AIAH'S POV
Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko pa rin ang saya na merong Mikha Lim sa buhay ko. Mikha na laging magpapaalala na magiging okay din ang lahat. Mikha na mag aalaga at mag aasikaso sayo sa tuwing libreng oras niya. Mikha na ramdam mo talagang mahal na mahal ka niya.
"Iba ngitian natin ngayon ah, inlove na inlove girl?" Natatawang usap sa akin ni Stacey habang palabas na kami ng simbahan.
"Oo nga bo, blooming ka rin e, alagang Mikha yern?" Natatawang dagdag pa ni Sheena. Napailing na lang naman ako at umiwas ng tingin, ramdam ko kasing uminit ang buong mukha ko dahil sa pinagsasabi nila.
"Masaya lang" Sagot ko sa kanila, nakangiti naman silang tumango. "Masaya rin akong hindi na 5th wheel ang Mikha namin" Tawang tawa na sabi ni Stacey. "At masaya rin ako na ikaw ang napabilang sa grupong to at hindi yung Angela na yon" Medyo iritang usap pa ni Sheena
"Ayy oo girl, grabe yon no? Dinaig pa yung linta kung makadikit kay Mikha noon doon sa coffee shop" Dagdag pa ni Stacey, napag usapan naman na namin ni Mikha ang tungkol doon at alam kong wala dapat akong ipag alala sa kaniya pero roon sa lintang yon, mukhang hindi talaga magpapatalo yon.
"Hayaan niyo siya, ako pa rin naman mahal ng kaibigan niyo" Proud na proud na sabi ko with matching flip hair. Napapalakpak naman sila kakatawa kaya napatingin ang ilan sa amin.
"Ayy sorry po, hindi ko rin po kilala yang mga yan" Nahihiyang usap ko sa isang ale at tumakbo na ako ng bahagya palapit kay Mikha.
Matapos puntahan ang iba't ibang tourist spot ay ang Calle Mena Crisologo ang pinakahuli naming destinasyon. Pinanghuli na namin dahil dito namin gustong tumagal para mag foodtrip, walktrip at mamili ng mga pasalubong at souvenirs.
"Nameet mo na ba pamangkin namin ni Sheena?" Tanong ko sa kaniya habang naglalakad lakad kami rito sa Calle Crisologo. Tumango naman siya at ngumiti. "Yeah, tuwing naiiwan kay Sheena yung kambal, sinasama niya yung dalawa sa gala namin para may katuwang daw siya pag alaga sa dalawang yon o hindi kaya minsan iniiwan niya sa amin pag may biglaan na siyang meeting" Nakangiting sagot niya. "Edi nameet ka na ni Kuya?" Tanong ko pa, umiling naman siya. "Hindi, hindi kami nakapunta nung mismong kasal ni Ate Gwen at ng kuya mo, pumunta kasi kaming apat nila Colet sa Zambales kaya laking tampo rin sa amin nung magkapatid. Hindi naman namin akalain na aabutan kami ng bagyo ron" Natatawang kwento niya.
"May tinatago pala sa akin yung kambal ah" Napapailing na sabi ko. Hinawakan naman niya ng mahigpit ang kamay ko at napangiti. "Alam nung kambal na ayaw ng pamilya niyo sa mga piloto lalong lalo na sa eroplano, isang beses, nung nasa condo ko yung dalawa tuwang-tuwa sila habang nilalaro nila yung mga naka display kong eroplano ron, pinabayaan ko na lang na guluhin nila yon kasi alam ko naman na wala sa bahay nila non"
"At aware sila na dapat nilang itago na may Tita Mikha sila na isang piloto dahil alam nila na magagalit ang daddy nila sa kanila. Kaya nung nabanggit ni Sheena na ayaw nga ng pamilya niyo sa piloto naisip ko na rin na baka ikaw yung isa pang tita na kwinekwento nung kambal, naconfirm ko lang yon nung nasa Siargao na tayo"
"At nga pala, kung hindi mo pa alam, dream nung dalawa na mag piloto" Dagdag pa niya sa akin, napatigil naman ako ng marinig ko yung huling sinabi niya sa akin.
"Totoo?" Takang tanong ko pa. Tumango naman siya at ngumiti.
"Yup, lagi nga nilang sinusuot yung sumbrero at shades ko pag nasa condo ko sila. Tita idol nga ang tawag sa akin nung dalawang yon" Napapailing na sabi niya.
"Hindi nila alam yung tita idol nila girlfriend na ng Tita Aiah nila" Usap ko, natawa naman kaming pareho.
"Ngayon alam mo na, alam mo nang may dalawa na tayong kakampi sa pamilya mo sa laban na natin to" Nakangiting dagdag pa ni Mikha, nakangiti rin naman akong tumango.
"Miss ko na yung dalawang yon" Usap pa niya kaya napangiti ako. "Hindi pa rin ako makapaniwalang nagsikreto kayong lahat sa kin" Napapailing na sabi ko
"Ayaw mo pa po kasi ng piloto non" Sagot niya, natawa na lang naman ako
Matapos namin kumain sa isang kainan dito sa Calle Crisologo ay namili na kami ng mga pasalubong at souvenirs na iuuwi pabalik ng Maynila. Hindi pa man ako nakakabili ay nakarami na ng order ang Mikha ko habang hawak hawak pa rin ang kamay ko.
"Love, ang dami na niyan baka hindi na magkasya sa ref mo yan" Bulong ko sa kaniya, nakangiti naman siyang humarap sa akin. "Para kila ate yan at sa pamangkin ko, syempre para sa pamilya mo rin lalo na sa kambal at sa mommy mo, wag mo na lang sabihin na galing sa girlfriend mo" Natatawang usap niya at nagpatuloy sa pamimili. Hindi lang pala relasyon namin ni Mikha ang apektado sa issue nang pamilya namin, pati na rin pala ang pangarap ng mga pamangkin ko. Kung hindi lang talaga tumuloy si Daddy non baka hindi nila aayawan ang mga piloto at eroplano ngayon.
"Paano kung sabihin ko na sa girlfriend ko galing yan?" Nakangiting tanong ko sa kaniya, ngumiti naman siya at umiwas ng tingin. "Siguraduhin mo lang na hindi mo ko iiwan kapag nagkanda labo labo na ah" Sagot niya. Hinawakan ko naman ng mahigpit ang kamay niya kaya siya napalingon siya sa akin.
"I love you" Biglang usap ko, napangiti naman siya bago sumagot. "Mahal din kita kaya tulungan mo na akong mamili para sa pamilya mo para makapag lakad lakad pa tayo" Natatawang usap niya pinagpatuloy naman na namin ang pamimili bago tuluyang maglakad lakad ulit.