Wise's POV
"Ini-invite kayo ni mama sa birthday nya. Pwede ka ba?" Tanong ko kay Vee. Tila hindi naman sya makapag salita.
"H-hindi ba parang n-nakakahiya Wais?" Utal nyang tanong. Hahaha, ah unang punta nya sa bahay na PARTNER na kami.
"Haha bakit ka naman mahihiya eh mabait naman si mama. Nakilala mo na sya diba? Pati nga rin si papa kilala mo na." Or ako lang nag assume na magkakilala na sila. Eh kasi nung nakaraang buwan nung umuwi ako dun parang kilala na nina mama si Vee eh.
"H-hindi ko pa sila k-kilala Wais. Nakigamit lang ako ng cr nyo nun. Hindi ko pa sila nakakausap." Nakapagtataka naman. Napakunot nalang tuloy ang noo ko. Pero kahit na ganoon ay gusto ko parin silang isama sa bahay.
"Sige na, birthday naman ni mama eh. Masarap magluto yun. Tiyak magugustuhan mo." Pagpipilit ko sakanya.
"Eeehh ikaw naman kasi! Bakit kinalimutan mo. Wala akong naihandang regalo." Hinampas pa nga nya ako. Para na nga syang hindi mapakali at napapakagat na ng labi. Napangiti ako at hinawakan sya sa magkabilang braso nya.
"Hey, kalma lang. Si mama lang naman yun. Kahit wala kang regalo oks lang sakanya. Ang importante sakanya ay yung makakadalo kayo." Sabi ko.
"Anung lang?! Eh mama mo yun, hello. Agad-agad naman kasi, kasalanan mo Wais. Nakaka-kaba. Baka hindi nya ako magustuhan." Nagpipigil na akong matawa talaga. Why so adorable, love.
"Bakit? Gusto mo bang ipakilala na kita kay mama?" Tanong ko. Eh ang nega naman kasi haha. Pupunta lang naman sya kasi kaarawan ni mama. Gusto ko narin naman syang ipakilala kay mama officially kung papayag sya. Kasi diba, dati ayaw pa nga nyang ipaalam dun sa tatlo at kay coach. Baka kasi ayaw pa nya.
"G-gusto na a-ayaw. Eh kasi paano kung ayaw nya saakin para sayo. Paano kung paghiwalayin tayo?..." hindi ko na napigilang yakapin sya. Tumatalon ata sa tuwa yung puso ko kasi gusto na nyang ipaalam.
Kung alam mo lang Vee...
"Haha grabe love, ang advance mo mag-isip. Pero hindi naman ganun si mama. Trust me." I assured her that. Kaya kung kanina ay hindi sya mapakali, ngayon ay nagiging kalmado na sya at niyakap na ako pabalik. Hinalikan ko nga ulo nya, bango kasi nung buhok. Naaadik na ata ako sa amoy.
"Samahan mo'kong mag mall bukas. Hahanap ako ng pwedeng iregalo sa mama mo." Mahina nyang sabi.
"Okay po. Maghahanap din ako. Nagtampo kasi." Sabi ko sabay napakamot sa ulo. Sya naman ay natawa.
Magka-hawak kamay kaming pumanhik. Hinatid sya sa kwarto nya at pumasok narin ako ng kwarto namin.
Nadatnan ko pa yung tatlo na nagtitiktok. Psh! Hindi ako sinasali.
Uy matagal-tagal narin akong hindi nakapag post sa tiktok ko ah... ito na ata yung time na makapag update ako. Kukuhanan ko sila ng video. Sa'kin yung mga behind the scenes nila, yung result ang kanila.
Makapaghiganti lang hahaha.
"Mga pre, birthday ng mama ko sa Mieyerkules punta kayo ha." Natigil sila sa ginagawa.
"Wow! May handaan paps?"
"Basta may shanghai"
"Pwede ba? Papayag kaya si coach?"
"Magpapaalam ako bukas."
"Yown!" Sabay nilang sabi.
"Pero kailangan daw magdala ng regalo." Mapag-tripan nga.
"Sus paps, sa pagkaka-alam ko hindi naman importante kay tita kung may regalo o wala." Sabi ni Oheb. Tsk! (-.-)
"Ang kuripot mo Oheb. Para kang may ginagatas sa bahay nyo. Daig mo pa ata tatay eh" Edward
"Bawasan mo naman yung sweldo mo, naku." Hadji
Haha ayan! Tama yan.
