Chapter 10
"Sabi mo naman may shooting sa school niyo, 'di ba?"
"Meron po."
"Doon ka na lang manood," sabi ni Papa. "Naiintindihan mo naman ang Mama mo, 'di ba?"
Tumango ako. Alam ko naman na hindi ako papayagan, pero sumubok lang naman ako. Kahit naman nung bata pa ako, hindi ako pinapayagan na sumama sa mga bata na hindi ko kilala. Kahit kapag may group project na kailangang gawin sa labas nung nasa high school pa ako, tinatanong ni Mama iyong pangalan ng mga kasama ko sa group project isa-isa at icoconfirm pa iyon sa magulang nila.
"Matutulog ka na ba?"
"Hindi pa po," sagot ko dahil manonood pa ako ng movies. Ayoko na ulit bumalik sa mall dahil kahit naglakad lang naman ako ay parang pang isang linggo iyong pagod ko. Nasa Youtube movies naman iyong mga kailangan kong panoorin at may credit card naman.
Habang hinihintay kong magloading iyong rinentahan kong movie sa Youtube ay pumunta muna ako sa Instagram. Naka-follow na rin kasi ako sa mga accounts na pictures ng mga lugar ang naka-lagay—nung huling basahin ni Serj ang script ko ay sinabi niya na mas maganda kung mas magiging descriptive iyong settings ko para mas madaling mag-imagine. Iyon daw kasi ang trabaho ng scriptwriter—i-describe iyong scene pati mga eksena. Mas madadalian ang director kung malinaw ang vision ng scriptwriter.
11:39pm nang magdesisyon ako na bumaba para kumuha ng baso ng gatas. Sabay na napa-tingin sa akin si Kuya Robert at Ate Gina.
"Bakit?" tanong ko dahil may kakaiba sa mga tingin nila.
"Wala naman..." sagot ni Kuya Robert at saka siniko siya ni Ate Gina. Hindi ko na sila pinansin dahil baka nag-aaway na naman sila. Sabi ni Papa ay 'wag akong makiki-Sali kapag may nag-aaway. Hindi rin naman ako interesado sa problema ng ibang tao.
Dumiretso ako sa ref at kukuha sana ako ng gatas doon, pero naagaw nung chocolate milk iyong pansin ko. Naka-tingin ako roon at nag-iisip kung ano ang kukuhanin ko nang marinig ko ang pangalan ko.
"Karma," pagtawag ni Ate Gina.
"Bakit po?"
"May bagong kaibigan ka?"
"Sino po?" tanong ko habang kinu-kuha iyong gatas. Bukas na lang iyong chocolate milk. Nakapagdesisyon na ako.
"Austin Archangel daw," sabi ni Ate Gina.
Tumingin ako kay Kuya Robert. "Masama magchismis," sabi ko sa kanya kasi sila ang nagsabi sa akin na kapag sinabi sa 'yo ng isang tao, bawal mong sabihin sa iba dahil chismis ang tawag doon—unless bigyan ka ng permission na sabihin sa iba.
"Iba ang rule kapag mag-asawa," sabi ni Kuya Robert.
"May ganoon?" tanong ko dahil ngayon ko lang nalaman iyon.
Tumango siya. "Oo—saka kapag boyfriend-girlfriend, ganoon din iyong rule," dugtog niya. Napa-tango ako. So, ganoon pala iyon—pwede mong ichismis sa boyfriend o asawa mo. Bagong kaalaman. May nalalaman talaga ako araw-araw.
"So, sino si Austin Archangel na inspiration mo raw?" tanong ni Ate Gina sa akin.
"Inspiration ko sa script ko."
"Sino ba iyan? Nakaka-curious. May picture ka ba?" tanong niya. Umiling ako. Bakit naman ako magkakaroon ng picture ni Austin Archangel? "May Instagram ba?" tanong ni Ate Gina. Tumango ako. Kinuha niya iyong cellphone niya at pumunta sa Instagram. "Naka-follow sa iyo!"
"Alam ko po," sabi ko.
"Ay, grabe naman, Karma! Paka-gwapong bata naman nito!"
I shrugged. Personally, he looks like a normal human being, but I've seen how the women population looks at him. Alam ko na gwapo siya.
"Papuntahin mo naman dito!"
"Bakit?"
"Wala—friends naman kayo, 'di ba?"
"Paano ba kapag friends?" tanong ko dahil kung tatanungin ako ngayon kung sino ang kaibigan ko, wala akong maisasagot. Ayos lang din naman sa akin—I live in the age where being alone doesn't suck anymore. Give me internet and laptop and I'll be fine.
"Friends kapag—" sabi ni Ate Gina, pero napa-hinto siya at tumingin kay Kuya Robert.
"Kapag tinutulungan ka, mabait sa 'yo, kinakausap ka palagi—"
"Parang 'di na friend 'yan!" sabi ni Ate Gina.
