Matapos ng dalawang araw na bakasyon sa Batanes ay agad din umuwi ang dalawa dahil sa biglaan meeting na kailangang maattenan ni Mikha sa kaniyang kumpanya habang ganon din naman ang mga kaibigan nila na galing din sa hiwa-hiwalay nilang mga lakad.
"Dito ka magdinner mamaya ah, hintayin ka namin ni Baby Janna" Usap pa ni Aiah habang inaayos ang kwelyo ng polo ni Mikha. Ngunit nakangiti lang naman na nakatingin si Mikha sa dalaga kaya taka naman napatingin sa kaniya si Aiah ng hindi ito nakatanggap ng sagot mula kay Mikha.
"Ano nanaman yang ngiting yan? Huh? Mikha Lim?" Tanong ni Aiah sa dalaga, nakangiti naman umiling si Mikha at hinawakan lang ang mala anghel na mukha ni Aiah.
"Wala naman, masaya lang ako kasi hindi na lang ako basta uuwi, masaya ako kasi alam kong uuwi na akong may naghihintay sa akin na dalawang napaka gandang babae na meron ako ngayon sa buhay ko" Nakangiting sagot ni Mikha at bahagyang nilapit pa ang mukha sa dalaga.
"At kayo ni Baby Queen yon" Dagdag pa ni Mikha bago halikan ang noo ni Aiah.
"Ang aga naman niyang taglay mong kalandian, Mikha" Saway ni Aiah sa dalaga kaya natawa na lang naman silang dalawa sa kalokohan nila.
"Atleast sayo lang, di ba" Natatawang sagot pa ni Mikha kaya naman pataray siyang tinignan ni Aiah.
"Aba! dapat lang, Mikha Lim. Alangan lumandi ka sa kung sino ————-
"Ayan na pala ang baby na yan! good morning baby!" Pagpuputol ni Mikha sa seremonyas ni Aiah ng makita na si Baby Queen na buhat buhat na ni Aling Fe, natatawa naman niya itong kinuha kay Aling Fr.
"Mabuti na lang talaga dumating ka sa buhay ko at nakakatakas ako sa bunganga ng mommy mo" Kunwaring bulong pa ni Mikha kay Baby Queen habang nilalaro ito.
"Baliw talaga haha, kumain na nga tayo at baka malate ka pa" Yaya na ni Aiah at hinanda na ang kakainin ni Mikha.
"Nabanggit ko na ba sayo na babae yung kameeting ko ngayon?" Nag aalangan pang tanong ni Mikha kay Aiah habang kumakain. Umiling naman si Aiah bilang sagot.
"Hindi naman na importante kung babae o lalaki yang kameeting mo, trabaho mo yan e, kumpanya mo yan, kung lalandiin mo yan, problema mo na yon, Mikha" Seryosong sagot ni Aiah, hinawakan naman na ni Mikha ang kamay ni Aiah atsaka ngumiti.
"Wala sa plano kong lumandi sa iba, okay? sayo lang" Nakangiting usap ni Mikha, nagkibit balikat na lang naman si Aiah.
"Bakit? Ano bang bumabagabag sayo?" Seryosong tanong ni Aiah sa dalaga.
"Hindi ko alam kung nakwento ko na siya sayo noon, pero anak kasi yon ng dati namin katrabaho ni Colet na pilit din nilang nirereto sa akin at kahit noon na nagsimula pa lang ako sa kumpanya, pilit siyang nagpapabalik-balik doon para lang guluhin ako" Kwento pa ni Mikha kay Aiah. Napatingin na lang naman sa kaniya si Aiah ng maalala kung sino ang tinutukoy ni Mikha. Yung babaeng linta sa coffee shop na harap harapan nilalandi si Mikha.
"Bakit mo sa akin sinasabi 'to?" Seryosong tanong pa ni Aiah kaya napahinga na lang ng malalim si Mikha at humarap sa dalaga.
