He Who Conceive |โœ”

By AmorevolousEncres

1.7M 60.8K 8.2K

[BxB, MPREG] An ordinary night but turned out to be the nightmare of Makaio when unexpected thing happened. H... More

HE WHO CONCEIVE
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER 1
SPECIAL CHAPTER 2
Thank You!
Characters

CHAPTER 6

41.4K 1.7K 239
By AmorevolousEncres

Chapter 6


Kai Pov

Sa gabing iyon ay umiyak ako ng umiyak hindi ko kasi matanggap ang sinabi sa akin ni papa. Hindi ito pwede lalaki ako kaya papaano ako nabuntis? Tapos isang beses lang naman siguro ang nangyari sa amin ni Priam. Pumasok sa isip ko ang mukha ni Priam. Naiumpog ko ang ulo ko sa unan ko. Dahil ito sa kanya. Pero naisip ko... kasalanan ko rin. May kasalanan din ako dahil kung hindi ako pumunta doon wala sana ito. Kundi dahil sa kagustuhan kong makaalis dito sa bahay ay hindi sana ako magkakaganito.

Pero hindi ko naman alam na may mangyayari pala sa amin at si Priam pa! Tapos hindi ko rin alam na maaari pala akong mabuntis, na isa pala akong bearer. Noon sa klase namin nung highschool ay may narinig akong kwento sa teacher namin na may mga lalaki daw na pupwede daw'ng mabuntis pero tinawanan lang namin iyon. Dahil alam kong imposible na mabuntis ang mga lalaki. Sabi ng teacher namin bearer daw ang tawag sa mga lalaking may kakayahang magdalang tao. Minsan din daw ay tinatawag itong mga blessed man o miracle man pero mas kilala ang mga lalaking nabubuntis sa tawag na bearer. Pero isang araw daw ay pinagpapatay ang mga bearer pagdating ng mga espanyol sa bansa noong 1521 dahil mga anak daw sa demonyo ang mga lalaking ganoon. Dahil ang babae lang daw ang may kakayahang magbuntis.

Kaya mula noon nagtatago na daw ang mga bearer at kapag nahuhuli daw ay walang awa itong pinagpapatay na parang mga hayop. Kaya mula noon ay unti-unti nang nawawala ang mga bearer at naging tahimik na ang mga ito hanggang sa kasalukuyang panahon ay parang naging mitolohiya o gawa-gawa na ang mga bearer.

Hindi ko alam na ako pa mismo ay isang bearer. Tapos ako ay isang anak ng isang bearer. Si papa Gino ay isang bearer at ako ang naging anak niya. Hindi pala totoo ang sinasabi niya na namatay ang ina ko sa panganganak sa akin. Alibi niya lang iyon.

"Makaio, hindi... hindi totoo na namatay ang ina mo dahil sa panganganak niya sa iyo." Ani ni papa matapos niyang sabihin na maaari daw akong mabuntis.

Pinalis ni papa ang luha sa pisngi niya at ngumiti sa akin. "Siguro dapat mo nang malaman Kai na... na isa akong bearer. Ako ang nagbuntis sa iyo, Kai at ang nagdala sa iyo sa loob ko ng siyam na buwan."

Tinanong ko si papa kung sino ang ama ko pero sabi niya ay isang koryano daw. Hindi rin niya naman sinabi sa akin kung ano ang pangalan. At hindi ko na rin pa inungkat iyon dahil ang nalaman ko ngayon ay halos ikamatay ko.

Gusto kong sisihin din si papa na hindi niya sinabi sa akin ang katotohanang ito dahil kung siguro alam ko ito baka hindi ito nangyari. Pero wala na akong magagawa. Nandito na. Hindi pa man kumpirmado pero alam ko na... nararamdaman ko na na buntis ako. Dahil sa mga nararamdaman kong mga sintomas. At sa kasamaang palad maaaring si Priam pa ang ama. Siguro tamang sabihin na siya talaga ang ama.

