Catiana's POV
"Are you okay?" Tanong sakin ni Eleanor. Kasalukuyang nandito kami sa palagi naming tinatambayan sa school. Sa gilid ng field nakaupo sa isa sa mga bench.
It's been a week since pumunta ng bahay si Delancy at sinabi ko naman ito nung gabing iyon kay Eleanor through text and she's shock on Delancy's behavior.
Kaso nga lang, hindi ko naman masisisi si Delancy kasi sa aming dalawa ay siya ang may mas karapatan kay Liam. She's the girlfriend and I'm just the bestfriend.
"Cat? Why don't you just find someone who deserves your love? Masasaktan ka lang kay Liam." Saad nito habang nakatingin ng mariin sakin. Napabuntong hininga lang ako.
I don't know what to say.
I'm trying naman eh, kaso kapag nakikita ko siya at yung mga ngiti niya, bumibigay nanaman ako.
Lakas ba naman kasi ng impact niya sakin. Palagi na lang akong affected.
***
I was walking alone in the hallway kasi nauna na sakin si Eleanor ng may nakabangga akong lalaki.
"Ouch!" Impit na sigaw ko. Ang sakit ng paa ko, nabagsakan ito kasi ng mga librong hawak ng nakabangga ko.
"Watch where you're going." naiinis na saad ko dito, agad niya namang pinulot ang mga libro nito at nag angat ng tingin.
"I'm sorry, I didn't see you." Saad din nito. Tiningnan ko ito mula ulo hanggang, he looks decent naman at may itsura din.
"It's okay." maikling tugon ko at nag umpisa ng umalis pero nagsalita ito muli.
"Does it hurt? I can buy some ice. Baka mamaga yan." nag aalalang saad nito. He seems nice naman.
"No, no, it's okay. I can handle naman." sagot ko naman sa kanya at napatango naman siya. Nagulat ako ng naglahad ito ng kamay.
"I'm Mike, by the way. You are?" Hindi ako nakikipag usap sa mga strangers pero siya mukha namang mabait. Nginitian ko ito at naglahad din ng kamay.
"Catiana. Nice to meet you Mike." nakangiting saad ko at ngumiti din ito. Cute niya ah.
Pagkatapos nun ay umalis na ako doon para pumasok ng room. Nagtanong rin siya kung pwede kaming maging magkaibigan kaya sabi ko pwede naman. Sino naman kasi ako para tumanggi? Ang bait nga niya eh.
***
"Cat!" Napahinto ako sa paglalakad ng may tumawag sakin kaya napalingon ako at nakita kong tumatakbo papalapit si Liam sakin. Napabuntong hininga naman ako.
Wala kasi si Eleanor kasi sinundo siya ng Daddy niya kasi may family dinner daw sila at si Leo naman ay absent kaya nga umuna na akong lumabas para hindi ako napansin ni Liam kaso nandito nanaman siya.
Saan yung Delancy niya?
"Daya ah, bakit hindi mo ako hinintay?" Pagmamaktol nito ng makalapit na ito sa akin ng tuluyan.
Hindi lang ako sumagot.
Delancy mo, nasaan?
"May pinuntahan pa si Delancy kaya hindi ko na siya nahatid." ah ganun pala.
Kaya pala sakin tumakbo kasi walang Delancy. Tsk.
Nag umpisa na kaming maglakad at panay naman ang salita nito. Wala akong ganang makinig kasi si Delancy nanaman ang topic.
"You know, she's just caring and loving."
Nakakainis na, wala na akong maintindihan. Sa tingin ko ay nahalata niyang hindi ako nakikinig kaya huminto ito sa paglalakad kaya ganun din ako. Tiningnan ako nito sa mga mata ng mariin bago nagsalita.
"Is there something wrong, Cat?" Tiningnan ko siya ng may pagtataka pero nanatili parin akong tahimik.
"I'm not used to this. Yung hindi ka nagsasalita, yung halos tahimik kana at parang walang gana. Hindi ikaw 'to." Saad nito para mapangiti ako ng mapait.
"Pagod lang ako Liam." maikling saad ko sa kanya. Hinawakan ako nito sa aking nga balikat at binigyan ng makahulugang tingin.