"May bukas pa naman tayo para makabili ng regalo." Sabi ulit ni Hadji.
"G!" Edward
"Okay" parang napipilitan na sabi ni Oheb. (^o^)
At nagpatuloy na nga sila sa pagtitiktok. Tama na siguro 'tong na-video ko.
Nag-shower na ako pagkatapos at tumitingin ng pictures. Naipasa ko na lahat. Mga loko talaga. Andami naming kuha ni Vee na mga stolen pics. Binura ko lahat nung copies nila hahaha.
Sinumbatan pa ako bakit ko raw binura, eh malamang naman diba. Ang sabi pa nga nila di bale na raw marami pa namang mga moments ang darating. Huh!
Sa kaka scroll ko nakita ko yung selfie namin ni Vee kasama yung mga sumuporta na nasa venue nung linggo.
Ipo-post ko to...
Here's the promise for commenting your answers dun sa code. Thank you for the support guys.
"A selfie with all of you.
I love all of you , my best view."
'Not all words are necessary. Eliminate some 'coz you is more than enough'
Tagal kong inisip kung papaano ko maitatago yung secret message ko para kay Vee. Shit! Halata kaya? Eyy hindi naman siguro...
Inunahan mo'ko nung pacode-code mo ah. Ito naman yung entry ko haha.
And yeah, I posted it na.
Kinabukasan...
Nasa mall na kami.
"Paps ano kayang gusto ni mama mo?" Tanong ni Edward
Actually kanina pa kami rito. Paikot-ikot nalang kami eh. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang gusto ni mama. Hindi pa kami nakakabili.
"Hindi ko nga alam. Kung ano nalang ang gusto nyong ibigay. Nakaka appreciate naman si mama kahit maliliit na bagay lang." Tangna haha ako kasi hindi pa nakakaisip kung anung ibibigay.
"Atsaka buntis pala si mama ah. Umayos kayo bukas, baka naglilihi tapos kay... ayy ewan ko nalang talaga. Ayaw kong maging kamukha nyo yung kapatid ko." Nagtaka naman ako sa naging reaksyon nung apat. Parang nagkaroon ng bumbilya sa ulo nila ah. Mga naka ngisi pa.
"Okay sige paps. Maghiwa-hiwalay na muna tayo. Kita nalang tayo sa starbucks mamaya."
At nag-unahan pa nga sila sa paglakad.
Huh?!
"Tara Wais, alam ko na kung ano ireregalo ko kay mama mo." At hinila nya na nga ako papunta saan ba 'to? Basta puro pambuntis.
"Maternity dress ibibigay ko. Sabihin mo kung magkakasya ang mapipili ko ah." Tumango nalang ako kasi naman, parang nae-excite sya eh. Naka ngiti lang sya the whole time na namimili sya ng dress.
"Eto Wais, kasya to sakanya?" Sabay pakita nya saakin nung dress.
Nag-isip isip pa ako kung magkakasya kay mama yun.
Pero umiling ako.
Namili pa sya ulit.
Mga limang dress ata yung napili nya. Magkakasya naman daw ata yun kasi lalaki pa naman daw tyan ni mama kalaunan. Oo nga noh, ngayon ko lang na-realize. Nahirapan pa tuloy syang mamili.
Teka! Ngayon ko lang din napansin. Potek na yan, bakit ba dito nya napiling bumili eh ang mahal pala rito gago. Tiningnan ko nga yung presyo nung isang maternity dress, nalula ako sa nakita. Branded naman pala kaya ang mahal.
"Vee, hoy. Tama na'to, sobra na nga ito eh." Paano ba naman kasi namimili pa ng cardigan. Para kapag tuwing gabi raw ay hindi malamigan si mama tsaka yung baby.
"Tahimik ka nga dyan Wais. Ako naman magreregalo eh."
Concern lang naman. Ang mahal kaya!
"Ang ma-mahal naman kasi, baka imbes na matuwa si mama ay magalit yun kung malaman na ang mahal pala ng bili mo rito"
"Tatanggalin ko naman yung tag Wais. Nakakahiya kayang makita ni mama mo yung presyo. Hindi ko man lang napaghandaan ang ibibigay. Ikaw kasi."