Napa-tango ako. "May dalawa akong friend," sabi ko.
"Dalawa?"
"Si Austin Archangel at Serj."
"Aba, at may Serj pa?!" sabi ni Ate Gina.
Tumango ako. "May Instagram din si Serj. Aakyat na po ako," sabi ko dahil baka mawala na ako sa mood sa pagsusulat dahil 9 minutes na akong naka-tayo dito.
Pagbalik ko sa kwarto, pumunta muna ako sa Instagram. Nakita ko na may message doon si Austin Archangel. Napa-kunot ang noo ko nang may picture ng pusa na kulay light gray.
austingdl: Any tips?
bluethecat: Sa 'yo 'yan?
austingdl: Yes. My brothers' gift.
bluethecat: Birthday mo?
austingdl: No. Honestly, I think they just want a pet.
bluethecat: Bakit pusa?
austingdl: No idea.
bluethecat: First time mo magka-alaga?
austingdl: I used to take care of Saint's chicks.
bluethecat: Chicks?
austingdl: Yeah. But they're dead and buried somewhere in Tagaytay.
bluethecat: Bakit namatay?
austingdl: They got sick.
bluethecat: Pinagamot niyo?
austingdl: Of course. They had doctors. I wasn't negligent.
bluethecat: Good. Because having a cat, or any pet, is a commitment.
austingdl: I know.
bluethecat: So, first, what's the name?
Hindi na ako nakapagsulat ng script dahil nag-usap kami ni Austin Archangel tungkol sa pusa niya na Violet ang pangalan. Meron na siyang litter box, pero wala pa siyang laruan.
"Wag kang madamot," sabi ko kay Blue habang inilalagay ko sa bag ko iyong laruan niya na ibibigay ko kay Austin Archangel para kay Violet. Hindi pa naman nagagamit ni Blue iyon dahil meron pa siyang laruan. Kapag kasi may bago ay hindi niya na papansinin iyong luma.
Mabilis akong lumabas ng kwarto dahil mukhang kakalmutin ako ni Blue. Pagdating ko sa gym ay nandoon na agad si Coach kaya maagang nagsimula ang training. Mas seryoso sila ngayon dahil ayon sa narinig ko ay mayroong bagong player sa Brent na mukhang magaling dahil mas naghigpit si Coach.
"Sa likod ng Engineering building 'yung location," sabi ni Serj. "Punta ka pa rin ba?"
Agad akong tumango. "Ano'ng oras?"
"Start ng set-up ng 3pm pero mga 5pm pa talaga iyong shoot dahil hina-habol iyong sunset," sabi niya. "Bahala ka kung ano'ng oras mo gustong pumunta."
"Pwede ba ng 3pm? Tapos nandoon ba 'yung scriptwriter?"
"Si Kaleigh," sabi ni Serj. "Di ko sigurado, pero kung nandoon, papa-kilala kita."
Tumango ako. "Okay. Salamat," sabi ko.
Normal lang iyong nangyari nung training—nagrecord kami ng statistics, ni-record iyong game para kapag pinanood nila iyong replay, nagbigay ng tubig sa players, nagpunas ng bola, at naglaba ng towels.
Naka-tayo ako sa labas ng gym at naghahanap ng malapit na coffee shop para doon na lang ako magsusulat habang hinihintay iyong shooting ni Serj. Kapag kasi umuwi pa ako ay baka ayoko nang bumalik sa school. Mas gusto kong nasa bahay lang palagi.
"Austin Archangel," pagtawag ko nang makita kong naglalakad na siya paalis ng court. Naka-suot siya ng usual attire niya—puting t-shirt, itim na jersey shorts, at itim na sliders. Nasa balikat niya rin naka-sukbit iyong itim na duffel bag niya. Lumingon siya at saka lumakad ako palapit sa kanya. May kinuha ako sa tote bag ko. "Para kay Violet," sabi ko habang inaabot sa kanya iyong maliit na bola na dahilan kung bakit gusto akong kalmutin ni Blue kaninang umaga.
"Thank you," sabi niya. "For the record, I'm on my way to buy Violet's tree tower."
"Wala kang pasok?"
"Research break," sagot niya. "Do you want to come?"
"Okay," sabi ko. Magkaibigan naman kami kaya pwede akong sumama sa kanya.
Pumunta kami ni Austin Archangel sa isang pet supply store. Tinanong ako ni Austin Archangel kung ano pa ang kailangan niyang bilhin. Kumuha siya ng basket at inilagay ko roon iyong mga meron si Blue. After niyang magbayad ay bumalik na kami sa sasakyan niya. Lagi ko na lang napapansin iyong guards niya na naka-sunod sa amin.
"Will you go back to school?" tanong niya.
"Hindi ka ba babalik sa school?" tanong ko.