"Cat, don't lie to me. I know that there's something wrong. Akala mo ba hindi ko napapansin yung pag iwas mo sakin lately?" Mabuti pa ito nahalata niya, samantalang yung nararamdaman ko sa kanya hindi. Ang saklap.
I stared at him like everything is okay.
"Liam, I'm fine. Tsaka hindi naman kita iniiwasan, binibigyan lang kita ng space, kayo ni Delancy. Remember, she's your girlfriend already." saad ko dito dahilan para mapangiti siya ng malawak.
"Is that the reason sa pag iwas mo sakin? Cat, wala namang kaso yun kay Delancy, she's nice and considerate person. Besides, she knows that we're bestfriends kaya yung pagiging malapit natin sa isa't isa ay wala yun para sa kanya." napayuko naman ako sa kanyang sinabi.
Kung alam mo lang Liam. Kung alam mo lang.
Siya nga itong nagsabi sakin na layuan ka eh.
Gustong gusto ko itong sabihin sa kanya kaso baka isipin niyang sinisiraan ko si Delancy sa kanya.
Ayokong mapunta na sa puntong pipili siya sa amin ni Delancy dahil alam ko naman na si Delancy itong pipiliin niya kahit anong mangyari.
At yun ang ayoko. Kahit isampal na sakin ang katotohanan na si Delancy talaga ay ayoko parin. Ayoko.
"Hey, ganito na lang. Wanna have some ice cream?" Parang nagliwanag ang pakiramdam ko. Nakangiting napatingin naman ako sa kanya at magsasalita na sana ng...
"Mabuti at alam mo, kaya kung pwede, layuan mo na siya."
Naalala ko ang sinabi sakin ni Delancy noong nakaraan.
Napawi ang ngiti ko at yumuko.
"Gusto ko sana kaso pagod ako eh. Gusto ko na lang muna magpahinga." pagsisinungaling ko. Nawala naman ang ngiti sa kanyang mga labi at parang na disappoint.
"Parang iba ata ah? First time mong tumanggi." Sambit nito at agad naman akong kumontra.
"Pagod lang talaga ako Liam." Maikling tugon ko.
Bakit ang hirap ng sitwasyon ko? Gusto kong lumayo sa kanya kasi alam kong masasaktan at masasaktan lang ako kapag hindi pa ako Iumayo sa kanya at ganun din ang gusto ni Delancy, ang lumayo ako sa kanya. Pero bakit ang hirap? Alam ko kasing hindi yun ang gusto ng puso ko.
It's between heart and mind. Which one should I follow?
***
Days passed and ito, exam week na. There's a lot of studies to do and ongoing schoolworks kaya fully loaded yung schedule naming lahat kasi busy sa kakareview.
Today is the first day of our exam week kaya kasalukuyang nandito kami sa room namin nag rereview. Halos lahat ay busy sa mga ginagawa at binabasa ganun din ako.
Liam and Leo were reviewing each other while Eleanor is reading her reviewer at ako? Ito busy din sa ginagawa kaso hindi ako makapag focus sa hindi ko malamang dahilan.
I think something's not right, that something is not good. I think? It's weird but, parang hindi ako mapakali na ewan.
I was busy reading my notes even though I can't focus on it when suddenly my phone vibrated.
I look on the screen and it's Mom.
Sinagot ko ito at agad akong kinabahan ng una kong narinig ang mga hikbi ni Mommy.
Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko dahilan para mapatingin sakin ang mga kaklase ko kabilang na sina Liam, Leo at Eleanor. Taka naman silang napatingin sakin.
"Hello? Mom? Why are you crying?" Kinakabahang tanong ko dito. Hindi ito sumagot at ranging hikbi lang ang naririnig ko mula sa kabilang linya. Shit.
"Mom, answer me, please! Ano po ang nangyari? Bakit ka umiiyak?" Hindi ko na alam ang gagawin, parang sasabog ako sa kaba kasi hindi ko alam kung ano ang nangyayari.
Maya maya ay nagsalita na si Mommy.
