"How to scissor."
She said and smirked even more. How to what?
"W-why would I need to s-show you? D-don't you know how?" nagtatakang tanong ko sa kanya na nagpawala ng ngisi niya.
'Di ko maituwid ang salita dahil kinakabahan pa rin ako sa paraan ng pagtitig at paglapit ng mukha niya sakin. Goodness gracious, she's torturing me!
"Tss. Nevermind." disappointed niyang sagot at saka na nilagyan ng pad ang sugat ko.
Eh? Bipolar ba itong professor ko? Ang bilis mag shift ng emotions. It does not make sense at all. Why would I even bother to show it to her eh siya nga itong naggupit kanina dahil hindi ko nagawa.
"What do you want for lunch?" she asked habang nakatingin na naman sa cellphone niya.
"May mailuluto naman po ako diyan. Ano pong gusto niyo?" I asked and then she looked at me.
"Mapapagod ka. Magpadeliver nalang tayo ulit." sagot niya muli kaya hinayaan ko nalang siya.
"Kahit ano nalang po, Miss. Kung ano po ang gusto niyo."
"Nevermind. What do you have here? Ako na ang magluluto." sambit niya kaya napatingin ako sa kanya.
"May manok at baboy po diyan. Sigurado po ba kayo?" paninigurado ko.
Hesitant pa ako na pumayag pero hindi ko naman siya masasaway. Baka bumuga na siya ng apoy kapag nagprotesta pa ako. Knowing her, mabilis uminit ang ulo niya.
"Yes. I'll cook chicken adobo. Stay there." she said and immediately went to the kitchen.
Sumunod pa rin ako sa kanya sa kusina. She frowned when she saw me. Tss, napakasungit. I just wanna help and see.
"I can help po. Kahit maghiwa lang. Nakakahiya na sa inyo."
"No. Just sit there." she casually said habang itinatali ang apron sa likuran niya.
She's tall, beautiful, intelligent, and talented. She also has skills sa kitchen. What else can she not do?
She tied her hair into a messy bun and continued chopping the ingredients needed.
She skillfully butchered the chicken and chopped the onions smoothly. Wow. She really knows what she's doing.
Tumitig lang ako sa kanya habang abala siyang gumalaw. The sleeves of her long sleeve shirt are now folded up to her elbows. I can see her temples sweating but still, she looks gorgeous.
Nangalumbaba ako habang minamasdan siya. I pouted and watched her do her thing when she shifted her gaze on me. Muntikan pa akong mahulog sa upuan sa bigla niyang pagtingin.
"Careful, Cortez. Don't make me tie you to a pole para lang hindi ka na maglikot." masungit niyang sabi sa akin.
"And, don't stare too much. Baka matunaw ako." bawi niya pa bago muling isalin ang atensyon sa niluluto.
"Ang kapal." bulong ko at yumuko nalang sa may lamesa. Naaamoy ko na ang niluluto niya. Bigla tuloy akong nagutom.
Kumuha na ako agad ng plato at naglagay ng kanin para makakain kami agad pagkatapos maluto. When it's done cooking, umupo siya agad at ipinagsalin ako ng ulam sa mangkok.
Nagningning ang mga mata ko nang matikman ko ang luto niya. Ang sarap!
Hindi common sa probinsiya namin ang maglagay ng saging na saba sa adobo dahil patatas ang nilalagay namin. Pero etong luto niya ay puro saging ang sahog. Siguro ay dahil ubos na ang patatas.
"How is it?" she asked and anticipated for my answer.
"Masarap po, Miss. It's my first time na makatikim ng adobo na saging ang sahog instead na patatas." I said honestly.
"Good. Kumain ka ng madami." tanging sagot niya at nagsimula na ring kumain.
Naubos ko ang kanin at ang ulam na niluto niya. I even licked my fingers dahil sobrang sarap talaga. Natigil lang ako nang nakita ko siyang nakatitig sa akin.
"You're a big eater pero ang payat mo." komento niya.
Kusa namang umikot ang mga mata ko sa sinabi niya. Sexy ako!
"Isa pang beses na makita kong ikutan mo ako ng mata, you'll see what will happen." pagbabanta niya.
I saw how hard she clenched her jaw kaya nanahimik nalang ako ulit. Baka bigwasan niya pa ako. Mahirap na.
