HANGGANG KAILAN ba ang sakit na ito!? Hanggang kailan ba ako magtitiis sa bagay na ito? Gusto ko ng sumuko pero may parte sa'kin na ayaw pa!
Dahilan para mas lalong sumakit ang puso ko! Hindi ako makapaniwala sa nakita namin! Parang mahihirapan ang puso ko na makalimot dahil sa bagay na 'yun!
"Let's get out of here." Narinig kong sabi ni Jordan pero para akong nabingi dahil sa nakita. Natuod ako sa aking kinatatayuan at patuloy lang na umaagos ang mga luha.
Hanggang sa naramdaman ko ang paghigit sa'kin ni Jordan at pagtakbo naming paglabas sa mall. Isinakay niya ako sa kotse niya.
"Just stay here. I'll be back. Kukunin ko lang si Marhea!" ang sabi niya ngunit wala siyang nakuhang sagot sa'kin. Napahawak ako sa dibdib ko nang magsimulang manikip ito.
Josiah is with another woman. Katulad ng nakita ko noon sa restaurant kung saan nagkita kami ng mama niya. Same girl, same vibes and for the first time.. I saw Elijah smiled genuinely na ni minsan ay hindi ko nakita mula nang magkakilala kami.
Pinahid ko ang luhang nagsisimula na namang mamuo dahil sa pag-alala sa bagay na 'yun. I smiled bitterly!
Now, I understand why he's like that to me. Siguro ay galit siya sa'kin dahil naging hadlang ako sa pagmamahalan nilang dalawa ng babaeng 'yun but why is he doing this to me? Tapos naman na ang lahat diba?
Why do I need to witnessed how Josiah cherish that girl by just looking at his face kanina. I saw how sweet they are at kung gaano nila kamahal ang isa't isa.
I think they're almost perfect! Josiah, who's holding that girl's waist while that girl was picking stuff toys! How they laughed while I'm suffering, looking at them!
I laughed. I sarcastically laughed! Para akong baliw na umiiyak habang tumatawa sa loob ng kwarto kung saan ako pinatuloy ni Jordan. Why am I like this? Hindi dapat ako ganito dahil una't sa lahat ay ako naman ang asawa, sana..
But the fact that we're just married in paper tapos wala ng bisa.. iyon ang nakakawala ng pag-asa ko sa amin.
Siguro ay pag-iyak na lang talaga ang magagawa ko. I thought living with a man of God is good, glorious and propitious! But I didn't expect my life to be misery!
Nakatulog ako dahil sa kakaiyak at pagkagising ko ay halos hindi ko na makilala ang aking sarili. Pagtingin ko sa salamin ay sabog ang mukha ko. Namamaga ang nga mata dahil sa pag-iyak, at namumula ang ilong. Ang buhok ko ay para ring tinirhan ng ibon!
Siguro, isa rin ito sa dahilan kung bakit hindi niya ako magustuhan. Muling inalala ko ang babaeng kasama niya at kung ikukumpara sa akin ay walang-wala ako! Baka hanggang daliri lang ako ng babaeng 'yun! Kahit sinong lalaki ay magugustuhan siya dahil sa angkin niyang ganda!
Sa tingin ko ay mayaman din siya. Talong-talo talaga ako. Pero bakit ko ba kinukompara ang sarili ko sa kanya? Unique kaya ako! May kakayahan din ako at 'yun ang magtiis sa sakit na pinaparanas sa'kin ng asawa ko! Sa tingin ko kung maglalaban kami patungkol sa bagay na 'yun, for sure ako ang panalo!
I sighed. Walang mangyayaring maganda sa'kin kung patuloy ko lang na ikukumpara ang sarili ko sa babaeng 'yun. Dapat ay maging malakas at matatag ako! Yeah, woman are prescious like rubies.. they're like a vessel that's fragile na anytime ay maaaring mabasag. But, we can also be a fighter and a strong woman!
