Episode 02

307 55 92
                                    

╔═════ ∘◦ ✾ ◦∘ ══════╗

"There is no failure except in no longer trying."

╚═════ ∘◦ ❈ ◦∘ ══════╝

Episode 02


How can people be persistent with reaching their dreams despite of their obstacles in life?


"Bayang magiliw, perlas ng silanganan..."

I stood straight with my right hand on my chest. I am now staring at the flag of the Philippines, slowly raised during our flag ceremony. It has been a week ever since I've got the photo book from the waiting shed.

"Ang mamatay nang dahil sa'yo. . ." pagtatapos ng kanta at pagkumpas ng teacher sa harap. I just sang softly and silently. Nagulat ako nang biglang may malakas na boses ng teacher ang nagsalita.

"Lahat ay sumayaw ng wellness! Ang hindi sumayaw ay may minus points!" sigaw ng MAPEH teacher sa harapan kaya agad nag-ngiwian ang lahat.

Napailing na lang ako sa iba kong kaklase bago sumayaw ng kaunti. I am not fond of dancing. In fact, I hate it. Madalas akong inaasar na parang tuod kung sumayaw kaya hindi ko na talaga inuulit.

Nagulat ako nang biglang pinatay ang music ng wellness sa kalagitnaan na nagbigay ng high frequency sound sa speaker. Napatakip ako ng tenga dahil sa sakit ng tunog na galing doon. Nang mawala na ang tunog ay biglang nagsalita ulit ang teacher sa harap.

"Mr. Lacuesta and company! Bakit nagtatawanan lang kayo r'yan?!" Nakatingin ang teacher sa gawing HUMSS na pila. 

Due to curiosity, I also glanced that way, and I saw the guy who left the photo book the other week! Patuloy lang ang impit na tawanan nilang magkakaibigan kaya napatabingi ang ulo ko sa pagka-irita. 

Pinapagalitan na nga sila pero tumatawa pa rin?

"Stop laughing. You! North Theodore! Ikaw ang mag-lead dito sa harap!" naiinis na sabi ng teacher kaya nagulat ako nang tinulak-tulak ng tropa siya ng mga tropa niya.

North Theodore? North ang pangalan niya?

"Hoy! 'Wag kayo manulak! Parang mga bobo!" patawa niyang sambit sa mga kaibigan niya habang nakangiti pa rin na parang hindi pinapagalitan.

Nang makarating na siya sa taas ng stage ay biglang pinatugtog ulit ang wellness. No'ng nagsimula na siyang sumayaw ay halos magtawanan na ang lahat ng tao sa field. I bit my lower lip to stifle a smile. 

"Ayusin mo!" sigaw no'ng teacher kahit kita na natatawa na rin. 

Hindi 'yun sinunod ni North at sumayaw pa nang parang sekswal kaya napatakip nalang ako sa mata ko habang natatawa pa rin. 'Yung mga tipikal na lalaki na hindi nag-seseryoso. Hays, seniors. Sobrang loko-loko.

After his dance, he got off the stage. Before he could even go to his line again, our eyes met. He smiled at me before winking, the reason why the girls behind my back screeched with their loud voices. Kinindatan pa niya ako bago bumalik sa pila. What the hell?!

"Ako 'yung kinindatan 'di ba? Sabihin mo oo! Sabihin mo oo!"

"Ang cute talaga ni North. I'm South because opposites attract!"

Tumawa ang mga babae sa likod ko kaya napatirik na lang ang mga mata ko. Pero kusang tumahimik ang lahat nang umakyat sa stage ang president ng school.

Capturing HueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon