—JAZZ POV—
Matapos nga ang halos ilang buwan na nadidistino ako sa iba't ibang lugar para sa mahahalagang mission ay nabigyan ako ng pagkakataon na magkaroon ng short passed or temporary vacation leave sa loob ng 1-2months at depende narin kung may pag uutos si General.
Halos isang linggo narin ang nakakalipas mula ng magkaroon ako ng short passed.
Talagang sinulit ko ang 1-2months kong vacation, nagluto ako sa bahay ng mga paborito kong pagkain, nag movie marathon at nagkaroon ng time na makausap ko si Daddy through video calls. Wala na kasi dito sa Pilipinas si Daddy, nasa ibang bansa na siya kasama ang step mom ko. Pero wala naman akong issue sa step mom ko, ok naman kaming dalawa.
Kasalukuyan ako ngayon nasa Park, nag gagala mag isa.
Nang may isang batang babae ang lumapit sakin at bigyan ako ng pulang rosas, kasunod nito ang batang lalake na binigyan naman ako ng puting rosas.
Bigla tuloy ako may naalala
[FLASHBACK: 5YEARS AGO]
“Ate Jazz, may nagpapabigay po sayo.” nakangiting pagkakasabi ni Len-Len sabay abot sakin ng mga bulaklak na pinitas lang sa paligid.
“Kanino galing 'to?” pagtataka ko.
Hindi nagsalita ang mga bata at agad din nagsipaktakbuhan palayo.
Sa 'di kalayuan ay nakita ko si Elyas na nakangiti habang papalapit sakin.
“Wag mo sabihing sayo galing 'to?” tanong ko.
“Paano kung sakin nga, anong gagawin mo?” nakangiting pagkakasabi niya.
“At anong meron? Bakit mo 'ko bibigyan ng bulaklak? Malapit mo na ba 'kong patayin? Tulad ng ginagawa ng ibang rebelde sa mga bihag nila.” magkakasunod na tanong ko.
“Nagkakamali ka dahil ang mga bulaklak na yan ay simbolo ng pag ibig ko sayo.” seryosong pagkakasabi niya habang nakatitig sakin.
[END OF FLASHBACK]
“Salamat. Pero kanino galing 'to?” nakangiting tanong ko sa dalawang bata.
Agad naman sila ngumisi at saka tinuro ang lalakeng nakatayo sa 'di kalayuan.
At ng makita ko ang lalake, bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko.
At mas lalo pa nga 'tong bumilis habang naglalakad papalapit sakin ang lalake, walang iba kundi si Elyas.
At nang tuluyan na siyang makalapit sakin ay halos hindi ako makapagsalita. Hindi ko naman kasi inaasahan na makikita ko siya ngayon, dito pa sa Manila.
“Elyas, ikaw ba talaga yan? Or baka naman, nagha-hallucinate na naman ako.” pagdududa ko.
Agad naman niya ako kinabig palapit sakanya saka ako biglang hinagkan sa labi kaya nanlake ang mata ko sa pagkabigla.
“Naniniwala kana ba ngayon, First Lieutenant Jazz Vargas?” nakangising tanong niya sakin.
At agad naman ako ngumiti sakanya saka siya mahigpit na niyakap.
“I miss you.” nakangiting sambit ko habang nakayakap kay Elyas.
“Namiss din kita.” saad naman ni Elyas.
At ilang saglit pa ay kumalas narin kami mula sa pagkakayakap sa isa't isa.
—ELYAS POV—
“Ano nga palang ginagawa mo dito sa Manila? At paano mo nalaman na nandito ako ngayon?” pagtataka ni Jazz.
“Namimiss na kasi kita, hindi na ako makapag intay pa ng matagal para makita at makasama ka ulit. Kaya gumawa na ako ng paraan para magkita tayo. Naitago ko pala ang address na binigay mo sakin noon, kaya sinubukan kong puntahan yun. Pero may nakapagsabi sakin na isa mong dating kapitbahay na wala kana daw doon at lumipat kana. Mawawalan na nga sana ako ng pag asa na makita ka, hanggang sa kanina lang. Habang naglalakad lakad ako dito sa park ay nasulyapan kita.” kwento ko.
“Totoo ba yan? Baka naman nanti-trip ka lang?” seryosong tanong niya habang nakataas ang isang kilay.
“Mukha ba akong nanti-trip? At paano ko naman maiisip na pagtripan ang babaeng mahal ko?” tanong ko.
Agad naman ngumisi sakin si Jazz.
To be continue..
BINABASA MO ANG
GUNS N' ROSES (BOOK #1)
General FictionJazz was being kidnapped by New People's Army 5years ago. She was mistakenly thought that she was the daughter of Col. Lopez. Through her staying in the Mountain, NPA Commander Elyas Dominguez fell in love with her. And as the days goes by, she star...