Makakaya ko ang lahat ng 'to! Magtitiwala ako sa Kanya!
Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa harap ng salamin at tiningan ang oras. It's 10 pm in the evening. Kaya naman pala nagugutom na naman ako. Palagi na lang, after kong umiyak ay gutom ang susunod. Pero, dyes-oras na nang gabi? Ano't may naririnig pa akong ingay sa ibaba!?
I decided na lumabas ng kwarto at bumaba upang matingnan kung saan nanggagaling ang ingay na 'yun. Pagbaba ko sa sala ay wala naman. Sa kusina ay wala naman. Saan nanggagaling ang ingay?
"Are you a slut huh!? Talagang inuna mo pa ang paglalandi mo, bago ang kapakanan ng amo mo!"
Napakunot ang noo ko. Boses iyon ni Jordan! Sino ang pinapagalitan niya?
"H-Hindi ko naman po sinasadya.. at w-wala po talaga ako—"
"Shut up! You liar! Magsisinungaling ka pa eh, huling-huli ka na? I love you? Baby!? Huh! You whore!"
Dali-dali ako sa pagyagak papuntang kwarto ni Marhea nang maalala kong andito pala siya! Pambihirang Jordan! Anong ginagawa niya!?
"Talagang dinala mo pa rito sa negros ang pagiging malandi mo!? Samantalang katulong ka lang din naman!" dinig na dinig kong sabi ni Jordan! Pagdating ko doon, ay sisingit na sana ako sa usapan nang hindi inaasahan ay nasaksihan ko ang bagay na siyang aking ikinagulat!
[Pak!]
Malakas at alam kong masakit iyon. Dahil dun ay naalala ko ang unang beses na nasampal ko si Josiah. It was five years ago.
Hindi nila napansin ang aking presensiya. Ang ulo ni Jordan ay napabaling sa kanyang kaliwa kaya mas lalong hindi niya ako makita. Sa lakas ng pagkakasampal ni Marhea sa kanya ay halos mamula at mamuo ang bakat ng kamay ni Marhea sa pisngi niya. Kitang-kita iyon dahil sa maputi si Jordan!
"K-Kahit kailan ay w-wala akong nilandi!" nanginginig ang boses at puno ng poot si Marhea while looking at Jordan. Akala ko talaga ay inosente siya, but this side of her.. ang cool! "Ni minsan ay hindi pumasok sa isip ko ang maglandi! Kaya wala kang karapatan na sabihin sa'kin 'yan!"
I heard Jordan sarcastically laughed. Gusto ko ng sumingit sa usapan, kaso ay nakakahiya. Masyado silang tense! "So ano 'yung narinig ko kanina!? Don't tell me, ay guni-guni ko lang 'yun!" Aba't talaga namang hindi papatalo itong si Jordan! Bukas ng umaga lang ay tatadtadin kita ng kurot at sermon!
"At bakit ba nangingialam ka ha!? Sino ka ba!? Kaibigan ka lang naman ni ma'am Lucrasia ah!" Galit pa ring sagot ni Marhea but this time, medyo humina na ang boses nito 'di tulad kanina!
"You are in my territory kaya may pakialam ako! Hindi pwedeng dalhin mo rito sa pamamahay ko ang spiritong meron ka! Give me your phone!"
Hay nako! Mga lalaki talaga! Kahit kailan ay hindi nagpapatalo! Where's the humbleness Jordan? At ano ba ang pinag-aawayan nila!?
"B-Bakit? Anong kailangan mo sa selpon ko?"
"Just give me your phone woman!" nagtitimping turan ni Jordan. I sighed, I think I need to interfere na. Baka magsakalan pa itong dalawa!
"What's happening here?" sabay silang napatingin sa'kin.
"M-Maam.."
"Shane.."
Halos sabay na wika nila. Nagkatinginan pa ang dalawa, at sabay ding umirap sa isa't isa.
