Riley's Point of View
“Riley!”
“ma'am Lexine?”
“ahm, gusto ko lang magsorry about yesterday. Di ko dapat ginawa yon. Sorry” sinseryong sabi ni ma'am.
“Ok lang po ma'am, wala naman pong ibig sabihin yon. Kalimutan na po natin yon. Pasensya na rin po kung ganon yung naging reaksyon ko”
“May pupuntahan ka ba? Samahan na kita” pag-aalok ni ma'am.
“Pinapapunta daw po ako ni ma'am Shen sa kanya after ng klase ko, pero ok na po ma'am kaya ko na pong pumunta doon mag-isa. Salamat po” magalang kong sabi at saka tumalikod na paalis.
Hanggang ngayon ay medyo ilang parin ako kay ma'am, di ko naman kasi inaasahan na gagawin nya yon.
I knocked three times sa door ni ma'am Shen. Ano kayang kailangan nya sakin at pinatawag ako?
“Come in” rinig kong tugon ni ma'am mula sa loob kaya't binuksan ko na ang pinto at pumasok.
“Have a seat”
“Bakit nyo po ako pinatawag ma'am?” tanong ko nang makaupo.
“Well, may gusto lang akong iutos. Here..” inabot niya sa akin ang pagkarami raming mga papers at isang answer sheet.
“ma'am?” naguguluhan kong tugon.
“ano pong gagawin ko dito?” tanong ko.
“kainin mo siguro” sarkastiko naman nitong sagot.
I rolled my eyes.
“Malamang checheck-an mo, kala ko ba matalino ka?” she rolled her eyes too.
Aba aba, attitude!
“Excuse me ma'am, bakit hindi na lang po ikaw ang magcheck? besides parang wala naman po kayong ginagawa kasi look oh, yung laptop nyo nasa YouTube lang”
“Baka nakakalimutan mo Ms. Martinez. The first and second time we met ay binastos mo ako, then the third ay nagmura ka sa klase ko, so? pasalamat ka at yan lang ang punishment ko sa'yo. Mabait pa'ko 'no” she smirked.
Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod na lang. May pagka-bruha pala itong propesora namin na ito. Kakainis!
Palabas na sana ako ng office nya dahil sa library ko ito balak na check-an ng pigilan ako nito at sinabing doon ko iyon checheck-an sa office nya.
Grabehang parusa naman ito, kailangan makisalamuha sa isang propesorang ubod ng sama ng ugali.
“Here ma'am, tapos na po. Easy” mayabang ko itong nginitian at saka inabot ang mga papers.
She rolled her eyes again.
“Kung inaakala mo na ganon ganon lang ang punishment mo nagkakamali ka”
My eyes widened ng marinig ang sinabi nito.
“Clean my office, now” she commanded and smirked.
What the hell?!?! mukha ba akong janitor?!?!
I was about to say something at magreklamo pero naunahan ako nito.
“Nagrereklamo ka Ms. Martinez? Remember what you did?”
Sa huli ay wala na naman akong nagawa, tangina naman oh.
Nang matapos ang pagkakaraming utos ni ma'am Shen ay pinayagan na ako nitong umalis. Tangina napagod ako don ah. Buhay prinsesa ako sa bahay tapos paglilinisin nya lang ako sa office nya?!?! myghaddd.
“Haggard na haggard lang teh?” tanong ni Kim ng makalapit ako sa kanila dito sa may cafeteria.
“Anyari sa'yo? mukha kang yaya gago ka” dagdag pa nitong si Earl.
“Magsitigil nga kayo, pagod ako” inis kong sabi.
“Ano bang ginawa mo? tinakbo mo ba yung buong field?” tanong naman ni Eizsha.
Di talaga matatahimik 'tong mga 'to e.
“Sana nga 'no. Mas matatanggap ko pa, at mas kakayanin kung tinakbo ko na lang yang field” sagot ko.
“Ano ba kasing ginawa mo? tsaka bakit ka nga pala pinatawag ni ma'am Shen?” si Akhiro.
“Yang magaling nating propesora. Pinaglinis ba naman ako ng office nya at inutusan ng pagkarami rami”
“Maganda lang pero magaspang ang ugali. May janitor naman tayo pero ako parin ang inutusan. Kainis!” dagdag ko pa.
