Kabanata 136:
Call
Nakita ko ang pagtitiim bagang ni Acid sa narinig mula sa guard. Napasinghap ako ng bawiin niya ang kamay sa akin. His eyes were sharp as he look around and before he can even see Jerwin who's watching us here, I pulled his wrist.
Salubong ang kilay niya ng lumingon sa akin. Nagtataka at iritado sa ginawa ko. Pinandilatan ko siya, muling hinawakan sa palapulsuhan at bahagyang kinurot. I heard him whimpered and hissed.
"What the fuck?" singhal niya at akmang babawiin muli ang kamay sa akin ng higpitan ko ang pagkakahawak ng kamay sa kanya. Mas lalo siyang naging iritado roon pero hindi ko na pinansin pa ang magiging reaksiyon niya.
Hinarap ko ang bodyguard. I can feel the piercing sharp stare of Jerwin here and I composed myself when I look at the bodyguard who's seriously examining us. Pasimple ko ring nilibot ang tingin at may nakitang ilang bodyguard pa sa labas na para bang nag-aabang.
Damn it, parang inabangan si Acid rito huh.
Nalaman na ba nila ang tungkol kay Ma'am Feronia at kay Acid?
Paano nila nalaman? Maingat naman sila sa pagtatago. But I shouldn't underestimate Jerwin's capability. Hindi siya kakatakutan ng iilan kung hindi siya makapangyarihan.
"Uh hindi siya puwede ngayon. Nagmamadali kami sa lakad namin." sagot ko sa bodyguard at ngumiti pa. Nagpupumiglas pa rin si Acid na para bang diring diri siya na hawakan ako. Hindi niya alam na napipilitan lang rin akong hawakan siya kahit na ramdam ko na ang mabigat na paghinga ngayon.
Para hindi siya makawala ay tinanggal ko ang pagkakahawak sa kanya at pinulupot na lang ang kamay sa braso niya. Yinakap ko iyon at hinilig ko pa ang ulo sa balikat niya. I gritted my teeth when he muttered something under his breath.
Kumunot ang noo ng bodyguard sa amin.
"Saglit lang 'to Miss. Kanina pa namin hinahantay si Mr. Morillo at hindi siya puwedeng umalis hangga't hindi hinahayaan ni Sir Jerwin na pakawalan siya." my lips went in a straight line. Seryoso akong tumingin sa mga bodyguard.
I examine their body built. Wala na akong trangkaso at mabuti na talaga ang pakiramdam pero baka bumalik iyon kapag nasobrahan ako sa paggalaw mamaya. I can turn down ten to fifteen men. Mukhang ganoon lang naman ang bilang nila ngayon. I am just preparing myself if the circumstances will shifted into a bad one.
Sa ngayon, kailangan idaan ko muna ito sa kalmadong paraan para maiwasan iyong naiisip ko.
"Hindi talaga puwede. We're going to be late on our---" natigil ang pagsasalita ko nang may marinig na mga hakbang papalapit. I saw Jerwin on my peripheral vision, striding his legs towards us and I feel Acid presence become more cold.
I have this feeling that once they face each other, something bad will occur. Para bang dalawang bagyo na magkasalubong at sabay na maghahagupit. My lips twitched.
Lumabas lang naman ako para alisin ang pagkaboryo at ang inaasahan ko ay makakain ako ng matiwasay pero bakit dinala ako sa ganitong sitwasyon?
"Sir, iyan po iyong nakita sa video na kasama si Ma'am noong huli namin siyang makita roon sa Isla." bulong ng bodyguard sa kanya ng ilang hakbang na lang ang layo niya sa akin.
Shit! They saw Acid and Ma'am Feronia together?
I straightened my back when he nodded to the bodyguard and face us.
Pinisil ko ang braso ni Acid para senyasan siya na huwag magkamali. His eyes were blank and he's looking at Jerwin coldly. Mas mabuti na siguro na ganoon ang ekspresyon niya kaysa matalim ang tingin niya kay Jerwin.
They both don't have a long patient, kaya alam kong kahit sa matalim na tingin ay hindi sila matagal na makakapagpigil at baka mangyari na nga ang iniiwasan ko.
"Good evening for the both of you. Can I talk to you Mr. Morrilo?" diretsong sinabi ni Jerwin. He's standing mightily in front of us. Bahagya siyang matangkad kay Acid dahil na rin sa edad niya. Kaya nakatingala kaming pareho ni Acid sa kanya.
