Chasing Stars

By gabriellexyzcx

801K 20.1K 6.4K

Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford Unive... More

Chapter 1 - First Encounter
Chapter 2 - Bend Me
Chapter 3 - Hate
Chapter 4 - Drive her insane
Chapter 5 - Unsent
Chapter 6 - Smile
Chapter 7 - Scissors
Chapter 8 - Naked
Chapter 9 - Almost
Chapter 11 - Kiss
Chapter 12 - Long Night
Chapter 13 - Wet
Chapter 14 - Towel
Chapter 15 - Baby
Chapter 16 - Visitors
Chapter 17 - Bliss
Chapter 18 - Tears
Chapter 19 - Drunk
Chapter 20 - Second Time
Chapter 21 - Back
Chapter 22 - Top
Chapter 23 - Pain
Chapter 24 - Have
Chapter 25 - Picnic Date
Chapter 26 - Yes
Chapter 27 - Note
Chapter 28 - Whiskey
Chapter 29 - Coming
Chapter 30 - Faces
Chapter 31 - Her
Chapter 32 - Storm
Chapter 33 - Surprise
Chapter 34 - Reasons
Chapter 35 - Yours
Chapter 36 - Happiness
Chapter 37 - Wait
Chapter 38 - Confessions
Chapter 39 - Bleed
Chapter 40 - Happy Ever After Does Exists
Epilogue
Special Chapter - Office
Special Chapter - Craving
Special Chapter - Shower
Special Chapter - Love
Special Chapter - Godparents

Chapter 10 - Why?

17.3K 551 162
By gabriellexyzcx

"Ma, papasok na po ako. Ayos lang po ba kayong mag-isa dito?" tanong ko kay Mama.



Pag-uwi ko kagabi ay dinatnan ko na siya dito. Akala ko pa ay nanakawan ako dahil bukas ang pinto. 'Yon pala ay siya ang salarin.



Nag-alala daw siya dahil napanaginipan niya daw akong nahulog sa hagdan. Nang makita niya ang sugat ko ay nasapok pa ako. Hindi daw kasi ako nagsabi at kung hindi dahil sa panaginip niya ay hindi niya malalaman ang nangyari sakin.



"Pumasok ka na at baka mahuli ka. Susunduin ako ng Kuya mo mamaya. Abala ang Tatay mo sa bukid kaya ang Kuya mo muna ang susundo sa akin." sagot niya at saka nagpatuloy sa pag plantsa ng iilan kong damit.



Pumara ako agad ang tricycle at dumiretso sa library pag dating ng university. Ibabalik ko na ang mga librong hiniram ko nung nakaraan.



"Danielle!" rinig kong tawag sakin. Pagharap ko ay si Devin pala. Siguro ay nasa room na si Alexis kasi andito na din si Devin.



"Hi, Devin. Kumusta ka?" tanong ko sa kanya. Bigla naman itong yumuko at nagkamot ng batok.



"I'm doing good. Medyo busy lang." nakangiti niyang sagot sa akin. "Kumusta pala ang sugat mo?"



"Naghilom na sa wakas. Hindi na rin masakit." sagot ko.



"Mabuti naman kung ganun. I was so worried about you- I mean, kami ni Lexie. Akala niya pa ay hindi mo na kami maaalala." sambit niya na nagpatawa sakin.



"Hindi naman malala ang naging sugat. Mababaw lang din. Thank you sa concern. Pabalik ka na ba sa building niyo?" tanong ko at tumango naman ito.



"Hatid na kita sa room mo. Madadaanan ko din naman. May ibibigay din ako kay Alexis." turan niya at saka nagsimula nang maglakad.


Devin looks like a sweet brother. Kahit ang strong ng features niya ay ramdam kong soft siya sa kapatid niya. Nakaka-inggit tuloy. Ang Kuya ko kasi ay kadalasang inaasar ako at binubwisit kapag may time siya.



"Thank you, Dev. Dito nalang ako." paalam ko sa kanya. Sakto namang papasok din ng room si Miss Vergara kaya nataranta ako.