Ngayon ay nasa harap kami ni papa sa isang obstetrician clinic. Malapit ng mag alas otso at kinakabahan ako dito sa labas ng clinic. Katabi ko si papa. Hinihintay kasi namin ang obstetrician maaga kasi kaming bumyahe dito ni pala. Pagkaalis sa bahay nina Jia at tita Jade ay umalis din kami ni papa at pumunta dito sa clinic.

"Wag kang kabahan anak." Si papa at hinawakan ang kamay ko.

Tumingin ako kay papa na ngayon ay pilit akong nginingitian.

"Alam kong mahirap tanggapin iyan anak. Pinagdaanan ko iyan pero kinaya ko. Kaya nga gusto ko na bantayan ka, kaya ayaw kong umalis ka ng bahay pero nangyari pa ito. Nangyari pa ang kinakatakutan ko. Ayaw ko na magaya ka sa akin Makaio pero nandya-dyaan na iyan... kung... kung gusto mong ipakuha iyan hindi kita pipigilan anak."

"P-pero pa wala pa naman pong kasiguraduhan na buntis ako."

"Sa sinabi mo at nasaksihan ko kahapon anak. Sapat na iyon. Sapat na iyon para masabi kong buntis ka nga..."

Kagabi habang nagmumuni-muni ako pagkatapos kong umiiyak ay naisipan ko rin na ipakuha ang buhay na nadidito sa akin t'yan kung meron man. Dahil ayaw ko naman nito. Hindi naman talaga dapat ito.

Nang dumating ang isang lalaking oby-gyn ay agad kaming pumasok ni papa. Kami kasi ang unang kliyente  niya.

"Gino, sorry natagalan ako." Anang ng matandang lalaki pero kahit na matanda siya makikita mo talaga na sa kabataan niya ay marami rin siyang pinaiyak na babae.

Nagkaharap kami ni papa ngayon na nakaupo sa harap ng mesa niya.

"Ayos lang Rain."

Kumunot ang noo ko dahil kilala nilang dalawa ang isa't isa. Kakarating lang namin pero magkakilala agad silang dalawa.

"Anak siya si Dr. Rain Castillo siya rin iyong doctor ko noon." tumingin si papa kay Dr. Rain. "Rain anak ko si Makaio."

Napatango ako at tipid na ngumiti kay Dr. Rain at ginantihan din niya ako ng ngiti

"So, what brings you here Gino? After 2 decades ngayon lang kita nakitang tumapak ulit dito." Natatawa pang puna ni Dr. Rain. Saka umupo sa swivel chair niya.

"Naging busy ako Rain... saka nandito ako dahil..." tumingin sa akin si papa. "Gusto kong ipa-check ang anak ko."

Napatingin sa akin si Dr. Rain. "Don't tell me... he is also... a bearer like you."

"I think he is Rain. Kaya nga nandidito kami."

Binigyan ako ng PT ni Dr. Rain kaya napatanga ako sa kanya at hindi matanggap ang PT na nasa palad niya. Gagamit ako n'yan?

"Kunin mo, Kai. Gamitin mo."

"D-doc-"

"Use it pumunta ka sa cr, read the instruction and do it. Right after we'll do some tests."

Nangangatal ang kamay ko na tinanggap ang PT sa kanya. Tumingin ako kay papa bago tumayo.

"Sige na anak. Maghihintay ako dito." Si papa.

Agad akong pumunta sa cr at ginamit ang PT. Napapikit ako ayaw kong tingnan iyon. Kaya lumabas ako sa cr at binigay ang PT kay Dr. Rain.

"Hindi mo tiningnan?"

Tanong niya sa akin. Tumango ako.

"Hmm, come on wear this and lay on the bed." Then he gestured his head sa isang kama na nandidito sa loob ng clinic niya.

Tahimik kong sinusunod lahat ng gusto ko Dr. Rain. Wala akong angal sa kung ano man ang ginagawa niya sa akin.

