Chapter 2: Let's Be Friends
Prism
When I reached home, hindi na ako nakapag-ayos ng sarili. Nahiga agad ako nang maabutang natutulog pa rin si Mama. I lay down next to her bed, may maliit doon na sofa. Binulungan ako ng antok. I catched a nap dahil pagod na pagod na talaga katawan ko. Dilim noong ako'y magising, gumaan papaano ang pakiramdam ko.
Tulog pa rin si Mama. As I waited for her to wake up, I changed my clothes.
"'Ma, nandito na po ako," sambit ko noong makitang dumilat na siya nang mariin mula sa mahimbing na pagkakatulog. "Gusto niyo na po bang maghapunan na? It's already 8 PM," the next thing I said.
Maliit siyang tumango. She's in the process of recovering, she can't speak and walk.
"Sandali lang po."
I went to kitchen. I prepared our food. Nawala na ang init ng lugaw kung kaya't pinainit ko muna ulit. I came back to her room with a bowl in my hand. Ganito palagi ang routine namin araw-araw, bagay na hindi ko pagsasawaan. Ang pagsilbihan siya batay sa pangangailangan niya.
I've never get tired taking care of her, she's the only one I have at ako na lang din ang meron siya.
Ipinatanong ko muna sa lamesa ang mangkok at tinulungan siyang sumandal sa headboard ng kama. Nilagyan ko ng unan ang kaniyang likuran para komportable ito.
"Kain na po." Kumuha ako ang isang silya at lumapit sa kaniya. Inihanda ko ang pamunas. Itinaas ko ang isang kutsara. Akin muna itong hinipan upang maalis ang kaunting init bago isubo sa kaniyang bibig.
Kahit sino, hindi gugustuhin tumayo sa ganitong klaseng buhay. I don't know where on earth got me here. Ang bilis ng bawat pangyayari. I have a happy and complete family but that was before. Minsan, hindi talaga mapipigilan ang galaw ng mundo kung kailan tatama ang isang mabigat na problema. Mapaglaro ang tadhana and I believe on that. Kahit hindi ka handa, kahit ayaw mo, kahit nasa gitna ka ng saya, you just wake up one day, everything just fades away. Hindi na mababawi. Pinahihirapan ka na.
Two years ago, my father and my lil brother both died in a car accident. They went Sports Arena, Manila to watch a basketball game and just a snap, tapos na lahat. May trahedyang nangyari. Pauwi na sana sila kaso nawalan ng preno ang isang truck at tumama sa kotse ni Papa, kinuha sila ng maykapal. Hirap kami ng Mama ko para tanggapin ang bagay na iyon. I thought that was the last one. Unfortunately, six months ago, na-stroke naman si Mama at sa awa ng Diyos, nagpapagaling na lang siya ngayon. Hindi ganoon kalala kagaya ng inaasahan ko ngunit hindi niya pa nagagawang magsalita nang maayos and she can't able to move half of her body. Sobrang kabado ako. Ayaw kong maiwang mag-isa rito. Akala ko, mawawala na rin siya. Tinutulungan kami ng mga tiyahin ko at ni lola pero naisip ko na hindi puwedeng umasa ako sa pera nila, I decided to find a job kahit bago lang 'yon sa akin. Mga bagay na hindi ako sanay gawin pero kailangang matutuhan. I had to work for her medicine and for my own expenses as well. Hindi biro ang presyo ng mga iniinom niyang gamot at hindi rin biro ang ginagastos ko sa pag-aaral. Minsan naisip ko na rin huminto kaso alam kong maraming aapila.
Hindi ganito kakumplikado ang buhay ko. Tanging nakapokus lang ang isip ko sa pag-aaral ko. Ngayon, ibang-iba na, malayong-malayo sa kung paano ako mamuhay noon, kailangan magdoble kayod dahil kaming dalawa na lang ni Mama ang magkasama.
"Masarap po ba?" tanong ko sa kaniya.
A small warm smile curled her lips.
"Maaga po ako umuwi, wala po ako gagawing project. Hindi po busy." Ayun ang alam ni Mama, she had no idea na meron na akong trabaho. Ayaw kong ipaalam sa kaniya ang pagsasakripisyo ko, only my Tita knows about that. Ayaw ko rin malaman niyang masama ang pakiramdam ko dahil baka ma-stress lang siya.
-
Ayara:
I'm feeling better now. Thanks for asking! How about you?
Matagal noong nag-reply si Ayara sa akin, inabot na rin ng ilang oras. Siguro, ngayon lang siya nagbukas ng phone. Para akong siraulong ngumiti na lang bigla.
Prism:
Okay na rin.
Prism Estrada sent an attachment.
'Yan 'yung gawa ko, sana makatulong.
Ayara:
Thank you, Prism! Hulog ka ng langit!!