"Ayoko lang magkaproblema tayo kung sakaling sa iba mo pa malaman ang tungkol kay Angela at isa pa, ayoko rin naman magtago sayo" Nakanguso ng sabi ni Mikha habang inaabangan ang magiging reaksyon ni Aiah.
"Huwag kang mag alala, Mikha, may tiwala ako sayo, oo, siguro doon sa babae wala talaga" Seryosong sagot ni Aiah kaya napatango na lang naman si Mikha.
"Huwag ko na lang kaya ituloy?" Pagkonsulta pa ni Mikha sa dalaga, umiling naman si Aiah at nginitian na lang naman si Mikha.
"No, ituloy mo, kasama yan sa pagpapatakbo mo ng kumpanya at isa pa, sapat na sa akin na alam kong wala kang interes doon sa babae na yon, kaya huwag mo na alalahanin yon" Nakangiting sagot ni Aiah, napatango na lang naman si Mikha at pinagpatuloy na lang din nila ang pag aagahan.
———————————————————————
Pagdating naman ni Mikha sa opisina niya ay laking gulat pa niya ng makita ang isang babaeng hindi niya inaasahan na makikita niya mismo sa loob ng opisina niya.
"Totoo pala talaga yung balitang magkasama nanaman ulit kayo ni Aiah" Biglang usap ng babaeng nasa opisina ni Mikha habang tinitignan ang mga picture frame na naka display. Paano niya nakilala si Aiah?
"Wala ka ng pake kung ano man meron sa amin ni Aiah ngayon, nandito ka para sa kumpanya ng pamilya mo, hindi para alamin kung anong nangyayari sa buhay ko" Sagot ni Mikha ng mailapag na niya ang gamit niya sa office table niya.
"Paano kung sabihin ko sayong kaya talaga ako nandito ay dahil din sayo?" Malanding usap pa ng babae kay Mikha ay bahagya pa itong lumapit sa dalaga.
"Paano kung sabihin ko rin sayo na kayang kaya kong itigil ang namamagitan sa kumpanya ko at sa kumpanya ng pamilya mo ng dahil din sayo?" Inis ng sagot ni Mikha sa dalaga.
"Alam mo, Angela. Hindi ko na dapat sinasabi to pero gusto kong malaman mo na, hindi mo kailangan ipilit ang sarili mo sa akin para lang mahalin kita, kasi kahit anong gawin mo, hinding-hindi ka magiging si Aiah" Seryosong dagdag pa ni Mikha. Napatango na lang naman si Angela habang naglalakad palayo kay Mikha at nakadekwatrong umupo sa sofa.
"Tama ka, hinding-hindi nga ako magiging si Aiah. Hindi ako si Aiah kaya hinding hindi mo ko matututunan mahalin, kahit na ako yung nanditong nagpapapansin sayo habang wala siya" Biglang usap ni Angela habang nakatingin kay Mikha.
"Ano bang meron kay Aiah at kahit ngayon na hindi mo siya naaalala ay nagawa mo pa rin siyang mahalin ng ganon ganon lang?" Takang tanong pa ni Angela kay Mikha.
"Oh dapat ba na ang itanong ko sayo ay kung ano bang wala sa akin para hindi mo ako matutunan mahalin?" Inis ng tanong ni Angela kay Mikha, napailing na lang naman si Mikha at umiwas ng tingin.
"Angela, itigil mo na 'tong kahibangan mo, baka siguro hindi lang talaga ako ang para sayo" Usap na lang ni Mikha sa dalaga.
"At sa tingin mo, ikaw na ang para kay Aiah?" Galit ng tanong nito kay Mikha. Agad naman na tumayo ang dalaga at bahagya pa ulit lumapit kay Mikha.
"Mikha tinanong mo na ba ang sarili mo kung karapat dapat ka ba talaga kay Aiah?" Seryosong tanong pa ni Angela kay Mikha
"Kasi kung ako ang tatanungin, sa palagay ko, hindi" Nakangiting usap pa ni Angela kay Mikha kaya takang napatingin na lang ito sa kaniya.
"Anong ibig mong sabihin?"