"Catiana, yu-yung Da-Daddy mo. Na ak-aksidente nabangga yung sa-sasakyan niya, malala ngayon yu-yung kalagayan ni-niya. I'm s-scared Catiana. I-I need you right now, a-anak" hindi ko alam ang gagawin. Bakit ang bilis ng pangyayari? Kanina lang nasa company sila ah. Bakit ngayon na aksidente na si Daddy?
Nabitawan ko ang cellphone ko dahil sa nawalan ako ng lakas kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.
"Hey, are you okay?" Agad na lumapit si Liam sakin ng puno ng pag alala ang mukha.
"I-I need to go. Na aksidente si Daddy, malala daw ang kalagayan niya ngayon." nagulat si Liam sa sinabi ko pero hindi ko na ito pinansin at napapaluha na lang ako. Dinampot ko ang cellphone ko na nahulog at agad agad na lumabas ng room. Narinig ko pang tinawag ako ni Eleanor at Leo pero hindi ko ito pinansin.
Doon ko lang namalayan na nakasunod pala sakin si Liam. Hinigit niya ako sa kamay at nagsalita.
"Let me come with you." agad naman akong kumontra sa kanya.
"Liam, may exam tayo ngayon. Bu-bumalik kana doon! This matter is only between me and my family kaya bitawan mo na ako." naiiyak na saad ko sa kanya. Umiling iling ito.
"Ano paba yung purpose ng pagkakaibigan natin? I'll help you." inis ko siyang tiningnan.
"Liam! Makinig ka. You stay here!" Inis kong sabi tsaka dali daling tumakbo.
Not now Liam. Not now.
I was running as fast as I could while crying. Hindi ko rin maiwasang hindi ako hingalin. Parang kinakapos ako ng hininga.
Umuwi ako ng bahay at agad kong nadatnan si Yaya Sisa sa sala nakaupo at naluluha, napatingin naman ako sa mga maletang naka nakalagay doon. These are mine.
"Yaya Sisa?" Pagkuha ko ng atensyon nito. Agad itong pumunta sakin at niyakap ako.
"Tumawag ang Mommy mo, sabi niya dinala na daw sa ibang bansa ang Daddy mo para doon ipagamot kasi malala raw ang kalagayan nito." napaluha ako sa isinaad ito. Bakit? Bakit ngayon pa? Bakit nangyayari 'to?
"Pinapapunta ka niya doon anak." Saad nito dahilan para mapaluha ako lalo. Napatingin naman ako sa cellphone ko at doon ko lang napansin na marami na palang missed calls na galing Kay Mommy, Liam at Eleanor.
"Yung Tita Crizela mo ang makakasama mo sa pagpunta mo doon." napayakap naman ako kay Yaya Sisa.
"Sabi ng Mommy mo, doon muna kayo mamalagi habang nandun pa ang Daddy mo. Kailangan ka nila doon ngayon anak." iyak lang ako ng iyak.
Bakit parang ang bilis naman? Hindi ko kasi ito inaasahan.
Pero teka, paano na si Liam? Yung pag aaral ko dito? Pero hindi eh, Daddy is more important right now. I want to see him.
Hindi ko alam kong gaano kami katagal doon.
Kinuha ni Yaya Sisa ang mga maleta ko at tumungo na papalabas.
"Catiana anak, sige na. Umalis kana, siguradong nandun na ang Tita Crizela mo naghihintay sayo." niyakap kong muli si Yaya Sisa at ganun din siya. Napapaluha parin ito.
Ang bilis ng pangyayari. Parang kani kanina lang ay nagrereview lang ako sa school tapos ngayon mangingibang bansa na kami.
Ang saklap naman.
Hindi nagtagal ay nakarating na kami ng airport ni Mang Roger.
Habang nasa biyahe kanina ay tumawag sakin si Mommy at sinabing naghihintay siya sa akin doon.
Ang bilis ng pangyayari, sa isang iglap ay magbabago na pala yung takbo ng buhay ko.
My tears were falling like a river while walking inside the airport, aalis ako ng hindi nagpaalam kay Liam. Sino ba naman kasi mag eexpect nito?
Hindi ito fairytale or drama na hahabulin ni leading man si leading lady sa airport kaya hindi na ako mag eexpect pa.
I think, it's a goodbye for now, Liam.