Marry Me, Professor (Complete)

By profgae

1M 27.1K 4K

Freen Salvatore is a business woman and a part-time professor who do not believe in love. Serenity Arya Apos... More

MARRY ME, PROFESSOR
MMP-1
MMP-2
MMP-3
MMP-4
MMP-5
MMP-6
MMP-7
MMP-8
MMP-9
MMP-10
MMP-11
MMP-12
MMP-13 🔞
MMP-14
MMP-15
MMP-16
MMP-17 🔞
MMP-18
MMP-19
MMP-20
MMP-21
MMP-22
MMP-23
MMP-24
MMP-25
MMP-26
MMP-27
MMP-28🔞
MMP-29
MMP-30
MMP-31
MMP-32
MMP-33
MMP-34
MMP-35
MMP-36
MMP-37
MMP-38
MMP-39
MMP 40
MMP-41
MMP-42
MMP-43
MMP-44
MMP-46
MMP-47
MMP-48
MMP-49
MMP-50
MMP-51
MMP-52
MMP-53
MMP-54
MMP-55
MMP-FINALE
MMP(special chapter)
MMP-(special chap.)

MMP-45

12.4K 363 52
By profgae

SERENITY's POV:


"Pasensya na, Miss, pero hindi ko alam kung saan siya lumipat."

Bagsak ang balikat ko na naglakad pababa ng apartment na 'yon. Akala ko si Freen na ang dumating pero bagong nangungupahan para sa kwartong 'yon. Ang sabi niya ay kahapon lang siya lumipat at hindi niya alam kung nasaan na ang dating nangungupahan sa kwartong 'yon.

Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko pero isang lugar lang ang alam kong pwede kong puntahan ngayon.

Kinakabahan man sa gagawin ay pumara pa rin ako ng taxi para pumunta sa bahay nila Freen. Alam kong maaari akong makita ng mommy niya pero wala na akong pakialam. Gusto kong makausap si Freen.

Hindi ko alam kung ilang beses akong napalunok habang nakatanaw na sa bahay nila. Nang buo na ang loob ko ay t'yaka ko pinindot ang doorbell.

Medyo matagal bago may lumabas na katulong at pinagbuksan ako. Halata pa sa mukha nito na nagtataka siya kung sino ako at bakit ako pumunta ng ganitong oras.

"Ano pong kailangan nila?" Tanong nito nang makalapit sa akin. Napapagitan kami ng gate dahil hindi ito nito binuksan.

"Nandiyan ba si Freen? Gusto ko siyang makausap." Bahagyang natigilan ang katulong matapos ang sinabi ko. Ilang saglit itong tumitig sa akin bago muling nagsalita.

"S-saglit lang," tila nagdadalawang isip pang tugon nito. Naglakad ito pabalik sa loob habang naiwan naman ako sa labas na naghihintay. Akala ko ay tatawagin nito si Freen ngunit nagulat nalang ako nang makita kung sino ang kasama nito nang lumabas.

"Oh, it's you. What are you doing here, hija?" Nakangiting tanong ng mommy ni Freen nang makita ako nito. Kahit nakangiti siya ay alam kong hindi talaga siya natutuwa na makita ako.

"Si Freen po ang pinunta ko dito. Siya po ang gusto kong makausap," matapang na sagot ko dito. Natigilan naman ito saglit pero agad rin na ngumiti.

"Si Freen ba? I'm sorry, but she's no longer living here. She chose you over us, can't you remember that?" Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis sa mommy ni Freen. Masyado siyang plastic. Alam kong ayaw niya sa akin pero kung makangiti siya sa akin ngayon ay akala mo ang bait bait.

"Ayaw ko pong maging bastos pero nakikiusap po ako, gusto ko pang makausap si Freen kahit sandali lang," sabi ko pa. Pinilit kong makipag usap ng maayos dito kahit hindi ko nagugustohan ang paraan ng pagngiti nito sa akin.

"Why are you looking for Freen, anyway? Did she dumped you already?" Naitikom ko ang bibig ko sa galit dahil sa sinabi nito. Nakangiti pa rin ito sa akin pero alam mong nang iinsulto.

"Well, I won't be surprised. I already warned you, but you didn't listen. A girl like you won't make Freen stay in your life. Just like what I've said, a woman is only for a man."

"Pakiusap, ilabas niyo na po si Freen!" Hindi ko napigilan ang sarili ko at napalakas na ang boses ko. Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano naglaho ang mga nakakainsultong ngiti sa mukha ng mommy ni Freen.

"Rude...that's probably the reason why Freen left you."

Naikuyom ko ang mga kamay ko dahil sa muling sinabi nito. Pumikit ako ng mariin para pilitin ang sarili na maging kalmado.

"Pakiusap...gusto ko pong kausapin si Freen," pagpapakumbaba ko. Nakita ko namang muling gumuhit ang ngisi sa mukha niya.

"How much do you need?" Ako naman ang natigilan sa biglang sinabi nito. Napatingin ako dito habang hindi makapaniwala sa sinabi.

"Freen isn't here. But if she already dumped you, I'm proud of her. She finally knows what's good for her," patuloy nito ng hindi ako sumagot. "And as her mother, I don't want to let anyone tried to messed up with her life again. So now tell me, how much do you need? Ten million?"

Puno ng galit akong tumingin dito pero mukang wala lang iyon sa kaniya. Hindi ako makapaniwala na ganito pala kasama ang ugali niya. Akala niya ay madadala niya lahat sa pera.