No, ikaw ang hulog ng langit sa akin.
Anghel ka sa akin, eh.
Prism:
Welcome.
Can I ask you something?
Ayara:
What is it?
Prism:
Simpleng question lang.
Ayara:
Go on.
Prism:
Hehe.
Ayara:
Ang cute ng Hehe mo.
Ano bang tanong 'yan? Hurry po.
Prism:
I just want to ask if have you eaten your dinner already?
Ayara:
Ahhh. Hirap na hirap itanong, ah.
Actually, I'm currently eating.
Prism:
Good. Kain mabuti.
Ayara:
Medyo late na nga kumain.
Ikaw? Kumain ka na? Uminom ka na ulit ng gamot?
Prism:
Yes. All goods na. Nakahiga na ako, nagpapahinga.
Ayara:
Mamaya pa pala uwi ko.
Nasa work pa ako, gusto ko na rin magpahinga kaso baka hindi na ako mabuhay kapag nagpahinga.
Prism:
What do you mean?
Ayara:
Siyempre, mahirap ang buhay. Kahit pagod ka, tatrabaho pa rin.
Prism:
Ano bang trabaho mo?
Ayara:
Secret.
Natikman mo na ba 'yong shawarma pizza?
Prism:
Hindi pa. Saglit, kainin ko na.
Ayara:
Favorite ko 'yan!
And the conversation did not stop until I realize it's already 11 PM. Hindi mabura ngiti ko. Hindi ko na alam kung saan-saan napupunta ang usapan namin. Hindi rin naman ako binibisita ng antok. Nalaman ko na mahilig siya sa ice cream, she ain't picky in terms of food, wala siyang ayaw, paborito niya ang kulay orange, she even told me her favorite songs, she likes watching movies at kung ano-ano pa. Ganoon din ako, I share some of my favorites. Kagaya ng chess, gray paborito kong kulay, mahilig ako sa mga old song, 90's kumbaga at kung ano-ano rin.
Prism:
Mahilig din ako sa movies but mostly, local movies.
Ayara:
Tangkilikin ang sariling atin? Hahaha.
Prism:
You got it. Hahaha, mga indie films.
Ayara:
I like sunrise.
Prism:
Oh.
Ayara:
Kapag nanonood ako ng sunrise, pakiramdam ko, it's a new beginning for me to do whatever I want, just to enjoy my life, to live to the fullest.
Prism:
Interesting.
Ayara:
It's my little happiness.
Prism, could you mind if I leave you now? Something came up.
I think good night na?
Prism:
Gagawin mo?
Ayara:
Trabaho para mabuhay ako.
Hahahahaha.
Prism:
Okay.
Good night.
Ayara:
Good night. Bukas ulit. Sleep well.
-
Nagising ako 6 AM but here I am, nakahiga habang nag-iisip kung ise-send ko ba itong isang message na ginawa ko para kay Ayara. Nagdadalawang-isip ako to press the send button. It took me an hour, nasa draft pa rin ang message. Nakatitig lamang ako.
"Bahala na," I told myself.
Prism:
Good morning.
'Yan lang. It's hard for me to get all the guts to greet 'good morning'. Just a simple greeting pero sobra-sobra ang pagninilay-nilay na nagawa ko. I'm not really good at this I know. Mahiyain ako and this is my first time.
Pumasok ako ngayong araw, nabawasan na ang bigat ng pakiramdam ko, I have a good amount of sleep. Kahit alam kong hindi papasok si Ayara, I couldn't help but search for her. Nakatingin lamang ako sa pinto ng room, waiting her existence. And I finally confirmed that she won't attend classes when I received her message. Kumakain na ako ng lunch mag-isa sa cafeteria noong nag-reply siya sa message ko kaninang umaga.
Ayara:
Good morning, Prism! See you sa monday, hindi talaga ako papasok ngayon. 'Wag mo na ako hintayin, crush mo pa man din ako. Haha, joke lang!
Napangiti ako. Bakit? Ewan. Siraulo ako.
Prism:
Okay, see you on monday. Pumasok ka na, baka hindi ka na pumasa.
Ayara:
Oo naman, papasok na ako palagi para makita mo ako. Kailangan ko lang magtrabaho ngayon.
Lumakad ang sabado at linggo, hindi na kami natigil ni Ayara sa pag-send ng message sa isa't isa. Umaga, tanghali, hapon, gabi, hindi nauubusan ng mga salita. Late nga lang ako mag-reply minsan at ganoon din siya. I'm happy. I won't deny it. Nagtrabaho rin ako ng mga araw na 'yon sa isang restaurant na filipino cuisine, isa akong waiter. Pinapayagan akong pumasok tuwing weekend pero hindi kalakihan ang sinasahod ko, sakto na para sa pangangailangan ko.
