Chasing Stars

By gabriellexyzcx

778K 19.7K 6.4K

Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford Unive... More

Chapter 1 - First Encounter
Chapter 2 - Bend Me
Chapter 3 - Hate
Chapter 4 - Drive her insane
Chapter 6 - Smile
Chapter 7 - Scissors
Chapter 8 - Naked
Chapter 9 - Almost
Chapter 10 - Why?
Chapter 11 - Kiss
Chapter 12 - Long Night
Chapter 13 - Wet
Chapter 14 - Towel
Chapter 15 - Baby
Chapter 16 - Visitors
Chapter 17 - Bliss
Chapter 18 - Tears
Chapter 19 - Drunk
Chapter 20 - Second Time
Chapter 21 - Back
Chapter 22 - Top
Chapter 23 - Pain
Chapter 24 - Have
Chapter 25 - Picnic Date
Chapter 26 - Yes
Chapter 27 - Note
Chapter 28 - Whiskey
Chapter 29 - Coming
Chapter 30 - Faces
Chapter 31 - Her
Chapter 32 - Storm
Chapter 33 - Surprise
Chapter 34 - Reasons
Chapter 35 - Yours
Chapter 36 - Happiness
Chapter 37 - Wait
Chapter 38 - Confessions
Chapter 39 - Bleed
Chapter 40 - Happy Ever After Does Exists
Epilogue
Special Chapter - Office
Special Chapter - Craving
Special Chapter - Shower
Special Chapter - Love
Special Chapter - Godparents

Chapter 5 - Unsent

15.4K 525 50
By gabriellexyzcx

It's been a week since the "faculty room" scene happened. Isang linggo ko na rin siyang iniiwasan at alam kong napansin niya iyon dahil madalas ko siyang mahuli na nakatitig sa akin sa araw-araw na klase namin sa kanya. Hindi na rin naman siya lumapit o nagtangkang kausapin ako. Kahit sa recitation ay palagi akong nakayuko.


She understood it. She knows it's her fault. She made me so uncomfortable to the point na hindi ko makayang lunukin ang pride ko para sa participation ko sa klase.


"Ang boring ng klase natin kay Miss Vergara. Well, magaling siya magturo pero sa ganitong kaaga na klase ay mas lalong nakaka antok. Antahimik pa naman dahil ni minsan ay hindi ka na nagrecite sa subject niya." sabi niya habang nag uunat.


"Hindi rin kasi ako sigurado sa isasagot kaya hindi na ako nag vo-volunteer." palusot ko.

"Don't fool me, Dani girl. You're the smartest person I know. Hindi mangyayari na hindi mo alam ang sagot." sagot niya at saka ako inirapan. Gagang 'to.

"We have 30 minutes pa naman bago ang next class. I'll buy you snacks. Baka gutom ka lang." sagot niya ulit at hinila na ako papuntang cafeteria.


We bought snacks at kumain saglit bago kami pumasok sa classroom. Puro pahapyaw pa lang ang itinuturo sa amin at hindi nga nagkamali ang teachers ko noong senior high.

Malaking tulong ito para i-ready kami sa college. I hope students from Senior High will realize how important K-12 curriculum is. Kailangan ay piliing mabuti ang strand dahil 'yon na ang magiging daan mo sa college.


I'm an ABM graduate. Malaki ang tulong nito sa college dahil na credit lahat ng accounting subject na naituro na sa amin. Unlike other students na HUMSS ang strand pero business course ang kinuha. They need to undergo bridging programs para makahabol. Plus summer classes. Malaking abala.

Mabilis na natapos ang mga klase dahil wala pang masyadong ganap. Ang kailangan ko lang problemahin ngayon ay ang maghanap ng pwede kong maging mentor sa accounting dahil by September ay regional contest na. Naalala ko ang binanggit na pangalan ni Miss Vergara noon na si Doctor Samaniego. Hindi ko siya kilala kaya kailangan ko na namang magtanong-tanong.

Ayoko talagang nang-aabala ng ibang tao lalo na sa maliliit na bagay pero isa sa itinuro ng Papa ko sa akin no'ng bata pa ako ay ang magtanong kapag hindi ko alam ang isang bagay.

Katulad ng kasabihan, the one who asks is a fool for 5 minutes, but the one who never asks is a fool forever.

"Dani, maiwan muna kita saglit. Pupuntahan ko lang si Kuya. Nagtext siya sakin, eh." paalam ni Alexis sakin nang matapos ang klase namin.

Plano ko pa naman sanang magpatulong sa kanya para hanapin si Doctor Samaniego. Pero 'di bale na, ako na ang hahanap sa kanya.

Bumaba ako ng first floor para maghanap ng professor na mapagtatanungan. Dapat pala ay nagtanong na ako kay Mrs. Gomez kanina. Nakapagtatakang wala ni isa akong mahanap.