"Get in, Cortez. We have a class." strikta niyang utos kaya umalis na din si Devin at naupo na ako.



"Class, it's been only two weeks since we started our lessons. I understand that you are still in the process of adjusting to college but your scores are inherently low. I know you know that half the number of my students last school year failed. What should we do about this?" I can see disappointment in her eyes habang sinasabi 'yon.



Walang nagsalita sa amin. Lahat ay tahimik dahil anytime, mukhang sasabog si Miss Vergara sa inis.



"Isa lang sa inyo ang nakakuha ng perfect scores sa mga ibinigay kong activities. Considering na may nangyari pang aksidente sa kanya." wala siyang binanggit na pangalan pero alam kong ako 'yon. Alam din 'yon ng mga kaklase ko dahil tumingin sila sa akin.



I feel relieved at some point. At least, nasa line parin ako ng gusto kong mangyari.


"We will have a remedial kung babagsak parin kayo sa long quiz niyo next week. Review all the lessons we tackled. Lalabas 'yon lahat sa quiz niyo." she said at nagsimula nang magsulat sa white board.



Bank reconciliation ang topic namin today. Hindi komplikado pero mahirap para sa iilan. Hindi din kasi madali ang accounting. Kapag mali sa una, mali na lahat. Domino effect that's why we have to be precise in recording the data.



After the discussion, nagbigay ulit siya ng activity. Agad ko din itong natapos kaya nag doodle nalang ako sa papel para makaiwas sa mga tingin niya.



It's been a week since muntikan na kaming mag-- basta. Ilang araw ko na 'yong napapanaginipan and it's not helping. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang mangyari pero ako, ayoko na. She's still my professor at ayoko na magka-aberya muli ang pag-aaral ko dito. Bukod sa pareho kaming babae, we must not violate the school rules.



She dismissed us earlier than usual. Madalas pa nga ay sumosobra siya ng 20 minutes.



"Cortez. Stay." for the first time after one week, she called me.


"Y-yes, Miss?" tanong ko.


"Today is the official start of your review. Sasamahan kita kay Doctor Samaniego. Ako na ang magsasabi sa next subject teacher mo na male-late ka ng konti." walang emosyon niyang sabi habang inaayos ang bag niya.



She looks more casual today than usual. She's wearing a black v-neck satin blouse na pinatungan ng itim na cardigan. Her pencil cut skirt made her look sexier with a pair of a 3-inch black lacey heels.



Sumunod ako sa paglabas niya. All the students are in awe with how she walks. She resembles a pricey Victoria Secret model that no one could afford. She is simply too expensive to look at, to the point where it feels unlawful.



Ang ibang lalaki ay nalalaglag pa ang panga kapag lilingunin siya. Tss. I suddenly felt the urge to punch each one of them on their ugly faces.



Nakarating kami sa CASS building at pumasok sa isang malaki ding office. But hers is definitely bigger. I saw a woman sitting in a swivel chair. Hawak niya ang phone niya habang may isinusulat sa papel. When Miss Vergara knocked on the glass door, agad tumingin samin ang babae. Is she Doctor Samaniego? Wow. She's pretty, too.


Lumapit siya samin at agad na ngumisi nang makita ako. Magsing tangkad sila ni Miss Vergara. She's wearing a dark red matte lipstick na bagay sa playful aura niya.



"Miss Danielle Cortez. Finally, we met." bati niya sa akin habang nakangisi. "I heard a lot of good and pretty things about you."



"This is Doctor Lavinia Samaniego. She's your new mentor." pakilala ni Miss Vergara sa kanya.



"H-hello po, Ma'am. I am Danielle Cortez." saka ko inabot ang kamay ko sa kanya. Hindi niya naman ako binigo at kinamayan ako.



"You're prettier than I thought. That explains the hype." she said still smirking. Hanggang ngayon ay nakahawak parin sa kamay ko.



Nang mapansin ito ni Miss Vergara ay agad niyang tinignan ng masama si Miss Lavinia.