“Are you saying something Ms. Martinez? Nagrereklamo ka ba?” ang nakakainis na boses sa likod ko.
I took a deep breath at saka nakangiting hinarap ito.
“Wala po ma'am, sabi ko nga po e. Deserve ko 'yon” plastik kong sagot dito.
“Good” proud na sabi nito at saka umalis na.
Nagsitawanan naman yung apat nang makaalis si ma'am Shen kaya't sinamaan ko sila ng tingin.
“Salamat ha! napakabuti nyong kaibigan!” sarkastiko at naiinis kong sabi.
“Akalain mo yun, nakahanap ka ng katapat. Mas maldita sa'yo! HAHAHAHAHA” wala silang tigil sa pagtawa kaya't naiinis na lang akong kumain.
Bwisit.
Nang matapos kumain ay nagpunta muna ako sa may likod ng gymnasium. Magpapahangin lang. Maganda dito dahil may garden at tahimik ang lugar kasi kokonti lang naman na student ang nagpupunta dito.
Sakto, walang tao. Mas peaceful kasi, lalo na at wala dito ang bruha kong mga kaibigan at propesora.
Paupo na'ko pero bahagya pang nagulat ng mapansin na may iba pa palang tao dito at napukaw ko nang pansin.
“S-sorry po” paumanhin ko dahil mukhang nakaabala ako.
Matamis lamang ako nitong nginitian at saka nagsalita.
“You can sit beside me, maraming insekto dyan” ani nito. Napansin yatang dito ako uupo sa damuhan.
Nahihiya pa akong lumapit at saka umupo sa bench.
Tahimik lang ito habang may binabasang libro.
She looks familiar.
“What's in my face?” she asked. Napatitig na yata ako.
“Sorry po, you look familiar kasi” tugon ko.
Bigla ko namang naalala nung first day of school. Sya 'yon. 'Yung nakasabay namin ni ma'am Lexine sa elevator. Napatango tango na lang ako.
“W-what now? anong tinatango tango mo?” taas kilay na tanong nito. She's kind of intimidating din ha.
“Sorry po, naalala ko na po kasi kung saan ko kayo nakita. Nagkasabay po tayo sa elevator nung first day, kaya po pala familiar kayo” medyo nahihiya ko pang turan.
“I see” pagtango tango nito.
“I'm Riley nga po pala, ma'am” pagpapakilala ko at nilahad ang kamay sa harap nito.
“How'd you know I'm a professor?” she asked.
“I.D. lace mo po ma'am, may nakalagay po kasing FACULTY”
Napatango tango na lang ulit ito at saka tinanggap ang nakalahad kong kamay.
“Just call me ma'am Vee” she uttered.
Natahimik na kaming pareho ni ma'am Vee after magkakilala, bumalik na sya sa pagbabasa ng libro at ako naman ay nakatulala lang at dinadama ang preskong hangin.
“Here” napatingin ako sa kamay nitong may hawak na pink na panyo na inaabot sakin. I look at her, confused. Mukha namang nagets nya.
“Wipe your sweat, may dumi din dyan sa gilid ng noo mo. You look miserable, saan ka ba nanggaling?” tanong ni ma'am.
“Ahm, wala po. Nautusan lang po hehe” sagot ko.
Hindi naman na ito nagtanong at muling inabot sakin ang pink na panyo. Nahihiya man ay kinuha ko na ito dahil na rin sa gusto ko nang maayos ang sarili ko. Mukha na ba talaga akong miserable? Tangina ang pangit ko na yata. Nakakahiya kay ma'am. Ang ganda pa naman nya. Crush ko pa naman sya nung una ko syang makita.
Di pa man ako tapos mag-ayos ng sarili ay napansin ko na ang pagtayo ni ma'am Vee at akmang paalis na.
Tatawagin ko pa sana ito dahil nasa akin ang panyo nito pero mabilis na itong nakalayo. Ibabalik ko na lang siguro bukas o sa ibang araw na makita ko sya.
Hindi ko kasi sya teacher sa ni isang subject ko.
Hindi naman sya masungit. Tahimik lang pero mabait. Maganda pa.
-----
Eyyysss sinipag HAHAHAHAH pasalamat kayo walang pasok🥹