Tinulungan na niya akong magligpit ng pinagkainan pero siya pa rin ang naghugas ng plato. Nabuksan niya nang malakas ang gripo kaya tumalsik sa kanya ang tubig. Her long sleeves got wet and when she faced me, I saw her bra and her chest underneath the wet cloth.
"Shit. Tumalsik sa akin. Can I borrow one of your clothes?" she asked but I was too stunned to speak.
"Cortez! What's wrong with you? You're not listening again. Tsk." she snapped at me dahil hindi ako nakasagot sa una niyang tanong.
"Y-yes po. O-of course. Come with me." nahihiyang sagot ko at dumiretso na ng kwarto.
Sumunod naman siya sa'kin at nakita kong pinagmasdan niya ang paligid.
Binuksan ko kaagad ang cabinet ko at naghanap ng pwedeng ipasuot ko sa kanya. Nahanap ko ang isang large pink t-shirt na may print na barney sa harapan at ibinigay sa kanya.
My eyes widened in surprise when she started unbuttoning her long sleeves in front of me.
"W-what are you doing, M-miss Vergara?" tanong ko sa kanya.
"What do you think, Cortez?" she said and flashed a wild grin on her face.
Tatlong butones na ang natanggal niya and it revealed her red brassiere and her.....and her cleave-- cleavage. Ehem.
Mabilis akong tumalikod at pumikit nang madiin sa hiya.
"Y-you should have warned me bago kayo m-maghubad." nginig kong sabi sa kanya habang nakatalikod pa rin.
"Why would I even bother? We're both women. Hindi ka pa ba nakakita ng babaeng hubad?" she asked and chuckled softly.
Well, I've seen Belle and my other classmates in high school but never a professor.
"Y-you're still my professor s-so hindi pa ako sanay. I have only seen my friends and classmates way back." depensa ko.
"Don't worry, sasanayin kita." sagot niya kaya napaharap ako ulit sa kanya.
"WHAT?!" gulantang kong sabi.
My eyes went straight to her body. Until now ay hindi niya pa rin nasusuot ang damit na binigay ko sa kanya. She's still wiping her chest dahil 'yon ang nabasa kanina.
Her physique is perfect. Para tuloy gusto kong sumipol sa nakikita ko. She has perfect curves. Her abs are a bit visible and her super flat tummy is flawless.
"You're drooling. Wipe your mouth." nanunuya niyang sabi at ako naman ay uto-utong nagpunas ng bibig.
She is now fully dressed.
Bagay 'yon sa kanya. Dahil bright pink ang kulay, mas nagmukha siyang maputi. Nakakainggit!
"I am not drooling! Not over you. Tss." pabalang kong sagot kaya medyo tumaas ang boses ko.
"Do not raise your voice at me, Cortez. Don't make me force you to shut your mouth in a way you'll regret." makahulugan niyang sabi habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
I gave up again. Umiwas ako agad ng tingin. Her eyes are burning at hindi pa ako handang masunog.
"S-sorry, Miss. Nabigla lang po ako. E-excuse me." paalam ko sa kanya at lumabas na ng kwarto. I went to the bathroom to calm myself bago humarap sa kanya ulit.
I washed my face multiple times para mawala ang pamumula ng mukha ko pero hindi natatanggal. Argghhh!
Gusto ko na siyang umalis pero hindi ko naman siya pwedeng ipagtabuyan. Her intentions are pure at sobrang appreciated ko 'yon. Kaso, hindi ko maintindihan ang nangyayari sa'kin whenever she's near. And when I saw her topless, I lost it. The sight of her half naked sent shivers down my spine. ANO BA ITO? BAKIT GANITO ANG NARARAMDAMAN KO?!
Kahit gaano kalalim ang pag-iisip ko ay hindi ko pa rin mahanap ang sagot. Maybe it's just because I'm scared of her. Maybe because she's pretty intimidating. Or maybe both.
Lumabas ako ng cr at nagpunas ng mukha sa kwarto. Sumunod siya sa akin at sumandal sa pintuan habang tinitignan ako.
"You okay?" tanong niya sa akin. Hindi ako sumagot.
Lumapit siya at umupo sa kama ko. She then stared at me.
"Hey. Are you okay?" sinsero niyang tanong. Her voice sounded so soft that it made my knees feel weak.