"Stop flirting with everyone, Lavinia. She's my student. I'm watching you." mataray na banta ni Miss Vergara sa kanya.



"Relax. Hahaha. You can leave her with me. May mga ididiscuss ako sa kanya." panunuya naman ni Miss Lavinia.



"No. May sunod siyang klase. I introduced you to her para alam niya na sasusunod kung saan siya pupunta." Miss Vergara explained.



Miss Lavinia shifted her gaze to me. Hindi ko alam kung magkaibigan ba silang dalawa. Miss Vergara's face looks annoyed. Habang si Miss Lavinia naman ay todo ngisi.



"Hey, pretty. You can always visit me here. Talk to me when you have time. I'll be waiting for you." Miss Lavinia said and then winked at me.



Nahihiya akong tumango sa kanya. Sasabihin ko pa sana na pupunta ako ng lunch pero hinigit na ako ni Miss Vergara sa braso.



"Let's go. May klase ka pa." sagot niya.



I turned at my back to give Miss Lavinia an apologetic look at kumaway naman siya sakin. Siguro ay sanay na din siya sa pagka-bipolar ni Miss Vergara.



Binitawan niya lang ang braso ko ng nasa building na kami ng CBA.



"She's naturally flirty so don't fall for it. You have to focus. Regionals ang nakasalalay dito. The Dean is expecting a lot from you. Go to your class." sambit niya at tsaka na naglalad papalayo.



Tss. Mabuti pa si Miss Lavinia, mukhang approachable. Magandang idea rin pala na siya nalang ang magiging mentor ko. She looks like a fun person. Unlike Miss Vergara na parang unlocked character sa video games dahil kulay gray ang buhay.



Dali-dali akong nagpunta sa kung saan ang susunod kong klase. Hindi naman ako napagalitan dahil nasabihan na ni Miss Vergara si Mrs. Gomez about sa errand kanina.



I sat beside Alexis. "Girl, what happened?" tanong niya.



"Pumunta lang kami sa bago kong mentor." bulong ko dahil nagdidiscuss na si Mrs. Gomez sa harapan.



"5 pm to 6 pm ang review session mo?" tanong ni Alexis sakin. Nasa cafeteria kami ngayon at kumakain.



"Oo. Maybe until 7 pm. An hour isn't enough. Though I can review sa bahay, it is better to be guided by Miss Lavinia." sagot ko.



"Sabagay. Alam mo girl, I promised myself na when I reach college, hindi na ako sasali sa kahit anong contest. I spent my high school trying to beat you, but I didn't succeed. Sapat na dahilan 'yon para tumigil." sambit niya kaya sabay kaming natawa.



Nagkukwentuhan kami about sa mga interactions namin noon at puro mga kahihiyan ang sinasabi nito ni Alexis sakin. Naputol ang tawanan namin when my phone rang.



It was a phone call from Miss Vergara. May isa rin siyang text. Hindi ko na nasagot ang tawag dahil namatay rin ito kaagad.


Anthea Louise:
Meet me at my office. Now.



I showed Alexis her text kaya pinalayas niya ako agad. Siya naman ay pupunta sa Kuya niya para magpaalam. Sasama daw kasi siya sa high school friends niya sa mall.




Nagbubuhol buhol ang utak ko sa kakaisip kung ano ang dahilan pinapapunta niya ako roon. Binagalan ko nang konti ang paglalakad ko para makahinga nang maluwag.
When I reached her office, nagdadalawang isip pa ako kung ie-enter ko ba ang pin niya o mag d-doorbell ako.



I decided na i-enter nalang ang pin. I saw her sitting on the couch. Binalingan niya ako at pinaupo. I sat on the edge and tightly closed my legs. I am wearing a skirt today. Originally ay hanggang tuhod ko ito pero dahil sa pag-upo ko ay kita ang kalahati ng legs ko.



"What took you so long?" she asked habang nakakunot ang noo.



Naiinis ba siya sakin? Well, di naman na yun bago. Pero why? Bipolar kasi siguro siya. Ang hirap ipinta ng gusto.