"If you'll go back to school, I'll drive you back to school... or to your house?"
"Coffee shop," sabi ko. "Iyong nasa labas ng school lang."
"Okay," sabi niya tapos ay nagdrive siya ulit. Huminto kami sa isang coffee shop na malapit lang sa SCA. Halos puno iyong coffee shop, pero ayos lang dahil tahimik naman iyong mga tao. Mga law student ng Brent at SCA—alam ko na law student sila dahil sa kapal ng mga libro na naka-patong sa lamesa at iyong pen capsule na sila lang ang nakikita kong gumagamit.
"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko nang maupo rin siya.
"Grabe," he said, laughing a little. "Can I, at least, order a cup of coffee?"
"Hindi naman kita pinagbabawalan," sabi ko dahil tinanong ko lang naman kung uuwi na siya dahil siya ang nagsabi sa akin na research break niya at saka para mabigay niya na kay Violet iyong mga biniling laruan.
"What's your order?" tanong niya.
"Hot chocolate," sagot ko.
"Okay," sabi niya at saka tumayo. Gustuhin ko mang sumunod para maka-bili ng inumin ko ay ayokong iwan iyong gamit namin dito dahil baka mawala. Ayoko ring dalhin dahil baka may kumuha ng pwesto.
Nang maka-balik si Austin Archangel ay tumayo na ako para pumunta sa counter. Umorder ako ng hot chocolate.
"You ordered?" tanong niya.
"Bawal ba?"
Napa-awang ang labi niya. "I ordered for you."
"Bakit?" tanong ko.
Napa-kurap siya. "As... a thank you? For answering my endless questions last night?"
I shrugged. "It's nothing," sabi ko. Nung una kong nakuha si Blue, sa Internet ako naghanap ng sagot sa mga tanong ko. I was happy to help—at least maiiwasan niya iyong mga mali na nagawa ko noon.
"Thank you," sabi ko nang ilapit niya sa akin iyong mug na may hot chocolate after niyang kuhanin sa couter.
"You'll stay here?"
Tumango ako. "Manonood ako ng shooting mamaya."
"With Serj?" Tumango ako at nagsimulang inumin iyong hot chocolate. Mas masarap 'yung nasa bahay. "So... how's the script going?"
"45% done."
"What does that mean?"
"I'm done with the characters and the main plot—I just have to write everything down."
"You're done with my character?"
"It's based on you—not you."
"What's the name?"
I shrugged. "Kapag tapos na."
"Okay," sabi niya. "Am I still a basketball player there?"
"Hindi."
"So... what did you get from me?"
"Your face, your height, your mannerisms, how you talk." He blinked. "How you always blink—" sabi ko. "You should get that checked. Nagpa-check up ka na ba sa ubo mo?"
He blinked thrice again.
If he weren't so healthy and if I don't literally see him run every day, I'd suspect that he's having seizures.
"Uh... yeah," sabi niya.
"Ano daw ang sabi?"
"I don't have a cough."
"How about other respiratory disease?"
"Yeah, I'm healthy."
"Okay," sabi ko. "Magpa-check up ka rin sa mata mo."
His lips parted. "Sure..."
Tumayo ako para kunin iyong order ko. Pagbalik ko, inilapag ko lang sa lamesa iyong pangalawang mug ko. Inilabas ko rin mula sa tote bag ko iyong laptop ko.
"Hi, Kuya..." Sabay kaming napa-tingin doon sa tatlong babae na naka-suot ng high school uniform ng SCA. "Can we take a picture with you?"
Tumango lang si Austin Archangel sa kanila. Binuksan ko iyong laptop ko at pinabayaan sila. Binuksan ko iyong word file at huminga nang malalim. Kailangan kong maka 50% ngayong araw.
"Ate, can you take a photo of us?"
"Bingi yata."
"Sungit—is she the girlfriend?"
Binuksan ko iyong Instagram para i-check ulit iyong sa description. Mas maganda na makita ko ulit para mas vivid iyong isusulat ko na description.
"Tapos na?" tanong ko nang mapansin ko na nasa harap ko na ulit si Austin Archangel. Bahagyang naka-kunot ang noo niya.
"Sorry about that."
"Bakit?" tanong ko. Akala ko sanay na siya dahil hindi niya naman pinapansin kapag may tuma-tawag o nagpapa-picture sa kanya sa school o kapag may kumu-kuha ng picture niya without his permission sa labas.
"Nothing," sabi niya. "So, you're okay here?"
Tumango ako. "Thank you sa hot choco."
Tumango rin siya. "No problem," sabi niya. "Uh... thanks for accompanying me today, Karaminah Viel."
Tipid akong ngumiti. "No problem, Austin Archangel."s
**
This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch). For those asking, you can use Gcash/Paypal/Paymaya/Credit Card as a mode of payment for Patreon. Just request for your digital card via Gcash app.