His eyes were gloomy and it's implying a bad omen for our night. Sumulyap siya sa akin saglit, pero hindi ganoong lubos na pinagtuonan ng pansin, at binawi agad ang tingin. Tumuon ngayon kay Acid.
Para bang wala siyang interes sa akin ngayon, kahit noong nakaraan lamang ay sinadya niya pa talaga ako sa school. His eyes were focused on Acid now.
Acid is also not leaving his eyes on him. Nakatitig sila parehas sa isa't-isa ngayon. Tumingin ako kay Acid.
"Sorry Sir Jerwin but we really need to leave now, may kailangan pa kami ni Acid na puntahan na mahalagang bagay." sabi ko sa kanya at bumaling kay Acid. Masama ang tingin niya sa akin.
His eyes were screaming disapproval of me holding him. Kinausap ko siya gamit ang mga mata pero inognara lamang niya iyon na nagpalaglag ng panga ko.
"I want to talk to him too." Acid said that make my jaw dropped. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ng braso sa kanya at gusto ko na ring ipulupot ang kamay sa leeg niya sa sinagot niyang iyon. I gritted my teeth. Dinaan ko na lang ang galit ko sa pagtawa.
"Are you sure?" tanong ko sa kanya at bahagyang mariin ang pagkakabigkas noon dahil nawawalan na rin yata ako ng pasensiya sa kanya.
"Yeah." tamad niyang sagot. I can feel his want to snorted but he just stop himself. Kapag ginawa niya iyon ay baka hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko.
"This is going to be just a short conversation with him. I'll just ask him a few questions. Papakawalan ko rin naman kapag... nasagot niya ang lahat ng mga tanong ko." ani Jerwin na nagpabalik ng tingin ko sa kanya.
"And could you please leave us alone?" dagdag niya pa na bahagyang kumislot ang kilay ko para tumaas pero pinigilan ko lamang sa sarili.
"Leave us alo---" pinigilan ko na agad si Acid sa akma niyang sasabihin. Is he out of his mind? There's no way I will leave him alone with Jerwin! Kapag ginawa ko iyon ay parang hinayaan ko lamang si Acid na tumalon sa bangin.
"You can't leave me Acid." mariin kong bigkas at kinurot na ang tagiliran niya. He glared at me so bad like he wants me to suddenly vanish on his eyes. I equal his stare.
Hindi nagpapatinag roon. Ang dami ko nang iba't-ibang taong nakatitigan na mga madilim ang mga mata at puno ng intensidad. Walang wala siya sa mga taong dumaan sa akin.
"It's a surprise to see you're together here." si Jerwin na pumagitna sa amin. I inhale a breath to calm myself.
"I am surprised to see you here too, Sir. I am not expecting to see yoy on this simple resto bar since you're an elite." saad ko at tumitig siya sa akin. Bahagyang kumislot ang kilay at mga mata na para bang hindi na rin niya nagugustuhan na narito pa ako.
I ignored that reaction from him.
"Nangangalay na ako sa kakatayo. Let's sit on my table. Bakante pa iyon." nakahinga ako ng maluwag nang hinayaan niya na akong sumama sa usapan nila kahit na kitang kita ko ang lubos na di pagsang-ayon roon ni Acid.
Kahit na ganoon ay hinila ko pa rin siya para sumunod kay Jerwin na nauna sa aming maglakad. Sa likod namin nakasunod ang mga bodyguard, para bang binabantayan ang bawat kilos naming dalawa.
I am expecting that Acid won't pull a chair for me, pero pinandilatan ko siya at hinawak ang kamay niya sa silya para hilahin niya iyon.
May plano na ako sa isip, I need his cooperation!
"Psh " he sneered when I sat on the chair, na kunyaring hinila niya para sa akin.
"Thank you!" I smiled to him sweetly and he just look at me with disgust.
Gusto kong tumingin rin ng ganoon sa kanya pero napalingon na sa direksiyon namin si Jerwin. Umupo na rin naman si Acid. Katabi ko siya sa parisukat na lamesa at katapat namin si Jerwin na pinagsalikop ang kamay. Habang kaming dalawa ni Acid ay nasa kandungan nilapat ang kamay.
I don't want to put it on the table. Jerwin will just noticed my reaction on my fingers movement. Nilapag ni Acid ang paper bag na sa tingin ko laman ng tinake out niyang pagkain.
"I just want to ask how closed you are to Feronia? You two are spotted together by one of my men in the island were she had her vacation." ani Jerwin at pinaglaruan ko ang mga daliri sa kandungan. Hindi na nakatingin si Acid sa akin ngayon, diretso ang tingin niya kay Jerwin kaya bahagya akong tensyionado sa salitang isasagot niya roon.