Aakyat na sana ako sa hagdan nang mapag desisyunan kong mag elevator nalang. Magbabasa na muna ako sa library. Ako lang mag-isa pagpasok ko pero bago magsara ang pintuan ay biglang may humabol.

Si Miss Vergara.

I immediately stepped back. Kinuha ko nalang ang phone ko at pasimpleng nag scroll sa feed ko. Naalala ko bigla ang friend request niya sa akin. Pero nag check ko ay wala na ang kanyang pangalan. Baka napindot niya lang noon.

"Where are you heading?" she asked coldly.

She's wearing a not-too-tight and not-too-loose suit, paired with a tight pencil cut skirt. Her heels made her look taller than usual and it made her look so elegant and classy. I wonder kung ilang lalaki ang napapalingon sa kanya araw-araw.

"L-library." I shortly responded.

Nakita ko namang pinindot niya ang 14th floor button dahil doon ang library ng building namin.


"How long are you planning to ignore me, Miss Cortez?" she said kaya bigla akong napatingin sa kanya.


Nakatalikod pa rin siya at nakaharap sa pintuan ng elevator. Nanatili lang din ako sa sulok dahil kung lalapit ako ay paniguradong hindi na naman ako makakahinga.


"I don't know what you are saying, M-miss. H-hindi ko po kayo iniiwasan." mautal utal na sagot ko sa kanya. Hindi ako pwedeng magmukhang takot kapag kausap ko siya dahil mas lalo niya lang iisipin na isa lamang akong kuting. Sawa na ako sa mga pananakot niya.


"Really? Kaya pala pati sa discussion ay hindi ka nagpaparticipate. Are you aware that recitation is a part of your grade?"


"I just really don't know the answers, Ma'am. I would volunteer if it happens na alam ko ang sagot." sagot ko. Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil hindi ako nautal sa pagsasalita. I have to speak with conviction.


"You had perfect scores from every activity I gave you. I don't believe you." sagot niya ulit sa akin.


Ilang segundong katahimikan ang lumipas. Patuloy ako sa pag scroll ng post sa Facebook ko para malibang nalang, kasabay ng panalangin kong makalabas dito.


Tinignan ko ang arrow sa elevator at nakita nasa 12th floor na kami. Again, I am suffocated by her presence kaya I don't ever wanna come near her again pero imposible dahil she's my professor.


Nabigla ako nang biglang huminto ang elevator. Mabuti na lang ay nakahawak ako sa railing dahil kung hindi ay baka nasubsob na ako sa likuran niya.

"W-what happened?" kinakabahang tanong ko. Oh, gosh. Nasira pa yata ang elevator. I don't wanna stay here anymore. I cannot take another minute with her!

"I pressed the emergency button. Don't worry. I just wanna settle this issue for once, Miss Cortez." pormal niyang sabi. Ngayon ay nakaharap na siya sakin.

She's way taller kaya halos tingalain ko siya. She's intently looking at me with her sharp eyes. It's like a predator looking at her prey.

This is what I hated the most about her. Whenever she looks at me, I feel uneasy. Maybe because she thinks so little of me. She thinks that I am arrogant, judgemental, and an inattentive being.

Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Instead, I looked away. I don't think I can bear her stares. They are way too powerful.

"I already forgave you for the careless and disrespectful things you've done to me. You are my student and I should have been more understanding. But, if ever, something like that happens again, I will make sure na babagsak ka sa values mo. Good scores are not enough. Attitude fills it up." she said with her monotone voice.

My eyes went straight to her face. Kung kanina ay hindi ako makatingin sa kanya, ngayon ay gusto kong talunin ang matalim niyang tingin sa akin.

"I already apologized, Miss. Hindi ko na po plano ang makipag away sa inyo. Just tell me what else I should do para matuldukan na ito. Hindi po ako lalaban." matapang kong sagot sa kanya.

Para akong sinisilaban sa galit. I am clenching my jaw hard para mai-divert doon ang inis ko and I know she noticed it.

She slightly tilted her head and looked at me in the eyes.

"Just because you are a presidential scholar doesn't mean that you are entitled to many things. You are a freshman and your journey hasn't started yet, Miss. You still have a long way to go. 'Wag mong palalakihin ang ulo mo. Hindi ka maisasalba niyan." lintaya niya muli.

Right after her speech, she pressed the emergency button again and the door automatically opened. She left me dumbfounded. Nalaglag ang panga ko sa mga sinabi niya. How dare she talk about attitude? Her attitude is far way worse than mine! Hypocrite.

Ang lahat ng inis na pinigil ko sa isang linggo ay para gustong sumabog. I wanna confront her. I wanna tell her to practice what she preaches dahil alam kong hindi masama ang ugali ko. I have never been treated like this my whole life.