"Hindi ko kailangan ang pera mo," mariin na sagot ko dito pero natawa lang ito sa akin. Iyong tawang puno ng pang iinsulto.

"I know that line, Hija. You mean higher, huh? What about twenty million?" Puno ng kompyansang sagot pa nito na mas lalo namang dumagdag sa galit ko. Pakiramdam ko ay naninikip ang dibdib ko dahil sa galit sa kaniya.

"Si Freen ang ipinunta ko dito at hindi ang potanginang pera mo!" Sigaw ko dito na ikinawala ng ngisi niya. Tumalim ang tingin nito sa akin pero hindi naman ako nagpatinag.

"Hindi ako makapaniwalang pumatol si Freen sa katulad mong may ugaling basura," naiiling na sambit nito. "Kung sa bagay, malamang ugaling basura rin ang nagpalaki sa'yo."

Saglit akong natigilan at prinoseso ang sinabi nito. Nang maging malinaw sa isip ko ang mga salitang binitawan nito ay mabilis akong lumapit sa gate nila at kinalabog iyon.

"Wala kang karapatan na sabihan ng ganiyan ang mga magulang ko! Kung may taong may ugaling basura dito ay ikaw 'yon!" Pinagsisipa ko ang gate nila at wala akong pakialam kung nasasaktan ako. Hindi ko maatim na sabihan niya ng gano'n ang magulang ko.

"Oh my ghad! I can't believe that Freen just had a relationship with this crazy trash!"

Nakita ko kung paano rumehistro ang kaba sa mukha nito.

"Ilabas mo si Freen! Gusto ko siyang makausap!" Sigaw ko at muling sinipa ang gate nila. Mukang kinabahan naman ito dahil sa inakto ko.

"I already told you that she's not here kaya umalis ka na bago pa ako tumawag mg security!"

Hindi ako nakinig sa sinabi nito at nagsisigaw. Wala na akong pakialam kung anong isipin nila sa akin. Si Freen ang gusto kong makausap.

"Freen!"

"Freen, kausapin mo ako!"

"I told you to stop!" Pigil na sigaw na sabi ng mommy ni Freen pero hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa pagsigaw. Nahagip naman ng paningin ko ang pagtakbo ng kasambahay nila papasok.

"Kausapin mo naman ako, Freen! Hindi ako aalis dito!"

"Freen!"

Patuloy lang ako sa pagsigaw sa labas at walang pakialam kung may ibang makarinig sa akin. Wala namang nagawa ang mommy ni Freen para patahimikin ako.

Namamaos na ang boses ko pero walang Freen ang lumalabas. Nagsisimula na akong maniwala na wala nga ito dito pero hindi pa rin ako tumigil.

Nagpatuloy ako sa pagsigaw sa pangalan ni Freen sa labas kahit pa walang kahit na anong senyales na naroon ito. Ilang saglit pa ang lumipas ay namalayan ko nalang ang sarili ko na bitbit ng dalawang guard palayo sa bahay ni Freen.

Magkahalong galit at lungkot ang nararamdaman ko habang naglalakad sa gitna ng malamig na gabi. Galit para sa mommy ni Freen at lungkot dahil hindi ko man lang nakausap si Freen.

Habang naglalakad ay naisipan kong puntahan ang condo ni Freen sa pagbabakasakaling naroon ito. Ilang oras rin akong naghintay sa labas ng pinto ng condo nito pero walang Freen ang lumalabas. Bagsak na naman ang balikat ko na nilisan ang condominium building na iyon.

Hating gabi na at hindi ko na alam kung saan hahanapin si Freen. Nagsisimula na naman akong maiyak.

Papara na sana ako ng taxi nang biglang may marinig akong tumawag sa pangalan ko.

"Arya?" Natigilan ako dahil sa pamilyar na boses na iyon. Lumingon ako sa likod at doon ko nakita ang tumawag sa akin.

Ang mga luhang nagbabadyang kumawala sa mga mata ko ay biglang naudlot. Sumilay rin ang ngiti sa mukha ko.

"M-ma'am Carnell," mahinang sambit ko at lumapit dito. Ngumiti naman ito sa akin ng tipid.

Kahit papaano ay nakaramdam ako ng kaunting pag asa. Alam kong bestfriend niya si Freen kaya maaaring alam niya kung nasaan ito.

"Galing ka sa condo ni Freen?" Tanong nito kaya agad akong tumango.

"Hinahanap ko po si Freen—Professor Salvatore. Alam niyo po ba kung nasaan siya?" Halos hindi ako makapaghintay na sumagot si Ma'am. Sabik na akong malaman kung nasaan si Freen.

"A-alam ko." Para akong nabuhayan matapos ang sinabi nito. Hindi na ako makapaghintay na Makita at makausap si Freen.

"N-nasaan po siya?" Hindi na ako nag abalang itago pa ang pagkasabik na malaman kung nasaan si Freen.

"Kakaalis niya lang kanina..." Pakiramdam ko ay sobrang bagal magsalita ni Ma'am Carnell. Gusto ko nang malaman kung saan ko pwedeng puntahan si Freen.

"—she already left the Philippines. She'll be living in France...for good."

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 74.5K 62
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.3M 47.2K 59
Seven Deadly Sinners Series #2: PRIDE [Parixia Ingrid Cohen] "I will sin for you. I will die for you. I will kill for you. You have taken my sanity a...
4.1M 134K 65
LINE AVERY ALEJANDRO, 27 year old. A new Professor in North High University. A respectable and professional teacher. Despite of her aloof and cold he...
149K 2.2K 108
Sabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng...