Parallel Hearts

By MyLovelyWriter

4.9K 583 273

[TAGLISH] Andreya has become Mayari, the next Rana of Silang, an alternate Philippines where colonization did... More

Panimula
Parallel Hearts
Chapter 1 ❂ Pagtawag
Chapter 2.1 ❂ Mayari
Chapter 2.2 ❂ Mayari
Chapter 2.3 ❂ Mayari
Chapter 3.1 ❂ Silang
Chapter 3.2 ❂ Silang
Chapter 4.1 ❂ Binukot
Chapter 4.2 ❂ Binukot
Chapter 5.1 ❂ Sulat
Chapter 5.2 ❂ Sulat
Chapter 5.3 ❂ Sulat
Announcement (a good one)
Chapter 6.2 ❂ Bahay Kubo

Chapter 6.1 ❂ Bahay Kubo

228 23 12
By MyLovelyWriter

Hindi ako nag-update one month haha! Dami ganap sa life.

Mag dadalawang buwan simula nang maadmit ako sa emergency room, nabigyan na ako sa wakas ng greenlight upang makaalis ng ospital.

I think they made me stay longer than necessary, just to be sure about my condition. But it might also be related to other things, katulad ng media.

Maluwag na shirt at jeans ang suot ko palabas ng ospital. Binigyan din ako ni Yumi ng makapal na sunglasses at malaking sumbrero, pati face mask, upang takpan ang mukha ko. Kung hindi dahil sa mga nakauniporme kong mga apid, pati mga bodyguard, hindi ako maiiba sa mga dumadaan sa hallway ng ospital na ito.

Daig ko pa yung mga K-Pop star sa internet pag pupunta ng airport. Parang parada ng VIP. Maliban sa doctor at nurse na naging responsable sa pagpapagaling sa akin, wala ni isang anino ng ibang tao akong nakita habang dumaan kami.

Medyo nahihiya ako. Gaano kalaking abala kaya ang dinulot ko dahil lang papalabas ako ng kwarto?

But I couldn't really complain about this arrangement. Magdadalawang buwan pa lang since naaksidente ako. At dahil pinaghihinalaan nilang may foul play na ganap, it was a sure thing they wouldn't lax their security anytime soon.

I think the blame had fallen on the opposition, as they called it. Mga anti-royalists at gustong maging demokratiko ang bansa.

"Agila kay Lawin," irit ng radyo.

Tumingin ako kay Lawin habang binubunot niya ang radyo. "Sige, Agila," sagot niya.

"Maayos ba ang biyahe?"

"Papababa pa lang ang tala sa langit. Maayos ba sa lupa?"

Yaks, cheesy.

"Magulo sa lupa," sagot naman ng radyo. "Hindi namin alam sino ang nagbalita, pero maraming bubuyog na umaaligid. Mag-ingat kayo sa daraanan, baka may isang magawi."

"Mukhang maraming mga reporters sa baba, Dayang Dayang," sabi niya. Lumingon siya sa 'kin, pero hindi niya sinalubong mga mata ko.

"Makakasalubong ba natin?" tanong ko.

"Sa loob ng ospital, hindi po," sagot niya. "Pero hindi natin masasabi. Masyado silang mautak. Paminsan-minsan may nakakalusot, madalas nagpapanggap bilang janitor o siguro kung ano. Mahigpit naman po kami ngayon, kaya 'wag ho kayo mag-alala."

Tumango ako.

"Pero po baka dumugin ang sasakyan palabas ng ospital," tuloy niya. "Tinted naman po ang mga bintana, pero iiwasan niyo na lang pong lumapit dito upang hindi kayo mapahamak sakali."

Tumango ako ulit habang pumaharap kami sa elevator. Wala naman ako ibang masasabi kaya minabuti ko na lang na tumahimik. Anyway, may tiwala naman ako kina Lawin.

Matiwasay ang lakad namin papalabas. Buti nga hinayaan nila akong maglakad—dahil kulang na lang itali nila ako sa wheelchair upang mahila. They didn't want me to walk at all.

It was a little ridiculous from a certain perspective. Pero kung tutuusin, compared sa mga sinaunang binukot na kinakarga dahil hindi pwedeng tumapak ang mga paa nila sa lupa, buti hinayaan nila akong maglakad mag-isa. Marami na rin kasing pinagdaanan ang mga sinaunang binukot. Marami rito...mahirap masikmura.

Siguro kung sa mas makalumang panahon ako nagising, baka ganoon ang mangyayari...buti na lang nasa isang mas modernong taon ako napadpad.

Paglabas namin ng parking lot, may naghihintay na agad na isang BMW sa may bandang pintuan mismo. Mainit ang singaw sa labas kumpara sa air-conditioned na building. Pinawisan ako agad.

Itim ang kotse, makintab, mukhang maluwang rin at komportable sa loob. Higit sa lahat, hindi lang ito nag-iisa. They were all lined up in a straight line—mga tatlo siguro. Parang isang mini-motorcade. Pinagkaiba lang siguro ay hindi super blatant...I guess? I mean, obvious ba 'pag may tatlong sasakyan na magkasunod-sunod...tapos magkakamukha pa?

I'm thinking yes.

"Sa gitna po kayo, Dayang Dayang."