"Why are you still awake?" lumapit sa'kin si Jordan at hinawakan ang kamay ko. Tinanggal ko iyon at hinawakan ang pisngi niya. Napailing ako nang makita ang talagang mapulang pisngi niya.
"Tsk, tsk, tsk. Papaanong hindi ako magigising eh, ang ingay niyo!"
"Pasensiya na po ma'am." Si Marhea at yumukod. "Kung maari po, bibigyan ko kayo ng oras na makapag-usap." aniya at hindi na ako hinintay na sumagot pa. Tuloy-tuloy itong lumabas.
"Hey, where are you going!? I'm not yet done with you!" susubukan pa sanang habulin ni Jordan ito ngunit pinigilan ko siya at sinenyasan na hayaan na muna.
"Ano bang nangyari at nagkaganun kayo?"
"I don't like that girl! She's getting into my nerves!" frustrated na sabi niya. Umupo ako sa kama ni Marhea at siya'y nananatiling nakatayo.
"Narinig ko kayo. At hindi maganda ang mga pinagsasabi mo sa kanya."
Malakas siyang bumuntong hininga at pumamewang. "She deserves it! Nakuha pa niyang lumandi, kahit na alam niyang may dinadamdam ka! Kundi dahil sa kanya, sana hindi mo nakita ang bagay na 'yun!"
Mapait akong napangiti. So that's the reason? Ang babaw! "Para lang sa ganoon ay mananakit ka ng babae?"
"What?" Hindi makapaniwalang aniya. "Hindi iyon simple lang Shane! You're hurt, and that's because of her!" She's putting all the blame to Marhea. Bagay na hindi ko gusto at ngayon ko lang nakita sa kanya.
"You know what.. nang una kitang makilala, akala ko ikaw 'yung taong tipo, hindi makabasag pinggan." Mabait kase siya ng makilala ko. Siya ang una kong naging close sa lahat ng Salvadors. Siya ang tumulong sa'kin para makaal-adjust ako. "But, now.. I'm very disappointed Jordan. Hindi mo dapat ginawa iyon kay Marhea! She's just new here, sinong lalaki ang sinasabi mong lalandiin niya!?"
Hindi na dapat ako sumali sa away nila dahil sa dami na ng pinoproblema ko. Pero, hindi ako papayag na manahimik lang at itolerate ang mali sa tama!
Hindi siya umimik. Hindi rin siya makatingin sa'kin. Well, iga-grab ko na lang ang opportunity na 'to para pakonsensiyahin siya!
"Alam mo bang dapat sa'yo siya magtatrabaho? Ang kilala lang niyang tao rito sa negros ay si Joseph."
Doon ay napatingin siya sa'kin. Nakakunot ang noo niya. I laughed at the back of my mind. He's obvious. "Joseph?"
"Yeah, Joseph. Your brother." Talagang sinandiya kong diinan ang pagkakasabi ko. Kumibo't-kibot ang labi nito at nagsalubong ang dalawang kilay.
"Si Joseph ang nagdala kay Marhea dito sa negros para magtrabaho. At doon sana siya sainyo, kaso ayaw mo. Kaya, kay Josiah na lang ipinagkatiwala ni Joseph si Marhea. Which is siya na ang katulong ko. But, I don't consider her as my maid. Gusto ko ay maging magkaibigan kami."
I like Marhea. There's something in her na hindi ko maipaliwanag. Siguro ay dahil parehas kami ng pinagmulan. Naiintindihan ko siya at maiintindihan niya ako.
"And why are you telling me this?" Seryusong tanong niya. Hindi nakaligtas sa'kin ang pagtagis ng bagang niya. I smiled.
"Dahil gusto ko lang." tumayo ako sa pagkakaupo at lumabas na ng kwarto. Iniwan ko siya nang may pagtataka. Bahala siyang mag-overthink sa kung ano-anong bagay.
Hinanap ko si Marhea at nakita ko itong nasa pintuan. Nagtaka ako nang makitang para itong natuod sa kanyang kinatatayuan.
"Hey, anong ginagawa mo diyan?" pagtawag ko ng pansin sa kanya. Mabilis siyang napatingin sa'kin at umiling-iling. Nangunot ang noo ko at lalapit sana nang mas lalo siyang umiling.
What is she doing? May problema ba? Ipinagsawalang bahala ko ang pinapahiwatig niya at tuluyang lumapit. Ngunit pagdating sa pinto ay agad akong napaatras sa nakita. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makatagpo ko ang malamig at walang emosyong mga mata niya.
"So, you're here." Ramdam ko ang pagsitindigan ng balahibo ko sa lamig ng boses niya. Tuluyan itong pumasok sa bahay at nanatili ang tingin sa'kin. "Let's go home."
"W-What are you doing here?" Nangatal ang labi ko ng sarkastiko siyang tumawa.
"Obviously, Lucrasia." tumigil ito sa pagtawa at sa pagkakataong ito ay mas lalong nawalan ng emosyon ang mga mata niya. Para siyang patay na muling nabuhay.
"What are you doing here, brother?"
Laking pasalamat ko nang mawala ang titig nito sa'kin. Ang kanina ko pang pigil na hininga ay nailabas ko. Para akong aatakehin sa puso!
Lumapit sa'kin si Marhea at inalalayan ako. Hinawakan nito ang magkabila kong balikat at napatingin ako sa kanya dahil sa lamig ng kamay niya. Namumutla rin siya.
"What are you doing Jordan? You're meddling in my business." kalmado ngunit may pagbabantang wika ni Josiah.
I looked at Jordan when he sarcastically laughed. "Business? Is that how you treat your wife, kuya?"
"You know what I'm capable of Jordan. Don't try me." Josiah's clenching his jaw. Alam ko kung gaano ang pagpipigil niya.
"Yeah, I know. You're capable of hurting someone you love." parabolang sabi ni Jordan. Nangangamba man ngunit lakas loob na tumingin ako kay Josiah. Only to see him, looking at me intently. Gusto kong basahin siya pero ang hirap.
Ano ang nais iparating ni Jordan? That Josiah loves me? That's impossible!
Muling bumaling ito kay Jordan. "Me and my wife are going home. Let us go."
"What if I don't?" Jordan is testing his brother's patience! Which is bad. Bakas kung anong mangyari!
Josiah upper lip, rose up. And then looked at Marhea. Ramdam kong nanigas si Marhea sa kanyang kinatatayuan. Wag niyang sabihin na pati siya ay idadamay si Marhea!?
"Then let's switch, Jordan. My wife will stay here.. but I'll take that girl." sabay turo nito kay Marhea na ngayon ay napasinghap sa tabi ko.
Naghalo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Pagtataka, sakit, at pagkapoot sa kanya! Ano bang nais niyang palabasin? Hindi ako papayag na pati si Marhea ay idadamay niya sa kawirduhan niya!
I sighed at lakas loob na sumabat sa kanila. "Uuwi ako. Si Marhea ay mananatili rito." I saw hesitation in Jordan's eyes ngunit mas nananaig ang pagsang-ayon sa mukha nito.
Dumistansiya sa'kin si Marhea nang magsimulang lumapit sa'kin si Josiah. Muli ay ipinalibot nito ang kanyang kamay sa bewang ko at pumihit papalabas.
Ang bigat ng aking pakiramdam! Dapat ay magdiwang ako dahil nararanasan ko na naman ang bagay na 'to but this time, wala na akong ibang maramdaman kundi sakit at unti-unting pamamanhid.
Bago kami tuluyang umalis ay nag-iwan pa ng salita si Josiah. "Sa susunod na mangialam ka Jordan. Alam mo na ang kalalagayan mo."