Nalaglag yung panga ko dahil sa sinabi nya. Ano raw? Hindi pinaghandaan? Anung ibig nyang sabihin, na mas mahal pa ang mabibili nya kung hindi ko nakalimutan ang kaarawan ni mama? Ganun ba yun?...
"Yung kapatid mo Wais? Anung gusto nya?" Tanong nya.
Nabayaran na namin yung ipanreregalo nya kay mama. Ngayon, andito naman kami sa isang store. Branded din ata dito eh.
"Vee si mama yung may birthday hindi yung kapatid ko." Hihilahin ko na sana sya palabas kaso binawi nya ang kamay nya at mabilis na pumunta dun sa bags.
Napabuntong hininga nalang ako.
"I bet she'll like this one. I'll go pay muna. Wait ka lang dyan." Nakangiti pa nyang turan.
Hindi ko maipagkakaila, magugustuhan ni Driana yung bag. Pero putangina! Mas nalaglag yung panga ko nung makita ko yung price nung isang bag.
Bakit parang sanay na sanay si Vee sa mga ganito? Ang sopistikada nyang tingnan habang namimili o kahit nagbabayad. Parang sanay na mag shopping. Hindi na nga sya tumitingin sa presyo. Basta kuha lang sya ng kuha at bayad.
Enough ba ang sweldo nya para makabili ng ganito? Eh pareho lang naman kaming lima ng sweldo eh... Nakakapagtaka naman.
"Oo nga pala yung papa mo. Hindi ko pa nabibilhan."
"Vee, okay na'to. Ang dami na nito oh. Si mama nga lang kasi yung may kaarawan." Ako na tuloy ang nahihiya. Hindi ko pa nga alam ano ireregalo ko eh.
"Tara na, baka hinihintay na tayo nung tatlo." Nauna na akong maglakad. Pero nung napansin kong hindi sya sumasabay ay nilingon ko pa sya pabalik. Nakanguso pa nga at humalukipkip.
"Last na talaga, sige na love please." Ang cute nung pagkakasabi nya ng love eh hahaha, humina ang boses pagkasabi nung love.
(-.-) Wala naman na ata akong magagawa eh.
Kaya ayun malapad ang ngiti nyang pumasok ulit sa iba namang store. Ako sunod lang ng sunod sakanya.
Dito nga pala kami napasok sa mga pabango.
Ilan na ba ang nagastos nito? Ang mahal ng pabango tangna.
Ang lapad ng ngiti nya ha. Sya ang nagbitbit nung ibang paper bags. Ang kulit nga, ang sabi ko ako na eh kaso mapilit kaya ayan sya na nagbitbit.
Pagka-rating namin sa starbucks andun na ang tatlo at mga naka order na. Kami oorder palang.
"Grabe naman kayo paps, ang dami ng regalo nyo ah." Edward
"Nahiya naman yung regalo ko sa inyo." Oheb
"Hindi nyo naman sinabi na paramihan pala ng regalo" Hadji
"Tsk!" Tanging reaksyon ko.
"A-ah kaassii a-akin yan l-lahat." Nahihiyang sabi ni Vee.
Muntik pang maibuga ni Oheb yung iniinom nya pagkasabi nun ni Vee.
"Gago! Hindi ka nagbibiro momsh?!" Oheb
"Hindi naman siguro bubuksan ni tita yung mga regalo nya na andyan pa tayo diba? Nakakahiya." Edward
"Sabi ko na dapat dinamihan ko rin eh" Hadji
"Ewan ko ba dyan. Si mama lang naman sana ang bibigyan kaso pati si papa at kapatid ko bibigyan nya rin" seryosong sabi ko.
Maya-maya ay nakarinig ako ng tawa.
"Ah haha kaya naman pala" Edward
"Okay, gets!" Oheb
"Ahm, meeting the family na kasi?..." sa sinabing yun ni Hadji ako napatigil.
"Ji! Hinahaan mo yung boses mo." Mahina pero mariing sabi ni Vee.
Nag peace sign nalang si Hadji at nagpatuloy sa pag-inom.
Kami ni Vee ay hinintay muna yung order namin.
Sa bahay nalang namin iinumin kaya lumabas na kaming starbucks at umuwi na. Gabi narin kasi.
"Maglalaro ba muna kayo?" Tanong ni Vee nung mailagay ko sa kama nya yung mga paper bags.
