Madeline Iris ( The Secret Lo...

By SeirinSky

337 67 0

Si Madeline, ay isang simpleng dalaga na ang gusto lang ay magkaroon ng tahimik at masayang pamilya, natagpua... More

Chapter one: Fire
Chapter two: Broken
Chapter three: Wild Dreams
Chapter four: Pain
Chapter five: The Proposal
Chapter six: Heartache
Chapter seven:Revelation
Chapter eight: Painful Truth
Chapter nine: Confession
Chapter ten: Baby
Chapter eleven: Bliss
Chapter twelve: Truth
Chapter thirteen: Healing
Chapter fourteen: Jealousy
Chapter fifteen: Confused
Chapter sixteen: Crash
Chapter seventeen: Mourning
Chapter eighteen: Meeting
Chapter nineteen: New Pace
Chapter twenty: Mysterious Man
Chapter twenty-one: Feiry Night
Chapter twenty-two: Secret Lover
Chapter twenty-three: Family
Chapter twenty-four: Truth Prevail
Chapter twenty-five: Bad Dreams
Chapter twenty-six: Mrs. Rosenthal
Chapter twenty-seven: I love you, Forever
Chapter twenty-eight: The Wedding
Chapter twenty-nine: Kidnap
Chapter thirty: Goodbye my Friend
Epilogue: Happy Ending

Prologue: Madeline

66 6 0
By SeirinSky

Nagulat ako ng may lumapag na libro sa harap ko kaya napaayos ako ng upo, may umupo kasi sa harap ko kaya mabilis kong sinamsam ang mga gamit ko.

"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong sa akin ni Krista na nakahalukipkip na nakatingin sa akin.

"Hindi kita iniiwasan kailangan ko lang mapag-isa." Sagot ko sa kanya pero bigla niya akong hinawakan ng mahigpit sa braso dahilan para mapaigik ako sa sakit.

"Kapag kinakausap kita wag kang bastos!" Mahina pero madiin niyang turan kaya kinabahan ako.

"Pwede ba Krista tigilan mo ako at hindi ako papatol sayo." Tinapangan ko ang boses ko at pinilit na makawala sa higpit ng hawak niya.

"Ginawa mo ba ang iniuutos ko sayo?" Napatigil ako sa pagsukbit ng bag ko at tumingin sa kanya ng deretso.

"Wala kang karapatan na utusan ako kung gusto mo ikaw ang gumawa tutal mukhang desperada ka naman." Matapang akong sumagot sa kanya akma na akong tatalikod sa kanya pero sinugod niya ako pero nakailag ako sa akma niyang pagsuntok dahilan para mawalan siya ng balanse napatigil ang lahat ng studyante na nasa library dahil sa pagbagsak niya sa semento.

"Walanghiya ka!" Hiyaw niya na nakatayo agad at lalapit na naman sa akin.

"Sige subukan mo lumapit sawa na ako sa pagiging bully mo! Hindi ako mag-dadalawang isip na ingudngod yang mukha mo sa semento." Napahinto siya at natulala sa galit kong boses saka ako tumalikod sa kanya narinig ko pa ang bulungan ng ibang mga studyante habang papalabas ako sa library.

Sawa na akong maging mahina at kawawa kaya pinag-aralan ko na hindi magkaroon ng panic attack kanina, nakahinga ako ng maluwag habang papaalis sa lugar na iyon.

Naglalakad na ako papunta sa gate ng campus habang kipkip ko ang mga libro ko ng may mabanga ako dahilan para mapaupo ako sa damuhan.

Napamura na lang ako sa isip ko kapag minamalas ka nga naman.

"Okay ka lang Miss?" Narinig kong tanong ng boses ng lalaki kaya napatingala ako sa kanya. Nakilala ko agad siya ang step-brother ko at ang myembro ng footbal team dito sa school.

"Madeline ikaw pala iyan hindi kita nakilala." Gulat niyang turan.
"Halika tumayo ka diyan hindi mo ba alam na may nagpa-practice dito?" Inalalayan niya ako na makatayo saka ako tinulungan na pulutin ang mga gamit ko na nagkalat dahil sa pagkakabanga niya sa akin.

Napatingin ako sa paligid dahil sa kagustuhan ko pala mag-shortcut ng daan ay napadaan ako dito sa may school field na may mga naglalaro pala hindi ko na ito napansin dahil sa pagmamadali ko.

"Pasensya ka na hindi ko alam." Bulong ko saka inayos ang salamin ko at tumingin sa paligid nakita ko ang mga ka-teammate niya na nagpapahinga sa kabilang bahagi ng footbal field.

"Sabay na tayo mamaya umuwi, si Kuya Tarick ang susundo sa atin." Habang naglalakad siya papunta sa isang bench na malapit lang sa amin nakasunod ako sa kanya at bahagyang tumango.