"We had a vacation there too and we're not expecting to see her in the same island." my brow shut up on his answer. I relieved a bit. May waiter na lumapit at pinagsalin ang bawat kopita na nasa harap namin ng red wine. I look at how the wine poured in my glass. I saw my reflection on it.
"Really?" Jerwin ask and I don't know why there's an urgency on his question.
"You're seen too inside her room, do you think that's still an accidentally met on your teacher?" I reach for my glass to drink the wine to ease my chest that is full of tension now. I look at Acid while drinking.
Hindi agad siya nakapagsalita roon na para bang tinitimbang pa sa isip ang mga salita na bibigkasin niya. I am looking at him that he glanced on my side. Mabuti naman at nag-iisip rin siya bago magsalita.
Napapalibutan kami ngayon lahat ng bodyguard dalawa. We're trap and one wrong move is a big no.
"I just help her carry her things that time. Since she knew me as her student, she ask me to do it. Bakit pa siya mag-uutos sa iba kung naroon ako na kakilala niya. Afterall, he won't let some stranger step inside her room, unless... she knew it." Acid said. My heart is pounding. Simsim lang sana ang gagawin ko sa wine kaso masyado na akong tensiyonado na nainom ko na iyon at naubos pa.
Acid look at me. He creased his forehead as I gulp the wine. Kasalanan niya 'to! Nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa tensiyon sa isasagot niya. Mabuti naman at nasa matino siyang pag-iisip ngayon.
"As... her student. Right, as her student." Jerwin said and nodded. He sipped now on his wine too. Pinaglaruan niya pa iyon sa kamay niya at pinagmasdsn ng mga mata ko ang pag-alon ng alak roon sa babasaging baso.
It even sparks because of the lights from the chandelier above us. Hindi ako makasingit sa usapan nila, dahil pakiramdam ko hindi pa tamang pumagitna ako. Tumingin si Jerwin sa paper bag na nasa harap ni Acid ngayon.
"I can smell the chicken barbecue here, I remember Feronia. That's her favorite food and she always craved for it." an intense emotion cross on Acid's eyes. Humigpit ang hawak ko sa wine glass. I think this is the right time to speak now.
"Well, I love chicken steak too. That's why Acid take it out for me." ngumiti ako ng pagkatamis-tamis. Binubura ng pilit ang nililikha niyang tensiyon sa pagitan nilang dalawa ni Acid ngayon.
Acid's forehead creased a bit.
Tahimik lamang si Acid pero alam kong sa loob-loob niya ay sobra na siyang nagpipigil ngayon sa mga naririnig kay Jerwin.
He should control his self harder and have his patient long. Jerwin is testing him, provoking him so he can see a reaction that will make him confirm on something. At hindi ko hahayaang mangyari ang gusto niya. Kaya siguro dinala ako ng mga paa ko rito, dahil alam na narito si Acid ngayon.
I just can't imagine what's happening now if I just didn't came here. Ayoko na ring isipin at baka sumakit pa ang ulo ko.
"Really? How's sweet. Feronia used to be sweet to me too. She always cooks my favorites on dinner, welcome me by a warm hug everytime I went home, kiss me every night before we fall asleep and I know you can tell what married couple do to their special nights." humigpit ang hawak ko sa wine glass sa narinig.
I saw how the veins in Acid's arm protrude when he balled his knuckles into fist in his lap. His jaw clenched. Dumaan ang galit sa mga mata niya at alam kung subok na subok na talaga ang pagpipigil at pasensiya niya.
Ang pinaglaho kong tensiyon kanina ay mabilis na nakabalik at puno na iyon ng intensidad ngayon.
"Acid " tawag ko sa kanya at hindi na napigilang hulihin ang braso niya. I caress his arm to calm him down. Kapag napigtas iyon, hindi magiging maganda ang resulta.
"Why you look suddenly mad?" Jerwin ask and a playful smirk is plastered on his lips. I gritted my teeth in irritation. Halatang sinasadya niya itong mangyari.
"We had a fight that last for a week. Ngayon lang nagkaayos at iyon mga bagay na nabanggit mo, hindi namin nagawa kaya siguro nagtatampo." muntik nang umasim ang mukha ko sa sariling pinagsasabi. Kinagat ko na lang ang pang-ibabang labi para pigilan iyon.
Acid is breathing massively and I can feel how his chest move up.
"Are you two...?" nagtaas ng kilay si Jerwin sa amin. This is what I want him to think about us! I'm not dumb to notice na pinagdududahan niya si Acid kay Ma'am Feronia at para tanggalin iyon sa isip niya ay ito ang gagawin ko.
Hindi ako nagsalita roon. Ngumiti lamang at humilig sa balikat ni Acid.
Dahan dahan na kumalma ang paghinga niya at napanatag rin ako kahit papaano. Bumalik na ako sa puwesto ko ng huminahon siya. Jerwin is watching us.
"I really miss Feronia that I am asking you some questions to gain information that will lead me to her. I miss my wife so much. I miss her voice, hugs and.... kisses. I miss her on seeing on my bed too." I wanted to scream my disgust on his words but I stop myself hard even my lips are already trembling because of him.
Kita ko ring nanginginig na ang kamao ni Acid at hinawakan ko ang kamay niya.
"I'm sorry Sir about Ma'am Feronia. Kung alam lang talaga namin kung nasaan siya, pero wala talaga. The last time I saw her is in the island too." I said in my low and sad voice. Nakatingin siya sa akin ngayon, diretso sa mga mata ko na para bang may mahahanap roon.
I mask a straight face expression now and I'm confident he won't read anything on it.
"I know she will come back to me too." ani Jerwin. Wala na ngayon ang naglalarong ngisi sa labi at mariin at seryoso ang tinig.
Hindi ko alam kung pagbabanta ba iyon sa aming dalawa, pero hindi ako nagpatinag sa paraan ng matalim niyang pagtitig.
That was his last words before he let us leave. Nagmartsa kami palabas ni Acid at nagtagumpay akong dalhin siya sa lobby ng condominium para doon kami nakapag-usap. Pabalya niyang binawi ang mga kamay ng malayo kami sa paningin ng mga bodyguard ni Jerwin.
"I don't want to hold you." he snorted and I arch a brow. Kanina pa ako nagtitiis sa kanya at ngayon hindi ko na matatagalan pa ang masahol niyang ugali.
"I feel the same way pero kailangan kong magtiis! Umayos ka at huwag umaktong mayabang dahil kahit titigan mo ng masama si Jerwin nang magdamag, hindi mo siya kaya." I said sternly. His brows furrowed.
"Tss, shut up." mas lalong lumalim ang gatla sa noo ko. He tore off his eyes on me snobbishly.
"Don't use that arrogant tone to me. Totoo naman. Anong gagawin mo? You'll run like a defeated cat to Kuwai to ask for help?" nalukot ang mukha niya at galit na bumaling sa akin ngayon.
"What did you say?" he ask and step closer to me. Humalukipkip lang ako ng lumapit siya sa akin. The looks on his eyes is asking me to fight with him. Tumawa lang ako roon at mas lalo lamang siyang nagalit.
"Do you think I won't do anything to you because Kuwai have feelings for you?" he ask and I laughed more.
"I am not scared on you either. Sa tingin mo rin ba hindi kita papatulan dahil kaibigan ka ni Kuwai? Gawin mo kung anong gusto mo, basta at hindi mo pagsisihan sa huli." he look stunned on my words, like he's not expecting for me to say it.
Ismid lang ang sinagot niya roon. Taas noo akong tumingin sa kanya. Nakahalukipkip pa rin ako.
"You'll be a father soon, can you please be responsible even a little bit?" I said to him seriously. Nag-angat siya ng tingin sa akin.
"If you really love Ma'am Feronia and your baby, you won't be impulsive and let your mind take control over your body. You'll think before you do action, because one mistake is equal to your death." I said in my stern voice while looking straight on his eyes. Hindi siya sumagot roon.
Lumayo na ako sa kanya ng maramdaman na kakapusan na ng hininga dahil sa pag-atake na naman nitong phobia.
"Tss, I'll call Kuwai." suplado niyang sinabi at agad na nagsalubong ang kilay ko sa pangalang nabanggit niya bigla. Tumalon ang puso.
"H-Ha? Bakit?"
"You're chasing your breath. You're not fine." he ask and I was stunned that he notice my state now. Akala ko wala siyang pakialam sa akin. Lumanghap ako ng hangin para pakalmahin ang sarili.
"You're concern?" I try to tease him while calming down myself and he just rolled his eyes on me.
Doon ko lang napagtanto na sa ilang buwan ko nang nakikilala ang last section, ngayon pa lang yata kami nakapag-usap ng ganitong kahaba na kami lamang dalawa.
"Don't call him. Narito na ako sa condo. Uuwi na rin ako." sabi ko sa kanya. Why would he even call Kuwai? Nakalimutan niya na ba na hindi nga kami nagpapansinan ng tao?