"I had lunch with Alexis...po." I know hindi nagkakalayo ang edad namin pero ang awkward kapag hindi ko siya nirerefer as 'Miss Vergara' kaya minsan nahuhuli ang 'po' ko.



"Nagbago na ang isip ko." she said out of the blue.


"About saan po, Miss?" curious kong tanong.


"About Lavinia being your mentor." sagot niya uli kaya napatingin ako sa kanya.



"W-why? S-she's okay. I like her." I said. Napatingin siya sakin dahil sa sinabi ko.



I mean it. Mukhang magmagkakasundo pa kami ni Miss Lavinia and I like her vibe.



"You like her? You two just met earlier. That's the first time you saw her, and you already like her?" naiinis niyang sabi sa akin.


Maybe if you stop acting so strange and masungit, I'll like you more. Tss.
I rolled my eyes in annoyance. She's being unreasonable. Pagkatapos niyang ipamukha sakin nung nakaraan na she can't train me dahil, well, naging bastos ako at some point, tapos ngayon, attitude siya sakin?


"You're the one who decided na siya ang magt-train sa akin, Miss." sagot ko.


"Yes, I know. Binabawi ko na ngayon." depensa niya.


Ang gulo gulo gulo niya, grrrr. Napakahirap timplahin. Para siyang mainit na kape. Did I mention na ayaw ko sa hot drinks, lalo na ang coffee?


"May I know why? It's already settled. Mamayang 5 to 7 po sana ang magiging session namin." sambit ko na lalong nagpatiim ng bagang niya.



"Evening? Hell, no. I wouldn't let you." nagsisimula na akong mainis sa kanya.



Why would she tell me na ayaw niya akong i-train kung ayaw niya din pala sa napili niyang mag t-train sakin? Urgh, napakagulo.



"Plano ko po sanang puntahan siya doon mamaya para sa official na start ng review." sagot ko.


"I'll be the one to train you instead. Tutal ako naman talaga dapat." she said atsaka uminom sa coke in can na hawak niya.


"Paano po si Miss Lav...inia?" nadelay ang pagsabi ko dahil 'Lav' palang ang nababanggit ko ay tinapunan niya ako agad ng matatalim na tingin.


Seriously, what is wrong with this woman? Ang lamig sa office niya pero mainit parin ang ulo.



"Basta. I'll tell her na ako na ulit. Come here ng 5 pm. We'll start." sagot niya at saka tumayo at pumasok sa cr.


Sandali akong nag-isip bago ako tumayo sa akma na sanang tatayo.


"Where are you going?" tanong niya.


"Sa sunod ko pong klase." magalang kong sagot.


"Wala kayong klase after lunch. May meeting kami." sagot niya kasabay ng pag-upo niya sa ulit.


May meeting pala sila, anong ginagawa niya pa rito? Dahil siguro nandito pa ako kaya di pa siya maka-alis. She can't just leave me here alone. Inayos ko na ang bag ko at nagpaalam ng aalis.


"May mga gagawin ka ba sa vacant time mo? Kung wala, stay." utos niya.


"Akala ko po may meeting kayo? Hindi po ba kayo aattend?" tanong ko sa kanya.


"No. Meetings are boring." tamad niyang sagot.


Ay wow naman. VIP ka gurl? Sinabihan mo akong tardy noon tapos ikaw naman ang tamad na tamad ngayon. Tss.




"So, bakit mo ako iniiwasan? It's been a week." bigla niyang tanong.




---------

Uhm, hi?

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 52K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
129K 2.2K 49
"Kung kasalanan ang mahalin ka, edi ako na ang makasalanan." Professor Anntonia Cari Heinz Anntonia Cari Heinz had only one goal in her life until ev...
1.6M 65.6K 56
Autumn Skylar Claveras, the brat. Sunod sa luho. Kailan man ay hindi sya lumuluhod sa kanino man. Marami ang nagkakandarapa sa kanya. She has a beaut...
Her Savior By M

Non-Fiction

1.2M 44K 65
ProfessorxStudent Story!!!