Pinagbuksan kami ng pinto ni Lawin. Sinundan ko ang gabay ni Yumi at umakyat sa loob ng sasakyan. Pagkalapat ng pwet ko sa upuan, lumubog ako bigla. Nagulat ako at kamuntik nang tumili dahil hindi ko 'yun ini-expect. Grabe! Pagkalambot naman nito! Sanay na sanay ako sa mga matitigas na upuan ng bus, at halos lahat naman ng sasakyang naupuan ko hindi ganito kakomportable. Upuan pa lang siguro neto mahal na? Magkano 'yung sasakyan mismo?

Sumunod si Yumi na umakyat sa pinaka-likuran at nahuli naman si Lawin. Umakyat siya sa may passenger's side tabi ng driver habang ang iba kong mga lingkod ay pumanhik sa kanya-kanya nilang sasakyan.

I noticed walang masyadong sumakay kasama ko sa likod. Maliban kay Yumi, sumakay sila sa ibang sasakyan.

"Asan sina Ulan?" tanong ko.

"'Wag po kayo mag-alala, magkikita-kita po ulit tayo pagdating," sagot ni Yumi.

Nagsilapagan ang mga pinto, parang paputok sa bagong taon. Dahil medyo kulob ang underground parking lot, nag-echo rin ang kuskos ng mga gulong ng sasakyan nang umandar na kami paalis.

Nag-vibrate at kumanta ang cellphone ko. Pagbunot ko nito sa aking bulsa, nakita kong tumatawag ang aking ina.

Sinagot ko ito. "Inang Dayang?"

"Mayari, balasang ko," (Mayari, dalaga ko) bungad niya da akin. "Nakaalis na ba kayo?"

"Kakasakay lang po," sagot ko.

"Agal-alwad ka, anak," (Mag-iingat ka, anak) sabi niya sa 'kin. "Gusto sana kitang samahan kaya lang..."

"'Wag po kayong mag-alala, marami naman pong umaalalay sa 'kin."

"Nagsubli ka rin dagita lagip mon?" (Bumalik na ba mga alaala mo?)

Umikot bigla utak ko. I almost forgot. Ilocana pala si Inang Dayang. Hindi niya ako kinausap ng ganito noong nasa ospital ako. Probably a term here and there, pero 'yung full-on Ilocano sentence, 'di pa niya ginawa. Until now, that was.

Well, she might've. Pero since madalas knock-out ako at hilo-hilo sa mga gamot, siguro nakaligtaan ko lang.

Madalas siyang tumawag, pero usually stolen minutes lang 'yun. Parang sa nakaraan kong mundo. Isisingit niyang tumawag sa 'kin basta't may mga maliliit na opportunities, kahit na super busy.

Napahinto ako. Dahil sa pagkikipag-usap niya sa 'kin ng Ilocano, may mga nanumbalik na alaala.

"Mayari, anak?"

Lumunok ako at umiling. "Haam pay amin," (Hindi po lahat) sagot ko. "Ada nagsubli ngem manmano pay laeng," (meron pong ilan na bumabalik) sabi ko.

"No kasta ket baybay-am pay laeng," (Kung ganoon, hayaan mo muna) wika ng aking ina. "Tungkol sa preparasyon ng kasal niyo...baka sa isang taon na lamang muna imbis na pagkatapos na pagkatapos ng kaarawan mo."

"Ano pong sabi nila?"

"Binanggit ko ang kondisyon mo. Hindi naman nagmamadali ang Raja at ang Konseho," tuloy niya.

Papalabas na kami galing sa underground parking lot. Sumandal ako habang umakyat ang sasakyan papataas sa kalsada. Sa pag-angat ng boom barrier ng ospital, dinagsa kami ng mga taong may dalang mic at camera. Rinig ko ang kaguluhan sa labas. Hinaharang sila ng mga security officers at iba pang pulis kaya't hindi sila makalapit. Ngunit ganoon pa man ay hindi sila mapigilan sa pagsigaw ng mga tanong at pagpindot ng mga kanya-kanya nilang camera.

Tinted na ang windows, naka-sunglasses pa 'ko. Kaya't kahit anong flash ng mga camera nila sa labas, hindi ako nasilaw. I doubted they managed to take my pictures as well. At most, 'yung mga sasakyan lang ang lalabas sa headline mamaya.

Ganito pala feeling ng celebrity? Medyo ang lakas makaparamdam na importante ka.

Biruin mo 'yun? Nawalan lang ako ng malay, nagising na ko sa katawan ng isang prinsesa! Mayaman na magulang ko, sikat pa 'ko!

"Mayari, maayos ba kayo?" tanong ng aking ina.

Ay, oo nga pala. "May mga tao po galing media sa harap ng ospital, ina," sagot ko.

"Sige ngarud. 'Di ko na muna kayo aabalahin. Mag-usap na lang tayo mamaya. No sumampet ka idiay balay, siguraduem nga tawagan nak." (Pagdating mo ng bahay, siguraduhin mong tatawagan mo 'ko).

"Wen. Opo."

Continue Reading

You'll Also Like

4.2M 183K 58
AUDITION GONE WRONG! Macey Ela Sandoval aspires to be a singer. Instead, she ends up in The Search for 7 Wives- a harem reality game, designed by the...