"That's why I am calling him. You're alone in the condo. Aalis na rin ako dahil hinahanap na ako ni Feronia. Iuuwi ko pa ang pagkain sa kanya." mahinahon niyang sagot na nagpagulat sa akin.
"I can handle myself."
"I already sent my text that you're chasing your breath and he needs to come to you quickly." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Tumalikod na siya sa akin.
"Hindi pa ako mamatay! Bakit iyon ang sinabi mo?!" singhal ko sa kanya.
"Para mabilis siyang dumating. Sigurado akong nagkukumahog na iyon patungo rito." aniya at nalaglag ang panga ko roon. Inis ko siyang pinagmasdan hanggang sa makalayo sa akin.
I sigh heavily. Napasapo ako sa noo. Pumasok na rin naman ako sa condo dahil malamig na sa labas. My tummy grumble when I step inside the condo. Hindi pa ako nakakain ng dinner at wine pa ang ininom. I think I will just prepare a food for myself.
I open my ref to check on what I can quickly cook. Nagugutom na rin talaga kasi ako. Puwede na rin siguro ang prito. Mabubusog na ako doon. I was about to bring out the bacon and nuggets on the ref when I heard a knock on my door.
Napatalon pa ako sa gulat dahil roon. My heart pounded when I remember Acid call....him.
I'm certain he's the one who's knocking now. My breathing faltered on the thought of him... being here.
Bakit siya pupunta? Hindi ba at galit siya sa akin?
Nabitawan ko ang pinto ng ref at sinara na lang iyon nang lumakas ang katok. Bawat hakbang ko papalapit sa pinto ay ang pagdoble ng kabog ng puso ko. I swallowed hard. Humugot ng malalim na hininga bago silipin ang peephole.
My whole body shuddered when I saw his very familiar dark and intense eyes in front of my door.
My chest heaved and even I'm already expecting this, I am still surprise. The door creak as I slowly open the door. Maliit na siwang lamang ang ginawa ko, para marinig niya ang tinig ko. Hindi ako sumilip roon at nakahilig lamang ako sa pinto.
Why I can still feel the anxiety effect on my body? Si Kuwai itong kaharap ko, bakit nararamdaman ko pa rin.
Hindi niya naman ako sasaktan. Inalo ko ang sarili dahil nasasaktan ako na ganito ang nararamdaman ko sa kanya ngayon.
"Bakit ka pumunta?" mahina kong tanong sa kanya. Nakatitig ako sa kamay kong nasa harap. Pinaglalaruan iyon para mawala ang nginig. I can't open the door widely, baka... magawa ko rin sa kanya iyong nagawa ko kay Helix noong nakaraan.
Nadadagdagan na naman ang guilt ko sa dibdib.
"Acid text me... you're chasing your breath. Sa tingin mo hindi ako pupunta huh?" aniya sa mariin na tono. I thought he's going to push the door to step here inside pero hindi niya ginawa na lubos kong ikinagulat.
He sound so worried and frustrated and yet, hindi niya tinulak ang pinto para pumasok. May pagpipigil sa tinig niya.
"Galit ka sa akin." sagot ko. My tears suddenly rolled down my cheeks and I bit my lower lip to stifle the sob. Ramdam ko ang garalgal sa lalamunan ko.
Saglit siyang hindi nagsalita at pinakinggan ko lamang ang mabigat niyang paghinga dito sa kabilang bahagi. Para bang ang layo ng tinakbo niya na ganoon na lang siya kabigat huminga.
"How many times do I tell you... it's impossible to get mad on you for a long time." he said and his breathing is suddenly turning calm. Hindi ako nakapagsalita dahil tulala roon.
"Bumalik ka na... sa mansiyon." aniya na nagpagulat sa akin. Umawang ang labi ko sa sinabi niya. My body tremble again.
Saglit pang hindi nakapag-isip ng isasagot dahil gulat talaga ako.
"No..." I said.
"You're alone here... walang titingin sayo." sa marahan niyang tinig sinabi. Nahinto ang mga luha ko sa pag-agos.
"Ganoon rin naman ang sitwasyon ko, noong hindi ko pa kayo kilala. Mas malala pa dito ang nangyari noong mag-isa ako at kinaya ko naman." sagot ko. Huminga siya ng malalim at muling binalot kami ng katahimikang dalawa.
"I wanted to s-stay here." I said and my hold on the knob tightens.
"Alright then, but let me stay here too for a while. I wanted to check on you. Kahit dito na lang ako sa pinto."