Monday na.
Finally.
Ito yata 'yong unang beses na excited akong mag-monday.
I started my day right. I used to wake up extra early from Monday to Friday. 4 AM ay gising na ako para kumuha ng mga pandesal kina Mang Reynaldo na ilang kanto lang ang layo sa bahay namin. I will sell it at the Local Market, doon ako nakapuwesto. Iniiwan ko si Mama sa bahay at si Tita Betty na ang bahala umasikaso sa kaniya. Masuwerte ako at mabenta ang pandesal tuwing umaga. Madalas nauubos, minsan naman ay may natitira ngunit kaunti lang. 'Yong kikitain ay ibibigay ko kay Mang Reynaldo at bibigyan niya naman ako ng pera, that would be my budget for that day. Samantalang 'yong sobrang baon ko ay iipunin ko upang ibili ng gamot ni Mama.
Matagal akong naligo. Matagal din akong pumili ng damit na isusuot ko. Walang uniform sa University namin, we can wear whatever we are confident and comfortable to wear to. Hindi pa rin namin kailangan isuot ang white uniform naming mga estudyanteng kumuha ng Psychology. Matagal ko rin inayos ang buhok ko, iba't ibang style ang ginawa ko. Naligo rin ako sa pabango. Naninibago rin ako mismo sa inaakto ko.
Isa lang sigurado ako, kailangan ay magmukha akong mabango at pogi sa paningin ni Ayara.
Oras na ng klase. Panay ako silay sa pintuan, waiting for her to enter. Pagkaraan ng ilang minuto, pumasok na ang aming first prof at nagsimula nang magturo. Wala pa rin siya. Umaasa pa rin ako na papasok siya, hindi na bago sa amin 'to, she used to be late and she assured me as well.
"Prism, attendance raw." Inabot ng kaklase ko ang isang yellow paper para isulat doon ang aking pangalan. Kinuha ko ito at nagsulat.
"Good morning, sir." Anghel na boses. Ang lamig. Sa wakas, makikita ko na rin siya.
"Kung hindi late, absent. Kung hindi absent, late," rinig kong salubong ni Prof Gin. Napaangat ako ng tingin, natanaw ko si Ayara nandoon sa pinto, nakatayo. Nakalugay ang maikli niyang buhok. Mas maganda siya kumpara noong huli namin pagkikita. There was no a trace of sadness on her face.
Sinamantala ko na ang pagkakataon na nakawan siya ng tingin nang matagal, hindi pa naman siya lumilingon sa akin. Paano nagawang lagpasan ng mata ko noon si Ayara? Paano ko hindi napapansin ang anghel niyang hitsura kapag late siyang pumapasok? Bakit ngayon lang ako nabighani?
I could hear the pounding of my heart. Siraulo, ano na naman nangyayari sa akin?
Ang ganda-ganda niya.
Naka-white na t-shirt ulit ito at floral na skirt pero iba na ang mga design.
"I'm sorry po," mahinhin niyang sagot.
"I don't know kung anong trip mo sa buhay. Sige, go ahead. Maupo ka na."
Naglakad na siya. Habang naghahanap siya ng vacant seat, nahanap ng mga mata niya ang mga mata ko. She waved her hand and she affords to give me her fresh smile. Tinanguan ko siya at binigyan ng isang manipis na ngiti. She has some kind of appeal that I can't deny for.
Lumapit siya sa akin, "Hi," bati niya. Ang liwanag ng mukha niya. Her smile stuck on her lips.
Tinanguan ko siya. "Attendance." Inabot ko ang hawak ko, tinanggap niya.
"Sige, dito na lang ako upo sa likuran mo," she said. Naupo na siya. Wala na akong balak pa sana siyang linungin pero kinulbit niya ako.
Nilingon ko siya. "Bakit?"
"You look good today, by the way."
I pursed my lips to stop smiling. My ears reddened as she said that. "Thanks, you too." I turned back my gaze to Prof Gin bago niya pa mahuli ang malaki kong ngiti. Ibang klase, iba ang epekto niya sa akin.
The two subjects are over. Lunch time na. Gusto ko siyang yayain na magtanghalian kasama ako, pero heto ako, nag-iisip kung paano sasabihin 'yon. Napakamahiyain ko talaga. Ako na siguro ang pinakatorpe sa mundo.
While putting my things in my bag, Ayara took a step towards me.
"Sabay tayo lunch," pagyaya niya, she flashed her broadened smile.
"Okay, sure," Isinakbit ko ang bag ko sa kanang balikat ko.
"Tara." Nauna siyang maglakad. I shook my head at bahagyang nadismaya. Naunahan pa niya ako magyaya.
Ang bagal mo, Prism.
Chicken teriyaki, one plate sisig at fried garlic rice ang binili namin. If it were up to me, ako na magbabayad ng lahat pero hindi pumayag si Ayara. Ang ending, we both paid for our share.
"Bakit lagi kang mag-isa?" bigla niyang itinanong noong magsimula na kaming kumain. "Wala lang, I always saw you eating your lunch alone here. Parang wala kang social life. Wala ka rin masyadong kinakausap sa blockmate natin. Wala ka bang kaibigan?"
Kumuha ako ng dalawang sandok ng sisig. "I don't need friends, I enjoy myself alone." Tinikman ko ang sisig, medyo sumisipa ang anghang pero masarap.
"Bakit? You tend to be more introverted?" Tumingin siya sa akin na para bang interesado ito.
I heaved a sigh. "Magastos," I simply replied.
Napakunot ang noo niya. "Magastos?" Maybe that's not the answer she's expecting to receive from me. "What do you supposed to mean by that?"
"Magastos magkaroon ng kaibigan. Kailangan ko magtipid. Lakwatsa kung saan-saan. Bili ng kung ano-ano. Distraction. Hindi good influence sa akin. Gusto ko mapag-isa. It's perfectly fine for me. Mas nagagawa ko lahat ng obligasyon ko at nakapag-aaral ako nang maayos. I'm not the type of person you can go out with." She slowly nodding in understands.
"Sabagay, may punto naman. Pero nakalulungkot maging lonely."
"No, saying that is another thing. Loneliness is an emotion, it's a feeling. Being alone and lonely are two completely different things," I contradicted. "In my case, it's maturing. I want my own personal space and personal solitude. Akala ko noon mas maraming kaibigan, mas masaya pero hindi, mas masayang maging mapag-isa."
"I totally agree with that." She continued eating.
"Besides, no one wants to be friends with somebody who's too boring. No wonder why people don't approach me more often."
She shot a glance at me. "Who says you are boring?"
"Ako lang. Feeling ko boring ako."
"So far, hindi pa naman ako nabo-boring sa 'yo. Let's just see," aniya.
I smirked and she let out a hearty laugh. Ang hinhin ng tawa niya. "Ikaw? Wala ka bang circle of friends?"
Nilunok niya muna ang kinakain niya before she spoke. "Well, meron pero lagi nilang pinararamdam sa akin na left out ako sa group. They just disappoint me."
"What happened?" Idiniretso ko ang tingin ko sa kaniya at pinanood siyang kumain.
Busy siya sa pagdurog ng sili sa sisig. She took a heavy breathing. "Parang hindi ako belong. I thought they are the real ones who are always there for me pero parang wala lang. May problema man ako at sabihin ko sa kanila, they won't listen. They invalidate my feelings. Ayaw nila ng problema, gusto lang nila ng fun. Kapag magha-hang out sila, 'di na nila ako yayayain. Kapag gusto kong pumasok sa usapan, hindi nila ako papansinin o hindi sila makikinig. Masyado siguro akong maraming problema para intindihin pa nila. I always feel out of place and I hate that feeling so I leave them without them knowing. Hindi sila 'yong tipong kaibigan na sasamahan ka sa lungkot mo." May umusbong ng malungkot na bagay sa labi niya. "I'm speaking too much, sorry."
Tinitigan ko siya. I've never get interested to someone else's discomfort. "Don't be sad. Suwerte mo, nakilala mo na ako." That's a smart thing to say.
Muling nabuhay ang ngiti niya, she looked at me, straight-on gaze. "Why? Kakaibigan mo ako?"
"Oo, let's be friends then." I definetely not having second thoughts.
A grimace touched her lips. "Really? Kakaibiganin mo lang ako? Friendzone mo agad ako?"
I just laughed softly.
Sh scoffed, "I won't accept that offer."
"What?"
"More than friends na lang sana."
Heto na naman siya sa pagbibiro niya. I did a tight-lipped smile. "Madaldal ka pala," I then said. "Mahinhin ka gumalaw, pati tumingin, mahinahon at mababa magsalita pero marunong ka magbiro ng ganyan."
"Ikaw rin. Akala ko talaga snobbish ka. Weird. I'm glad nakakausap na kita and who would have thought na gusto pa akong maging kaibigan. Nakaanim na tawa ka na nga sa akin, eh. I'm sorry for judging you wrongly."
Napangiti ako. "May boyfriend ka na?" I know the answer but it's better to make sure of that through her.
Natigilan siya. "Random mo naman magtanong."
"Meron?"
"Let me think." Napakunot ako ng noo. She can't answer right away. Bakit kailangan pag-isipan? "W-Wala siguro," she stuttered then continue eating. She may not say it, her face spoke that she doesn't want to talk about it. "Wala akong boyfriend. Alam mo, kumain na lang tayo." Just to end the topic at hand.
———