"Nahihilo ka ba? Masakit ba ulo mo?" tanong niyang muli at saka tumayo at hinawakan ang baba ko para iharap ang mukha ko sa kanya.
Here it goes again. I can feel my blood flow running around my body.
"M-miss, I-- y-you're too close." halos pabulong kong sambit habang ine-examine niya ang ulo ko.
"What? Does it hurt?" tanong niya ulit at bahagya nang lumayo sa akin.
Tinitigan niya ako saglit at nag-antay ng sagot ko pero umiling lang ako.
"I thought you already collapsed in the bathroom earlier. What took you so long? Tell me kapag may nararamdaman ka. We'll go to the doctor."
May nararamdaman ako. Hindi ko lang din alam kung ano. Hindi ko rin alam kung bakit kapag lalapit ka ay naghuhurumentado ang puso ko.
"A-ayos lang po ako. Medyo mainit lang." palusot ko sa kanya.
"Mukha nga. Your face is so red. And, you're sweating."
Agad akong nagtakip ng mukha at lumabas ng kwarto. Sumunod naman siya at kumuha ng tubig sa pitsel. Ibinigay niya sakin 'yon. I took it with my shaking hand.
"T-thank you po." sagot ko at ininom ito.
"Careful. Baka ikaw naman ang mabasa." bigla kong naalala ang paghuhubad niya kanina pagkasabi niya no'n kaya naubo ako.
"What the, I just told you to be careful." nilapitan niya ako at marahang hinaplos ang likod ko.
I faced her this time. I tried to look in her eyes to see if I am ready to defeat her burning gaze. But once again, I failed. I failed horribly and it's embarrassing. I felt so embarrassed that my tears fell into my cheeks without me knowing.
I'm baffled as to what's happening to me right now. I despise having that sensation of suffocation whenever she's in my vicinity. I despise the fact that whenever she touches me, I lose control. I despise the fact that whenever her scent enters my nostrils, I have to pause and take a breath because it makes my knees weak. I despise her presence in any form.
I wish she could tell me. But I don't want her to know. Never.
"W-why are you crying? Let's go to the hospital. Come on." she panicked and held my arm.
Hindi ko siya hinayaang yapusin ako. Instead, malakas kong binawi ang braso ko sa kanya.
She glared at me fiercely. Maybe shocked with what I just did. I tried so hard to compose myself bago magsalita.
"Miss Vergara, p-please leave. N-now." I said.
She instantly frowned after hearing me. She looked away and clenched her jaw.
After a few seconds, she went back to the living room. Kinuha niya ang bag niya saka muling sumulyap sa akin.
"Take care. Don't force yourself to attend classes tomorrow. I'm sorry for coming over." she said at saka na lumabas ng bahay. She also closed the door on her way out.
I walked towards the window at nakita siyang pumasok sa kotse niya na nakapark sa labas ng kahoy na bakod.
I cried silently. Hindi ko kinakaya ang mga pangyayari. It's like I'm in a new world. This is not the situation I imagined I would be in. It is far from I I have dreamed of.
Maybe it is her way of punishing me. Pero imposible dahil wala naman na siyang ginawang masama sa akin. What happened to me is a pure unintentional accident. I am sure na hindi niya rin gusto ang nangyari.
Ako lang ang may mali dito. Ako lang ang nakakaramdam sa kung ano man ang nararamdaman ko and I hope it stops now. This can't continue dahil tuluyan na akong mawawala sa sarili ko. I couldn't figure out why this is happening to me. It felt so strange and unfamiliar. Something I've never felt before.
Halos isang oras akong tulala bago ako lumipat ng kwarto. Nagpapadyak at nagdabog ako para mailabas lahat ng hinaing ko sa buhay hanggang sa makatulog ako.
Nagising ako sa katok na naririnig ko mula sa labas. Pagbukas ko ng pinto ay si kuyang grab driver ang dinatnan ko. He handed me five paper bags atsaka na umalis.
Nag order ba ako? Hindi rin ako siningil ni Kuya kaya nakapagtataka.
Isinalin ko agad ang napakaraming pagkain sa lagayan. I checked my phone kung aksidente ko ba itong napindot pero wala naman sa order history.
When I checked my messages, I knew it.
Anthea Louise:
I sent you food. Eat.