"May klase ka pa ba?" Tanong niya at tumingin sa akin.

"Wala na akong klase." Sagot ko sa kanya pagkalapag niya ng mga libro ko sa upuan.

"Hintayin mo na lang ako may dalawa pa kaming rounds." Muli akong tumango mayamaya pa ay tinawag na siya ng mga kasama niya kaya nagpaalam na siya saka tumakbo papunta sa football field.

Napabuntong hininga ako, tiningnan ko ang ID ko kung saan nandito ang picture ko sa ibaba ay ang ID number at ang pangalan ko.

Madeline Iris Gomez, ito ang pangalan ko ilang taon na rin ng muling mag-asawa ang aking ina at tumira sa mansion ng mga Rosenthal, ang asawa ng aking ina ay isang mayaman na business tycoon at mayroon siyang tatlong anak na lalaki.

Si Kuya Theo ang panganay, si Kuya Tarick ang pangalawa at si Tyron ang bunso isang taon lang ang tanda niya sa akin, mababait sila lahat at itinuring ako na parang tunay nilang kapatid.

Pero ang isa sa kanila ay hanggang ngayon ay naiilang pa rin ako si Kuya Theo na laging malalim kung tumingin at ang hindi ko medyo kinakausap dahil lagi siyang seryoso at tahimik.

Lagi itong wala sa bahay dahil nasa Manila ito at doon nagtatrabaho, bihira namin iyon makita dahil kahit weekend ay hindi umuuwi bagay na nagpapagaan lagi ng kalooban ko.

Ayoko sa kanya kumpara sa mga kapatid niya. Parehong mapagbiro at mababait sina Kuya Tarick at Tyron kaya palagay na ang loob ko sa kanila.

Si Uncle Trey naman ang step-father ko ay itinuturing kong ama dahil mabait siya at mula ng mapunta kami ni mama sa buhay nila ay naging masaya na ang pamilya nila, namatay kasi ng maaga ang kanyang dating asawa kaya hindi niya masyadong nakakasama ang mga anak niya na naging malayo ang loob sa kanya dahil trabaho ang naging prayoridad niya.

Pero ng mag-asawa muli si Uncle Trey at dumating kami sa bahay nila ay bumalik ang dating walang buhay nilang tahanan sa muling pagkakaroon ng kulay at naging mas malapit na sila sa isa't isa.

Si mama ay masaya din sa kabila ng pangit niyang karanasan sa dati niyang asawa, anak kasi ako ni mama sa pagka-dalaga ang ama ko ay patay na daw iyon ang sabi ni mama kaya mag-isa niya lang akong itinaguyod dahil lumaki ang ina ko sa bahay ampunan.

Isang dating empleyado si mama sa kumpanya ng mga Rosenthal at doon ay nakilala niya ang mismo si Uncle Trey na CEO ng kumpanya at naging magkasintahan sila at walong taon na silang kasal.

Masaya ako para kay mama dahil alam ko na masaya na siya ngayon at kita ko ang pagmamahal ni uncle sa aking ina, pero may mga tao na trabaho talaga ang mamuna at walang ibang ginawa kundi ang siraan ang aking ina. Masakit marinig ang masasakit na salitang ibinabato nila sa aking ina pero ang sabi nga niya sa akin ay wag akong papatalo sa mga taong iyon kaya nagsawa narin ako lalo na at kilala sa lipunan ang napangasawa ni mama.

Nakita ko na si Tyron na papunta sa gawi ko kaya tumayo na ako.

"Ikaw talaga hindi kita nakilala kanina dahil diyan sa salamin mo at ayos ng buhok mo." Nakangiti siyang umupo sa tabi ko at saka nagpunas ng pawis.

"Alam mo naman na hindi ako pwedeng walang salamin kasi sumasakit ang mata ko." Naupo ulit ako dahil sabi niya ay konting pahinga pa.

"Okay wala na akong sinabi, may tubig ka pa ba?" Tanong niya kulang na kasi ang tubig niya at halatang uhaw kaya inilabas ko mula sa bag ko ang tumbler ko at isang skyflakes na lagi kong baon.

"Thank you Maddie." Malambing niyang turan kaya napangiti ako sa kanya.

Tyron is the sweetest among the Rosenthal Brother siya ang mas malapit sa akin dahil iisa lang kami ng pinapasukang school mula ng malipat ako dito, at lagi kong kasabay pumasok at umuwi ahead siya sa akin ng dalawang taon at ngayong taon ay graduating na siya.

"Alam mo bakit hindi ka lumipat ng kurso?" Napailing ako sa muli niyang pagpapaalala sa kurso ko, gusto kong maging Chef kaya nasa Culinary ang linya ko habang siya ay syempre buseness management ang kinukuha.

