56: I RECEIVED A LETTER FROM AN ENGINEER

8 2 0
                                    

"Tone down your voice, young lady. How dare you na utusan akong maghugas ng plato? Hindi mo ba alam na asawa ako ng engineer, CEO at abogado?" Ate suppressed a sarcastic smile while she's making fun of me. Ewan ko ba dito, simula no'ng nag-break sila ng boyfriend niya, panay utos na siya sa'kin.

"Mangangarap ka na nga lang, suntok pa sa buwan. Tanggapin mo na kasing tatanda ka nang dalaga."

Magpo-protesta pa sana ako nang may motor na bumusina sa tapat ng gate namin na kaagad ko namang pinaunlakan. Inirapan ko pa muna siya sabay pormal na naglakad palabas.

"Good morning ma'am Valentine. I have a good news for you," nakangiting tanong ni kuya Luther, kilala ko na siya dahil madalas siyang napadpad rito dahil isa siyang mensahero. Kadalasan, si ate ang napapadalhan ng sulat pwera lang ngayon na para bang may ipinahihiwatig siya sa'king ikasasaya ko.

Dahan-dahang sumisibol ang tuwa sa loob ko sa pag-asang may sumulat na nga para sa'kin.

"Ito na po ang future mail niyo ma'am. Makikipirma na lang po nitong confirmation." Hindi pa man siya nakakakatapos magsalita ay agad na akong naglulundag sa saya.

Dali-dali kong pinirmahan iyon habang todo pasalamat kay kuyang pogi. Ibinida ko naman kay ate ang hawak kong sobre na halos agawin niya pa sa'kin.

Future mails are spreading everywhere, these are letters coming from either your future self or soulmate. I waited for this for a very long time and I almost lose my hope, thinking about uncertainties if there's still a future waiting for me.

"Take care Valentine..."
-Engr. Levi Ramirez

Dahan-dahan ko iyong binasa nang paulit-ulit hanggang sa mapako ang paningin ko sa sender nito.

I held my breath, still in control of myself knowing that my long-time crush Levi has something to do with my future.

Is this really happening?

Magkakaasawa na talaga ako ng isang engineer?

"Bye ate! I'm getting married!"

"Wow, sana all!"
"Juicemother legit nga!"
"Don't you dare na sirain yung blue print niya bhie, baka ibalibag ka bigla!"

Pinagkakaguluhan na 'ko ng mga estudyante nang i-flex ko sa kanila ang natanggap kong letter. Halos lahat sila ay hindi makapaniwala dahil ako ang kauna-unahang nakatanggap ng ganitong klase ng sulat na pinapangarap ng lahat.

I'm enjoying the scene as if I had won something impossible to achieve. Iniisip ko pa lang kung anong motif ang gagamitin namin sa kasal at paano kami gagawa ng sariling pamilya ng crush ko, nag-uumpisa na namang kumabog ang dibdib ko.

"What's going on here?" The authority in Levi's voice had its effect upon the gathering students. My eyes fairly glittered as he spoke, and I put my right hand over my heart while giving him the letter I received yesterday.

I never breathed a word as I surveyed his reactions while he's reading that piece of parchment.

"Unbelievable..." iyon lang ang nasabi niya sabay tingin sa mga mata ko. "Do you really believe on this?" I'm was taken aback with his sudden question.

"O-Oo naman..." confident ko pang sagot na ikina-laki pa ng kaniyang mapupungay na mata. "Ikaw ba? Naniniwala ka ba diyan?" Umugong ang malalakas na kantiyawan ng mga ka-tropa niya na naging sanhi ng pagpukpok ng mga kaklase ko ng mga upuan buhat ng kilig.

Magmula noong araw na 'yon, lagi na kaming nag-uusap tungkol sa mga kung ano-anong bagay. Doon ko lang rin nalaman na bata pa lamang raw ay pagiging civil engineer na ang gusto niyang maging, pagdating ng araw.

"Oh ikaw ba? Ano bang dream mo in the near future?"