"Oo, practise muna."
"Gusto kong magpractise din kasama nyo"
"Alam ko pero kailangan mo nang magpahinga." Sabay gulo ko nung buhok nya.
"Kakain ka ba muna?"
"No. Busog na ako. Tapos may drinks pa nga ako oh." Sabay turo nya sa take out namin galing SB.
"Okay, pahinga kana. Good night."
"G'night"
At pumunta na ako ng game room.
"Paps! Dali, online si BB."
Excited na sabi ni Edward.
"Sandali"
Halata bang nae-excite kami tuwing nakakalaro namin si BB? Hehe.
Kasi kapag kaming lima with Vee, puro kami scrim, rg, srim. Kapag with BB naman puro rg lang. Yung normal na rg lang ganun. Nap-practice nya kami sa aming role. And nagagawa nyang mapalabas kami sa aming comfort role.
Nagpapalit-palit kami ng roles. Hindi ko lang matandaan kung kelan kami nag umpisa na ganito ang laro namin with BB basta ay masasabi kong maganda tong ganito.
Naalala ko nga, nagpalit din kami ng role ni Vee nun nung may nag-challenge saamin nun sa live nya. Pero hindi na kasi yun nasundan.
Magagamit namin to, soon.
Nakailang laro pa kami bago huminto.
Nasa kwarto na kami ngayon. Matutulog na sana ako nung mag ring ang phone ko.
Bakit gising pa 'to?
Ako: Hello?
Vee: Wais
Ako: Bakit hindi ka natutulog? Luh anung oras na.
Vee: K-kinakabahan ako.
Ako: hahaha.
Vee: luh, tawa pa nga. Kulang ata yung mga nabili ko eh.
Napabangon ako ng wala sa oras dahil sa sinabi nya.
Ako: Vee ha! Tama na yun. Sobra na nga yun eh. Hindi ka naman obligado na magbigay.
Vee: Gago ka ba Wais?! Pampa good shot ko yun.
Ako: pffft hahaha. Mabait naman pamilya ko eh. Atsaka Vee...
Vee: oh?
Ako: pwede bang kay mama ko muna ikaw ipakilala at kay Driana? K-kasi nahanap pa ako ng t-tyempo para masabi kay p-papa eh.
Vee: hmm mm. Okay lang Wais.
Ako: Thank you for understanding. Hwag kang mag-alala, maipapakilala rin kita kay papa bilang partner ko. Bukas team captain na muna (T.T)
Vee: Oks lang.
Ako: I love you
Biglang sabi ko.
Vee: Same
Ako: andaya naman. Anung klaseng sagot kaya yan.
Vee: uh likewise?
Ako: Vee...
Vee: hahaha bakit? Tanong ba yung sinabi mo?
Ako: h-hindi pero sana tumugon ka rin. Matic na dapat yun...
Vee: ay ganun ba yun? Haha sige ulitin mo.
Ako: pag ako pinagt-trip...
Vee: hindi kasi, sige na.
Ako: I love you
Vee: I love you too.
*toot...toot...toot*
Hahaha pinatayan ba naman agad. Napangiti nalang tuloy ko. Cute.
*beep* text galing kay Vee
Vee: I saw your post.
Basa ko at natawa sa sunod nyang text.
Vee: Got your secret message :)
Maypa-best view best view ka pang nalalaman ah.
Vee: I like how you lowkey flexed your feelings for me.
Nag reply din ako.
Ako: I want to publicly confess that we're together pero ayaw mo pa naman. At hindi ko pa nga rin nasasabi kay papa na ganito ako.
Ako: I don't want us to just settle with this kind of set up. We deserve better.
Ako: You deserve better
Vee: Hindi na ako kinakabahan.
Napatawa ako ng malakas dahil sa reply nya. Pero natigil kasi napaingos yung tatlo. Luh, sabay sabay parin sila?...
Vee: Good night Wais.
Ako: Good night love.
Let's see bukas...
Kung hindi kana ba talaga kinakabahan.
------------------------
Guys, sabihin nyo lang kung bawal yung pic na ginamit ko at aalisin ko hehe. Gusto ko lang makita nyo yung "selfie" ni Wise. At para may idea kayo kung ano yung secret message nya para kay Vee ^o^
Sorry, nagfi-feeling detective ako haha.