Gusto niyang lumipat ako ng kurso at iyon ay may kinalaman sa negosyo pero mas gusto kong mag-bake at mag-luto kaya ipinursige ko ito kahit kontra si mama sa desisyon pero si Uncle Trey ay hinayaan ako sa kung ano ang gusto ko kaya wala narin nagawa pa si mama.

"Ayaw ko sa kurso mo maraming calculation." Irap ko sa kanya na ikinatawa niya kaya napailing na lang ako.

"Okay tara na umuwi na tayo." Turan niya ng matapos na niyang kainin ang biscuit na binigay ko sa kanya tumayo na siya at isinukbit ang bag niya at kinuha ang mga libro ko na lahat ay culinary books nag-sermon pa siya sa mga libro pero nauna nang maglakad kaya sumunod na ako sa kanya.

Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sa ibang estudyante na nakatingin kay Tyron na may paghanga sino bang hindi lilingunin ang isang ito siya yata ang heartrob sa buong campus dahil sa kagwapuhan niyang taglay, kaya baliw si Krista sa kanya at inutusan akong ipakilala siya kay Tyron.

Pero Tyron is a Tyron kaya wala siyang napala dito dahil kung ano ang ikinahilig sa babae ni Kuya Tarick ay ibahin ang isang ito wala siyang hilig sa pakikipagdate sa iba't ibang babae.

Kaya siya pinakakasundo ko sa lahat sa kanilang magkakapatid.

Napahinto ako ng huminto rin siya dahil may bumusina sa gilid namin ng makalabas kami ng campus.

Napatigil ako ng makita ko kung sino ang sakay ng sasakyan, at ng mapatingin siya sa akin ay literal na bumaha sa buo kong pagkatao ang kaba at hindi ko maipaliwanag na damdamin.

Bumalik na siya ang lalaking dahilan kung bakit ganito ang pakiramdam ko.

"Kuya Theo kumusta!" Lumabas siya sa sasakyan at niyakap si Tyron, matagal rin siyang hindi nagpakita sa amin siguro limang buwan rin dahil namalagi siya sa Japan para sa binuksan nilang panibagong kumpanya doon.

"Madeline Iris kumusta ka?" Nagulat ako dahil nakalapit na pala siya kaya bahagya akong napatingala sa kanya dahil sa tangkad niya.

"O-okay lang po Kuya Theo." Magalang kong sagot.

Napatango lang ito matapos akong titigan ng matagal at kita ko ang paghagod niya ng tingin mula ulo hanggang sa pababa at huminto sa hita ko, maikli ang palda namin na umabot lang ng konti sa tuhod at pitted na uniform sa taas na hanggang siko ang manggas.

"Tara na kuya nagugutom na ako." Natigil lang siya sa pagtitig sa akin dahil nailagay na ni Tyron sa likod ng sasakyan ang mga gamit namin.

Sa likod ako sumakay at nasa unahan ang dalawa, maingay si Tyron at may kinukwento siya sa kapatid malapit sila sa isa't isa bagay na hinahangaan ko sa kanila.

"Daan tayo sa drive-tru para mawala iyang gutom mo." Napatawa ako ng mahina dahil kay Tyron na reklamo na ng reklamo dahil sa gutom. Mukhang hindi pa siya nakuntento sa isang biscuit kanina kaya napailing na lang ako.

Masaya ako oo dahil hindi iba ang tingin nila sa akin, isa lang akong ordinaryong dalaga, mahiyain at tahimik siguro dahil nasanay na ako.

Pero ang bagay na gusto kong itago ay ang itsura ko hindi ako pangit kagaya ng taguri ng mga kaklase ko sa school dahil sa makapal kong salamin, maganda ako at ang itsura na ito ang naging dahilan kung bakit itinago ko ang totoo kong mukha sa ibang tao.

Ito lang ang tanging paraan para magkaroon ako ng normal na buhay araw-araw.

Napatingin ako sa rearview mirror at tumama ang tingin ko kay Kuya Theo na matiim pala na nakatingin sa akin kaya bigla akong kinabahan.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko ang takot na nananalaytay sa buo kong pagkatao.

At ng araw na iyon nakita ko sa gwapo niyang mukha ang kakaibang ngiti na mula sa kanya, at ang unti-unting pagbabago sa buhay ko na kasama siya.

Continue Reading

You'll Also Like

813K 18.3K 74
Celestine was ghosted by her best friend turned boyfriend Nathan. He broke up with her over the phone with no reason and when he came back into sight...
311K 4.5K 46
Sojiro Yamazaki and Grace Paosal story๐Ÿ–ค
6.2K 177 32
๐Ÿ”ž๐— ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ๐—ฑ ๐—–๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ป๐˜!๐Ÿšฉ "Everyone says you only fall in love once, but that's not true because every time I see you, I fall in love all ov...
12.2K 226 17
โ•ON-HOLDโ• I walked away from the crowded dance floor. Lumapit ako sa bar counter. "One Tequila Honeysuckle and one Sperm please." I winked at the bar...