"So, Gino na inherit nga ni Makaio ang pagiging bearer mo. He is 17 days pregnant."

Napahawak ako sa t'yan ko. May buhay na nga sa sinapupunan ko. Hindi ko inaasahan ang pagtulo ng luha ko. Habang kamay ko ay ang hawak ang tiyan ko.

"Gino, Makaio, I will not suggest an abortion pero alam niyo naman siguro na delikado ang mga bearer sa mata ng mga scientist nowadays. I'm afraid of your son's life, Gino."

Tumingin ako kay Dr. Rain na malungkot akong tinitingnan.

"What do you mean, Rain?" Tanong ni papa magkaibigan pala silang dalawa kaya natural lang sa kanila ang tawagin ang isa't isa sa kanilamg pangalan.

"Gino, based on what I've heard sa mga colleagues ko dito some doctors and scientists are hunting the bearers for studies. Well, it's confidential actually and it's only between as doctors pero sinasabi ko ito sa iyo Gino," tapos tumingin sa akin si Dr. Rain. "At sa iyo Makaio dahil malapit kayo sa akin."

"That's why it's either you, Makaio will abort the child or you'll hide." Dagdag ni Dr. Rain.

Kung kagabi ay naisipan kong ipakuha ang buhay na nandidito sa tiyan ko pero ngayon na nakita ko siya sa monitor kanina kahit ma hindi pa talaga baby iyon. Parang may parte sa akin na mapukaw. Parang nabuhayan din ako.

"A-ayaw ko pong ipakuha ito."

Nakita kong pati si papa ay nagulat sa disesyon ko. Gusto kong palakihin ang bata na nandidito sa akin. Kagaya ng pagpapalaki ni papa Gino sa akin.

"Anak..." nululuhang saad ni papa sa akin.

"Pa, gusto ko. Gusto ko po itong palakihin. Ikaw nga pa napalaki ako. Gusto ko rin po iyon sa anak ko." Muli akong napaluha. Tumayo si papa at niyakap ako.

"I'm so proud of you anak."

"Well, congrats Makaio. I hope you'll be a good father and mother to your child, just like your father... all I can say is stay strong and be brave. Hindi madali ang pagbubuntis ng mga bearer. Kagaya ng sabi mo kanina na naglilihi ka na. That's given dahil base sa nabasa ko, men pregnancy is really sensitive than women. At ang paglilihi ng mga bearers ay mas matagal mawala than women, too. And of course take good care of your body well dahil may buhay ka na ring dinadala. Saka wag ka ring magpapagod masyado. Rest well."

Habang nasa byahe kami ni papa ay panay ang hawak ko sa tiyan ko. Hindi ko talaga aakalain na may buhay na dito. Masaya ako. Sobra. Oo nga't hindi ko ito gusto noong una pero ngayon iba na.

"Anak, kailangan mong lumayo dito sa syudad. Kailangan mong magtago kagaya ng sabi ni Rain." Wika ni papa habang nagmamaneho.

"Magtatago ako pa. Maghahanap ako ng lugar kung saan malaya akong magbuntis at mapalaki ang anak ko."

Pinisil ni papa ang kamay ko.

"Nakakahanga ang tapang mo anak."

Continue Reading

You'll Also Like

3M 41.6K 44
Tattoo artist Kael Romano likes it rough, wild, and dirty-no strings attached, just pure pleasure of the flesh. But his life of degeneracy takes a su...
Love Fools By Cher

General Fiction

37.3K 1.4K 20
Hoping for a fresh start in life, Elmeera Ruiz finds herself pretending to be Yohan Consunji's girlfriend and uses it to her advantage. But when she...
27.7M 1.1M 109
Escaping from his responsibilities as a future duke, Terron Dashwood moves to the Philippines, hoping to live a simple and humble life. But when he c...
2.3M 36.4K 66
Losing her memories in an accident, Savannah Fonacier woke up unable to trust the people around her and with an unexplained attraction for her "twin"...