I was never belittled and questioned. Ni minsan ay wala akong nakaaway na kaibigan o guro dahil lahat ay kasundo ko. Hindi ako sanay sa ganito.

I suddenly felt my heart aching. Nang makalabas ako ng elevator ay dumiretso ako sa restroom. I cried silently. The tears I held back there are now falling off my cheeks endlessly. Minutes later ay lumabas na rin ako. Pulang-pula pa rin ang ilong kaya payuko akong naglakad papuntang library. Hihiram nalang muna ako ng libro at sa bahay na magbabasa dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako ngayong araw.

Tatlo ang kinuha ko. Books about accounting and literature. Medyo mabigat ang mga ito kaya nahirapan akong magbitbit.

Masyado ba akong nangarap? I never imagined these things to happen. Akala ko ay maeenjoy ko ang bawat araw ko sa pinangarap kong unibersidad dahil masaya akong matuto. But the opposite happened.

Sa bawat araw na pagpasok ko ay mabigat ang pakiramdam ko. Kinakabahan ako na baka ipahiya niya ako purposely para makaganti sa mga nagawa ko sa kanya. Nakakahinga lang ako ng maluwag kapag hindi kami nagtatagpo ng landas.

Unti-unti na namang namuo ang luha sa mga mata ko nang sumakay ako sa elevator pababa. Ang sabi niya kanina ay ise-settle na namin ang kung anumang alitan na meron kami pero mas lumala lang ang inis at galit na nararamdaman ko sa kanya. Wala siya sa hulog.

Pagdating sa bahay ay agad na akong naligo at nag bihis. Pagkatapos ay kinuha ko ang phone ko para sana kamustahin si Belle. May dalawa siyang message pero hindi na siya online. Bigla ko tuloy namiss ang kadaldalan niya. Sa susunod na buwan ay uuwi ako sa probinsiya kaya iipunin ko nalang muna ang mga gusto kong i-kwento.

Tinignan ko rin ang chat sa akin ni Alexis na nasend an hour ago.

Alexis:

Gurl, sorry 'di na kita mababalikan. May emergency sa bahay :(

Nireplyan ko siya agad pagkatapos kong mabasa ang message niya.

Danielle:

Why? Hays. Sana maayos lang lahat diyan sa inyo :(

Hindi na rin siya online kaya kinuha ko nalang ang mga librong hiniram ko at nagsimulang magbasa. I tried focusing on the problems na nasa libro pero I keep hearing her voice inside my head. Para na naman akong maiiyak, dahil kapag maaalala ko ay para ring kinukurot ang dibdib ko sa sakit.

It was never a question of intelligence. Ang tingin niya lang sa akin ay isang ignorante.

My parents raised me well. Kahit hindi kami mayaman ay naturuan kami ng Kuya ko ng magandang asal.

Sa kabilang banda ng utak ko ay kinukumbinsi ko pa rin ang sarili na kasalanan ko rin ang nangyari. I made a bad impression sa una naming pagkikita but it was an honest mistake.

Ginawa kong pampalubag loob ang pag-iisip na isang sem lang naman ang titiisin ko. At kung bumaba man ang grades ko sa kanya, babawi nalang ako sa mga natitira kong subjects.

Isinara ko ang librong binabasa ko at humiga na lang sa kama. Hindi ko na muna pipilitin ang sarili ko ngayong gabi. Bukas din ang schedule ng pagdeposit sa account ng aking monthly allowance. Malaki laki ito kaya balak kong bumili na ng laptop dahil anytime soon ay gagamitin ko na ito. Balak ko ring padalhan ng kaunti si Mama para may panggastos din sila.

I grabbed my phone para i-charge na dahil nakakaramdam na ako ng antok pero pagtingin ko ay may anim na message requests sa messenger ko. I opened them at yung tatlo ay group chat para sa iba't-ibang subject. Ang iba ay galing sa mga taong hindi ko kilala. Pero may isang hindi ko inaasahan.



'Ano na naman ba ito? Hays.'

-----------

I hope you all missed Dani and Anthea like I do. Namiss din nila kayo! Salamat sa paghintay. <3 

Continue Reading

You'll Also Like

562K 22.4K 44
Madison Vasquez is a drop-dead gorgeous and a perfect recipe for immense destruction of Vasquez family. Avrielle Rawén Valle d'Aosta Cervantes is wil...
173K 2.7K 35
Sojiro Yamazaki and Grace Paosal story🖤
2.5M 81.3K 56
Athena Louise Sarxel, ang babaeng hinahangaan ng SU o Sarxel University. Sya ang cheerleader captain. Sya rin ang tinuturing na Campus Bitch Queen. D...