"YAYA!" Nakabalik lang ako sa reyalidad nang bumulahaw mula sa kitchen si Nish, anak ni Levi.

Isinarado ko pa muna lahat ng bintana sa kwarto dahil papasok na naman ang mga lamok bago ako naglakad papunta sa kaniya.

Maka-yaya naman 'to.

"Yaya, may grease pa yung plate oh. Paki-hugasan naman po," nakanguso niya pang sabi kaya mas lalong dumepina ang matatambok niyang pisngi na minana niya sa ama.

"Tone down your voice, young lady. How dare you na utusan akong maghugas ng plato? Hindi mo ba alam na asawa ako ng engineer, CEO at abogado?" Napatawa na lang ako nang wala sa oras dahil parang dati lang, si ate ang greatest rival ko sa mga gawaing bahay.

"Oh, what's the commotion all about?" Engr. Levi just popped out of my view. He's wearing a maroon button-down shirt and khaki trousers.

"Levi, pagsabihan mo itong anak mo ah. Tawagin ba naman akong yaya?" Sa pagkakaalam ko kasi, retirado na 'ko months ago.

Napangiti naman siya sa tinuran ko't umupo sa tapat ni Nish upang magkapantay sila ng tingin. "Nish, baby... She's no longer your yaya anymore... She's already a part of our family. Just call her Tita na lang."

"Really dad?" Tinangala pa 'ko ni Nish na tila malalim ang iniisip. " Pero sabi niya po, asawa siya ng engineer, CEO at abogado? Ang dami, tsaka nasaan yung mga anak niya Daddy?" kuryoso niyang tanong na ikinatawa naming dalawa.

Nasa ganoon kaming eksena nang makini-kinita ko ang bagong ligong si Luther na pupungay ang matang nakatitig sa'kin. Oo, siya yung gwapong mensaherong kuya pala nitong si Levi. Nalaman ko lang 'yon nang minsang mapadpad ako noon dito sa bahay nila kung saan nakilala ko siya nang husto.

Wala kaming naging relasyon ni Levi na una kong nagustuhan. Ewan ko ba, natakot lang rin siguro ako sa commitment. At doon ko napagtanto na ang feelings, malaki ang posibilidad na magbago.

Future is uncertain, it might be deceptive. We can't control everything, we can't control our feelings kasi sa buhay ng tao, maraming darating sa buhay mo. Na minsan aakalain mong siya na pero hindi pa pala. Marami kang pwedeng makilala, hayaan mo lang silang dumaan hanggang sa unti-unti mo na lang na maramdamang nasa tamang tao ka na.

"Who's talking about children?" Agad na namula ang mga pisngi ko nang halikan ako ni Luther sa noo bago itinuon ang pansin kina Levi at Nish. "At sinong maraming asawa?" Biglang baling niya sa'kin habang umiigting ang panga niya sa kuryosidad.

"Ah, biro lang naman 'yon asawa ko. Selos ka agad?" Tinapik ko pa ang braso niya habang iyon pa rin siya't malalim ang tingin sa'kin.

Pati ba naman kasi mga fictional characters pinagseselosan? Pero hindi ko naman maitatangging kinikilig ako kapag nagkakagano'n siya.

"Oh, you're dead. CEO 'yan baka nakakalimutan mo..." pang-aasar pa ni Levi kaya't tinaasan ko naman siya ng kilay.

Hindi man ako biniyayaan ng isang engineer, nagka-CEO naman ako.

Ibinalik ko ang tingin kay Luther na ngayo'y salubong na ang makakapal na kilay.

"Baby, let's talk..." My breathing started to hitch frantically as he grabbed my wrist to lead me in our room.

Ngayon lang siya nagkaganito kaya't hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Naririnig ko pa ang matunog na pagbabanta ni Levi.

"Take care, Valentine... Higpitan mo ang kapit."

PLAGIARISM IS A CRIME.
@jay.destro
Photo credits to the real owner.

That Golden Boy: Collection of Random Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon