya kasi ito na pumunta ako dun.
Umalis agad ako pagkatapos ko kumain, nakaligo na rin naman ako kanina pag gising ko.
"Come in." Binuksan niya ng malaki yung pinto.
"Akala ko nasa Canada ka rin." Sabi ko at umupo sa sofa.
"Last day lang ako umuwi, gusto ko kasi dito mag celebrate ng new year." Sagot niya.
"Pero nasa Canada yung parents mo."
"Nandito naman sila daddy, binibisita ko talaga sila daddy tuwing new year sa puntod nila." Paliwanag niya.
"Why you invite me here?" I asked him.
"Kasi pareho tayong mag-isa, why not celebrate new year together, right?" He smiled.
Hindi na ako umangal sa gusto nitong mangyari at tinulongan nalang itong magluto ng mga pagkain.
"Ang dami naman." Angal ko dahil pag pasok ko sa kusina ang daming ingredients.
"I want to give foods sa mga homeless, eh." Nagulat naman ako sa sinagot niya, hindi ko inakala na may gantong side pala siya.
Busy kaming dalawa sa pagluluto at pag pack sa mga pagkain.
"Ready na lahat?" Tanong niya.
"Oo." Binuhat ko yung isang box para dalhin sa baba, dalawang malaking box rin lahat yung na pack namin.
Nilagay muna namin ng maayos yung mga pagkain sa likod ng sasakyan niya bago kami umalis.
"Palagi mong ginagawa to?" Tanong ko sakanya.
"Kapag gantong occasion." Sagot niya.
Hindi halata na may gantong side pala siya, mukha kasi itong walang pakialam sa paligid kung titingnan mo.
Bago kami bumalik sa condo niya dumaan muna kami sa cemetery para dalawin yung totoong parents niya. Kahit kailan hindi ko binisita si Papa, subrang laki kasi talaga ng galit ko sakanya dahil sa trato nito sakin at ginawa niya sa buhay ko.
"Pano sila nawala?" Tanong ko.
"Mommy died after she give birth to me, and daddy died on a car accident." Sagot niya.
8 pm na kami nakabalik sa condo niya at nag order nalang kami ng pagkain dahil pagod kami pareho, worth it naman yung pagod dahil marami kaming natulongan.
"Hindi ako umiinom." Sabi ko dahil inabot niya sakin yung isang can beer.
"Ow, sorry." Binalik niya yun sa glass table.
Tapos na kami mag dinner at nandito kami ngayon sa sala, naka upo kaming dalawa sa carpet habang may ilang pagkain at inomin sa glass table.
Nag-uusap lang kami ng random things hanggang sa na pag-usapan namin tungkol sa parents niya.
"You still lucky though because you have a second family." I said.
"I don't know." Sabi naman niya.
"What do you mean?" I asked.
"I always feel like outsider, ewan ko ba dahil kahit anong gawin ko baliwala pa rin kay lolo lahat." He explained.
"You really have to please him?" I asked again.
"In order to be part of the family I need to be on top. Gusto ko mahalin rin ako ni lolo." Sagot niya.
"How about your mom, you also need to please them?"
"No, mommy Portia always said that she love me but sometimes her actions speak different, it feels like inalagaan niya lang ako para maibsan yung pangungulila niya sa namatay niyang anak." Kahit nagulat ako sa huling sinabi niya hindi ko yun pinahalata.
"Why not tell them that you feel this way, ipaalam mo sakanila na nasasaktan ka." Because how will they know that we're hurting if you won't tell them.
"Sana nga ganon lang kadali, Sage, pero hindi, eh-hirap gawin." Sagot niya.
I didn't know that he also feel like he's all alone, kaya pala ang lakas niya tingnan.
"This time you're not alone, nandito lang ako." I tapped his shoulder.
I know what it feels like to be alone all the time.
"I don't want to be a burden." Halos pabulong nasabi niya.
"You'll never be a burden, you're now my friend, so you can count on me." I smiled at him.
Hanggang kaya ko ayoko maramdaman ng malalapit sakin yung pakiramdam na walang kakampi at mag-isa lang palagi.
"Thank you, Sage."
"You're welcome." Sabi ko.
Naglaro kami ng video games habang nag-uusap pa rin ng random things.
"May Law firm kayo, diba?" Tanong ko.
Sikat kasi yung Law firm nila dahil na rin kay Ms. Selene, isa ito sa naging inspiration ko nong pumasok sa ako Law school. I just really admire her principles.
"Si mommy Selene." Sagot niya.
"May firm na palang naghihintay sayo after you graduate, huwag mo akong kalimutan, ha, kapag napunta na sayo yung firm." Biro ko.
"Sure." Pagsakay naman niya sa sinabi ko.
Pag gising ko kinabukasan tulog pa si Jeremiah, may dalawang kwarto dito sa condo niya at dun ako isang kwarto natulog kagabi.
Nilinis ko muna yung kalat namin kagabi bago ako nagluto ng agahan namin, actually breakfast at lunch na nga to eh dahil 12 pm na. Hindi ko rin alam anong oras na kami nakatulog kagabi.
"Good morning, Sage." Bati niya pag pasok sa kusina, nakatalikod ako ngayon dahil nagluluto ako.
"Morning." Hindi ako lumingon sakanya.
"Kanina ka pa gising?" Inaantok natanong niya.
"Oo, let's eat." Nilapag ko yung pagkain na niluto ko.
"I'm really curious, Sage, what happened to your face?" Tanong niya habang kumakain kami.
"Nasangkot na naman sa gulo." Sagot ko.
"Hilig mo siguro sa gulo, palagi nalang kasi may sugat mukha mo."
"Marami kasing tarantado sa lugar namin." Sabi ko naman.
Hindi naman ako nagsisinungaling dahil marami talagang tarantado sa lugar namin.
After ko maghugas bumalik ako sa tinutulogan ko kagabi para kunin yung mga gamit ko, uuwi na kasi ako dahil maghahanap pa ulit ako ng trabaho.
Paglabas ko sa kwarto akala ko tapos na si Jeremiah maligo pero wala pa ito pagdating ko sa sala. Nilibot ko paningin ko sa sala at tiningnan ulit yung picture frame na nakakita ko nong unang pasok ko dito, hindi na ito makikita ngayon dahil maayos na yung kurtina na nakatabon dito.
Lalapitan ko na sana ito pero bigla namang dumating si Jeremiah, curious talaga ako sino yun dahil pakiramdam ko kilala ko yun.
"Uuwi na ako." Sabi ko sakanya.
"You have work ba?" He asked.
"Oo, salamat pala." Tukoy sa regalo nabinigay niya kagabi.
"No worries, Sage. Hatid na kita?" Offer niya.
"Hindi na, dala ko kasi yung motor ko." Sabi ko.
"Take care." He said.
Nakipag fist bump ako sakanya bago lumabas ng unit niya.